Galing ako kanina munisipyo ng Marikina upang may i-follow-up na kaso. Nang paalis na ako ay naisipan kong kumuha ng police clearance . Dala-dala ko ang requirements tulad ng barangay clearance, 2×2 picture at cedula.
Pagdating pa lang sa “Step 1”, sinalubong na ako ng nakasimangot na babae nang inabot ko ang mga requirements.
“Xerox barangay clearance ang kailangan.”
Sabi ko, “e hindi ko naman kailangan yung original, sa inyo na lang yan.”
“Hindi xerox nga eh.” Giit niya.
“E ayaw ko na magpa-xerox, eto na nga original ano pa ang kailangan mo?”
“Ayon o!” Sabay turo ng babaeng masungit sa katabing aling nagse-xerox.
Aha! Saka ko naisip, kaya naman pala, may commission siguro siya dahil P2.00 ang bawat xerox, samantalang P1.00 lang sa labas. Isipin mo na lang ilan sa isang araw ang kumukuha ng police clearance at ganun ka-laki ang kita niya.
Kaya sabi ko, “Miss ang original na dokumento ay admissable sa korte, ang xerox hindi, gusto mo tanong natin sa mga pulis sa loob?”
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya naisip na nakabarong pala ang kausap niya. Wala siyang nagawa at tinanggap na lang ang mga papel ko.
Actually, hindi yan ang reklamo ko kundi ang sumunod na nangyari. Nang matapos kasi ako magbayad tinanong ko kung ano ang susunod na gagawin.
“Hintay na lang po kayo dun sir.” Nang tinignan ko, langhiya ang daming naghahantay!
Kaya ginawa ko ay tumayo lang ako sa bintana at inobserbahan ang kanilang ginagawa. Sa dami nila sa loob dalawa lang ata ang may ginagawa, karamihan nag-tsitsismisan.
Yung isa nga nasa kamay na niya ang papel ko, pero hindi niya ma-encode dahil biglang tumayo at hindi ko alam saan nagpunta.
Pagbalik, huwaw may dala-dalang buko salad at kumain! Maya-maya silang lahat na ang kumakain na parang may handaan sa loob. Baka yung kinita nila sa xerox.
Alas-dos ng hapon ako nagsimulang tumayo doon at mag-aalas-tres na biglang tumunog ang bell. Napatingin ako sa relo, teka ang aga yata ng uwian.
Bigla nila sinarado ang butas sa salaming bintana dahil yun pala break time!
Walanjo. E kanina pa sila nagtsi-tsismisan at nagkakainan sa loob, hindi pa pala breaktime yun.
Ika nga ni Batangmangyan, taragis!
Naisip ko tuloy, ano kaya ang magandang ikaso sa mga masisipag na empleyado ng gobyernong tulad nila?
Hmm…
Una, nakalagay sa ating Saligang Batas na “Public office is a public trust.”
“Public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives.”
With emphasis on the word “efficiency.”
Pangalawa, kung may mga transaction ka sa gobyerno na nabibitin dahil sa kanilang kabagalan o ‘di kaya ay naghihintay ng pampadulas, maaring mong kasuhan ang mismong empleyado/opisyal ng gobyerno ng danyos o damages gamit ang Article 27 ng Civil Code:
“ART. 27. Any person suffering material or moral loss because a public servant or employee refuses or neglects, without just cause, to perform his official duty may file an action for damages and other relief against the latter, without prejudice to any disciplinary administrative action that may be taken.”
Pangatlo, bukod sa civil case for damages, maari mo rin siya sampahan ng administrative case na “Neglect of Duty” ayon sa Administrative Code of 1987 and the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employee.
Gulat ka no? May Code of Conduct & Ethical Standards pala ang mga taong gobyerno.
Pang-apat, kung talagang badtrip ka sa empleyadong iyon, sampahan mo na rin sa Ombudsman ng criminal case ayon sa R.A. 3019 o Anti-Graft ang Corrupt Practices Act:
(f) Neglecting or refusing, after due demand or request, without sufficient justification, to act within a reasonable time on any matter pending before him for the purpose of obtaining, directly or indirectly, from any person interested in the matter some pecuniary or material benefit or advantage, or for the purpose of favoring his own interest or giving undue advantage in favor of or discriminating against any other interested party.
At pang-lima, kung sa tingin mo ay walang mangyayari sa mga kaso mo, at gusto mo ng agarang aksyon, e punta ka na lang kay Tulfo at sasamahan ka niyang pagmumurahin ang mga tinamaan ng lintik na mga yan.
Isipin natin lagi na tayo ang nagbabayad sa kanila serbisyo. Yung iba kasi tingin nila, utang na loob pa natin ay serbisyo nila.
May ilan-ilan ding mga matitino, masisipag, magagalang na mga taong gobyerno, at dapat natin silang pangalagaan dahil sila’y mga endangered species.
Sa huli, mga alas-tres e medya na ata na-release ang police clearance ko.
Hindi naman siguro aabutin ng 5.30 pm kasi 4 pm pa lang uwian na sila. Amp!
—————–
“Whenever there is a hard job to be done I assign it to a lazy man; he is sure to find an easy way of doing it.” – Walter Chrysler


{ 20 comments… read them below or add one }
ako nanaman ba ang mangunguna? hehe
dapat dyan may video cam na dala para kunan sila habang “nagtratrabaho” (or better yet, habang HINDI nagtratrabaho). hindi man sila makulong o mapagalitan, at least mahiya man sila sa pinag gagagawa nila. kainis ang mga ganung tao!
mas masipag pa ang fixer, may kusang palo at uupo ka lang ayos na mabilis pa sa alas quatro
nakakainis talaga minsan sa mga ganyang opisina! yung tipong akala nila kailangang kailangan mo sila kaya kung umasta parang kala mo kung mga sino. hays! salamat sa entry na ‘to atty. nagkakaroon ng lakas ng loob hehe! =)
pakulo nga lang yung mga xerox xerox na yun! hindi lang sa police clearance un iba, kahit hindi kailangan ng 2xopies, sasabihin 2copies required haha para lang makapag pa xerox ka! bulok na bulok tsk! simpleng mga gawa pero dapat dun magsimula pag nagkalinisan na ng gobyerno!!
\yess titob gumana ang subscribe! ^^ na inform akong new post on time! =)
aba aba, naiinis ako sa mga taong ganyan…
tsaka sarap nga nila murahin! dahil lang nagtratrabaho sila sa gobyerno akala mo na kung sino
pahabol. dahil sa mga ganung klaseng tao kaya ako nagpapasalamat sa mga fixers. ay, hindi pala nagpapasalamat sa fixers – dahil binabayaran sila, but rather, nagpapasalamat at may mga fixers.
sabagay tama sa granger masisipag pa mga fixers… ipalit kaya natin sila ang gawing fixers para magsipag. Kainis talaga iyong ganyan….
badtrip talaga yung ganyang opisina.yung tipong aagiwin ka na sa tagal ng paghihintay mo pero sila,parang nasa buwan kung kumilos.walang ka effort-effort.
bubulyawan ka pa kapag nag reklamo ka.ang mga ungas,hindi na naisip na tax payers money ang nagpapa sweldo sa kanila.in general,sila ang minions ng tamad at bulok na sistema ng gobyerno na kapag binaybay mo,mauuwi sa tamad na mga kalihim ng kung anu anung ahensya.
nakakayamot nga kapag ganyan.
“May ilan-ilan ding mga matitino, masisipag, magagalang na mga taong gobyerno, at dapat natin silang pangalagaan dahil sila’y mga endangered species.” — isa na ako dyan panyero, waaaaaaah, nasa Baguio ako noong monday until kahapon para sa isang forum, holiday pero kailangan eh, at baka makasuhan pag tumanggi. proud din ako na hindi kami ganyan (haha, defensive?)
akala ko pa naman, OK ang marikina. TARAGIS nga. napakaraming ganyan, may naireklamo na nga ako sa Philhealth, panyero. umabot kami sa civil service. haha. ayun, ora mismo, tinanggal sya bilang frontliner ng Philhealth. ganun lang, dapat ireklamo agad para magtino! ayos to, na-refresh ako sa mga pwedeng ikaso sa akin hahaha.
taragis ika nga ni batangmangyan
ngyon lang uli ako nagcomment kahit araw araw ako dumadalaw dito..hehehe..interesting kasi topic ngyon..kasi na experince ko rin yan..
nakow..dami ko na nasasaksihan dito sa amin lungsod na santiago city isabela..sangkaterbang naghihintay ng padulas..ang daming tamad dapat nga tanggalin ang mga tamad sa gobyerno eh..dapat ipalit yung mga walang trabaho na matino sa kanila..masakit ang loob ko magbayad ng tax kung makikita ko eh mga unggoy na tamad.. susme..kailan kaya uunlad ang bansang ito..hirap kasi kung tamad kasi yung boss sigurado tamad na rin mga empleyado nito..gigil na ako..kahit na ba halalan na eh kung sila rin yung andun na puro tamad,tsismoso, at sipsip.wala ring pagbabago..siguro para sa akin lang ha..mas magandang yearly or buwanan revamp sa mga department ng local office..tignan ko lang hindi tumino mga yan at matakot mawalan ng work..naiinis talaga ako eh..ala rin ako magawa kasi malayo naman ang mga tulfo brothers dito..manila sila eh..probinsya ito..hay naku…kainis ang empleyado gobyerno ngayon..
pra sa akin dapat wlang nareregular na govt employee…sa kanila p lng corrupt na!!! at sa mga endangered species dapat ibukod kgad sa mga corrupt n yan dahil mahahawa lng cla hehehe ^^
May experience ako tulad niyan sa Police report naman. Nabangga kasi ang nanay ko (pero ‘di grabe) at kailangan namin mag-file ng reklamo. Inabot kami ng 1 1/2 oras sa paghihintay lang na maproseso.
Dahilan:
1.wala ang boy ng mga pulis na nage-encode ng kaso sa kompyuter kasi inutusan pa bumili ng meryenda.
2. Natapos na ang pagta-type ay may tumawag sa cellphone at nakipagkwentuhan ng matagal.
3. Dumating si SPO1 at naghingi ng pass sa Bus para daw libre sa pamasahe, inuna pa iyon gawin at hinananap pa ang senior nila para pirmahan.
4. May dumating na kakilala na naghihingi ng police clearance inuna pa rin.
Haaay, hindi na ako nakapagpigil kasi nagrereklamo na ang nanay ko, masakit na raw ang kanyang tagilirian kaya tinanong ko kung anong oras ba nila balak tapusin ang report. Ang sagot naman e:
“Hindi lang kayo ang hinahawakan namin na kaso, kaya maghintay kayo.”
Aba, ayun ‘di na talaga ako nakapgpigil at niratrat ko na sila, sagot ko naman
“E kanina a kami pa kami nandito ah, marami na nauna sa amin, at kung ano-ano yang pinagagawa ninyo, inuna mo pa yung Bus Pass ng kasama mo.”
Sagot niya: “Taga-saan ka ba brod? Ayusin mo yang pagsasalita mo.”
Ako: “Bakit? May mali ba sa ginawa ko?”
Siya bumubulong, habang pini-print na ang kanina pa naghihintay na report, at hinanap ang pulis na may hawak ng kaso namin.
Wooohh! kainit ng ulo talaga.
Haba ng kwento ko ah hehe. Thanks Attorney.
Nakow! Sa tingin ko sa marikina lang ganyan. sa SSS, NBI atbp masisipag silang lahat at may ngiti pag kausap mo. Na para bang tuwang tuwa sila na pagsilbihan ang mga taong alam nilang pinanggagalingan ng sahod nila… Tapos yun nagising na ako hahaha.
Siguro kaya nila ginagawa yan dahil sawa na rin sila sa trabaho nila na paulit ulit. Minsan yun na lang ang iniisip ko. Napatid na yata kasi yung ugat nila sa utak na nagsasabing mahiya ka naman… Salamat Atty.
Sa Gen Trias naman worth P300.00 ang magagastos mo sa Police clearance. Bilhin mo lang lahat ng resibo na required kahit mpapakamot ka kung para saan ung binayaran mo…in like 2 hours…dyaraaaann! may police clearance kna…
pag maganda pla ang aplikante..45min may P.Clearance ka na…BunGGa! di ba?
Kupyahin ko pala ang Code of conduct and ethical standard ng government employee at pag ganun ang gginawa nila sa akin babasahin ko sa harap nila para mapahiya sila.
pag sinunod ang code of conduct at ethical standard eh marami ang mawawalan ng trabaho sa gobyerno, dahil halos lahat eh mas madami ang mga walang ginagawa at bukod pa dun talagang mahilig sa padulas ang mga ibang taong gobyerno. Ako mismo ay naka experience sa LRC na maglagay dahil kung hindi eh tatagal pa ang dokumentong hinihingi ko ng 3 araw eh taga nueva ecija pa ako, nun maglagay ako kabilis natapos mukayain mo…hay naku balewala ang anti-red tape law
direct bribery for the government official or employee, punishable under the RPC and the Anti-Graft and Corrupt Practices Act
corruption of public officials for the private person who bribed the government official or employee punishable under the revised penal code
yup, nakakasar talaga….ang sarap batukan…
i also experience that, kill the time always ang drama ng mga government officials….
first time ko dito, im enjoying all your aticles..very informative..n super funny ng corny mong jokes hehehehe….nakakatuwa…
thanks atty…
thanks selene. just ignore my “cornyness”
Karamihan sa gobyerno susungit, to think na public servant ang tawag sa kanila at nasa field sila ng public service, at higit sa lahat tayo ang nagpapasweldo sa kanila! Mas maganda pa ata ang customer service sa mga private companies.
Tito boy mai-relate ko lang po dito yung experience ko sa pagkuha ng sedula. Ni-require po kasi kami ng opisina.
Ang ibig pala ibig sabihin ng CTC ay Community Tax Certificate. Kelangan po ba talaga may certification pa kahit automatic naman po na nababawas yun Tax sa sahod namin.
Ang tanong ko po ay bakit iba iba ang amount na binabayaran namin kung pare-parehas naman kami ng income? Panu kaya nila kino-compute yun?
{ 1 trackback }