Galing ako sa court kanina dahil may bista ako ng 8:30 am. Ang aga ko pa naman. Pagpasok sa court room, kala ko nasa lamay ako, lahat nakaitim!
Nagtatawag na ng kaso at nagbubukasan na ng kalendaryo ang mga abugado at partido. Yun pala reset ang hearing, “court holiday” daw.
Ano daw? Tinignan ko ulit ang kalendaryo, hindi naman pula ang numero ng Dec. 14. Yun pala protesta daw ito sa impeachment ni Corona.
Teka-teka, ano ang kinalaman ng kaso ko at daang-daang kasong nareset sa impeachment ni CJ Corona? Bakit pilit dinidikit ang hudikatura sa personal na impeachment case ng Kataas-taasang Mahistrado?
Naiintindihan ko ang mga hukom at empleyado ng korte sa pagsama sa court holiday, boss nila yun eh. Pero ang impeachment ni CJ Corona ay parte ng proseso ng Demokrasyang gumugulong.
Gusto mo ng Constitutional Crisis? Hintayin mong may mag file ng Petition sa Korte Suprema na kinukwestyon ang mabilis na impeachment process ng CJ. E, paano kung katigan ng mga mahistrado ng SC ang CJ nila at ideklarang invalid ang impeachment process.
Susundin kaya ng Kongreso at Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema kung pabor ito kay CJ Corona? Yan ang constitutional crisis mga kaibigan.
Meanwhile, basahin niyo ang buong impeachment complaint laban kay CJ Corona —> CLICK HERE


{ 10 comments… read them below or add one }
Base muna. =P
Bro yung bata mo si PNoy umaarangkada!
Umaariba na bro! hahaha
Jan. 16 na ang start ng tripleng harurot! =)
base? teka, ticket muna!
base. XD
may nauna na sayo pre!
interesting mga nangyayari ngayon. parang clash of the titans lang. hehe!
hay naku kung ako lang si corona resign na lang ako. alam naman niya sa simulat simula pa lang na magiging issue yang pagtanggap nya ng pwesto pinatulan pa din niya.
sabi nya gusto daw siya ma impeach ni pnoy para makapag appoint si pnoy ng new CJ na magiging hawak niya sa leeg. eh ano tawag sa pag appoint ni Gma sa kanya? halabyu midnight appointee!
lagi na lang akong late dito.
wag! walang challenge pag nag-resign siya! isa pa, magandang legal issue ito para magkaruon ng additional jurisprudence for future political events.
worse situation kung bigla mamatay c gloria..anu na kaya mangyayari sa pilipinas..hehehe
aba, let me count the ways…
1. mas magiging maunlad ang bansa?
2. mas magiging progresibo ang bansa?
3. mas makaka-move-on na ang bansa?
4. none of the above.
pili ka na lng darang22