Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » Libel

NAWILLIE SA TWITTER
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/libel-yuchengco-vs-pep-coalition-willie-revillame-twitter-libel/"></g:plusone>

"The KIng of Self-Destruction"

Mukhang nasa fighting mode si Willie Revillame. Lahat daw ng nag-tweet laban sa kanya ay kakasuhan niya ng libel. Pati si Kiko Pangilinan nakisawsaw sa twitter at hinamon si Willie na kasuhan din siya ng libel. Nakakatawa dahil bilang senador meron siyang parliamentary immunity laban sa libel, para niyang sinabing, “Sige, barilin mo ako!”, habang may suot na bullet proof vest.

Dahil dito, nabuo ulit ang issue tungkol sa pananagutan ng isang tao sa kasong libel gamit ang blog, twitter o social networking site tulad ng facebook.

BONIFACIO, ET AL vs. RTC OF MAKATI

May isang kaso na ang umabot sa Korte Suprema tungkol dito. Eto ay ang kaso libel ng mga Yuchengco laban sa mga opisyales at miyembro ng Parents Enabling Parents Coalition, Inc. (PEPCI).

Ang mga Yuchengco ang may-ari ng Pacific Plans, Inc. – isang pre-need company na bumagsak at nag-iwan sa daan-daang mga magulang at policy holders na walang pang-tuition sa kanilang mga anak.

Bumuo ang mga policy holders ng Pacific Plans ng grupo at tinawag na PEPCI. Itong PEPCI ay may website na www.pepcoalition.com  kung saan daw siniraan ang mga Yuchengco at naka-post ang mga sumusunod:

“Talagang naisahan na naman tayo ng mga Yuchengcos.  Nangyari na ang mga kinatatakutan kong pagbagsak ng negotiation because it was done prematurely since we had not file any criminal aspect of our case.  What is worse is that Yuchengcos benefited much from the nego. x x x .  That is the fact na talagang hindi dapat pagtiwalaan ang mga Yuchengcos.

LET’S MOVE TO THE BATTLEFIELD.  FILE THE CRIMINAL CASES IN COURT, BSP AND AMLC AND WHEREVER.  Pumunta tayong muli sa senado, congreso, RCBC Plaza, and other venues to air our grievances and call for boycott ng YGC. Let us start within ourselves.  Alisin natin ang mga investments and deposits natin sa lahat ng YGC and I mean lahat and again convince friends to do the same.  Yung mga nanonood lang noon ay dapat makisali na talaga ngayon specially those who joined only after knowing that there was a negotiation for amicable settlements.

FOR SURE MAY TACTICS PA SILANG NAKABASTA SA ATIN.  LET US BE READY FOR IT BECAUSE THEY HAD SUCCESSFULLY LULL US AND THE NEXT TIME THEY WILL TRY TO KILL US NA. x x x”

Naghain ang mga Yunchengco ng kasong libel sa mga opisyales at miyembro ng PEPCI pati sa administrator ng website sa Lungsod ng Makati.

DOJ Opinion

Matapos ang preliminary investigation, naghain ng kasong libel ang mga Fiscal (City Prosecutor) ng Lungsod ng Makati laban sa mga opisyales at miyembro ng PEPCI at na punta sa Regional Trial Court ng Makati City, Branch 149

Umapela ang mga taga-PEPCI sa DOJ kung saan nagpahayag ng opinyon ang DOJ Secretary (si Lolo Raul) na “inexistent” daw ang internet libel kaya wala daw sapat na dahilan upang kasuhan ng libel ang mga taga-PEPCI dahil sa paggamit ng internet.

Motion To Quash

Dahil sa opinyon ng DOJ Secretary, naghanin ng “Motion to Quash” ang mga taga-PEPCI upang tuluyang i-dismiss ang kasong libel sa RTC. Bukod dito, sinabi  rin nila sa Motion to Quash na walang jurisdiction ang Makati RTC sa kasong libel dahil hindi sinabi ng mga Yuchengco ang lugar saan nilimbag (printed) at unang nilathala (first published) ang website.

Sabi naman ng Yunchengo, sa Makati daw unang in-access ang website ng PEPCI kaya doon hinain ang kaso.

Pinanigan ng Makati RTC ang mga Yuchengco at itinuloy ang kasong libel laban sa mga taga-PEPCI, kaya dumulog ang huli sa Korte Suprema.

Amended Jurisdiction of Libel

Ayon sa Article 360 ng Revised Penal Code, sa dalawang (2) lugar lang pwede ihain ang kasong libel:

Kung saan nakatira ang 	nagreklamo (complainant) at the time of the 	commission of the offense; or

Kung saan nilimbag (printed) at unang nilathala (first 	published) ang artikulo.

(Sa malalim na talakayan ng kasong libel tignan mo ang previous post na ito: Blogging Rights)

Sa kaso ng mga Yunchengco, sinaad nila na una nilang binuksan o in-access ang website ng PEPCI sa Lungsod ng Makati ngunit HINDI NILA BINAGGIT kung saan printed at first published ang nasabing website.

Dito naglitanya ang Korte Suprema tungkol sa kasaysayan ng batas ng libel.

Dati kasi pwedeng ihain ang kasong libel kung saan naka-exhibit o pinakalat (circulated) ang libelous article tulad ng libro, diyaryo. Kaya dati, hindi importante kung saan una ito nilimbag o nilathala.

Kaso, naging paraan ito upang i-harass ang mga publishers at manunulat kasi kahit saan pwedeng ihain ang kasong libel laban sa kanila. Kung sa Manila sila based bilang publishers o journalists, sinasampahan sila ng kasong libel sa malalayong lugar kung saan wala nang Jollibee at 7-11 na tanda ng sibilisasyon, tulad ng munisipo ng Jabongga, Tungao o Kurimaw.

Kaya inamendahan ng RA 4363 ang Art. 360 ng RPC upang iwasan ang ganiton pangha-harass sa mga publishers at journalists, kaya ngayon ang libel ay dapat ihain lamang kung saan printed at first published ang artikulo. Eto ang mga lugar kung saan nag-o-opisina ang newspaper o librong unang naglimbag o naglathala ng artikulo.

Printed and First Published

Ngayon, kung susundin natin ang sinabi ng Yunchengco na dapat ihain ang kasong libel sa Makati dahil doon unang in-access ang website, parang nasira ang dahilan kung bakit inamendahan ang batas.

Kasi kahit saan na lang pwedeng magdemanda laban sa mga bloggers o kung sinomang gumamit ng internet sa lugar kung saan niya unang binuksan ang blog na may libelous article. So kung gusto mong idemanda si Bon o Batangmangyan ng libel, magdadala ka lang ng SmartBro sa Jabongga o Tungao at doon mo i-access ang website nila. Well, assuming may signal doon.

Loophole ng Libel sa Internet

Aminado ang Korte Suprema na mahirap malaman ang lugar kung saan printed at first published ang mga website na my libelous article.

Kaya ito ang loophole ng batas na libel sa internet. Kailangan ng nagrereklamo na patunayan kung saan unang na publish ang blog, tweet o comment sa facebook na may libelous remarks.

E paano kung nasa abroad ang nirereklamo at doon niya ginawa ang blog? Gamit ang Territoriality  Rule ng Criminal Law, hindi sakop ng Korte ng Pilipinas ang mga krimeng ginawa sa labas ng bansa, it follows na hindi sakop ng Korte dito ang mga blog na published abroad.

Conclusion

Kaya talo ang Yuchengco sa kasong libel dahil hindi nila napatunayan na unang na publish ang website ng PEPCI sa Makati City (at hindi dahil sa Opinion ng DOJ).

Ang tanong, may pag-asa paba sa kasong libel sa internet hangga’t hindi inaamendahan ang batas ng kongreso?

Sagot diyan ang isang malaking – OO.

Matalino man daw ang matsing, e naiisahan din. Kung titignan mabuti ang batas sa libel dalawa (2) ang venue nito. Kung hindi mo alam kung saan unang na publish ang blog, pwede naman maghain ng kasong libel kung saan nakatira ang nagrereklamo. Eto mismo ang hint na binigay ng Korte Suprema:

“These limitations imposed on libel actions filed by private persons are hardly onerous, especially as they still allow such persons to file the civil or criminal complaint in their respective places of residence, in which situation there is no need to embark on a quest to determine with precision where the libelous matter was printed and first published.”

Ibig sabihin, kapag nagsampa ka ng libel dahil sa isang blog, website o tweet, ihain lang ito sa lugar kung saan ka nakatira at huwag mo nang sabihin kung saan ito na publish. Ngayon kung ikaw naman ang kinasuhan ng libel dahil sa mga blog o tweet mo, pagdasal mo na hindi nabasa ng kalaban ang kasong binaggit ko.

Your email:

“Libel actions, when we look at them in perspective,  are an ornament of a civilized society. They have replaced, after all,  at least in most cases, a resort to weapons in defense of a reputation. “ – Henry Anatole Grunwald

KALDIRO NI DUDUNG
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/cristy-fermin-vs-annabelle-rama-libel-ac-no-08-2008/"></g:plusone>

"Pisting Yawa!"

Kakabit na ng mga taga-media ang kasong libel. Sa katunayan, ang kasong libel ay tinuturing nila bilang “badge.” Kapag mas marami kang libel suits, ibig sabihin ay may pumapansin sa iyo bilang manunulat.

At pagdating sa paramihan ng kasong libel, wala nang tatalo pa sa mga taga-showbiz. At pagdating sa mundo ng showbizness, mayroon pa bang hindi nakakakilala kay Cristy Fermin?

Sa mga parokyano ng Showbiz Lingo at Cristy Per Minute (tulad nina Granger at Mile), malamang ay naaalala niyo pa kung paano abangan ang mga nagbabagang write-ups ni Manay Cristy tungkol sa mga iba’t ibang artista na hindi kayang isulat ng mga ordinaryong tsimosong bakla dahil sa takot na makasuhan.

Ngunit ano kaya ang mangyayari kung ang binangga ng ating bida na si Cristy Fermin ang isang taong hindi umaatras sa laban, tulad na lang ng nanay ni Rofa at Rechard na si Tita Annabelle Rama. It’s like an unstoppable force meets an immovable object.

KALDIRO NI DUDUNG

Nangyari ito noong isulat ni Manay Cristy sa isang respetadong tabloid—kahilera ng Washington Post at Philippine Daily Inquirer—ang “Gossip Tabloid,” patungkol kay Tita Annabelle ang isang artikulo.

Ayon sa artikulo, marami daw atraso itong si Tita Annabelle at ang kanyang asawa na si Eddie Gutierrez sa Amerika dahil sa pagbebenta ng kaldero. Dahil daw sa pagkalulong ni Annabelle sa casino ay nadispalko nito ang mga perang pinagbentahan ng kaldero kaya’t hinahabol sila ng kumpanya ng kaldero.

Dahil sa mga kalderong ito, marami silang mga Pinoy sa US na napagkautangan kaya’t hinahabol din sila ng mga kababayan natin doon. Kaya’t malabo daw na pumunta sa US ang mag-asawang Gutierrez nang ma-issuehan ng warrant of arrest si Annabelle ni Judge Palattao ng Manila RTC sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng isang Ligaya Santos.

Siyempre, hindi nagpapatalo ang mga Bisaya!

Sinampahan ni Tita Annabelle ng libel si Cristinelli S. Fermin at ang editor-in-chief ng Gossip Tabloid na si Bogs C. Tugas.

Noong January 27, 1997, bumaba ang desisyon laban kina Manay Cristy at Bogs Tugas at hinatulan sila ng QC RTC Br 218 na makulong ng 3 buwan at 11 araw hanggang 1 taon, 8 buwan at 21 araw at pinagbabayad sila ng tig-P500,000 kay Annabelle at Eddie.

Inapila nila Manay Cristy sa CA ang hatol sa kanila at pinawalangsala ng CA si Bogs bilang editor-in-chief. Ngunit pinagtibay ng CA ang hatol ng RTC na makulong si Manay Cristy pero binabaan ang fine sa P300,000.

Umabot ang kaso sa Korte Suprema.

LIABILITY OF THE PUBLISHER AND EDITOR-IN-CHIEF IN A LIBEL CASE

Maari bang maging liable sa libel ang isang publisher o editor-in-chief kahit hindi niya alam at wala siyang partisipasyon sa isang libelous na artikulo?

Yes! Ayon sa Korte Suprema:

Ang manager o may-ari ng isang pahayagan ay maaring maharap sa kasong libel patungkol sa mga bagay na nakasulat dito at hindi depensa na hindi niya alam o walang paalam ang paglalathala.

“The manager and proprietor of a newspaper, we think ought to be held prima facie criminally for whatever appears in his paper; and it should be no defense that the publication was made without his knowledge or consent, x x x”

Ang sinumang may kakayahang maglathala ng isang pahayagan at ipinaubaya niya ito sa ibang tao, sabit siya kahit wala siyang kinalaman sa libelous article dahil responsibilidad niya na i-monitor ang mga nailathala dito.

“One who furnishes the means for carrying on the publication of a newspaper and entrusts its management to servants or employees whom he selects and controls may be said to cause to be published what actually appears, and should be held responsible therefore, whether he was individually concerned in the publication or not, x x x. Criminal responsibility for the acts of an agent or servant in the course of his employment necessarily implies some degree of guilt or delinquency on the part of the publisher; x x x.

“We think, therefore, the mere fact that the libelous article was published in the newspaper without the knowledge or consent of its proprietor or manager is no defense to a criminal prosecution against such proprietor or manager.”

Kaya sabi ng Korte Suprema, mali daw ang pagpapawalang-sala ng CA kay Bogs ngunit wala na silang magagawa dahil sa prinsipyong “double jeopardy.” Kasi, kapag ang isang tao ay napawalang-sala sa mababang hukuman, hindi na ito pwedeng iapila o baligtarin (tulad sa kaso ni Webb).

Is it libelous?

Tungkol naman sa main issue, ang depensa ni Manay Cristy ay hindi naman daw libelous ang sinulat niyang article tungkol kay Tita Annabelle dahil base naman daw ito sa kanilang “source.”

Sabi ni Manay Cristy, wala naman daw malisya sa kanyang sinulat at tapat naman itong komentaryo sa warrant of arrest na na-issue kay Annabelle. Bilang patunay na wala siyang masamang tinapay kay Annabelle, sumulat pa nga siya ng isang artikulo na pabor sa anak nitong si Rofa…este Ruffa.

Tama ba si Cristinelli?

Ayon sa Korte Suprema, kitang-kita na libelous ang nasabing artikulo dahil pinalabas nito na swindler at estafador ang mag-asawang Gutierrez at sugarol pa si Annabelle.

Pinatunayan kasi ni Annabelle na maari silang makabalik sa US kahit anong oras at in good terms pa rin sila ng kumpanya ng kaldero.

Lumalabas din na naging PR si Manay Cristy kay Congressman Golez at Joey Marquez na noo’y tumatakbo bilang Mayor ng Paranaque.

E anong kinalaman nito?

Kasi po, noong mga panahong iyon ay parehong tumatakbo para sa pagka-Congressman ng Paranaque si Eddie Gutierrez at Roilo Golez. Kaya nakakita ng motibo kung bakit sinisiraan daw ni Manay Cristy ang mag-asawang Gutierrez.

“It can be gleaned from her testimony that petitioner had the motive to make defamatory imputations against complainants. Thus, petitioner cannot, by simply making a general denial, convince us that there was no malice on her part. Verily, not only was there malice in law, the article being malicious in itself, but there was also malice in fact, as there was motive to talk ill against complainants during the electoral campaign.”

FREEDOM OF EXPRESSION vs LIBEL

Pinaaalahanan ng Korte Suprema ang mga tiga-media na may hangganan din ang karapatan sa pamamahayag. Kahit na binibigyan ng karapatan ang sinuman na punahin ang mga ginagawa ng mga sikat na personalidad o public figures, kung ang mga pinagsasabi naman sa kanila ay walang katotohanan, malisyoso, o walang kinalaman sa mga bagay na kanilang ginagawa, maari silang maging criminally liable.

“While complainants are considered public figures for being personalities in the entertainment business, media people, including gossip and intrigue writers and commentators such as petitioner, do not have the unbridled license to malign their honor and dignity by indiscriminately airing fabricated and malicious comments, whether in broadcast media or in print, about their personal lives.”

ANG HATOL

Bagama’t sumang-ayon ang Supreme Court na libelous ang artikulo na sinulat ni Cristy Fermin laban kay Annabelle Rama, tinanggal naman ang hatol na pagkakakulong at binalik ang multa mula P300,000 sa dating P500,000.

Bakit kaya?

‘Yan ay dahil sa Administrative Circular No. 08-2008 (Guidelines in the Observance of a Rule of Preference in the Imposition of Penalties in Libel Cases) na ipinalabas mismo ng Korte Suprema.

Ayon dito, pinapaboran ang hatol na multa kesa sa pagkakakulong pagdating sa mga kasong libel. Makukulong lang ang isang tao sa libel kung wala siyang pambayad sa multa.

Ngunit pinapayagan pa rin naman ang mababang hukuman na maghatol ng pagkakakulong sa salang libel kung talagang sobra ang ginawa (whenever the imposition of a fine alone would depreciate the seriousness of the offense, work violence on the social order, or otherwise be contrary to the imperatives of justice).

Kaya kung tutuusin, para na ring humina ang batas sa libel dahil fine na lang ang maaring ihatol sa isang naninira.

Diba’t sumigla at patok na patok ngayon ang mga showbiz-oriented talk shows na ginagaya ang TMZ? Kaya mga ditseng tsismosa—tuloy ang ligaya! Tarush!

[Ang artikulong ito ay hindi tsismis ngunit base sa kasong "CRISTINELLI S. FERMIN vs. PEOPLE OF THE PHILIPPINES,"  G.R. No. 157643, March 28, 2008.]

Your email:

“All the libel lawyers will tell you there’s no libel any more, that everyone’s given up.” – Ian Hislop

BLOGGING RIGHTS
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/libel-case-filed-by-dswd-official-against-ella-blogger-aanhin-pa-ang-damo-kung-patay-na-ang-kabayo/"></g:plusone>

NAKAKA-ALIW AY MAGKAROON NG SARILING BLOG. Maipapahatid mo ang iyong saloobin sa mabilis at epektibong paraan. Mas lamang pa nga sa mga manunulat ng diyaryo at magasin, dahil ang makakabasa ng akda mo ay buong mundo.

Sa loob lang ng limang minuto ay makakagawa ka na ng sarili mong blog ng libre, ang kailangan mo lang ay internet access. Matapos noon ay malaya ka nang maisusulat ang iyong gusto sa paraang nais mo.

Pero naisip mo na ba na ang kalayaan sa pagba-blog ay may naka-akda ring responsibilidad?

Sumagi na ba sa ulirat mo na tulad ng isang lihitimong mamahayag ay maari ka ring kasuhan ng libel dahil sa post mo?

‘Yan ang kinakaharap ngayon ni Ella, isang ring blogger.

Sa mga nakatira sa Timbuktu at planetang Venus na hindi pa alam ang binabanggit ko, basahin ninyo nalang ang mga ulat.

Para naman sa mga blogger na hindi alam ang libel at pano maiiwasan ito, makinig kayo.

DEFINITION

Ang libel ay ang pagpapakalat sa publiko ng  malisyosong pagpaparatang (malicious imputation) ng isang krimen, masamang hilig (vice) o kasiraan (defect), totoo man o kathang-isip (real or imaginary), o anumang kilos o pagkukulang (act or omission), kondisyon, estado, o kalagayan, na magiging sanhi (tending to cause) ng kahihiyan (dishonor) o kasiraan ng pangalan (discredit) o pag-aalipusta (contempt) sa isang tao o samahan, o dungisan ang ala-ala ng taong namayapa (blaken the memory of one who is dead)

Hay, ang haba. Ako lang ata ang nagtangkang isalin sa tagalog ang bawat letra ng batas na ‘yan. Mabuhay ang English-Filipino Dictionary!

ELEMENTS OF LIBEL

May apat na elemento ang libel:

(1) Defamatory imputation tending to cause dishonor, discredit or contempt o ang mapanirang-puring pagpaparatang na magiging sanhi ng kahihiyan  o kasiraan ng pangalan o pag-aalipusta sa isang tao;

(2) Malice o malisya ng taong nagpakalat;

(3) Publication o ang pagpapakalat sa madla;

(4) Identifiability of the person defamed o ang pagkakakilanlan ng taong siniraan.

PUBLICATION

Isa sa pinaka-importanteng elemento ng libel ay publication. Kung walang publication, walang libel.

Masasabing published ang libel kung ito ay malawakang pinakalat (widely circulated) sa pamamagitan ng babasahin, kung ito ay binigkas at hindi nakasulat ang tawag naman diyan ay slander (ibang kaso ‘to).

Bukod sa malawak na pagpapakalat, masasabi ring may publication kung ang paninirang puri ay pinaalam sa ibang tao bukod sa may akda at taong siniraan.

Ang pagsulat sa blog ay hindi maitatangging isang publication.  Sa wordpress.com pa nga, kailangan mo pindutin ang katagang “publish” para maipakita ang ginawa mong post.

Jurisdiction in Libel Cases

Ang kasong libel ay dapat isampa sa Korte ng lugar:

(a) Kung saan inilathala at unang pinakalat ang babasahin (where the libelous article is printed and first published)

(b) Kung ang siniraan ay pribadong tao, kung saan siya nakatira noong nangyari ang krimen.

(c) Sa Manila kung ang siniraan ay taong gobyerno at ang kanyang tanggapan ay nasa Manila rin.

(d) Sa lungsod ng kanyang tanggapan kung ang siniraan ay taong gobyerno at may tanggapan sa labas ng Manila.

Mahirap malaman kung saan lungsod unang inilathala at pinakalat ang isang blog. Maaring sa bahay, sa starbucks, o sa banyo habang naglalabas ng sama ng loob.

Nineteen kopong-kopong pa kasi ang batas na ito at hindi inasahan ang pagdating ng internet. Hindi ako magtataka kung unang sinulat ang libel law sa dahon pa ng kaimito gamit ang balahibo ng manok.

DEFAMATORY IMPUTATION

Ang paninirang puri ay ang kahit anong pangungusap na makakasira sa magandang pangalan o reputasyon ng isang tao.

Para malaman kung ang mga pinagsasabi ay defamatory, ang salitang ginamit ay iintindihin (construe) sa pangkabuuan (in its entirety) gamit ang payak at natural nitong kahulugan na naiintindihan ng ordinaryong tao (in its plain, natural and ordinary meaning).

Halimbawa, kung sinabi ko na ikaw ay mukhang kabayo. Para sa makakarinig o makakabasa, ang kanilang pagkakaintindi ay tinawag kitang pangit.

Hindi ko ngayon pwedeng sabihin na ang gusto kong ipahiwatig ay isang kang sensitibo at mabait na tao dahil ito ang katangian ng kabayo, dahil para sa ordinaryong tao ang ibig sabihin ng mukhang kabayo ay pangit.

IDENTIFICATION

Ang panunurang puri ay dapat nakatuon o maitutukoy sa taong sinisiraan (ascertained or ascertainable). Hindi kailangang isulat ang mismong pangalan, basta madali lang siyang matukoy bilang siya.

Kaya huwag kayong maiinis kung mahirap hulaan ang mga blind item sa tabloid dahil iwas pusoy rin sila.

MALICE

Ang malisya ay ang poot o sama ng loob (ill will or spite) para siraan ang reputasyon ng isang tao.

Masasabing may malisya kung ang pinagsasabi ay alam niyang mali o walang pakialam sa katoohanan o kasinungalingan (with knowledge that it was false or with reckless disregard as to the truth or falsity thereof).

Exceptions:

May mga kasong masasabing walang malice, tulad ng:

(1) Qualified Privileged Communication –

a. Pribadong komunikasyon na sinabi ng isang tao bilang pagtupad sa legal, moral at social duty.

b. Mga ulat o balita na walang komento o remarks; mga report o speech na ginawa sa judicial, legislative o official proceedings; o mga ginawang bagay ng mga opisyal ng gobyerno bilang pagtugon sa kanilang tungkulin.

c. Mga komentaryong patas at walang kinikilingan (fair commentaries) patungkol sa bagay na may public interest.

(2) Absolute Privilege Communication -

a. Mga sinasabi ng mga Congressman at Senador. Kahit murahin ka niyan ng harap-harapan ay hindi sila makakasuhan ng libel. Ang pananagutan nila ay sa Ethics Committee.

PUBLIC FIGURE

Ang malice ay presumed kung walang maipakitang magandang intensiyon o makatarungang motibo sa pagpaparatang (if no good intention and justifiable motive for making it is shown).

Kaso kung ang taong naghabla ay isang public figure, kailangan patunayan na talagang may malisya ang taong naglathala.

Masasabing isa kang public figure kung dahil sa iyong accomplishments, kasikatan, pamumuhay, propesyon ay nagka-interes ang publiko sa iyong mga ginagawa,  at ang iyong karakter ay naging isang “public personage.” In short, sikat ka.

Kaya mas madali depensahan ang kasong libel kung sikat ang inalipusta mo kesa sa ordinaryong tao tulad ko, kaya yari ka sa akin hehe…

ANALYSIS

Sa kaso ni Ella, maaring niyang lusutan ang kasong libel dahil walang malisya ang kanyang ginawa bagkus maganda ang kanyang intensiyon at gusto niya lang kalampagin ang kinauukulan.  Bukod pa dito, ay isang public figure ang Secretary ng DSWD na maghahabla sa kanya.

Ang nakakalungkot lang ay ang psychological effect nito sa mga blogger na tulad niya. Magkakaroon ng “chilling effect” sa mga blogger kung saan parang may suppression ng freedom of speech dahil matatakot na silang ihayag ang kanilang nararamdaman baka kasi makasuhan rin sila ng libel.

Sa kabilang banda, kung aabot ito sa Korte Suprema ay magiging test case rin ito para magkaalaman na. Isa kasi itong case of first impression at kung ano man ang kalalabasan, ay magagamit for or against sa future cases ng libel vs. bloggers.

Ano sa tingin mo?

“ Libel actions, when we look at them in perspective, are an ornament of a civilized society. They have replaced, after all, at least in most cases, a resort to weapons in defense of a reputation.” – Henry Anatole Grunwald

SOURCES: Revised Penal Code, Art. 353, 354, 360; Yuchengco vs. Manila Chronicle, G.R. No.184315, November 25, 2009; Guingguing vs. CA, G.R. No. 128959, September 30, 2005; Christy Fermin vs. People, G.R. No. 157643, March 28, 2008.