Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » FAMILY

“PROMISE, REMEMBRANCE LANG”
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/ra-9262-violence-against-women-harassment-pascua-vs-court-of-appeals/"></g:plusone>

"Kinis ba? Yan si Inday"

Iba na talaga ang teknolohiya ngayon. Nakakatakot. Lahat ng gagawin mo dapat mo nang pag-isipan.

Dati-rati, kapag nag-lasing ka pagtatawanan ka lang ng mga barkada mo kinabukasan at pag-uusapan ang nangyari ng paulit-ulit hanggang magkalimutan at pwede mo nang ituring na walang nangyari.

Ngayon, lahat may bitbit na camera sa kanilang mga cellphone. Subukan mong maglasing ng todo at tiyak kinabukasan ay nagkalat na sa Facebook at You Tube ang kuha mo sa banyo habang yakap-yakap ang inodoro.

Kahit tumanda ka pa at umabot ng ilang daang taon, nasa cyberspace lang ang mapait na ala-ala.  Mumultuhin ka ng mga incriminating pictures mo habang ikaw ay nabubuhay.

Mabuti kung ganon lang ang nangyari. E papano kung ang taong pinagkakatiwalaan mo at ibinigay ang iyong sarili ay kinukunan ka na pala ng video. O ‘di kaya’y nakumbinse kang kunan ng video o picture dahil pangako niya na hindi niya ito ilalabas, “remembrance” lang daw.

Kaso nang hindi naging maganda ang inyong hiwalayan ay biglang sasabihin sa iyo na ikakalat ang mga videos at pictures na ito kapag hindi ka sumunod sa gusto niya.

Familiar diba? Bago pa pumutok ang kaso nina Hyden Kho at Katrina Halili, nauna na ang kaso nina Rustan at Irish. Kilalanin natin.

Pascua vs. Court of Appeals

Si Rustan at Irish ay dating magkaklase sa isang unibersidad sa Probinsiya ng Aurora  at naging “on and off” sweethearts. Kaso itong si Rustan ay nakabuntis kaya nakipaghiwalay si Irish.

Bago magpakasal si Rustan ay pinilit niyang kumbinsihin si Irish na sumama sa kanya at makipagtanan dahil hindi daw niya talaga mahal ang babaeng kanyang papakasalan. Hindi pumayag si Irish at pinangaralan pa si Rustan na panagutan ang responsibilidad sa kanyang mapapangasawa.

Ilang beses kinulit sa text  ni Rustan si Irish ngunit nag-reply lang ang dalaga na tantanan na siya at ikiskis na lang sa pader ang pototoy ni Rustan para makaraos.

Ngunit isang araw, biglang na lang nagulat si Irish ng makatanggap ng isang mms galing kay Rustan kung saan may isang babaeng nakabukaka at kamukha niya. Hinala ni Irish na gamit ang photoshop ay idinikit ni Rustan ang litrato niya sa babaeng nakabukaka.

Binantaan ni Rustan si Irish na ipapakalat ang nasabing litrato kung hindi sasama sa kanya: “Eow poh, Madali lang ikalat yun, my chatrum ang tarlac rayt pwede ring send sa lahat ng chatter. Jejeje” (jejemon supplied)

Humingi ng tulong si Irish sa mga pulis at doon ay gumawa sila ng bitag. Tinex ni Irish si Rustan upang magkita sa isang resort at doon ay dinakip siya ng mga pulis.

Isinampa sa korte ang kaso laban kay Rustan bilang paglabag  sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act dahil sa harassment na ginawa kay Irish.

Depensa ni Rustan

Wala daw dating relationship

Ang mga elemento ng krimeng harassment sa RA 9262 ay ang mga sumusunod:

1)    Ang akusado ay may sexual or dating relationship sa biktimang babae.

2)    Ang mismong akusado o sa pamamagitan ng ibang tao, ay nagsagawa ng pang ha-harass sa biktimang babae;

3)    Ang pangha-harass ay nagdulot ng sapat na emosyonal o psykolohikal na  pagkabalisa sa biktimang babae (substantial emotional and psychological distress).

Bilang palusot, sabi ni Rustan na wala naman daw “dating relationship” na namamagitan sa kanilang dalawa ni Irish noong panahon na nangyari ang pagte-text kaya hindi ito sakop ng RA 9262.

Ang ibig sabihin ng “dating relationship” sa  RA 9262 ay kung saan ang babae at lalake ay nagsasama bilang mag-asawa na hindi kasal o kaya ay “romantically involved”.

Ang kaswal na paglalandian ng lalake at babae sa isang handaan ay hindi tinuturing na “dating relationship”(casual acquaintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context)

Sabi ni Rustan, ang ibig sabihin ng “romantically involved” sa Webster Dictionary ay “to make love” o makipag pag-jerjer. E wala namang nagyari sa kanila ni Irish kaya hindi siya pasok sa mga taong maaring lumabag sa RA 9262.

Si Irish daw ang nagpadala ng mga litrato

Sinabi rin ni Rustan na ito daw si Irish ay lumapit at humingi ng tulong sa kanya upang hulihin at alamin ang taong nagpapadala ng mga malisyosong mensahe kay Irish.

Kinuha daw ni Rustan ang numero ng taong nagpapadala ng malisyosong text upang magpanggap na si Irish. Nang i-text ni Rustan ang numerong binigay ni Irish ay nag-reply ito at pinadalhan siya ng mga malisyosong litrato. Pinasa naman ni Rustan kay Irish ang mga nakabukakang litrato kaya lumabas na galing sa numero ni Rustan ang lahat.

Tumestigo rin ang napangasawa ni Rustan at sinabing itong si Irish ay sadyang malandi at si Irish mismo ang mga nagpadala ng mga litrato kay Rustans bilang set-up.

No harassment

Sabi rin ni Rustan na ang simpleng pagpapadala ng mga litrato kay Irish ay hindi  maituturing na harassment. Sa panahon ngayon, marami na raw naglipana sa internet na mga ganitong litrato kaya hindi na daw bago kay Irish ito, sapat para magkaroon siya ng “emotional and psychological distress”

Hatol kay Rustan

Hindi nakumbinse ang Regional Trial Court (RTC) sa mga palusot ni Rustan kaya nahatulan siyang “guilty” sa paglabag ng RA 9262, (hindi binanggit sa desisyon ng Korte Suprema kung ano ang parusa kay Rustan)

Ayon sa RTC, mas kapani-paniwala ang testimonya ni Irish lalo na ang mga makahabag damdamin niyang pagsasalaysay ng mga pangyayari na pang Oscars:

“Her tears were tangible expression of pain and anguish for the acts of violence she suffered in the hands of her former sweetheart.  The crying of the victim during her testimony is evidence of the credibility of her charges with the verity borne out of human nature and experience.”

Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at umabot sa Korte Suprema ang kaso. Binasura ng Korte Suprema ang apela ni Rustan, gamit ang mga sumusunod na argumento:

(1) Nakalagay sa RA 9262 ang salitang “romance” hindi bilang pakikipagtalik kundi paglalarawan sa isang relasyon na may “love affair.” Sa batas rin ay sinabi ang pinagkaiba ng “sexual” at “dating” relationship.

Ibig sabihin, maaring may “dating relationship” kahit walang jerjer. Mala’y mo nag pa-Farmsville lang sila kapag magkasama o nag-pipitik bulag.

Sa kasong ito, inamin ni Rustan na dati silang magkasintahan ni Irish, kaya kahit walang jerjer na namagitan, pasok pa rin sila sa “dating relationship”

Sa tingin ko hindi na rin kailangan ang distinction na ito, dahil kahit walang dating relationship o sexual relationship na namagitan sa biktima at akusado, maari pa ring pananagutin ang isang estranghero sa paglabag sa RA 9262 ayon sa kasong Go-Tan vs. Sps. Tan (G.R. 168852, September 30, 2008).

Ang hanggad kasi ng RA 9262 ay protektahan ang mga kababaihan laban sa mga manyakis, stalker, psycho maging asawa, syota, dating syotang tibo o kahit isang estranghero.

(2) Sumang-ayon ang Korte Suprema sa obserbasyon ng RTC kung saan mas binigyan ng mabigat na halaga ang testimonya ni Irish kesa kay Rustan at asawa nito. Kaya para sa mga tetestigo dyan, mas makakatulong kung mag-enroll muna kayo sa summer workshop bago tumuntong sa witness stand.

(3) Hindi rin binigyang halaga ng SC ang argumento ni Rustan na sanay na daw si Irish sa mga porn na litrato. Kaya hindi naman daw siguro na-iskandalo si Irish noong natanggap ang mga nakabukakang litrato niya.

Una, kahit sinong hindi pornstar na makakita ng sarili nilang nakahubad at nakabukaka ay mababahala. Pangalawa, ang pagbabantang pagpapakalat ng litrato ay isang matinding bangungot para kay Irish at sapat na ito upang magtamo siya ng “emotional at psychological distress”

Kaya yun sabit pa rin si Rustan.

Conclusion

Ang kasong ito ay maituturing na landmark pagdating sa interpretasyon ng “harassment” sa RA 9262. Nakita natin ang proteksyon na binibigay ng batas para sa mga kababaihan at laban sa mga manyakis na mga ex-bf or gf.

Ang tanong, papaano kung yung lalake ang kinunan habang natutulog at binantaang ipapakalat ng ex-gf na psycho rin, saan babagsak ang kasong yun?

Ok lang siguro kung nakatayo at makisig si Manoy.

Dapat talaga para patas ay isabatas na ang Anti-Violence against Men and their er…Pototoy? Inaantok na talaga ako kung ano-ano na pumapasok sa utak ko.

Your email:

“Women are made to be loved, not understood.” – Oscar Wilde

FIVE YEARS
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/annulment-voidable-marriage-article-45-family-code/"></g:plusone>

Romeo & Juliet and their struggle to get a Marriage License

Ilang beses ko na sinabi na ang annulment ay iba sa “nullity.” Sa nullity of marriage ang kasal ay void ab initio  o walang bisa sa simula pa lang. Ang annulment naman ay patungkol sa voidable marriage o kasal na valid ngunit napawalang bisa kinalaunan.

Ano-ano ba ang mga dahilan para ma-annul ang isang valid na kasal? Tignan maigi baka may pag-asa ka pa.

LACK OF PARENTAL CONSENT

Kapag isa sa mga partidong kinasal ay may edad na 18 below, automatic na walang bisa ang kasal.

Ergo, ang legal na edad para magpakasal ay 18 years old. Pero marahil, naisip nung mga taong bumuo ng Family Code na ang taong nasa edad na 18 hanggang 21 ay likas na malilibog, este, mapupusok.

Kaya kahit 18 anyos na (at hindi lalagpas ng 21) ang edad ng isang tao ay kailangan pa rin ng pahintulot ng magulang o parental consent bago bigyan ng marriage license. Ang marriage license ay isang imporanteng requirement para magpakasal.

Kung hindi makukuha ng parental consent, nakasaad sa batas na ipagpapaliban lang ang pagbibigay ng marriage license ng tatlong (3) buwan.  Marahil ay nagbabaka-sakali na sa loob ng panahong ito ay magbago pa ang isip ng ikakasal. Matapos ang 3 buwan, maari pa rin magpakasal ang partido kahit walang parental consent.

Kung naisyuhan ng marriage license bago ang ikatlong buwan, valid pa rin ang kasal. Maaring malintikan lang ang taong taga-Civil Registrar na nag-issue ng marriage license .

Pero kahit valid ang kasal, pwede pa rin itong ipa-annul ng taong hindi kumuha ng parental consent bago siya lumagpas ng edad na 21. Kapag lumagpas siya ng edad na 21, at magkasama pa rin sila ng asawa niya, ibig sabihin nun ay “true love,” aw!

Ang magulang na hindi nagbigay ng kanilang consent ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal sa loob ng limang (5) taon matapos umabot ng edad na 21 ang kanilang anak.

UNSOUND MIND

Kung isa sa mga partido ay may tama at nalaman lamang ito pagkatapos ng kasal (malas), valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa ito pwera na lang kung nagsama pa rin sila matapos matauhan (after coming to reason).

Ang partidong matino o tagapangalaga ng partidong may tama ay maaring ipawalang-bisa ang kasal habang ang isa sa kinasal ay nabubuhay. Ang taong may tama rin ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal kapag siya’y natauhan (during a lucid interval or after regaining sanity).

CONSENT OBTAINED BY FRAUD

Kung ang matamis na “oo” ng isa sa partido ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko, valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa.  Eto ang mga dahilang:

Dati pala siyang miyembro ng Batang City Jail pero hindi niya nabanggit sa’yo. (Non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude)

Hindi sinabi ng babae na siya pala ay buntis sa ibang lalake bago kayo ikasal, dahil nang lumabas ang bata ay singkit samantalang mas malaki pa ang mata mo sa Philippine tarsier.

May tulo pala si Honey at nalaman mo lang ito kinabukasan pagkatapos ng honeymoon, dahil nahirapan ka nang umihi (Concealment of sexually transmissible disease, regardless of its nature, existing at the time of the marriage)

Isa palang durugista, sunog-baga, bading o tibo ang asawa mo, samantalang ang press release niya nung mag-syota pa lang kayo ay isa siyang virgin na seminarista. (Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage)

Wala nang ibang klaseng panloloko ang maaring magpawalang-bisa sa kasal bukod sa mga nabanggit. Ang partidong naloko ay may limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal mula sa araw na ito’y kanyang natuklasan.

At kung talagang mahal na mahal ng naloko ang kanyang asawa at ito’y kanyang pinatawad, hindi na niya mapapawalang-bisa ang kasal nila sa mga darating na panahon.

CONSENT OBTAINED BY FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE

Ito ang classic case ng “shotgun wedding.” Nang hindi makuha sa santong dasalan ay dinaan sa santong paspasan.

May limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal simula nang mawala ang pamumwersa, pananakot o pang-iimpluwensiya.

PHYSICALLY INCAPABLE OF CONSUMMATING THE MARRIAGE

Kung isa sa partido ay hindi kayang makipagtalik dahil hindi tinitigasan.

Alam ko interesado kayo dito, pero bibitinin ko muna para sa mga susunod na post ahihi. May limang taon para pagbigyan ng babae si Manoy para tigasan. Kapag lumagpas ng limang taon ay nakisama pa rin si babae, hindi na ito pwedeng kwestyonin.

INFLICTED BY SERIOUS AND INCURABLE STD

Kung ang isa sa mag-asawa ay nagkaroon ng STD na malala at hindi kayang gamutin tulad ng HIV AIDS.

Eto walang fraud, talagang nagkaroon lang ng STD si mister o misis. Kaso ang malabo, nakalagay sa batas na may limang (5) taon ang partido simula nang kinasal para mapawalang bisa ito.

E paano kung nagka AIDS lang si mister noong ikaanim na taon? Labo diba?

O ano pasok ka ba dito? Bilisan mo baka tapos na ang limang taon mo.

“A happy man marries the girl he loves; a happier man loves the girl he  marries.”

- Anonymous

LUZ VALDEZ
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/silverio-vs-republic-gay-change-of-name-same-sex-marriage-philippines/"></g:plusone>

Mala-labanos ang legs sa puti…nakakasilaw.

Kinis!

Parang Christine Reyes ang mga binti, ‘yun pa lang…ulam na. Walang sinabi ang kissable lips ni Angelina Jolie, at ang pamatay na ngiti ni Meg Ryan.

Pero hindi na uubra ang mga porma mo kay Mely, dahil nabihag na ang kanyang alindog ni Richard, isang foreigner. Katunayan ay malapit na nga silang ikasal.

Ngunit may isang problema…

Si Mely ay dating “mama.”

Hindi “mama” na as in “hot mama” kundi “mama” as in, “Mama…Mamang Driver, bayad po!”

Tama ka, si Mely ay kasama nila Wolverine, Cyclops at Storm. Isang siyang “X-Men.”

Ngunit tanggap naman siya ng nobyong si Richard kahit miyembro si Mely ng federasyon.

Kaya lang, hindi umuusad ang kanilang planong magpakasal dahil “Rommel Jacinto” pa rin ang nakasulat sa birth certificate ni Mely at “male” pa rin ang nakasaad na gender niya dito.

Nakasaad kasi sa ating Family Code: “Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman” kaya bawal ang M2M1.

Kaya ano ang gagawin mo kung gusto mong maging isang ganap na babae ayon sa batas?

Simple. E di palitan mo ang gender na nakasaad sa iyong birth certificate mula male to female.

At yan nga ang ginawa ni Mely.

Naghain ng petisyon si Mely sa Regional Trial Court ng Manila upang palitan ang kanyang pangalan mula “Rommel Jacinto” to “Mely” at ang kasarian mula “male” to “female.”

At hindi naman siya binigo ng hukom. Noong June 4, 2003, ay binigay ang kanyang kahilingan na mapalitan ang kayang pangalan at kasarian. At nabuhay sila Mely at Richard ng masaya at matiwasay, parang fairy tale ending—happy ever after! Bongga!

Yan e kung si Mely ang sumulat ng blog na ito. Ngunit, hindi papayag si Granger na walang twist sa kwento, kaya’t sumingit ang Rita Avilang2 Solicitor General na laging nakikialam sa mga relasyong mapa-straight man o gay.

Bago pa maging final ang desisyon ng RTC ay inapila ito ng SolGen sa Court of Appeals. At dito nagsimulang gumuho ang pira-pirasong pangarap ni Mely dahil binaligtad ng CA ang desisyon ng RTC at binasura ang petisyon niya.

Bitter Ocampo3 man, ay inipon ni Mely ang kanyang lakas upang magsumbong  sa kanyang mga ditse sa Korte Suprema.

Ayon kay Mely, isa siyang male transsexual. Isang dilag na nakulong sa katawang barako na puro buhok sa binti at kili-kili. Bata pa lang siya ay nararamdaman na niya ito dahil imbes na si FPJ at Batman, ay si Barbie at Rainbow Brite ang kanyang iniidolo.

Kumunsulta siya sa mga dalubhasa sa Estados Unidos para sumailalim sa psychological exam, hormone treatment at breast augmentation.  Ngunit ang uod ang naging ganap na paru-paro noong January 27, 2001, nang sumailalim si Mely sa isang sex reassignment surgery sa Bangkok, at pinutol ang kanyang *toot*…Taragis!

Simula noon ay nabuhay na si Mely bilang isang ganap na dalaginding kung saan naging kasintahan na nga niya si Richard na handa siyang pakasalan kahit wala siyang obaryo.

Bilang ganap na babae, dapat lang daw ay pagbigyan na siyang palitan ang kanyang pangalan at kasarian sa kayang birth certificate at hayaan na lang siyang mabuhay bilang isang sirena.

Sang-ayon kaya sila ate sa Korte Suprema?

Ayon sa mga Thundercats4 ng Korte Suprema, ang pagpapapalit ng pangalan ay hindi isang karapatan kundi isa lamang pribelehiyo. Wala naman daw sa batas na kapag nagpabago ka ng ari ay sapat na itong basehan para magpabago ka ng pangalan.

Nakasaad sa RA 9048 (Clerical Error Law), na maari lamang palitang ang unang pangalan kung:

Ang unang pangalan ay mabantot o katawa-tawa (ridiculous), nakakahiya (tainted with dishonor), mahirap bigkasin o isulat (extremely difficult to write or pronounce).

Ang bagong unang pangalan ay dati nang ginagamit (habitual and continous) at ito na rin ang pagkakakilala ng publiko (publicly known) at kumunidad sa kanya.

Ang pagpapalit ng unang pangalan ay magtatanggal ng kalituhan (avoid confusion).

May nakita ka bang “sex change” dito? Wala, kaya wala rin daw basehan para palitan ang unang pangalan ni Mely.

Ikinatwiran ni Mely na dati na siyang kilala bilang “Mely” kaya’t maaring pasok pa rin ang kanyang kahilingan. Kaso hindi pa rin nakumbinsi ang Korte Suprema, bagkus, sabi nito na mas lalong malilito ang publiko kung papalitan ang kanyang kasarian sa Birth Certificate.

Ang pagpapalit ng entries sa birth certificate ay ginagamit lamang upang itama ang mali. Sa kasong ito, wala namang mali na nakasaad sa birth certificate ni Mely kaya’t walang dapat palitan.

Nakalagay din sa Civil Register Law na ang birth certificate ay isang historical record ng isang tao tungkol sa kaganapan ng kanyang kapanganakan. Kaya’t kung ang isang tao ay ipinanganak na lalaki, hindi na ito maaring palitan kahit ang ari niya’y tinanggal upang gawing hungarian sausage (o cocktale hotdog).

At ang pinaka-importante, kapag pinayagang ang petisyon ni Mely, malaki ang magiging epekto at implikasyon nito sa ating mga batas. May mga batas kasi na gender-particular tulad ng batas para sa mga kababaihang manggagawa (labor law), krimen na babae lamang ang makakagawa tulad ng adultery, at iba pa.

At syempre ang epekto nito sa ating Family Laws in general.

Isipin mo na lang, magiging daan ito para maging legal ang same sex marriage. Magpapalit lang ng pangalan at kasarian sa birth certificate at pwede nang magpakasal sa kapwa nila lalake.

Walang kapangyarihan ang Korte Suprema na gumawa ng batas, ito ay trabaho ng Kongreso. Ang isyu ay hindi lamang legal, kung hindi isa ring isyung politikal at moral.

Hayan at Luz Valdez5 na naman ang lola mo. ‘Di bale, dumarami na rin ang miyembro ng federasyon sa Kongreso kaya konting hintay na lang.

Your email:

“ I think that gay marriage should be between a man and a woman.”

- Arnold Schwarzenegger

Source: Silverio vs. Republic, G.R. No. 174689, October 22, 2007.

Footnotes:

1Man to Man =)

2Nakakairita

3Bitter, masama loob

4Matatanda

5Talo

DON’T TOUCH MY SNAKY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/impotency-psychological-incapacity-tsoi-vs-court-of-appeals/"></g:plusone>

"Huwag ka humarang sa TV, naglalaro ako ng Barbie & Ken..ano ba!"

The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support. – Article 68 of the Family Code

May nabasa ka ba sa batas na “the husband and wife are obliged to have sex”?

Basahin mo ulit. Para wala ata. Oo nga sabi “observe mutual love” pero masasabi mo ba na tumutukoy ito sa pagtatalik? Pwede naman magmahal na walang kasamang ganon diba?

Kaya ang tanong, ano kaya ang mangyayari kung ang isa sa asawa ay ayaw makipagtalik kahit kasal na sila?

Ladies and Gentlemen, meet Chi Ming & Gina.

Dahil sa maselan na talakayan, ang mga edad 18 pababa ay pinakikiusapang pumunta muna sa site na ito -> Below 18 years old.

Para sa mga 18 patataas, buksan ang inyong kamalayan at tuloy lang sa pagbasa.

LONG HONEYMOON

Enggrande ang kasalan ng mag-asawang Chi Ming & Gina na ginanap sa Manila Cathedral at tinuloy ang reception sa South Villa sa Lungsod ng Makati.

Matapos ang masayang okasyon ay tumuloy sila sa bahay ng nanay ni Chi para sa unang gabi bilang mag-asawa.

Dahil nga honeymoon, akala ni Gina na ito na ang gabi ng mga gabi. Gabi kung saan magpapaalam siya sa kanyang kamusmusan at matitikman na sa wakas ang luto ng Diyos.

Kaya hindi maiitatago ang kanyang pagkasabik at pamumutla. Kakayanin kaya ni Gina ang “one eyed snake” ni Chi?

Eto na, sila na lang dalawa ni Chi sa kwarto, it’s show time!

Ngunit laking gulat niya nang pagdating sa kwarto ay biglang humikab itong si Chi, sabay higa sa kama at humilik na parang walang nangyari.

Hmm…

Baka pagod lang. Naisip siguro ni Gina. Dumaan ang pangalawang araw ay bitin pa rin. Pangatlo, pang-apat na gabi walang nagbago. Mailap talaga ang one-eyed snake ni Chi.

Kaya naman naisipan ni Gina na ganapin ang kanilang honeymoon sa isang malamig at romantikong lugar – sa Baguio.

Dito ay masosolo at mako-korner niya si Chi at wala nang kawala ang mala-palos na kanyang asawa at alaga nitong ahas.

Ngunit laking dismaya ni Gina nang imbitahan ni Chi ang buong barangay kasama ang kanilang mga magulang, tiyuhin at pamangkin. Apat (4) na malamig na gabi ang lumipas ay wala pa ring nangyari.

Tuwing tanghali ay lumalabas itong Chi upang maglakad mag-isa na para bang iniiwasan na maiwan silang dalawa ni Gina sa kwarto at natutulog siya lagi sa sala.

Sampung (10) buwan ang lumipas ay tigang pa rin si  Gina.

Oo, tama ang nabasa mo, 10 buwan ang binilang ay birhen pa rin si Gina. Ni hindi man lang nasilayan ni Gina ang alagang ahas ni Chi. At itong si Chi ay hindi man lang nasilip ang hagdang papuntang langit ni Gina.

Kaya naisipan nilang dalawa na mag patingin sa dalubhasa. Kaya pumunta sila kay Madam Auring este sa isang urologist sa Chinese General Hospital.

Ayon sa resulta, normal naman ang kondisyon ni Gina at tulad ng inaasahan ay isa pa rin siyang birhen. Samantalang may gamot na pinapainom ang doktor sa kanyang asawa at pinababalik ito, ngunit hindi na ito pinagpatuloy ni Chi.

THE LONG HONEYMOON IS OVER

Hindi na hinintay ni Gina na magsara ang kweba o tirhan ng mga paniki kaya nagpetisyon siya sa korte na ipawalang bisa ang kanilang kasal. Ayon kay Gina, isang bading ang kanyang asawa dahil ayaw nitong ipakita o ipahawak man lang ang alagang ahas.

Sigurado si Gina na miyembro ng federasyon si Chi at hindi lang isang punkista o miyembro ng isang gothic group nang mahuli niya itong gumagamit ng eyebrow pencil at cleansing cream ng kanyang nanay.

Ang Filipino Citizenship lang daw ni Gina ang habol ni Chi (na isang Chinese) at hindi ang kanyang alindog.

Inamin ni Chi ang mga akusasyon at sinabing si Gina ang umiiwas tuwing hinahawakan niya ang flower ng asawa. Pinagpipilitan niyang hindi siya impotent at kaya niyang pasukan at punuan ang pagkukulang sa asawa dahil bata pa naman sila.

Pumayag si Chi na sumailalim sa pagsusuri ng doctor para malaman kung siya ay talagang impotent. At isa lang ang paraan upang malaman kung tumitigas pa si manoy…

Ilabas ang FHM, Tiktik, Taliba at Bulgar…at 100 gramo ng lotion.

Ang resulta: Positive!

Nagulat ang sumuring doktor sa nakita, mula daw sa dalawang (2) pulgada ay lumaki ito ng labin-dalawang (12) pulgada at mala-Maling Luncheon Meat ang taba…ugat pa lang yun!

Yan ay sa panaginip lang ni Chi.

Ayon sa tunay na report: kahit papaano ay lumaki rin ng isang (1) pulgada at isang (1) sentimetro ang alagang ahas. Maaring maglilinis lang ng kuko ang mga pokpok na papasukan nito, ngunit sapat na raw yan para magpaligaya ng birhen ayon sa mga eksperto.

HATOL NG HUKUMAN

Matapos ang paglilitis ay pinawalang bisa ng hukuman ang kasal ng mag-asawang Chi at Gina at ginamit na dahilan ang Article 36 ng Family Code na “Psychological Incapacity.” Ito naman ay pinagtibay ng Court of Appeals.

KORTE SUPREMA

Inapela ni Chi hanggang sa Korte Suprema ang kanyang kaso.

Sabi niya, wala namang ebidensiya ang nagpapakita na may “psychological incapacity” ang sino man sa kanila. Hindi daw porke’t hindi sila nagtalik ng 10 buwan ay psychologically incapacitated na agad sila. Masusulusyonan naman daw ang problema nila ni Gina “through proper motivation”.

Hindi naniwala ang Korte Suprema sa alegasyon ni Chi.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, hindi naman pala impotent si Chi pero ayaw niyang makipagtalik kay Gina sa loob ng 10 buwan kahit sila ay natutulog sa iisang kama.

Kahit paniniwalaan na si Gina ang umaayaw tuwing sinusubukan ni Chi na painitin ang kalan, dapat ay pinilit pa rin nitong tahakin ang masalimuot na daan papuntang langit. Dahil malay mo nga naman, nagpapakipot lang ng kaunti si Gina at ayaw niyang magpahalatang excited.

Pinaalalahanan din ng Korte Suprema ang pinakaimportanteng aspeto ng kasal – ang pagpaparami o procreation. Yun lumabas din ang totoo -  it’s all about sex.

Isang mahalagang aspeto ng pag-aasawa ang pagtatalik upang magparami.

Tinago pa kasi sa salitang “mutual love”.

Kaya nakalaya rin sa wakas si Gina sa sampung buwang dry spell. Ano sa tingin mo, bading ba si Chi?

“Never get married in the morning, because you never know who you’ll meet that night.” – Paul Hornung

Source: Tsoi vs. Court of Appeals, G.R. No. 119190.  January 16, 1997.

Your email:

SEPARATE LIVES
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/legal-separation-vs-annulment-family-code/"></g:plusone>

Lagi nating nadidinig ang annulment at nullity of marriage.

Uso-usong ang mga ito ngayon at patok na patok sa mga gustong makalaya sa kanilang bitter half.

Pero bakit wala magyadong nagpa-file ng legal separation?

Bago natin, sagutin yan ay tingnan muna natin ang mga dahilan para magfile ng legal separation sa korte.

GROUNDS FOR LEGAL SEPARATION

1. Ginagawa kang punching bag, pati anak mo ginagawang football (repeated physical violence or grossly abusive conduct).

2. Pilit kang pinapaanib sa partido ni Oliver Lozano na Kilusang Bagong Lipunan (KBL) at El Shaddai ni Mike Velarde (moral pressure to compel you to change religious or political affiliation).

3. Isa siyang pimp (attempt or induce you or your child to engage in prostitution).

4. Miyembro siya ng Batang City Jail – Tondo Chapter (spouse imprisoned to six years).

5. Isa siyang lambanog connoisseur (alcoholic and drug addict).

6. Masyado siyang mapagmahal (contracted another marriage).

7. Lagi siyang nangangati (sexual infidelity or perversion).

8. Mahilig siya mag biro (made an attempt against your life), at

9. Ayaw ka na niyang makita (abandonment without any cause for more than one year)

Dapat isampa ang petisyon sa loob ng limang (5) taon simula nung nangyari ang mga insidente na nasa itaas.

Hindi didinggin ng korte ang petisyon sa loob ng anim (6) na buwan matapos isampa dahil baka magkabati pa raw.

Kaya dapat huwag magpadala sa kanyang mga mapupungay na mata, dahil kapag pinatawad mo siya ay dismiss agad ang petisyon.

Kailangan din daw gumawa  nang paraan ang korte para pag-ayusin ang mag-asawa.

Kung mapapansin ay talagang pabor ang batas na hindi matuloy ang petisyon dahil gusto ng estado na magsama parin ang mag-asawa at mabuo ang pamilya.

Ngunit kung talagang wala nang bawian, papayagan ng korte na ibigay ang decree ng legal separation, at eto ang mga epekto nito:

EFFECTS OF DECREE OF LEGAL SEPARATION

Good News:

1) Pwede ka nang mag-impake dahil wala ka nang obligasyon na makitira na kasama siya sa bahay ng biyenan mo,  kasama ang lima niyang kapatid na may mga pamilya na rin (the spouses shall be entitled to live separately from each other.)

2) Lahat ng napundar ninyong sabon, kaldero at batya ay mapupunta sa iyo (the absolute community or the conjugal partnership shall be dissolved and liquidated but the offending spouse shall have no right to any share of the net profits earned )

3) Ikaw na ang magpapalaki sa makulit mong anak na mag-isa (the custody of the minor children shall be awarded to the innocent spouse) at;

4) Hindi na niya mamamana ang mga nagtututong mong underwear (the offending spouse shall be disqualified from inheriting from the innocent spouse by intestate succession).

Bad news: KASAL PA RIN KAYO!

Oo, matapos kang bugbugin, ibugaw, piliting sumali sa El Shaddai at tangkang patayin ng asawa mo ay kasal pa rin kayo at hindi ka pwedeng mag-asawang ulit.

Kung gagastos ka na rin lang sa abugado, e di mag file ka ng petition for annulment or declaration of nullity of marriage.

Got it?

Your email:

“A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.”

- Mignon McLaughlin, The Second Neurotic’s Notebook, 1966

ADOPTATION
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/domestic-intercountry-adoption-ra-8552/"></g:plusone>

Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyayaan ng supling. Para sa ating mga pinoy, hindi buo ang pamilya kung walang anak.

Samantalang yung iba naman, anak ng anak ngunit hindi kayang alagaan at hinahayaang pakalat-kalat sa kalye.

Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang dumampot ng bata sa kalye, paliguan at lagyan ng pulbos at angkining atin.

Kaya para maprotektahan ang interes, kapakanan at mabigyan ng sapat na pangangalaga at pagmamahal ang mga batang inabandona at pinabayaan ng kanilang mga magulang, pinalawig ang RA 8552 o Domestic Adoption Act.

Take note – interes ng bata at hindi interes ng nag-aampon. Hindi dapat nag-aampon para lang meron kang laging hila-hila tuwing may handaan o okasyon parang chihuahua.

EFFECTS OF ADOPTION

Pero bakit pa kailangan dumaan sa proseso ng adoption? Hindi pa ba sapat na kapiling ng mga magulang ang kanilang tinuturing na anak? Kung tutuusin e sa papel lang naman yan.

Malaking ang epekto sa batas kapag legal ang adoption ng isang bata.

Una, Parental Authority. Kapag legal ang adoption, lahat ng karapatan at responsibilidad ng mga tunay na magulang sa kanilang anak ay mawawala at mapupunta sa mga nag-ampon.

Pangalawa, Legitimacy. Ang inampon ay itinuturing na legitimate child ng mga nag-ampon. Kung ano man ang karapatan at pribilehiyo ng isang legitimate child ay makukuha ng inampon na parang tunay na anak.

Pangatlo, Succession. Ito ang isa sa pinaka-importanteng aspeto. Bilang isang legitimate child entitled sa mana ang inampon. Kapantay niya sa hatian ang mga tunay na anak ng nag-ampon sa kanya.

WHO MAY ADOPT?

Bago natin pag-usapan ang proseso, tignan muna natin sino-sino ba ang pwedeng mag-ampon.

1. Lahat ng Pinoy na nasa hustong edad, na may “full civil capacity and legal rights,” may good moral character , hindi nahatulan ng kasong may “moral turpitude,” may emosyonal at psychological capacity na mag-alaga ng anak at dapat 16 taong mas matanda sa inaampon.

Syempre, para kapanipaniwala naman na anak niya ang inaampon niya dapat may tamang agwat sa edad pwera na lang kung yung aampon ay asawa ng tunay niyang magulang.

2. Ang mga alien ay pwede rin mag-ampon dito sa pinas basta may katangian din siya ng mga nabanggit ko sa taas. Basta dapat ay may diplomatic relations sa kanyang bansa (baka kasi dalhin sa N. Korea ang bata at gawin kimchi, mahirap na.)

At dapat tatlong (3) taon nang naninirahan dito sa bansa bago siya nag file petition for adoption sa atin, pwera na lang kung ang mag-aampon ay dating Filipino citizen at inaampon niya ang kamag-anak niya within 4th civil degree (hanggang pinsang buo); o kung ang aampon ay asawang ng tunay na magulang na nakabingwit ng puti.

WHO MAY BE ADOPTED?

Sino-sino ba ang pwedeng ampunin

1. May edad 18 pababa at nasa DSWD at dineklara ng ahensiya na “abandoned” at pwedeng ampunin.

2. Ang lehitimong anak ng asawa ng aampon.

3. Ang illegitimate child para ma-raise ang status ng bata bilang legitimate.

4. Ang taong kahit nasa anong edad basta tinuturing siyang tunay na anak ng aampon simula pagkabata. Kaya kahit may asawa at anak na pwede pa rin ampunin.

5. Ang batang naulila, basta hindi mag-pafile ng petition for adoption sa loob ng 6 na buwan tapos maulila. Diyos ko naman, hayaan ninyo muna magluksa ang bata ng 6 na buwan.

PROSESO

1. Magfile ng Petisyon sa Korte

2. Mag-set ng hearing ang korte sa loob ng 6 na buwan

3. Uutusan na ilathala sa dyaryo ang petisyon isang beses bawat linggo, sa loob ng 3 linggo

4. Uutusan ng korte ang social worker na mag imbestiga and magsagawa ng counselling at mag-sumite ng report sa korte sa araw ng hearing.

5. Bago bigyang ng adoption decree dapat may supervised trial custody ng hindi lalampas ng 6 na buwan na imo-monitor ng social worker. Para magkaalaman kung hiyang ang bata sa bago nitong magulang o baka gagawin lang katulong sa bahay.

ADOPTION DECREE

At kung ok na ang lahat. Magpapalabas ng “Decree of Adoption”. Uutusan ng korte ang Civil Registrar na mag issue ng bagong Birth Certificate na kung saan hindi nakalagay na ampon lang ang bata.

Ang lumang Birth Certificate ay seselyuhan ang itatago at hindi bubuksan hangga’t walang court order. Lahat ng dokumento ng petitsyon sa adoption ay confidential at hindi rin bubuksan sa publiko.

Ginagawa ito upang alisin ang stigma ng pagiging isang ampon. Kahit kasi papano hindi maganda ang tingin ng mga Pinoy sa ampon, kaya as much as possible hindi pinapaalam ito sa publiko.

Pero kung iisipin mo may publication sa simula ng petition for adoption, edi alam na rin ng iba na ampon ka diba? Well that’s life.

RECISSION OF ADOPTION

Pwede palang ipa-rescind ng inampon ang adoption sa kanya kung siya ay:

1. Ginugulpe at inaabuso ng umampon sa kanya

2. Pinagtangkaan ang kanyang buhay ng adopter

3. Minolestiya ng adopter

4. Inabandona

Ang umampon naman ay hindi pwede ipawalang bisa ang decree of adoption kung ayaw niya sa naampon niya (dahil malakas kumain). Kung inaabuso siya ng inampon niya, ang tangging remedyo ay disinheritance o pagtanggal ng mana.

Dahil tulad ng sabi ko, ang adoption ay para sa kapakanan ng inampon at hindi ng umampon.

Ikaw, gusto mo magpa-ampon?

Your email:

“People ask me. ‘What about gay adoptions? Interracial? Single Parent?’ I say. ‘Hey fine, as long as it works for the child and the family is responsible.’ My big stand is this: Every child deserves a home and love. Period.”

-Dave Thomas, Founder of Wendy’s adopted child

BWS (BUGBUGANG WALANG SAWA)
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/battered-woman-syndrome-pinatay-ang-nangbubugbog-na-asawa/"></g:plusone>

“AH WALA ‘TO, NAHULOG LANG AKO SA HAGDANAN,” ang sinabi ng babae matapos makita ng kanyang mga kaibigan ang pasa sa buong katawan.

“Alam ko magbabago rin siya, ako kasi may kasalanan kaya ako sinaktan.”

Pilit na tinatago, pinagtatanggol at pinagtatakpan.

Ngunit hanggang saan hahantong ‘to? Hihintayan pa ba niyang magsara ang kanyang mata sa bubog?

Kailangan pa ba niyang makitang sinasaktan din ang kanyang mga anak, bago siya magising?

E, pano kung sa dalas ng pambubogbog ay nagdilim ang kanyang paningin at napatay ang kanyang walang kwentang asawa?

May pananagutan ba siya sa batas?

Eto ang tinatawag na Battered Woman Syndrome (BWS).

Ang BWS ay bagong konsepto sa ating batas. Ito ay kasama RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children” ang batas na naglagay sa ating mga lalaki bilang second class citizen.

Ayon sa RA 9262, ang babaeng merong BWS ay walang pananagutan sa batas, kriminal man o sibil, kahit kulang ang elemento ng self-defense. Tinalakay natin ang tatlong elemento ng self defense: (1) Unlawful aggression, (2) Reasonable necessity of means employed  at (3) Lack of sufficient provocation.

Alam natin na dapat lahat ng elementong nabanggit ay kumpleto, kundi bagsak mo ay sa kalaboso. Pero lahat ay may exception, at eto ang BWS.

Ano ba BWS?

Ang BWS ay ang sintomas na makikita sa isang babaeng nabubuhay sa relasyon na kung saan lagi siyang sinasaktan ng kanyang kinakasama upang ipagawa ang bagay na hindi niya gusto.

Dapat ang pananakit ay mangyari ng dalawang beses o higit pa. Kapag ginawa siyang punching bag ng ikalawang beses at hindi pa rin natauhan, masasabing ang babae ay meron nang BWS.

Ang mga babaeng may BWS ay may karaniwang katangian tulad ng pagiging mababa ang tingin sa sarili (low self-esteem), may tradisyonal na pagtingin sa tahanan na kung saan ang lalake ang nasusunod at emosyonal na umaasa sa kanyang kinakasama.

Ang mga babaeng may BWS ay naniniwalang sila ang dahilan o tumatanggap ng responsibilidad kung bakit sila sinasaktan at bulag na umaasa na magbabago pa ang kanyang asawa o karelasyon at bubuti pa ang kanilang sitwasyon.

CYCLE OF VIOLENCE

Ang BWS ay may karakter na tinatawag na “cycle of violence” na nahahati sa tatlong yugto (3 Phases):

1) Tension-Building Phase –  Ito ay ang maliliit na pananakit na ginagawa sa babae. Konting mura, batok at kanti. Ang babae sa ganitong yugto ay nagpapakita ng mahabagin ugali (kind and nurturing behavior) sa pamamagitan ng hindi pagpalag o gumawa ng protesta upang hindi na lumala ang pagtatalo.

Ngunit ang totoong nangyayari, na hindi alam ng babae, ay pinapahiwatig niya sa kanyang kinakasama na ayos lang siyang abusuhin at pagbuhatan ng kamay.

Kaya imbes na maiwasan ang pagtatalo ay lumalala pa ang sitwasyon. Tumaas ang tensiyon at tuloy ang pang-aabuso at sinasaktan pang lalo ang babae.

Dahil sa lumubha ang sitwasyon, ang babae ay hindi na nagsasalita at tumahimik na lang (withdraws emotionally). Ngunit sa hindi niya pagsalita, mas nagiging bayolente at mapanakit ang lalaki. Kapag ang pananakit ay hindi na ma kontrol (spiral out of control), papasok ito sa pangalawang yugto.

2. Acute Battering Incident – Sa ganitong yugto, talagang bugbugan na. Nabasag na ang pula. Mata lang ang walang latay.

Parang laban ni Pacman at Cotto. Feeling ng lalake ay siya si Pacman. Ang ganitong yugto ay humahantong sa malubhang gulpehan at minsan pagbuwis ng buhay.

Hindi na kontrol ng babae ang kanyang kapalaran at ang lalake na lang ang maaring tumapos sa pahirap na kanyang ginagawa.  Maiisip ng babae na hindi na makikinig kahit sa anong paliwanag ang kinakasama at anumang paglaban ay magpapalala pa lalo ng sitwasyon.

Kaya yun, wala na siyang masasabi kundi “Oh my gulay!”

Sa lupit ng kanyang tinamo, hindi na niya halos maramdaman ang sakit ng mga suntok, tadyak at batok, ngunit maari niyang maalala ang bawat detalye ng boxing pagkatapos ng laban. Pumasok sa isipan niya na mas malakas (physically) ang kayang kinakasama kaya wala nang saysay pa ang lumaban.

Siguro kapag natauhan na si loko o  napagod rin kaka-flying kick at kaka-somersault, kaya inihinto na rin niya ang “SmackDown” . Dito na papasok ang susunod na yugto.

3) Tranquil Period – Matapos maghalo ang balat sa tinalupan, dahil sa nagawa, magpapakita ng awa at pagsisisi ang lalake. Aamuhin ang kinakasama na kamukha na ni Dela Hoya matapos gulpihin ni Pacquiao. Sasabihin ng lalaki na babawi siya sa ginawa at hindi na ulit gagawin ang Smackdown, sabay tulo ng luha sa pisngi na parang maamong tupa.

Syempre, ang babae naman ay mananalig sa sinasabi ng kayang kinakasama. Naniniwala ang babae na siya lamang ang tanging “anchor” ng “emotional stability” ng lalake. Mararamdaman ng babae ang pag-iisa at desperasyon ng lalake kaya naiisip niya na siya ang may responsibilidad na pangalagaan ang relasyon. Naiisip ng babae na kailangan siya ng lalake.

Ang ganitong yugto na mataos na pagsisi at pagbabati (remorseful conciliation) ang pinakamahirap na karanasan para sa babae psychologically kung saan siya ay nagdudusa.

Pero ang totoo ay maliit o walang nang pagkakataon para magbago ang lalake lalo na kung mananatili ang babae sa ganong relasyon. Karaniwan ay magpapatulong lang ang lalaki sa isang propesyonal kapag iniwanan na siya ng babae bilang paraan para siya ay bumalik uli.

Kaya kung titignan, sa totoo lang, ang nang-aabuso at inaabuso ay kailangan ang isa’t-isa emotionally. Ang lalake para sa kanyang “nurturant behavior” at ang babae para sa kanyang “foregiveness“.

Underneath this miserable cycle of “tension, violence and forgiveness,” each partner may believe that it is better to die than to be separated. Neither one may really feel independent, capable of functioning without the other.

Lufet…

BWS AS A DEFENSE

Hindi porket may BWS ang isang babae ay may karapatan na siyang tagain ang kayang kinakasama habang natutulog o putulan ng ari. Aray ko po!

Hindi man kumpleto ang elemento ng self-defense, dapat ay meron ang mga ito:

1) Ang bawat isang yugto ng cycle of violence ay napatunayan na nangyari sa dalawa o higit pang pagkakataon bago ang krimen.

2) Ang final acute battering episode bago ang krimen ay nagdulot sa babae na maisip na nanganganib na ang kanyang buhay (actual fear of an imminent harm) laban sa nambubugbog na kinakasama, at talagang naniniwala ang babae na dapat siyang gumamit ng pwersa upang sagipin ang kanyang buhay (honest belief that she needed to use force in order to save her life).

3) Sa oras ng pagpatay, ang nambubugbog ay maaring magbigay ng matinding pananakit (posed probable grave harm) sa babae – na hindi kinakailangan na immediate or actual – base sa mga dati pang pangyayari o insidente ng pambubugbog.

NOT IMMEDIATE OR ACTUAL

Kung mapapansin hindi kailangan ang immediate or actual threat sa BWS. Eto ang pinagkaiba sa ordinaryong self-defense.

Sa ordinaryong self-defense, dapat ay talagang may ginagawang masama at labag sa batas ang napatay sa nakapatay para ma-justify.

Sa BWS, “pose probable grave harm” ay sapat na dahil iba na ang utak o estado ng pag-iisip ng babaeng lagi nang binubugbog.

Lagi na siyang takot at talagang para sa kanya ay naiisip niya na sasaktan siya at maari siyang mapatay ng kanyang kinakasama dahil dati na niya itong nagawa, kahit sa totoo lang, ang intensiyon lang talaga ng lalake ay kurutin siya sa singit dahil sa wakas ay maglaladlad na siya.

Kaya yun, napatay si mokong.

CONCLUSION

Kaya para sa mga martir, huwag mo nang hintaying mapatay ka o patayin mo siya. Hindi na magbabago yan, maniwala ka.

Para sa mga ungas naman diyan, bakit pa kailangang mong manakit? Hindi mo mapapatunayan ang iyong pagkalalake kapag sinapak mo ang kasama mo.

Sabi nga nila, ang babae hindi sinasaktan, kundi minamahal….aw!

“Sometimes separation can be a powerful attention-getting boundary if you’re fully ready to use it.”

-Karla Downing, from book “10 Principles for Women in Difficult Marriages”

Source: RA 9262, People vs. Genosa, G.R. No. 135981. January 15, 2004.

CLICK UNDO
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/void-marriage-walang-bisang-kasal/"></g:plusone>

ISANG MASAMANG BANGUNGOT para sa ilan ang kanilang buhay may asawa. Hindi kasi nagka-ige.

Buti pa noong magkasintahan pa lang, may holding hands na, pa-sway-sway pa. Samantalang ngayon, ni “U” sa text wala.

Kung dati ay panay tawag sa Diyos at puro “Oh my God!” ngayon, “Impakto! Demonyo!” ang bukambibig ni misis.

Kaliwa’t kanan tuloy ay naghahain ng petisyon sa korte upang ipawalang bisa ang kanilang mga kasal gamit ang gasgas na “psychological incapacity” bilang basehan.

Ngunit meron namang mga kasal na walang bisa sa simula. Hindi mo na kailangan magpatingin sa psychologist para ideklara kang psychologically incapacitated.

Tunghayan natin. Malay mo, isa ka dito.

VOID MARRIAGES

(1) Noong araw ng inyong kasal ay isa sa inyong mag-asawa ay hindi pa umaabot sa edad na desi-otso (18).

In short, menor de edad pa ang isa sa inyo. Kahit na pumayag pa ang mga magulang ninyo o alam mong menor de edad ka noon, wala pa ring bisa ang kasal.

(2) Walang kapangyarihan ang taong nagkasal sa inyo dahil hindi naman pala siya otorisado.

Sino ba ang mga authorized solemnizing officer ng kasal?

a) Mga mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan o Court of Tax Appeals at mga hukom ng Regional Trial Court (RTC) o Metropolican/Municipal Trial Court (MTC).

Ang kasal ay dapat sa chamber ng hukom o mahistrado o in open court kung yun ang fetish mo dahil sa kakapanood mo ng “Dahil May Isang Ikaw“.

Pwede rin sa ibang lugar ganapin ang kasal basta may written request kayo. Mas maiigi pa ‘to dahil maraming surot sa loob ng korte.

b) Mga pari, rabbi, imam, ministro ng mga simbahan o sekta na rehistrado sa civil registrar general kung saan isa sa kinasal ay kabilang.

Mahirap naman siguro kung ang isang miyembro ng Dating Daan ay ikakasal ng isang ministro ng Iglesia ni Kristo, parang pinaghalo ang balat sa tinalupan (kuyog!).

c) Ang kapitan ng barko o eroplano kung isa sa partido ay mamamatay na (articulo mortis) habang bumabyahe o stopovers.

Angkop ‘to sa mga babaeng may kasintahang may apat na “M” (Matandang Mayaman Madaling Mamatay). Hindi na baleng walang nagmamaneho ng barko basta lang makasal bago pa matigok si lolo.

d) Ang military commander kung saan may bakbakan o kasalukuyang may military operation.

Dapat ang kasal ay in articulo mortis din. Tignan mo nga naman ang pag-ibig, may gyera na at lahat magpapakasal parin. Dadagdag pa sa putukan, assuming na mabubuhay pa siya.

e)  At ang mga consul-general, consul o vice-consul ng Pilipinas para sa mga pinoy na nasa abroad.

Ang mga nabanggit lamang ang mga may kapangyarihang magkasal, wala nang iba.

Ay teka, binalik pala ng Local Government Code ang kapangyarihang ng mga Mayors ng mga lungsod na magkasal. Gawin mo na rin siyang ninong kung ganon.

Kaya kung napag-alaman mo na nagtitinda lang pala ng balot at hindi tunay na pari ang nagkasal sa inyo, nako baka may pag-asa ka iho.

NGUNIT, isang malaking ngunit, kung ang isa sa mga partido sa kasal ay talagang naniniwala (believe in good faith) na ang nagkasal ay may legal authority, valid pa rin ang kasal.

Magbabalot nga ang nagkasal sa inyo at hindi otorisado ng batas, e kung kapani-paniwala naman dahil naka tuxedo at may pamada pa ang buhok na parang dinilaan ng baka, patay tayo diyan.

3) Kasal na walang marriage license.

Tulad ng pagmamaneho ng sasakyan, dapat may lisensiya ka rin bago magpakasal upang masiguradong isang kang legitimate bachelor o bachelorette. Kung nagpakasal parin kayo kahit walang marriage license, walang bisa yun.

Ngunit may mga pagkakataong hindi kailangan ng marriage license, tulad ng:

a)  Kung ang isa sa partido ay mamamatay na (point of death) o articulo mortis kahit kinalaunan ay nabuhay rin.

Ano ka ba, mamamatay na nga eh, papupuntahan mo pa sa munisipyo para kumuha ng marriage license, walang puso!

Kasama na rin dito yung kasal sa barko, eroplano, o sa gitna ng military operation, syempre in articulo mortis pa rin.

b)  Kung nakatira kayo sa malayong lugar sa Pilipinas na hindi na abot ng Globe o Smart at walang paraan (no means of transportation) para magpakita o pumunta ng personal sa local civil registrar.

c)  Kung ang kasal ay naayon sa mga ritwal o tradisyon ng mga ethnic cultural communities.

Hindi marriage license kailangan mo dito kundi dugo ng baboy at balahibo ng manok.

d) Kung ang dalawang tao ay nagsasama bilang mag-asawa (common law marriage) na hindi bababa ng 5 taon.

Dapat silang dalawa ay walang sabit at kabit, talagang nahuli lang ang kasal. Affidavit lang ang katapat niyan.

Nakakahiya daw kasi na malaman ng mga tao na hindi pala sila kasal kahit matagal na silang nagsasama kaya hindi na pinakukuha ng marriage license.

4) Ang bigamous o polygamous marriages

Pwera na lang sa ating mga kapatid na Muslim na sumusunod sa Batas ng Islam, isang beses ka lang pwedeng ikasal. Ang mga susunod na kasal mo ay walang bisa.

Bukod doon, pwede ka ring kasuhan ng Bigamy (Art. 346 RPC). Nagkamali ka na nga sa una, inulit mo pa. Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan ah, pagulpe ka na lang kaya.

5) Nagkamali ka dahil napakasalan mo ay ibang tao

Hindi ko ‘to inembento, talagang nasa batas ‘to.  Para siguro sa malabo ang mata o di kaya sa mga kambal na nanunulot ng syota ahihihi.

6) Incestous marriages

Kasal ng mga kapamilya. Magulang sa anak, sa lolo, sa kapatid (half, full, legitimate, illegitimate or adopted basta kapatid), o sa pinsang buo.

Isa lang masasabi ni Kris Aquino diyan: “Ewww!”

7) Kung saan ang isang partido ay pinatay ang dating asawa para magpakasal ulit.

Parang palabas sa sine ang ganito. Pang pelikula.

JUDICIAL DECREE

Kung pasok ang kaso ng kasal mo dito, hindi automatic na pwede kang magpakasal ulit. Dapat kumuha ka muna ng judicial decree o utos sa korte na sinasabing walang bisa ang kasal mo.

A void marriage does not require a judicial decree to restore the parties to their original rights or to make the marriage void…yet as well for the sake of good order of society as for the peace of mind of all concerned, it is expedient that the nullity of the marriage should be ascertained and declared by the decree of a court of competent jurisdiction.

IMPRESCRIPTIBLE

Hindi napapaso ang mga kasal na void. Ibig sabihin, kahit maging lolo at lola na kayong dalawa ay pwede pa rin ipawalang bisa ang kasal ninyo. Kaya nga void ab initio e, its means: void from the beginning.

Kumbaga sa Microsoft Word, yan ang “Undo” button at babalik sa dati na parang walang nangyari.

“Many people marry for the wrong reasons, among them 1) to overcome loneliness, 2) to escape an unhappy parental home, 3) because they think that everyone is expected to marry, 4) because only “losers” who can’t find someone to marry stay single, 5) out of a need to parent, or be parented by another person, 6) because they got pregnant, 7) because “we fell in love,” … and on goes the list. “

- Bruce Fisher and Robert Alberti

THE PROMISE
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/breach-of-promise-to-marry-hindi-tinuloy-kasal/"></g:plusone>

PARA SA ESPESYAL NA ARAW NG MGA PUSO, nais ko pong ibahagi sa inyo ang liham ng tagasubaybay ng ating blog.

Matapos ang ilang araw na pagkumbinse na ilathala ang kanyang liham (ng libre hehe), ay napapayag ko rin siya basta itatago ko raw ang kanyang tunay na katauhan. Sabi ko lang ay “Ok Fine!”

Kaya eto at lubos kong ikinagagalak na ipamahagi sa inyo ang kanyang mapait na karanasan sa kamay ni kupido.

Ngunit bago natin tunghayan ang kanyang kalunos-lunos na kalagayan ay maghanda na po kayo ng malinis na panyo katabi ng isang lata ng vicks para sa mga may sipon.

Lubus-lubusin mo na rin at buksan ang inyong mga speakers at pakipindot  ang “Play” button bilang background music.

Pindot-pindutin hanggang sa gumana.

Instrumental – Ballade Pour Adeline .mp3

<object style="height: 24px; width: 290px;" classid="clsid:d27cdb6e-ae6d-11cf-96b8-444553540000" width="290" height="24" codebase="http://download.macromedia.com/pub/shockwave/cabs/flash/swflash.cab#version=6,0,40,0"><param name="bgcolor" value="#ffffff" /><param name="align" value="middle" /><param name="flashvars" value="playerID=1&bg=0xCDDFF3&leftbg=0x357DCE&lefticon=0xF2F2F2&rightbg=0x64F051&rightbghover=0x1BAD07&righticon=0xF2F2F2&righticonhover=0xFFFFFF&text=0x357DCE&slider=0x357DCE&track=0xFFFFFF&border=0xFFFFFF&loader=0xAF2910&soundFile=http%3A//kempinky.com/music/LoversRomance09/06%20-%20Ballade%20Pour%20Adeline%20%28Instrumental%29.mp3" /><param name="src" value="http://beemp3.com/player/player.swf" /><param name="wmode" value="transparent" /><param name="quality" value="high" /><embed style="height: 24px; width: 290px;" type="application/x-shockwave-flash" width="290" height="24" src="http://beemp3.com/player/player.swf" quality="high" wmode="transparent" flashvars="playerID=1&bg=0xCDDFF3&leftbg=0x357DCE&lefticon=0xF2F2F2&rightbg=0x64F051&rightbghover=0x1BAD07&righticon=0xF2F2F2&righticonhover=0xFFFFFF&text=0x357DCE&slider=0x357DCE&track=0xFFFFFF&border=0xFFFFFF&loader=0xAF2910&soundFile=http%3A//kempinky.com/music/LoversRomance09/06%20-%20Ballade%20Pour%20Adeline%20%28Instrumental%29.mp3" align="middle" bgcolor="#ffffff"></embed></object>

Found at bee mp3 search engine

Napindot mo na ba ang play? Naninigurado lang.

O siya, tunghayan na natin ang kaso ni Inday :

Dear Tito Boy,

Ako po si Inday, nasa hustong taong gulang, tubong Kandilarya, Quezon at isa sa inyong mga tagasubaybay.

Marami po akong natututunan sa inyong mumunting blog, ngunit aaminin ko na minsan ay corny ang mga jokes ninyo.

Ganon pa man, ako ay natutuwa at naipapaliwanag ninyo nang simple ang mga batas na hindi maiintindihan ng mga ordinaryong taong tulad ko.

Minsan po, sa sobrang simple ng inyong pagpapaliwanang ay ako’y napapatanong sa sarili kung kayo’y talagang ganap na abugado o isa lang tambay sa kalye, dahil sa payak ng inyong pananalita.

Napasulat po ako sa inyo ngayon upang isanguni ang aking suliranin. Ito ay patungkol sa dating kasintahang si Apolonio.

Nakilala ko po si Apolonio sa kahabaan ng Quezon Ave. habang siya ay nag-aabang ng masasakyan, ilang buwan na ang nakakalipas. Ako po ay namamasukan lang dito malapit sa Quezon Ave. at minsan ay inuutusan po akong  bumili sa Ma Mon Luk ng amo kong naglilihi sa siopao.

Isang gabi ay nagpang-abot kami sa daan at habang naghihintay ako ng dyip at nilapitan niya ako upang kausapin. Noong una ay hindi ko siya pinapansin ngunit dahil sa ganda ng kanyang pananamit at bango ng kayang cologne ay napilitan akong kausapin siya.

Simula noon ay nagkapalagayan na kami ng loob at binihag niya ang aking puso, Tito Boy.

Kinuwento niya na lagi siyang nasa daan tuwing dis-oras ng gabi dahil hinihintay niya ang kanyang mga kaibigan. Marami siyang kaibigan Tito Boy, karamihan ay mga binabae.

Lagi nga siyang inaaya kung saan-saan upang lumabas at makipagkwentuhan, at hindi naman ako nagseselos dahil alam kong hindi naman sila mga tunay na babae.

Lagi po kaming lumalabas tuwing Sabado dahil hindi siya pwede ng weekdays kasi laging siyang puyat kasama ang kanyang mga kaibigan. Alam mo naman Tito Boy, “boys will be boys”. Dinadala niya ako sa iba’t-ibang pasyalan dito sa Maynila, sa Luneta, Quezon City Circle, Isetann Recto at kung saan-saan.

Sobrang saya ko talaga noong mga panahon na iyon Tito Boy, kahit ako ang gumagastos. Wala pa kasi siyang trabaho noon at umaasa lang sa kanyang mga kaibigan niya.

Lagi rin nagkakasakit ang kanyang nanay na bedridden kaya lagi rin ang hiram niya ng pera sa akin. Minsan nga ay pinuntahan ko sa kanila ang kanyang nanay ngunit wala siya doon at nasa probinsiya daw sabi ni Apolonio. Sayang at hindi ko pa nakikilala ang nanay niya hanggang ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.

Noong nakaraang buwan ay dumaan si Apolonio sa matinding pagsubok at nasunog daw ang kanilang bahay sa Bicol kaya pinahiram ko siya ng Php10,000.00. Matagal ko rin itong inipon para sana pambili ko ng cellphone. May cellphone naman ako Tito Boy, kaso ay pinahiram ko muna kay Apolonio at ibabalik niya pagbalik galing Bicol. Nangako rin sya na papakasal kami pagbalik niya kaya talagang na-excite ko.

Simula noon ay hindi na siya nagpakita Tito Boy. Ni-anino wala.

May nagsabi sa akin na may nakakita raw sa kanya sa kahabaan ng Taft tuwing hating gabi at parang may laging inaabangan. Sinubukan ko siyang puntahan ngunit walang bentahan ng siopao malapit doon Tito Boy kaya hindi ko masigurado kung tama ang mga balita.

Sayang naman ang gown na binili ko sa Divisoria at nagpamahagi na rin ako ng invitations sa Friendster. Binayaran ko na rin ang reservation fee ng simbahan at nag-down na rin ako kay Aling Ising para magluto ng mga handa sa kasal.

Ang tanong ko lang Tito Boy ay kung may habol ba ako kung sakaling magkita kami. Nangako kasi siyang papakasalan ako at naibigay ko na rin ang aking buong pagkatao dahil sa pangakong iyon.

Dahil dito ay gusto kong malaman kung pwede ko siyang kasuhan ng breach of contract dahil hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Sana po ay masagot ninyo ang aking mga katanungan. Hanggang dito na lang at magpapaligo pa ako ng doberman ng aking amo.

Maraming salamat at more power.

Nagmamahal,

Inday

Inday,

Ayos ka rin, pinuri mo nga ang blog ko ngunit biglang kabig naman ang panlalait mo sa mga jokes ko at pinagdudahan mo pa ang aking propesyon. Ngunit sasagutin ko pa rin ang mga tanong mo dahil isa kang tunay na tao base sa tono ng iyong liham.

Una, ilang taon ka na ba dito sa Maynila, Inday? Mukha ka kasing pinanganak lang kahapon. Wala bang namamakla sa Probinsiya ng Quezon?

Anyway, nais ko lang ipaalam sa iyo ang hindi pagsunod sa pangakong pagpapakasal ay hindi maaring gawing dahilan para magsampa ng kaso (breach of promise to marry is not an actionable wrong) .

Nasa hustong gulang  ka na at hindi masasabing nilinlang ka ni Apolonio. Kung sinamantala niya ang iyong pagmamahal para kunin ang iyong pagkababae ay hindi pa rin sapat na dahil ito para pilitin siyang pakasalan ka.

Ilang desisyon ng Korte Suprema na ang pinagtibay ang ganitong prinsipyo at pati ang mga gumawa ng ating Kodigo Sibil ay ganito ang intensyon. Hindi maaring pilitin ang isang tao upang magpakasal. Ang katwiran nila, mahirap na at baka gamitin ito ng mga babae para pikutin ang mga lalaking kanilang pinagnanasaan.

Siguro kong menor de edad ka ay baka pumasok pa sa seduction ang kaso mo at pwede kang makakuha ng moral damages, kaso pareho kayong nasa hustong gulang.

Hindi mo man mapipilit ang isang tao magpakasal, ngunit maari mong mabawi ang mga gastos na ginawa mo para sa paghahanda sa kasal. Dahil sa kanyang pangako ay naglabas ka na ng pera kaya may actual damages na masasabi.

“the action for breach of promises to marry has no standing in the civil law, apart from the right to recover money or property advanced . . . upon the faith of such promise”  -De Jesus vs. Syquia (58 Phil., 866)

Sana ay may natutunan ka sa karanasan mo at huwag mo na siya pag-aksayahan ng panahon hanapin sa ilalim ng LRT sa may Taft. Hindi siya karapat-dapat sa ‘yo at bumalik ka sa probinsya kung saan naghihintay si Dodong. Siguradong mamahalin ka niya at aalagaan.

Yun lang at sana ay naliwanagan ka sa sagot at payo ko.

Hanggang sa uulitin.

Lovingly Yours,

Ate Helen, este…Tito Boy

P.S.  Pag napadaan ka ulit sa Ma Mon Luk, pabili na rin ako ng siopao.

“Relationships are like glass.  Sometimes it’s better to leave them broken than try to hurt yourself putting it back together“  ~Author Unknown

Sources: Wassmer vs. Velez, G.R. No. L-20089      December 26, 1964; Tanjanco vs. CA,  G.R. No. L-18630      December 17, 1966.

SECOND CLASS CITIZEN
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/second-class-citizen/"></g:plusone>

MALA KRIS AQUINO BA ANG BUHAY MO? Puno ng pait at pighati. Ngunit bukod sa walang hintong drama sa buhay, yung sa ‘yo, may halong askyon.

Hindi lang mala Kris Aquino, mala UFC pa. ‘Yun tipong mas marami pa ang “ground-and-pound” at “submission” na inabot mo kesa sa mga yakap at halik. Ok lang siguro kung isa kang masochist, pero papano kung pati anak mo gulpe de gulat ang inaabot.

‘Di tulad ni Kris Aquino, ay wala kang Boy Abunda na tatakbuhan para magpa-interview sa “The Buzz” at ipahiya sa buong madla ang asawa o kina-kasama mo.

Ano ba ang maari mong gawin?

Kung sa paksang Adultery at Concubinage na tinalakay ko ay dehado ang posisyon ng mga kababaihan, dito sa batas na ito, sila ang reyna.

Ang tinutukoy ko ay ang Republic Act 9262 o kilala sa tawag na “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”

Ang RA9262 ay hindi lamang limitado sa mga mag-asawa. Pati magkasintahan, nanay, lola, ate o kahit walang relasyon. Sakop nito ang kahit anong klaseng pananakit sa mga kababaihan ng kahit na sinong tao mapa- lalake, kapwa babae, bakla o tibo (see “stalking“, Sec. 3 [d]; and Go-Tan vs. Tan, G.R. No. 168852, September 30, 2008).

Eto ang mga hakbang na maari mong gawin ayon sa RA9262

BARANGAY PROTECTION ORDER (BPO)

Kung nagtataka ka kung bakit hindi na gaanong madalas ang inuman ng mga tanod sa inyong barangay, e dahil busy na si Kap sa pag-issue ng BPO. Hindi ito Bangko.

Ang isang babae (at ang kanyang anak) na inaabuso o tinatakot (threatening to cause physical harm) ay maaring tumakbo sa barangay para kumuha ng BPO. Ang Kapitan o kung wala siya, isa sa mga kagawad, ang pwede mag-issue nito sa araw ng mismong pag-apply ng BPO.

Wala dapat patumpik-tumpik at wala ring bayad. Kung hiningan ka ng pera, tiyak pang-inum lang nila yun kaya ‘wag mo bigyan.

Ang BPO ay nagbabawal sa taong ini-rereklamo o respondent na saktan o takuting saktan ang nagrereklamo o complainant. Pinagbabawalan din ng BPO ang respondent na i-harass, asarin o kahit makipag-communicate sa complainant.

Kahit i-text lang ng respondent ng   ang complainant ay hindi maari. Dahil ang paglabag sa BPO ay may karampatang parusa na 30 araw na kulong. Kung si Kap o ang Kagawad ay pakuya-kuyakoy lang at hindi dininig ang reklamo mo, maari silang kasuhan ng kriminal, sibil at administratibo sa DILG.

Ang BPO ay epektibo sa 15 araw at dapat bago matapos ang araw na ito ay tulungan ka ng barangay na mag-hain ng TPO sa korte.

TEMPORARY PROTECTION ORDER (TPO)

Kung sa tingin mo ay astig na ang BPO, mas malupit ang TPO. Ang TPO ay ini-issue ng Family Court (RTC) o MTC kung walang RTC sa lugar ninyo.

Bukod sa pinagbabawalan ng TPO ang respondent na saktan, takutin, asarin at makipag-chikahan sa complainant, ay papalayasin pa siya sa sarili niyang tahanan kung kinakailangan.

Oo, papalayasin ka at hindi mo pwedeng gawing dahilan na ikaw ang nagbabayad ng renta o ikaw ang may-ari ng bahay!

Kaya kung may hawak na TPO ang  asawa o gf mo, ‘wag ka magulat kung sabihin sayo ang mga katagang “Lumayas ka sa pamamahay mo!”

At paglayas mo ng bahay, mag-taxi ka palabas dahil pati sasakyan mo pwede niyang kunin dahil sa TPO. Tama, kasama sa TPO ay pagbigay ng sasakyan sa petitioner at hindi mo rin maaring ikatwiran na ikaw ang may-ari at pinapa-carwash mo pa ito araw-araw.

Kaya kung dati-rati ay ni-hindi man lang pinapahawak ng manubela ang gf o misis mo, ngayon yari ka dahil 30 araw ang bisa ng TPO!

Ang pinaka-mamahal mong tsikot ang gagantihan niya at gagawing bump car yan sa gitna ng EDSA. O ano, magso-sorry kana?

At hindi lang yun, kapag ang TPO ay ginawang PPO ng korte, naku total wreck ang kotse mo! Alam mo ba ang ibig sabihin ng PPO?

PERMANENT Protection Order!

PERMANENT! HAHA! GOODLUCK!

Tama ang sabi ng iba, dahil sa batas na ito, naging second class citizen na lang ang mga kalalakihan sa Pilipinas.

Kaya ladies, alam niyo na ang gagawin.

“Women really do rule the world.  They just haven’t figured it out yet.  When they do, and they will, we’re all in big big trouble.” -Doctor Leon, drleons.com

Sources: RA9262 Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 ang Implementing Rules and Regulations of RA 9262