CROWN OF IMPARTIALITY

by Tito Boy on December 11, 2011

 

 

Maraming nag-file ng motion sa Supreme Court para mag- “inhibit” si Chief Justice Corona sa pagbigay ng boto sa mga kasong may kinalaman si GMA.

Hindi bago ang ganitong gawain, may mga pagkakataong ang mga abogado na mismo ang humihingi ng “inhibition” ng isang judge na hawakan ang isang kaso at i-raffle ulit sa ibang judge. Ngunit ano-ano ba ang dahilan para mag-inhibit ang isang judge o mahistrado?

Ayong sa Rule 137 ng Rules of Court:

Sec. 1.Disqualification of judges. - No judge or judicial officer shall sit in any case in which he, or his wife or child, is pecuniarily interested as heir, legatee, creditor or otherwise, or in which he is related to either party within the sixth degree of consanguinity or affinity, or to counsel within the fourth degree, computed according to the rules of the civil law, or in which he has been executor, administrator, guardian, trustee or counsel, or in which he has presided in any inferior court when his ruling or decision is the subject of review, without the written consent of all parties in interest, signed by them and entered upon the record. 

A judge may, in the exercise of his sound discretion, disqualify himself from sitting in a case, for just or valid reasons other than those mentioned above.”

Base sa taas, hindi maaring humawak ang isang hukom ng mga kasong:

  1. Mayroon siya o ang kanyang asawa o anak na interes bilang tagapagmana (heir, legatee), naniningil (creditor) o may utang;
  2. Kamag-anak niya ang isa sa mga partido within sixth degree of consanguinity or affinity. Kasama diyan ang asawa, anak, lolo, lola, kapatid, tiyuhin, pinsan, pamangkin, biyenan, bayaw.
  3. Kamag-anak niya ang isa sa mga abugado within fourth degree o hanggang pinsan.
  4. Dati siyang executor, administador, guardian, trustee or abugado sa kaso.
  5. Siya ang nagdesisyon ng kaso noong nasa mababang hukuman pa at na promote siya kinalaunan.

Sa mga nabanggit na dahilan, mandatory o dapat mag-inhibit ang judge kahit hindi ito hinggin ng isa sa partido.

Pero kung hindi pasok sa taas ang dahilan, maari pa ring mag-inhibit ang judge “in the exercise of his sound discretion.” Ibig sabihin, kahit wala naman siyang interes sa kaso, ngunit inihingi ito ng isang partido, maaring mag voluntary inhibit ang judge to remove any cloud of doubt.

Ibig sabihin, hindi makapal ang mukha niya. Kahit alam ng judge na maari naman niyang desisyunan ang kaso ng patas, ipapasa na lang niya ito sa ibang hukom, para mawala na ang maitim na balumbon ng agam-agam (ang lalim!)

Pero kung ayaw ng judge mag-inhibit dahil hindi naman pasok ito sa Rule 137 ang dahilan, wala kayong magagawa, manigas kayo. Maaring ituloy ng judge ang kaso at magbigay ng hatol.

Ang remedyo na lang ay umapela at humingi ng panibagong paglilitis.

Sa tingin ko, mahinang dahilan lang na appointee ni GMA si CJ Corona upang mag-inhibit. Upang mapa-inhibit si CJ Corona sa paghawak ng kaso ni GMA, dapat gamiting dahilan ang relasyong ng dalawa bilang lawyer-client. Bilang patunay, tingnan ang credentials ni CJ Corona na nakasulat sa mismong website ng Supreme Court:

After the term of President Ramos ended in 1998, he was invited by then Vice-President Gloria Macapagal-Arroyo to become her chief of staff and spokesman.  It was in that capacity that he became deeply involved in the burning political issues of the day and, when Arroyo assumed the presidency on January 20, 2001, he played a crucial role in the new administration as Presidential Chief of Staff, Presidential Spokesman and later as Acting Executive Secretary.”

Kitams, hindi lang basta abugado ni GMA si CJ Corona, Spokesman na ito, Acting Executive Secretary pa noong nakaraang administrasyon.

Ang problema, ang nakalagay sa Rule 137, “No judge or judicial officer shall sit in any case in which he...has been....a counsel.”Kaya maaring dating abugado nga si CJ Corona ni GMA, maari din naman sabihing na hindi niya naman hinahawakan dati ang kasong pinag-uusapan.

To make the story short, nasa kamay pa rin ni CJ Corona ang desisyon kung mag-iinhibit siya sa kaso o hindi. Kung sa tingin niya na magiging patas naman siya, then by all means, let him do it. Pero ang tanong, natanggal ba ang maitim na balumbom ng agam-agam?

———————

A judge is not only required to be impartial; he must also appear to be impartial” -  Canon 3, Code of Judicial Conduct

 


 


{ 3 comments… read them below or add one }

Ronald Redito December 11, 2011 at 9:25 pm

Base muna. =P

Reply

promdi December 12, 2011 at 10:22 am

good morning sa lahat.

Reply

foobarph December 12, 2011 at 11:23 am

Pero ang tanong, natanggal ba ang maitim na balumbom ng agam-agam? lalim naman ng tanong na yan tito boy!

sige, ang sagot… hindi pa rin eh. bakit kanyo? eh kc nga po… yung ibang nakaupo sa SC (majority).. hand picked din ni little gurl. syempre, ang magiging decision… alam mo na kung kanino papabor.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: