Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » POLITICAL

PRIMER ON THE IMPEACHMENT TRIAL OF CJ CORONA
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/primer-on-the-impeachment-trial-of-cj-corona/"></g:plusone>

http://article.wn.com/view/2012/01/09/Bottomline_for_Trillanes_in_Corona_impeachment/

Bago magsimula ang kina-aabangang impeachment trial ni CJ Corona na tatalo sa mga soap operas at drama-rama sa hapon, alamin muna ang mga panuntunan ng impeachment court. Dito ay hindi tayo magmumukhang tanga habang nanonood at maari ka pang maging commentator slash, resource person slash, expert sa iyong tahanan, opisina at pinakamalapit na tindahan.

Para sa masusing babasahin tungkol sa Rules ng Impeachment Court maari kang bumisita dito: http://www.senate.gov.ph/15th_congress/resolutions/resno39.pdf. Pero kung tinatamad kang magbasa o talagang hindi mo lang maintindihan, aba eh gumawa ako ng primer para sa mga mahal kong magbabasa. Eto simulan na natin:

Sino ang mangunguna o presiding officer sa trial? Ang ating batang-batang Senate President na si Juan Ponce Enrile. Ayon sa Konstitusyon ang Chief Justice ang mangunguna sa impeachment process ng Presidente at sa ibang officers ang Senate President lang. (Rule II)

Ano ang ginagawa ng Presiding Officer? Bukod sa paghawak ng astig na masong tinatawag na “gavel,” ang presiding officer ang magsasabi kung tatanggapin (admissibility) ang isang ebidensyang ipi-presenta, kung ito ba’y may kinalaman (relevancy) o materyal sa trial. Ang kanyang pasya ay ituturing na pasya ng buong senado pwera na lang kung magpapasikat ang ibang senador at hihingi ng botohan dahil wala silang tiwala kay Tatang Johnny. (Rule VI)

Ang presiding officer din ay may kapangyarihang magpatupad ng utos ng impeachment court tulad ng pagkaladkad sa mga testigo papuntang Pasay, at pagbato ng maso sa mga makukulit na by-stander sa loob ng korte, na walang ginawa kundi mag text at itanong sa kaibigan kung nakukunan sila ng camera ng ANC. Kaya ring utusan ng Presiding Officer si Lito Lapid na kumuha ng tubig habang nagdedebate si Meriam at Joker. (Rule V)

Maari bang pilitin si Corona na sumipot sa trial? Ayon sa Rules, pinapatawag ang taong i-impeach at sagutin ang mga paratang sa kanya. Kung siya ay magpakita, ilalagay sa records ang kanyang pagdating, ilalagay din sa records ang pangalan ng baklang gumawa ng kanyang damit at materyales na ginamit. Maari ring magpadala ng ahente o abugado ang nasasakdal, tulad ni Midas pero dapat mahigpit ang pagkakalagay ng mga mic. So, hindi pipilitin si CJ na sumipot at maari niyang panoorin ang kanyang impeachment trial sa penthouse niya sa Fort habang nakataas ang paa at kumakain ng popcorn. (Rule IX)

Anong oras ang impeachment? Alas-dos ng hapon kasabay ng “Adam or Eve” (GMA) at “Heartstrings” (ABS-CBN). Malamang dali na rin ang “Gumapang Ka sa Lusak,” “Basahang Ginto” at “Angelito,” sorry guys. Maari ring magtalaga ng ibang oras ang Senado kung gusto nila at sana itapat sa “Kris TV” (Rule X & XI).

Sa dinami-dami ng abugado doon, ilang ang dapat umepal? Kung may testigong ipepresenta, isa (1) lang ang maaring mag-direct examination o magtanong, at isa lang din sa kabilang panig ang pwedeng magpa-iyak o mag-cross examination sa testigo. (Rule XV)

Pwede bang tanungin ng mga senador ang testigo? Yes. May dalawang (2) minuto ang bawat senador upang tanungin ang testigo, tulad ng kung ano ang kanyang zodiac sign at favorite color. Maari rin tanungin ng mga senador ang mismong mga prosecutors at defense lawyers kung saan sila nagpagupit at kung nagpiliyo na sila. (Rule XVII)

Maari ring maging testigo ang isang senador kung talagang matakaw siya sa atensiyon at gagawin niya yun sa kanyang kinauupuan at hindi sa witness stand, ano sila cheap? (XVI)

Bukas ba ang trial sa publiko? Yes. Ngunit dapat tahimik ang makikiusyoso kundi ay papalabasin sila ni Gringo at Trilianes at itatapon sa Manila Bay. (Rule XVIII)

Maari bang magsalita ang mga Senador, Prosecutors, Defense Lawyer sa publiko tungkol sa merito ng kaso? Hindi. Pero hindi bawal ang mag pa-cute sa camera. (Rule XVIII)

Gaano katagal pagdedebatihan ang mga tanong, motion ng bawat kampo? Isang (1) oras bawat kampo o hanggang matapos ang larong angy birds. (Rule XIX)

Ang bawat senador naman ay may 10 minuto (interlocutory) at 15 minuto (final question) para magtanong bago mag-rule sa mga motion ng bawat partido. (Rule XXII)

Sino ang unang magsasalita? Ang kaso ng bawat kampo ay bubuksan ng isang tao. Doon sasabihin niya ang kanilang theory at kung bakit sila ang paniniwalaan, kahit alam nating pare-pareho lang silang s****. Parang opening statement sa mga court drama series sa US. Meron ding final argument pagkatapos ng paglilitis na pwedeng gawin ng dalawang (2) tao bawat kampo, yung isa tagabuhat ng tasa ng kape. Ang mga prosecutor ang magbubukas at magsasara ng argumento, tawag dun partida. (Rule XX)

Paano ang proseso ng botohan ng mga senador? Pagkatapos ng trial ay magbobotohan ang mga senador sa bawat article o akusasyon. Kailangan ng 2/3 votes kahit sa anong article para ma-sustain ang impeachment. Kung hindi makalikom ng 2/3 votes sa bawat article (dahil kapos sa pondo), acquitted si CJ at ta-tumbling si GMA sa ospital kahit may neck brace. Walang motion for reconsideration sa acquital o conviction. (Rule XXI)

Tatawagin ng presiding officer ang bawat senador upang tumayo at sasagot ng “GUILTY,” “NOT GUITLY” o “KINDA.” Maaring ipaliwanag ng bawat senador ang kanilang hatol ng hindi hihigit sa dalawang (2) minuto. Huling boboto ang presiding officer. (Rule XXI)

Ano mangyayari kung guitly si CJ? E di aalis na siya sa pwesto at papalitan na siya ng bata ni PNoy. Kung not guitly naman, yari sa Supreme Court ang mga kaso ng kalaban ni CJ (payback!)

Ano mangyayari pagkatapos ng impeachment trial? Wala. Mahirap pa rin ang Pilipinas. Habang ang mga prosecutors ay tatakbong senador at ang ibang senador ay tatakbo para sa reelection.

Your email:

“Impeachment is not a remedy for private wrongs; it’s a method of removing someone whose continued presence in office would cause grave danger to the nation.” - Charles Ruff

Constitutional Crisis or Democratic Process?
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/constitutional-crisis-or-democratic-process/"></g:plusone>

Galing ako sa court kanina dahil may bista ako ng 8:30 am. Ang aga ko pa naman. Pagpasok sa court room, kala ko nasa lamay ako, lahat nakaitim!

Nagtatawag na ng kaso at nagbubukasan na ng kalendaryo ang mga abugado at partido. Yun pala reset ang hearing, “court holiday” daw.

Ano daw? Tinignan ko ulit ang kalendaryo, hindi naman pula ang numero ng Dec. 14. Yun pala protesta daw ito sa impeachment ni Corona.

Teka-teka, ano ang kinalaman ng kaso ko at daang-daang kasong nareset sa impeachment ni CJ Corona? Bakit pilit dinidikit ang hudikatura sa personal na impeachment case ng Kataas-taasang Mahistrado?

Naiintindihan ko ang mga hukom at empleyado ng korte sa pagsama sa court holiday, boss nila yun eh. Pero ang impeachment ni CJ Corona ay parte ng proseso ng Demokrasyang gumugulong.

Gusto mo ng Constitutional Crisis? Hintayin mong may mag file ng Petition sa Korte Suprema na kinukwestyon ang mabilis na impeachment process ng CJ. E, paano kung katigan ng mga mahistrado ng SC ang CJ nila at ideklarang invalid ang impeachment process.

Susundin kaya ng Kongreso at Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema kung pabor ito kay CJ Corona? Yan ang constitutional crisis mga kaibigan.

Meanwhile, basahin niyo ang buong impeachment complaint laban kay CJ Corona —> CLICK HERE

KARMA IS A BITCH
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/watch-list-order-hold-departure-order/"></g:plusone>

I jush want a medical treatment in the U Eshh. Babalik ako promissh...

Ilang araw na lang tapos na ang bakasyon ko. Hay, tagal ko rin nawala, pero ito nagbabalik.

Things will change around here in the coming days. Mahirap kasi gumawa ng post, lalo na patungkol sa batas. Law is not exactly an exact science. Lahat ng abugado may sariling interpretasyon ng batas. Subukan mong tanungin ang 10 abugado at bibigyan ka nila ng 12 different legal opinions. E kung ang mismong mga mahistrado nga ng Korte Supreme pabali-baliktad ng desisyon, paano pa ang mortal na tulad ko.

Bawat topic ay kailangan saliksiking mabuti. It should have a legal basis and backed by the latest Supreme Court rulings. Kaya ilang oras din ang inaabot bago ko matapos ang isang topic.

Kaya para panatilihin ang diskusyon dito sa panyero.net, naisip kong maglabas ng maiikling topics. Maikli pero makabuluhan at patungkol sa mga napapanahong issue sa lipunan. Paraan na rin ito para linawin ang legal na basehan ng mga issue at hindi tayo papadala sa mga uto-utong nagpopost sa facebook.  Syempre, maglalabas pa rin ako ng mga extensive topics tulad ng nakagawian.

Bilang buena mano, nais kong talakayin ang Watch List Order ng DOJ. Legal ba ito?

LIBERTY OF ABODE

Nakalagay sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas:

“Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.”

Kasama sa liberty of abode ang right to travel kaya garantisado ito ng Saligang Batas sa bawat indibidwal. Pwera na lang kung may utos ang korte na huwag paalisin ang isang tao palabas ng bansa o limitahan ang kanyang paggalaw.

HOLD DEPARTURE ORDER

Ang tanong, kelan ba nag-iisyu ng Hold Departure Order (HDO) ang korte at sa anong uri ng kaso?

Ayon sa Circular No. 39-97 ng Korte Suprema, ang HDO ay maari lang ipalabas ng isang Judge ng Regional Trial Court sa Criminal Cases. Hindi nag-iissue ng HDO ang Metropolitan/Municipal Trial Courts at walang HDO sa civil cases.

Kaya ang taong may kasong BP 22 or Bouncing Check Law, magdiwang! Ang mga taong may kasong civil cases tulad ng “sum of money” o yung mga hinahabol ng mga bangko, credit card companies dahil sa utang, mag bunyi!

Wala nang ibang tao o ahensiya ang maaring mag-issue ng HDO, period. Kapag may nanakot sa iyo na may HDO ka daw, pero wala ka namang criminal case sa RTC, sabihin mo “nek nek mo, pangit!”

WATCHLIST ORDER

E papaano naman ang mga taong may criminal case na nakabinbin sa Me/MTC o ‘di kaya ay yung nasa prosecutor level (fiscal) pa lang at hindi pa nasasampa sa korte, pwede ba silang ma-issuehan ng HDO? Syempre hindi. Korte ba sila?! Ha! Kulit mo ah.

Dito papasok ng Watchlist Order (WLO) ng DOJ. Nagpalabas ng Department Circular No. 41  ang DOJ, kung saan maaring humiling ang sinuman sa DOJ Secretary na isailalim sa WLO ang isang taong may pending preliminary investigation sa prosecutor’s office o ‘di kaya ay under petition for review ang kaso. Ito yung mga kasong hindi pa sumasampa sa korte.

Kapag may WLO ang isang tao at gusto niyang lumabas ng bansa, kailangan pa niyang kumuha ng Allow-Departure Order (ADO) sa DOJ Secretary at “Authority to Travel” sa prosecutor para payagan siyang lumipad at pumunta sa Hongkong Disneyland.

E paano kung wala kang ADO? Ibig bang sabihin hindi ka kapapayagang umalis ng bansa? Hindi ba’t parang HDO na rin ito dahil you are restricted to travel and it violated your liberty of abode?

Malinaw ang Saligang Batas, korte lamang ang maaring mag-issue ng HDO, at hindi korte ang DOJ at hindi hukom ang Secretary ng DOJ.

Kaya binabatikos pati ng mga kaalyado ni PNoy, ang legalidad ng WLO na ini-issue kay CGMA. Maaring kwestiyunin ni CGMA at FG ang legalidad ng WLO sa Korte Suprema bilang unconstitutional. Kaso magiging katatawanan si CGMA nun, kasi siya ang nag imbento ng WLO. Ang Department Circular No. 18 ay ipinalabas under her watch. She got a dose of her own medicine.

Parang si Erap noong kinuwestiyon niya ang Plunder Law pero isa pala siya sa nag-endorse ng batas noong senador pa. Wow mali!

Pero tama si Erap, “weather weather lang yan.”

Your email:

Karma moves in two directions. If we act virtuously, the seed we plant will result in happiness. If we act non-virtuously, suffering results.

- Sakyong Mipham

Take Our Poll

HULI MA’T MAGALING — HULI PA RIN
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/de-facto-officer-de-jure-zubiri-koko-pimentel/"></g:plusone>

"Akin na yung upuan!"

Sumumpa na ang bagong senador na si Koko Pimentel. Ang pagkapanalo ng kanyang protesta laban sa nagbitiw na si Zubiri ay kumpirmasyon ng dayaan sa eleksyon noong 2007.

Apat na taon ding namunini si Zubiri at ginampanan ang kanyang tungkulin na parang tunay na halal na senador. Paano na lang pala ang mga ginawa niyang batas at ang kanyang mga transaksyon bilang senador, may bisa ba ang mga ito ngayong huwad pala ang kanyang pagka-proklama?

Ano ba ang epekto ng mga transaksyong pinasok ng isang public official kung mapatunayan kinalaunan na hindi pala siya dapat doon? Ang tawag sa ganitong tao ay impakto officer—este, de facto officer.

DE FACTO OFFICER

A de facto officer is one who is in possession of an office and who openly exercises its functions under color of an appointment or election, even though such appointment or election may be irregular (The General Manager, PPA, et al., vs Monserate G.R. No. 129616, April 17, 2002).

Ang lahat ng kilos na ginawa at transaksyon na pinasok ng isang de facto officer bilang public official ay valid and binding. Ibig sabihin, kahit napatunayang hindi pala siya nararapat sa kanyang posisyon, anuman ang kanyang nagawa habang nasa pwesto ay hindi masasabing walang bisa.

Para masabing de facto officer, dapat ay:

1.     A validly existing public office

Ang posisyong inookupa ng de facto officer ay isa talagang plantilya o posisyon sa gobyerno (elective or appointive) na nakasaad sa batas, tulad ng posisyon ng mga congressmen, senador, direktor ng ahensya o undersecretaries at hindi imbento lamang o posisyong gawa-gawa.

2.     Actual physical possession of said office

Dapat ay talagang inupuan niya ang pwesto na parang kapit-tuko.

3.     Color of title to the office, by—

Reputation or acquiescence

a.     Under a known and valid appointment or election, but the officer failed to conform to a requirement imposed by law.

b.     Under a known appointment or election, void because of the ineligibility of the officer, or want of authority of the appointing or electing authority, or because of an irregularity in his appointment or election, such ineligibility, want of authority or irregularity being unknown to the public.

c.    Under a known appointment or election pursuant to an unconstitutional law, before the law is declared unconstitutional.

Maari siyang na-appoint o nahalal ngunit hindi siya pwede sa pwesto dahil kulang ang kanyang qualification, hindi tamang pagkakatalaga o simpleng nandaya lang sa halalan.

Ito ay para sa proteksyon ng publiko at ng sinumang papasok sa isang transaksyon sa gobyerno. Mahirap naman na lagi nilang iisipin na kung nakikipag-transaksyon ba sila sa tamang opisyal, kung ganun ay mababawasan ng tiwala ang publiko at ng sinuman sa ating mga opisyal ng pamahalaan.

COMPENSATION

Maaring legal, valid and binding ang kilos ng isang de facto officer, ngunit pagdating sa sweldo niya, ibang usapan na ‘yun. Kahit na maganda ang intensiyon ng isang de facto officer at sabihin na nating perfect attendance siya noong siya’y nanungungkulan pa, ang general rule, ay hindi dapat siya tumanggap ng sweldo mula sa gobyerno.

Opo, kapag napalitan ng nararapat sa pwesto o tinatawag na de jure officer ang isang de facto officer, maaring singilin ng de jure ang sweldong natanggap ni de facto noong siya ay nasa pwesto (except sa tongpats, komisyon at kickbacks)

A rightful incumbent of a public office may recover from a de facto officer the salary received by the latter during the time of his wrongful tenure, even though he (the de facto officer) occupied the office in good faith and under color of title. A de facto officer, not having a good title, takes the salaries at his risk and must, therefore, account to the de jure officer for whatever salary he received during the period of his wrongful tenure. (Ibid.)

E kung ganun pala, ibig sabihin ba nito ay may karapatan ni Koko na singilin si Zubiri sa natanggap na sweldo nang huli sa loob ng apat na taon (2007-2010)?

RODRIGUEZ VS. TAN

Maaring pinaka-unang senador sa kasaysayan ng Pilipinas si Zubiri na nagbitiw sa pwesto, ngunit hindi siya ang pinaka-unang senador na natalo sa isang protesta sa eleksyon.

Noong 1947, nahalal si Carlos Tan ng Liberal Party bilang senador ng Pilipinas. Iprinotesta ni Eulogio Rodriguez Sr. ang pagkapanalo ni Tan at noong 1949, idineklara ng Senate Electoral Tribunal (SET) na si Rodriguez Sr. ang tunay na nahalal sa pwesto noong 1947.

Dahil dito, idinemanda ni Rodriguez Sr. si Tan upang kunin ang sweldong natanggap ng huli noong taong 1947 hanggang 1949 na umabot na sa halagang PHP 18,400.00 (Malaki pa sweldo ni Granger dito!)

Sa kasong ito, hindi pinayagan ng Korte Suprema na ibalik ni Tan ang sweldo niya at ibigay kay Rodriguez Sr.  Sa panahon kasing ito, hindi pa iestablished ang doktrina tungkol sa compensation ng de facto officer tulad ng nabanggit ko.

Sinundan ng Korte Suprema ang isang desisyon ng US Supreme Court sa kasong Page vs. U.S. (127 U.S. 67; 32 Law ed. 65), kung saan hindi pinabalik ang sweldo ng isang congressman na natalo sa isang election protest.

Binasehan din ng Korte Suprema ang desisyon ng SET na hindi pinagbigyan ang kagustuhan ni Rodriguez Sr. na ibigay sa kanya ang sweldo ni Tan. Ang desisyon ng SET ay res judicata o sarado na at hindi na maaring galawin pa.

Kaya kung magdedemanda pa si Koko para singilin pa ang nararapat sa kanya, alam mo na kung anong kaso ang isa-cite ni Zubiri. O baka, bayaran niya na lang si Pimentel, barya lang naman yun sa kanya.

Your email:

“A resignation is a grave act; never performed by a right minded man without forethought or with reserve.” -  Salmon P. Chase

Take Our Poll

ANSARAP TUBUHIN!
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/maynilad-water-construction-traffic-negligence-local-government/"></g:plusone>

"We don't just lay pipes, we mess with your lives."

Kaakibat ng tag-ulan dito sa Metro Manila ay trapik. Pano ba naman, baha na nga, sasabayan pa ng mga kaliwa’t-kanan paghuhukay ng Maynilad. Hindi naman sila Gobyerno para sabayan ang tag-ulan at mamerwisyo.

Kaya yun lubak-lubak na ang daan, ansikip pa. Minsan sa inis, naiisip kong sagasaan ang mga enhinyero nila, makabawi man lang grrr…

Ganyan din kaya naisip ni Fiscal Laura Biglang-awa noong nahulog ang sinasakyan niyang kotse sa imburnal dahil sa mga paghuhukay ng MWSS?

Municipality of San Juan vs. Court of Appeals, Biglang-awa, MWSS, Kwok Cheung

Noong ika-31 ng Mayo taong 1988, mga humigit-kumulang ika-10 ng gabi, binabaybay ng isang Toyota Crown na minamaneho ni Priscilla Chan ang kalye ng Santolan papuntang Pinaglaban sa Lungsod ng San Juan. Sakay ng kotse ay si Fiscal Biglang-awa.

Bumabaha at malakas ang ulan ng biglang lumusot ang kanang-harapang gulong ng kotse sa imburnal na hinukay ng MWSS. Dinala sa Cardinal Santos Hospital si Fiscal at napag-alamang nabali ang kanyang kanang kamay.

Ayon sa pulis na nag-imbestiga ilang oras matapos ang pangyayari, wala siyang nakitang mga babala o bakod na nakapaligid sa butas na hinukay ng MWSS.

Dahil sa kawawang sinapit ni Biglang-awa ay naghain siya ng asunto laban sa MWSS at Lungsod ng San Juan. Sinisi naman ng MWSS ang contractor nitong K.C. Waterworks System Construction na kinontratang mag-ayos ng mga tubo nila. Ang KCWSC ay pagmamay-ari ni Kwok Cheung (kaya siguro madaling masira ang tubo, Made in China).

Noong February 29, 1992, naglabas ng desisyon ang Regional Trial Court ng Pasig kung saan inutusan ang Lungsod ng San Juan, MWSS at si Kwok na bayaran si Biglang-awa:

“WHEREFORE, foregoing considered, judgment is hereby rendered declaring the Municipality of San Juan, Metro Manila and the Metropolitan Waterworks and Sewerage System jointly and severally liable to the plaintiff [Biglang-awa]. Both defendants are ordered to pay plaintiff the amounts of:

(a) P18,389.55, for actual damages suffered by the plaintiff;

(b) P15,000.00, for moral damages;

(c) P10,000.00, for exemplary damages;

(d) P5,000.00, for attorney’s fees; and

(e) to pay the costs.

SO ORDERED.”

Hindi matanggap ng Lungsod ng San Juan ang pagkatalo at inapela ang kaso. Si Biglang-awa rin ay umapela dahil para sa kanya ay hindi sapat ang binigay ng mababang hukuman.

Noong September 8, 1995 ay naglabas ng resolusyon ang Court of Appeals at tinaasaan ang danyos na binigay kay Biglang-awa at binasura ang apela ng Lungsod ng San Juan:

“IN THE LIGHT OF ALL THE FOREGOING, the Decision appealed from is AFFIRMED but modified as follows:

1. The Appellees KC and MWSS and the Appellant San Juan are hereby ordered to pay, jointly and severally, to [Biglang-awa] the amounts of P50,000.00 by way of moral damages, P50,000.00 by way of exemplary damages and P5,000.00 by way of attorney’s fees, without prejudice to the right of the Appellee MWSS for reimbursement from the Appellee KC under the Contract, Exhibit “3-MWSS“:

2. The counterclaims of the Appellees and Appellant San Juan and the cross-claim of the latter are

DISMISSED. Without pronouncement as to costs.

SO ORDERED.”

Ayaw parin tanggapin ng Munisipyo ng San Juan ang pagkatalo at inapela ang resolusyon ng CA sa Korte Suprema.

Supreme Court

Ayon sa Lungsod ng San Juan, hindi dapat sila pagbayarin sa pangyayari dahil ang Santolan Road daw ay isang National Road kaya wala silang pakialam dito. Ayon daw sa Local Government Code, obligado lang ang mga munisipyong ipagawa, pagandahin, ayusin ang mga “municipal streets, avenues, alleys, sidewalks, bridges, parks and other public places” at hindi kasama dito ang national road.

Bukod pa dun, ang DPWH daw ang nagbigay ng permiso sa MWSS para maghukay doon at hindi ang munisipyo kaya wala silang kinalaman dito.

Tama ba ang paliwanag ng Lungsod ng San Juan?

Sige mag-isip ka muna saka ka mag scroll down. Para ma-exercise naman ang utak mo.

Esep-esep…

Nuninu…ninu…

Ano kaya almusal ko bukas…hmm..

Ang sagot…

Bago natin sagutin, tignan natin ang rationale  ng Korte Suprema bakit sila umabot sa ganitong resolusyon:

Una, ayon sa Art. 2189 ng Civil Code:

“Provinces, cities and municipalities shall be liable for damages for the death of, or injuries suffered by, any person by reason of the defective condition of roads, streets, bridges, public buildings, and other public works under their control or supervision.”

Ibig sabihin, basta may “control or supervision” ang munisipyo sa kalye, tulay at gusali, ang lahat na masasawi o masasakat dito ay sagot ng lungsod kahit pag-aari ito ng national government o ng sino man.

Pangalawa, nakalagay din sa Section 149 ng Local Government Code na ang lokal na pamahalaan ang nagre-regulate  ng paghuhukay at paglalagay ng mga tubo, imburnal. Sila rin ang magsisigurong ligtas ang publiko mula sa mga bukas na kanal, manhole.

Pangatlo, kahit na hindi ang munisipyo ang nagbigay ng permiso upang maghukay ang MWSS sa Santolan Road, hindi pa rin lusot ang lungsod dahil ito ay laging dinadaanan ng mga sasakyan o isa itong “busy thoroughfare.” Imposibleng walang nakapansin na taga munisipyo tungkol dito.

“It is the duty of the municipal authorities to exercise an active vigilance over the streets; to see that they are kept in a reasonably safe condition for public travel. They cannot fold their arms and shut their eyes and say they have no notice. (Todd versus City of Troy, 61 New York 506).”

Kaya noong August 9, 2005, o matapos ang labang-anim (16) na taon matapos ang insidente, sinang-ayunan ng Korte Suprema ang desisyon ng CA at natikman ni Biglang-awa ang hustisya. Sa wakas, buti may natanggap pa.

Your email:

“Charity is no substitute for justice withheld.” – Saint Augustine

MERON KA BANG NAPALA?
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/state-of-the-nation-address-sona/"></g:plusone>

“Napanood sa telebisyon

Inuuto ang neysion

Na-meet daw ekspekteysyon

Sa kanyang imagineysyon

Wala nangyari, wala namang nagbago

Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo…

…Sabi mo merong solusyon

Paberti at mas starbeysion

Nabawasan daw konsomisyon

Dis kol por a selebrasyon

Pero walang nangyari, walang nagbago

Parehong kwento, sino ba ang niloloko mo”

SONA nanaman. Panahon para mapuno ang alligator farm err.. Kongreso at isa-isang rarampa ang mga buwaya er.. mga Kagalang-galang na Representante ng mga mamayan. Suot ang mga naggagaraang mga barong at saya ay isa-isa silang rarampa sa harap ng mga kamera na parang red carpet entrance sa Oscars – habang tumitirik ang mga mata ng mga milyong-milyong Pilipino na walang makain sa hapagkainan.

Paumanhin kong medyo masyadong aktibista ang dating…namimis ko lang ang mga taon ko sa kolehiyo na puno ng hinagpis at puot sa sistema at gobyerno.

Bakit kaya may State of the Nation Address ang Pangulo ng Pilipinas? Ano ang legal na basehan ng SONA?

At bakit laging ginagawa ang SONA sa Kongreso? Hindi ba pwede gawin na lang ni PNoy ang SONA habang ini-interview ni Boy Abunda sa The Buzz? At bakit parang tuwing Hulyo ginaganap ang SONA?

SAGOT: Dahil po ang SONA ay hindi isang kaartehan. Ito ay mandato mismo ng Saligang Batas sa Presidente. Ibig sabihin, kailangan ito gawin ng Presidente sa ayaw niya’t sa gusto. Yan ang nakalagay sa Article VII ng Constitution:

Section 23. The President shall address the Congress at the opening of its regular session. He may also appear before it at any other time. (Emphasis mine)

Eh tuwing kelan naman ang opening ng regular session ng Congress?

SAGOT: Ayon sa Article VIII:

Section 15. The Congress shall convene once every year on the fourth Monday of July for its regular session, unless a different date is fixed by law, and shall continue to be in session for such number of days as it may determine until thirty days before the opening of its next regular session, exclusive of Saturdays, Sundays, and legal holidays. The President may call a special session at any time. (Emphasis mine)

Kaya yun. Tuwing ika-apat ng Lunes ng Hulyo ang SONA.

Ang tanong, sa ikalawang SONA ni PNoy ano ang masasabi mo? Sapat ba ang kanyang nagawa para sa taong nagdaan? O sabay-sabay tayong kakanta ng Chorus ng Kamikazee:

“Wala namang kaming napala

Wala! (4x)

Meron pa bang naniniwala

Wala! (4x)

Wala ka namang kasing nagawa

Wala! (4x)

Wala na sayong naniniwala”

Your email:

Take Our Poll

FATHER MONTERO
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/separation-church-state-pajero-bishops-exempt-from-taxation/"></g:plusone>

Tinitira ngayon ang mga obispong tumanggap (at humingi) ng mga mamahaling sasakyan (brand new SUV na, 4×4 pa!) sa PCSO. Iniimbistigahan ng Senado ang issue at ngayon naglalabasan na naman ang mga usapan “separation of state and church.”

Iniisa-isa sa post na “Losing My Religion” ang mga probisyon sa ating Saligang Batas na nagtatakda ng hiwalayan ng estado at simbahan. Andyan ang 1) bawal magtatag ng sariling simbahan ang estado at 2) hindi pwedeng maglabas ng pera at gumastos ang estado para gamit, benepisyo suporta directly or indirectly sa isang simbahan, sekta o para sa mga pare, ministro, preacher, minister, or other religious teacher/dignitary (isama mo na diyan ang mga obispo).

Bukod diyan ay hindi binubuwisan ang mga simbahan, mosque, kumbento at mga lupa, gusali na aktuwal, direktang at eksklusibong ginagamit sa pang-relihiyon.

“Article VI Section 27(3) Charitable institutions, churches and personages or convents appurtenant thereto, mosques, non-profit cemeteries, and all lands, buildings, and improvements, actually, directly, and exclusively used for religious, charitable, or educational purposes shall be exempt from taxation.”

Ibig sabihin, ang mga naglalakihang simbahan (iba ay mala-Disneyland pa) ng mga iba’t-ibang relihiyon ay hindi sinisingil ng real estate tax ng lokal na pamahalaan.

Kasama dito ang mga tulugan, tirahan ng mga ministro, pari, seminaryo at pati na ang kanilang naglalawakang mga hardin. Ang tawag dito ay “incidental use” at hindi rin maaring buwisan (Bishop Nueva Segovia v. Provincial Board of Ilocos Norte, 51 Phil. 352 [1972]).

Pero kung ang lupa na pagmamay-ari ng mga simbahan  ay pinakakakitaan sa pamamagitan ng pagpaparenta sa mga pribadong indibidwal, e dapat buwisan ayon sa Korte Suprema (Abra Valley College, Inc. v. Aquino, v. 162 SCRA 106, June 15, 1988, Commissioner vs. YMCA, G.R. No. 124043.  October 14, 1998).

Kaya kung pinarentahan sa Jollibee and tabi ng simbahan, dapat na singilin ng amilyar.

Hindi na kasi “actually, directly, and exclusively used for religious purpose” ang lupa kung pinagkakakitaan na.

Kaya kung gusto mong ma-exempt sa pagbayad ng amilyar, aba’y magtayo ka na ng kulto at ideklara bilang sambahan ang mansion mo. Ayos ‘di ba? Sabi ko sa ‘yo eh, maganda negosyo ang relihiyon.

Your email:

“Religion is what keeps the poor from murdering the rich.” – Napoleon Bonaparte

ISANG BANDILA
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/ra-8491-flag-heraldic-code-inverted-flag-office-of-the-president-website/"></g:plusone>

"Ang mamatay ng dahil sa 'yo"

Ngayong araw (May 28) ay simulang ipagdidiwang ang “Flag Days” (May 28 – June 12). Marami sa atin ang hindi alam ang mga Do’s and Don’t pagdating sa pagtrato at pagbigay ng respeto sa ating Bandila.

Kaya bago magwagayway ng Bandila sa darating na Independence Day tignan muna natin ang sinasabi ng RA 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines.”

Design

Hindi ka Pinoy kung hindi mo alam na ang Bandila natin ang kulay asul, puti at pula.

Meron itong gintong araw na may walong sinag na kumakatawan sa mga lalawigang naghimagsik laban sa Espanya (Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas); at ang tatlong bituin na may limang patusok (five-pointed) na sumisimbulo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang tamang specifications ng ating Bandila ay Cable No. 80173 (blue), Cable No. 80001 (white), Cable No. 80108 (red) at Cable No. 80068 (golden yellow).

Kung nasa flag pole ang bandila, ang asul ang nasa ibabaw sa panahon ng kapayapaan (time of peace) at pula naman ang nasa ibabaw kung panahon ng digmaan (time of war). Kung nakabitin naman ang Bandila (hanging position) ang asul ay nasa kanan sa panahon ng kapayapaan at pula naman ang nasa kanan kung panahon ng digmaan.

Tatlong beses lang binaligtad ang Bandila sa kasaysayan, yan ay noong Rebolusyo ng1896, Ikalawang Digmaan Pandaigdig at noong 1986 EDSA Revolution.

At ikaapat ay ang pagbaliktad ng Bandila sa website ng Pangulo ahihi.

Hoisting and Display of the National Flag

Ang Bandila ay dapat nakaladlad (display) sa lahat ng pampublikong gusali, official residences, sa mga pampublikong plaza, at mga eskwelahan (institution of learning) araw-araw sa buong taon.

Ang Bandila dapat permanenteng nakataas (permanently hoisted) araw at gabi sa buong taon sa harap ng Malacañang Palace; sa crocodile farm este sa gusali ng Kongreso ng Pilipinas; Supreme Court; the sa monumento ni Jose P. Rizal sa Luneta; Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite; sa Barasoain Shrine sa Malolos, Bulacan; sa Tomb of the Unknown Soldier, Libingan ng mga Bayani; sa Musoleo de los Beteranos dela Revolucion sa may Manila North Cemetery ; sa lahat ng International Ports of Entry at mga lugar na itatalaga ng National Historical Institute.

Pagdating ng gabi, dapat ay iniilawan (properly illuminated) ang ating Bandila.

Dapat rin may Bandila ang mga barkong pandigma (kung meron man) at mga barkong pangalakal (merchant ships) na nakarehistro sa Pilipinas na may bigat na hihigit sa 1000 tonelada.

Kapag nakatayo (planted on the ground) ang Bandila ay dapat nasa prominenteng lugar at may taas (height) na magbibigay dito ng “commanding position” sa mga gusaling nakapaligid.

Kung nasa loob ng gusali ang flag pole, dapat ito ay nasa ibabaw ng bubong (roof top) o ‘di kaya’y naka-angkla (anchored) sa pasimano (sill) na nakataas (projecting upward angle)

Kung nasa entablado naman, ang Bandila ang nasa kaliwa kung (nakaharap sa entablado ang nakatingin).

Flying with other flags

Kung ang Bandila natin ay kasamang iwawagayway ng bandila ng ibang bansa, dapat ilalagay sila sa magkakaibang poste na pare-pareho ang taas at may parehas na sukat. Nasa kanan dapat ang ating Bandila o kaya’y nasa gitna kung maraming bandila. Ang Bandila natin ang dapat unang itataas at huling ibaba.

Kung hindi naman bandila ng ibang bansa ang iwawagayway kasama ng ating Bandila, dapat nasa mas mababa ito at hindi dapat lalaki pa ang sukat sa ating Bandila.

Worn out flag

Kung gutay-gutay na ang Bandila dahil sa kalumaan, huwag itong itatapon at lalong huwag gagawing kumot. Dapat ito’y mataimtim (solemnly) na ililibing (tears not required) para hindi gawing basahan (avoid misuse or desecration).

Conduct of Flag Raising Ceremony

Ayon sa RA 8491, lahat ng opisina ng gobyerno at paaralan ay dapat magsagawa ng “flag-raising ceremony” tuwing Lunes ng umaga at “flag-lowering ceremony” tuwing Biyernes ng hapon. Kapag narinig na ang unang nota ng Lupang Hinirang, lahat ng andito ay dapat tatayo kaharap ang Bandila, lahat ng sasakyan ay hihinto at ilalagay ang kamay sa kanang dibdib. Ang mga military, sekyu, tanod, boy scout at cub scout ay sasaludo.

Half-Mast

Ang bandila ay nasa kalahati ng poste bilang simbolo ng pagluluksa sa lahat ng gusali kapag namayapa ang Pangulo o dating Pangulo sa loob ng sampung (10) araw; Bise-Presidente, Punong Mahistrado ng Korte Suprema, President ng Senado, Speaker ng House ng pitong (7) araw; at iba pang mga taong sinabi ng NHI sa loob ng ilang araw na hindi hihigit ng pito.

Casket

Maaring gamiting panakip ng kabaong ang Bandila para parangalan ang mga labi ng mga sundalo, veterans of previous wars, national artists, at sino mang sibilyan na naglaan ng kapita-pitagang serbisyo sa bayan (who have rendered distinguished service to the nation), na dinetermina ng panglokal na pamahalaan.

Ang puting tatsulok ay nasa ulo ng labi at ang asul ay nasa kanan. Hindi kasamang nililibing ang Bandila at hindi dapat ito sasayad sa lupa. Ito ay titiklupin ng mabuti at ibibigay sa mga naulila.

Prohibited acts

Anu-ano ba ang mga bawal gawin sa ating Bandila?

1. To mutilate, deface, defile, trample on or cast contempt or commit any act or omission casting dishonor or ridicule upon the flag or over its surface.

Huwag sirain, apakan o sulatan ng “Nid Txtm8” ang Bandila o anupamang bagay na mambabastos dito.

2. To dip the flag to any person or object by way of compliment or salute.

Ang Bandila ay hindi dapat sumasaludo sa kahit sino o kahit ano—kaya nga hindi ito dapat ipwesto ng mas mababa sa ibang bandila.

3. To use the flag

a. As a drapery, festoon, tablecloth;

b. As covering for ceilings, walls, statues or other objects;

c. As a pennant in the hood, side, back and top of motor vehicles;

d. As a staff or whip;

e. For unveiling monuments or statues; and

f. As trademarks, or for industrial, commercial or agricultural labels or designs.

Ang Bandila ay hindi dapat gawing kurtina, pamitik na parang “Good Morning towel,” car cover, o gamitin bilang logo ng isang pribadong tao o kumpanya.

4. To display the flag:

a. Under any painting or picture;

b. Horizontally face-up. It shall always be hoisted aloft and be allowed to fall freely;

c. Below any platform; or

d. In discotheques, cockpits, night and day clubs, casinos, gambling joints and places of vice or where frivolity prevails.

Ang Bandila ay bawal din sa mga kulasisi, sa Anito, Sogo, saklaan at mga lugar ng kamunduhan na laging binibisita ni Granger, Bon, at Batang Mangyan (na hindi nang-iimbita).

5. To wear the flag in whole or in part as a costume or uniform;

Bawal din gaming damit o bikini ang Bandila. Kung ang two-piece mo ay may disenyo ng Bandila, wag na lang itong isuot—mas presko pa.

6. To add any word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisement, or imprint of any nature on the flag;

Huwag sulatan, paglaruan at gawing “connect the dots” ang mga bituin ng Bandila.

7. To print, paint or attach representation of the flag on handkerchiefs, napkins, cushions, and other articles of merchandise;

Bawal din iimprenta sa panyo o tissue ang larawan ng Bandila at baka gawin pa itong pambalot ng chewing gum. Bawal din itong gawing design ng Modess.

8. To display in public any foreign flag, except in embassies and other diplomatic establishments, and in offices of international organizations;

Bawal din pala maglagay ng bandila ng ibang bansa, pwera na lang sa mga embahada nito o opisina ng mga international organizations.

9. To use, display or be part of any advertisement or infomercial; and

Bawal ding isama ang Bandila sa mga patalastas lalo na kung kasama si Boy Abunda at Kris Aquino.

10. To display the flag in front of buildings or offices occupied by aliens.

At lalung-lalo nang bawal iwagayway ang bandila sa mga opisina ni E.T., Kokey at Jabba the Hut.

Penalty

Ang paglabag sa probisyon ng RA 8491 ay may parusang kulong ng hindi hihigit ng isang taon and/or multang P5,000-P20,000. Kayang-kayang bunuin. Try mo =)

“I believe our flag is more than just cloth and ink.  It is a universally recognized symbol that stands for liberty, and  freedom. It is the history of our nation, and it’s marked by the blood  of those who died defending it.” – John Thune

CAUGHT IN THE MIDDLE
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/spratly-kalayaan-island-tomas-cloma/"></g:plusone>

"Hindi na kailangan barilin ng kalaban, dahil kusa nang bumabagsak"

Ayon sa report, ilang fighter jets ng Tsina ang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas, sa may bandang Palawan, nang walang paalam.

Natural, walang magawa ang ating Philippine Air Force na 99% air at 1% force kundi mag-file na lang ng diplomatic protest. Ang pag-aaligid ng ilang beses ng hukbo ng Tsina sa may parting Palawan ay may kinalaman sa pinag-aagawang Spratlys Island.

Ang grupo ng islang ito ay pinaniniwalaang may malalim na deposito ng langis kaya’t pinag-aagawan ito ng Tsina, Malaysia, Brunei, Indonesia, Vietnam, Taiwan, pati na rin ng Pilipinas.

Mayroon bang valid claim ang Pilipinas upang maki-sawsaw sa pinag-aagawang isla?

Mahaba ang kasaysayan patungkol sa kung sino ang nag-claim sa mga islang ito at sa diskusyon na ito, uumpisahan na lang natin nang sinakop ito ng mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig. Sa pagkatalo ng Japan sa Allies, ni-renounce nito ang Spratlys sa Treaty of San Francisco noong 1951.

Dahil walang partikular na bansa na pinagsukuan ng Spratlys, naging Terra Nullius o walang sinumang nagmamay-ari ang isla. At dito pumasok ang isang Pilipino na nagngangalang Atty. Tomas Cloma. Si Atty. Cloma ay isang explorer na nakadiskubre sa grupo ng mga isla na parte ng Spratlys (malapit sa Palawan). Kilala rin si Tomas Cloma bilang founder ng isang eskuwelahan ng mga marino sa may Sta. Cruz, Manila at Del Monte, Quezon City.

CLOMA REPUBLIC

Nang nadiskubre ni Tomas Cloma na walang nakatira sa mga islang ito at sinakop niya at idineklarang independenteng estado. Ayon sa aking propesor sa Public Internatinional Law, ipinangalan daw ni Tomas Cloma ang isla sa kanyang sarili at tinawag na “Tomas Cloma Republic.” Ngunit ayon sa Wikipedia, tinawag niya daw itong “Freedomland.”

Noong nalaman ito ni dating Presidente Marcos, kinausap niya si Tomas at sinabing “I will make you an offer you cannot refuse.” Kaya buong pusong binenta ni Tomas ang Freedomland sa Republika ng Pilipinas sa tumatagingting na halagang “one peso.”

KGI

Upang lumakas ang claim ng Pilipinas sa mga islang ito na tinawag nang “Kalayaan Group of Islands” (KGI) nagpalabas si Marcos ng Presidential Decree 1596 at isinama ito bilang munisipalidad ng lalawigan ng Palawan.

At para magkaroon ng “effective occupation” nagpadala si Marcos ng mga tropa at mamamayan doon upang manirahan na may sariling lokal na pamahalaan. Kaya kung pinapangarap mo na maging isang mayor sa pinakamabilis na paraan, punta ka sa KGI. Kaya ang claim ng Pilipinas ay hindi ang buong Spratlys kundi ang KGI lang.

CONCLUSION

Hindi maayos o settle ang issue kung sino nga ba ang dapat na magmay-ari ng Spratlys dahil ayaw sumailalim ng lahat ng bansa umaangkin dito sa jurisdiction ng International Court of Justice. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ito.

Sa pagtaas ng presyo ng langis at pagkaubos ng oil reserves sa Middle East, malaki ang potensyal ng Spratlys. Dito naiipit ang Pilipinas dahil bukod sa China, malaki rin ang interes ng US dito.

Napansin mo ba ang madalas na pag-aaligid ng tropang China sa Spratlys at binu-bully ang ating AFP?

Napansin mo rin ba ang pagbisita ng US Secretary of State Hillary Clinton at ng USS Carl Vinson (na nagtapon sa karagatan kay Bin Laden) sa ating bansa kamakailan? At sinong maysabing ang VFA, kung saan nananatili ang tropa ng US, ay dahil sa mga MILF at Abu Sayaf?

Lahat ba ‘to ay dahil sa pinag-aagawang Spratlys?

Isipin mo na lang kung makuha ng China ang Spratlys at ang tone-toneladang langis nito, saan na lang pupulutin ang US? Kaya nasa gitna tayo ng nag-uumpugang malalaking bato.

Naisip mo ba ‘yon?

Your email:

“We dictate the way they live and talk… It’s a good thing, especially when there’s a lot of oil out there we need.” -

Jun. 24, 1996, US Brig. General William Looney, Washington Post

IMMUNITY FROM GOD
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/sovereign-immunity-holy-see-vs-del-rosario/"></g:plusone>

Dinaluhan ng milyon-milyong deboto ang Beatification ng pinakapopular na Santo Papang si Pope John Paul II.

The Blessed Pope of the People

Bago ko i-google ang salitang “Beatification,” akala ko magiging “Saint” na si Pope John Paul II. Ngunit ayon sa pinaka-reliable na source sa buong mundo – ang Wikipedia, ang proseso ng Beatification ay ikatlo lang pala sa apat (4) na hakbang  para sa pagiging santo o tinatawag na “Canonization.”

“Blessed” ang titulo ng beatified. Kinikilala ng simbahan na nasa langit na ang isang “Blessed” at may kakayahang mag-“intercede” kaya pwede na rin dasalan tulad ng mga santo (ayon sa Wiki).

Kung mali ang aking source ipagpatawad ninyo, hindi kasi ako pari. Sa katunayan, nasa kabilang spectrum ng holiness ang aking propesyon.

Ang topic kasi natin ngayon ay ang tingin ng batas sa Santo Papa at Vatican City.

HOLY SEE

Makikita ang sentro ng Romano Katoliko sa Lungsod ng Vatican na nasa loob ng bansang Italya. Ngunit kahit isang lungsod lang ito, itinuturing na may sariling kasarinlang (sovereignty) ang Vatican. Isang independenteng lungsod sa loob ng isang bansa. Ang gulo ba?

Ibig sabihin lang nito, ang Vatican ay maituturing na isang ganap na bansa rin. Bawat bansa ay may pinuno tulad ng presidente at prime minister. Sa kaso ng Vatican, ang pinuno nila ay walang iba kundi ang Santo Papa at ang tawag dito ay ang “Holy See.”

Kaya ang Santo Papa ay hindi lamang lider ng simbahan ngunit pinuno pa ng isang estado. Here you can see the union between the Church and the State in action.

Ang Holy See ay may kinatawan na ambassador sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas at tinatawag itong “Papal Nuncio.” Lahat ng pag-aari ng simbahang Katoliko tulad ng lupa kung saan nakatayo ang kanilang mga simbahan ay pag-aari ng Holy See at hindi ng mga pari o obispo.

SOVEREIGN IMMUNITY

Bilang isang sovereign state, ang Holy See ay may sovereign immunity. Ano yun?

Ibig sabihin, ang isang dayuhang estado ay hindi maaring idemanda sa korte ng Pilipinas hangga’t hindi nakukuha ang kanyang pagpayag o consent.

Halimbawa, hindi mo maaring idemanda ang Estados Unidos sa Pilipinas o ang mga opisyal na kinatawan nito. Kapag idinemanda mo sila, isang tingin pa lang ng judge, dismissed na agad ang kaso. Pwera na lang kung sasabihin ng estadong dinemanda na papayag sila (E ba’t naman sila papayag in the first place? Kalokohan diba?).

Pero hindi absolute ang sovereign immunity. Kailangang malaman kung anong klaseng act o ang ginawa nila.

1) jure imperii – kung ang isang estado ay gumawa ng isang bagay which is “connected with the discharge of governmental functions,” tulad ng pagrerenta ng gusali para sa embahada. Hindi maaring i-demanda ng landlord ang isang estado kung hindi na ito makabayad ng renta.

2) jure gestionis – kung ang isang estado naman ay gumawa ng isang bagay na walang kinalaman sa pagpapatakbo ng kanilang gobyerno, at masasabing purely commercial, hindi ito sakop ng sovereign immunity. Halimbawa, kung ang US ay nagtayo ng Starbucks dito sa Pilipinas at rumenta ng isang gusali sa Makati, maaring idemanda ng landlord ang US kung hindi ito makabayad sa renta dahil wala namang kinalaman ang pagbebenta ng kape sa pagpapatakbo ng estado.

HOLY SEE VS. ROSARIO, JR. (GR 101949, Dec. 1, 1994)

Dito papasok ang kaso kung saan dinemanda ang Holy See ng isang pribadong korporasyon.

May nagbigay sa Archdiocese ng Maynila ng piraso ng lupa sa may Paranaque upang gawing tirahan ng Papal Nuncio. Ngunit dahil sa dami ng squatters sa paligid, ibinenta na lang ito ng Monsignor sa isang pribadong kumpanyang Starbright.

Ngayon, nang nakita ng Starbright na marami palang squatter sa lupang ito, humiling ito sa Archdiocese ng Maynila na paalisin ang mga squatters. Ngunit ayaw namang gumastos ang simbahan sa pagpapaalis ng mga skwating.

Kaya napilitan ang Starbright na kasuhan ang Holy See upang utusan ang simbahan na paalisin ang mga iskwater. Dito idineklara ng Korte Suprema na immune ang Holy See at hindi maaring kasuhan dahil jures imperii ang ginawa nito dahil gagawin sanang tirahan ng Papal Nuncio ang lupang pinagtatalunan.

REMEDYO LABAN SA SOVEREIGN IMMUNITY

E kung hindi mo maaring idemanda ang isang sovereign state tulad ng Holy See, anong gagawin mo bilang pribadong tao o korporasyon?

Ayon sa Korte Suprema, maaring dumulog ang Starbright sa kanyang gobyerno. Ang gobyerno ng Pilipinas at ang Holy See na ang bahalang mag-uusap. Dito papasok ang foreign relations.

Dipende na ‘to sa kanyang bansa kung papaano nito idudulog ang problema at isasaalang-alang nito ang kanyang relasyon sa bansang nirereklamo.

Ang tanong, isasaalang-alang ba ng gobyerno ng Pilipinas, na predominantly Catholic, ang kanyang relasyon sa Holy See para lang sa isang piraso ng lupa?

Anong moral ng istorya? Alamin mo muna ang papasukan mong kontrata—maaring itong isang sovereign state at hindi maaring idemanda. Baka mayari ka.

Your email:

“I like your Christ, I do not like your Christians. Your Christians are so unlike your Christ.” - Mohandas Gandhi

SAGOT SA MGA TANONG MULA SA “LOSING MY RELIGION”

1)     Ayaw sumaludo sa watawat.

Sa unang kaso ng Gerona vs. Sec. of Educ., GR No. L-13954, Aug 12, 1959, kinatigan ng Korte Suprema ang Secretary of Education na sipain ang mga estudyante na kabilang sa Saksi ni Jehova dahil sa hindi pagsaludo sa watawat ng Pilipinas habang flag ceremony dahil hindi naman daw simbulo/ imahe ng relihiyon ang watawat ng Pilipinas.

Ngunit sa kaso ng Ebranilag vs. Supt. of Schools of Cebu, GR No. 95770, March 1, 1993, Dec. 29, 1995, pagkatapos ng 36 taon, binaligtad ng Korte Suprema ang doktrina sa Gerona vs. Secretary of Educ. Sabi ng Korte Suprema, hindi dapat sipain ang mga estudyante na kabilang sa mga Saksi ni Jehova (ibang mga estudyante na ito) dahil ito sa freedom of religion. E kung sa ‘yun naman ang paniniwala nila ayon sa kanilang relihiyon, anong magagawa mo?

2) Imahe na pinagawa ng barangay

Nilabag ba ng mga namumuno ng barangay ang separation of church and state sa pagpapatayo ng imahe?

Hindi. Sapagkat pribadong pera naman ang ginamit sa pagpapagawa ng imahe.

3) Selyo ng relihiyon

Hindi rin nilabag ng Post Office ang separation ng Church and State sa pagpapagawa ng commemorative stamp ng simbahang Katoliko dahil wala namang perang binigay sa simbahan. Bagkus ay i-prinomote pa ng stamp ang turismo sa Pilipinas para sa Thirty-third International Eucharistic Congress na ginanap dito.

4) Halal

Nilabag ng OMA (Office of Muslim Affairs) ang separation of Church and State sa pagmonopolya ng pag-certify ng halal na pagkain. Ang pagdeklara ng isang halal na pagkain ay gawaing panrelihiyon at hindi dapat nangingialam nag estado dito. Hayaan na natin ang mga Muslim na magsabi kung ano ang halal na pagkain ayon sa kanilang paniniwala.

Meron namang DTI na sinisiguradong malinis at ligtas ang mga pagkain na nasa merkado—halal man o hindi