Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » CRIMINAL

ILL-GOTTEN
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/ill-gotten-wealth-statement-of-assets-liabilities-and-net-worth-saln/"></g:plusone>

http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/01/tupas.jpg

Meron ka bang kapitbahay na may mala-mansyong bahay at punong-puno ng magagarang sasakyan ang garahe? Lagi ba siyang pumupunta sa ibang bansa at ginagawang parang Quiapo lang ang Hongkong upang mag-shopping?

Hindi naman siya negosyante at wala ka namang alam na maaring niyang pagkakitaan kundi ang kanyang sweldo bilang isang ordinaryong empleyado ng gobyerno. Something is very wrong there my friend.

Ayon sa R.A. 6713 (Sec. 8), lahat ng empleyado  ng gobyerno ang kailangan mag sumite ng Statement of Assets and Liabilities and Net Worth at Disclosure of Business Interests and Financial Connections. Dito nakasulat lahat ng impormasyon tungkol sa kanyang ari-arian e.g. bahay, sasakyan, investments, pera sa bangko, stocks, shares sa kumpanya, negosyo, etc. Ang hindi sumunod dito ay maaring makulong ng limang (5) taon o multang P5,000.00 (seriously?), o kulong at multa.

Ayon rin sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang empleyado o opisyal ng gobyerno na hindi nag-file SALN pagka-upo sa tungkulin tuwing Enero taun-taon hanggang siya ay magretiro o mag-resign ay maaring matanggal sa serbisyo at sampahan ng kasong kriminal.

Ayon naman sa R.A. 1379 o ang Anti-Ill-Gotten Wealth Law, kapag ang isang empleyado o opisyal ng gobyerno ay nagkamal ng limpak-limpak na yaman “which is manifestly out of proportion to his salary,” ay isa itong prima facie o pinapalagay ng batas na nakuha sa sa masamang paraan. In short, eto ay mula sa kickback, tongpats, bukol, lagay, pang-softdrinks, pampadulas, at kung ano pang tawag dun.

Kaya kung hindi idineklara sa SALN ang ilang ari-arian, bukod sa pagkatanggal sa serbisyo at kasong kriminal, maaring ring mag-petisyon ang estado upang kumpiskahin o i-forfeit ang ill-gotten wealth pabor sa gobyerno.

Bukod dito, maari ring kasuhan ng perjury ang taong hindi nagdeklara ng materyal na impormasyon sa kanyang SALN o nang Falsification of Public Documents under Article 172 ng Revised Penal Code, kung may falsity o kasinungalingan sa kanyang SALN.

Kaya dito makikita natin ang kahalagahan ng SALN. Isa ito sa madali at episyenteng paraan upang mahuli ang corrupt na opisyal ng gobyerno. Lahat nagsisimula sa SALN. Tignan mo si CJ Corona, dito unang tinitira.

Bumalik tayo sa kapitbahay mo. Kung gusto mong ipaalam sa autoridad ang kanyang mga tagong ari-arian, sumulat lang sa Ombudsman sa pamamagitan ng snail mail. Hindi mo kailangang ilagay ang iyong pangalan bilang proteksyon. Titingnan lang nila ang SALN nito, at kung hindi ito dineklara, alam mo na ano ang mangyayari.

Kung tutuusin, madali lang mahuli ang isang kurap na opisyal o empleyado ng gobyerno dahil sa SALN. Mahirap kasi maitago ang yamang hindi pinaghirapan. Kulang lang talaga sa implementasyon. Isipin mo, ayon sa batas, kapag may yamang hindi maipaliwanag, ipapalagay agad na galing ito sa iligal. Ang daling patunayan.

Ang problema, may mga kurap nang pamilya na sa ilang henerasyon nang buyawa ay nalinis na ang maduming pera. Inilagay na ang kanilang mga kinurakot sa lehitimong negosyo. Kaya kapag kinuwestyon, sasabihin lang nila na galing ito sa negosyo at dati na silang mayaman. Yung iba naman, gagawing bloated ang SALN at kapag naka-delehensya ay wala nang itatago kasi nauna na ito sa SALN.

Ang mga Pilipino nga naman, magaling magpalusot.

Anyway, magandang bagong taon sa lahat. Gusto ko rin magpasalamat at dalawang taon na rin tayo sa Panyero.Net. Sanay marami kayong natutunan at pipilitin nating ipagpatuloy ang ating misyon na ipaliwanag ang batas sa pinakasimpleng paraan =)

Sabi nga ni Manny Pacquiao: “Maraming salamat kay Jengke at sa inyong walang sawang supurta!”

Behind a great wealth is a crime – Anonymous

KARMA IS A BITCH
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/watch-list-order-hold-departure-order/"></g:plusone>

I jush want a medical treatment in the U Eshh. Babalik ako promissh...

Ilang araw na lang tapos na ang bakasyon ko. Hay, tagal ko rin nawala, pero ito nagbabalik.

Things will change around here in the coming days. Mahirap kasi gumawa ng post, lalo na patungkol sa batas. Law is not exactly an exact science. Lahat ng abugado may sariling interpretasyon ng batas. Subukan mong tanungin ang 10 abugado at bibigyan ka nila ng 12 different legal opinions. E kung ang mismong mga mahistrado nga ng Korte Supreme pabali-baliktad ng desisyon, paano pa ang mortal na tulad ko.

Bawat topic ay kailangan saliksiking mabuti. It should have a legal basis and backed by the latest Supreme Court rulings. Kaya ilang oras din ang inaabot bago ko matapos ang isang topic.

Kaya para panatilihin ang diskusyon dito sa panyero.net, naisip kong maglabas ng maiikling topics. Maikli pero makabuluhan at patungkol sa mga napapanahong issue sa lipunan. Paraan na rin ito para linawin ang legal na basehan ng mga issue at hindi tayo papadala sa mga uto-utong nagpopost sa facebook.  Syempre, maglalabas pa rin ako ng mga extensive topics tulad ng nakagawian.

Bilang buena mano, nais kong talakayin ang Watch List Order ng DOJ. Legal ba ito?

LIBERTY OF ABODE

Nakalagay sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas:

“Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.”

Kasama sa liberty of abode ang right to travel kaya garantisado ito ng Saligang Batas sa bawat indibidwal. Pwera na lang kung may utos ang korte na huwag paalisin ang isang tao palabas ng bansa o limitahan ang kanyang paggalaw.

HOLD DEPARTURE ORDER

Ang tanong, kelan ba nag-iisyu ng Hold Departure Order (HDO) ang korte at sa anong uri ng kaso?

Ayon sa Circular No. 39-97 ng Korte Suprema, ang HDO ay maari lang ipalabas ng isang Judge ng Regional Trial Court sa Criminal Cases. Hindi nag-iissue ng HDO ang Metropolitan/Municipal Trial Courts at walang HDO sa civil cases.

Kaya ang taong may kasong BP 22 or Bouncing Check Law, magdiwang! Ang mga taong may kasong civil cases tulad ng “sum of money” o yung mga hinahabol ng mga bangko, credit card companies dahil sa utang, mag bunyi!

Wala nang ibang tao o ahensiya ang maaring mag-issue ng HDO, period. Kapag may nanakot sa iyo na may HDO ka daw, pero wala ka namang criminal case sa RTC, sabihin mo “nek nek mo, pangit!”

WATCHLIST ORDER

E papaano naman ang mga taong may criminal case na nakabinbin sa Me/MTC o ‘di kaya ay yung nasa prosecutor level (fiscal) pa lang at hindi pa nasasampa sa korte, pwede ba silang ma-issuehan ng HDO? Syempre hindi. Korte ba sila?! Ha! Kulit mo ah.

Dito papasok ng Watchlist Order (WLO) ng DOJ. Nagpalabas ng Department Circular No. 41  ang DOJ, kung saan maaring humiling ang sinuman sa DOJ Secretary na isailalim sa WLO ang isang taong may pending preliminary investigation sa prosecutor’s office o ‘di kaya ay under petition for review ang kaso. Ito yung mga kasong hindi pa sumasampa sa korte.

Kapag may WLO ang isang tao at gusto niyang lumabas ng bansa, kailangan pa niyang kumuha ng Allow-Departure Order (ADO) sa DOJ Secretary at “Authority to Travel” sa prosecutor para payagan siyang lumipad at pumunta sa Hongkong Disneyland.

E paano kung wala kang ADO? Ibig bang sabihin hindi ka kapapayagang umalis ng bansa? Hindi ba’t parang HDO na rin ito dahil you are restricted to travel and it violated your liberty of abode?

Malinaw ang Saligang Batas, korte lamang ang maaring mag-issue ng HDO, at hindi korte ang DOJ at hindi hukom ang Secretary ng DOJ.

Kaya binabatikos pati ng mga kaalyado ni PNoy, ang legalidad ng WLO na ini-issue kay CGMA. Maaring kwestiyunin ni CGMA at FG ang legalidad ng WLO sa Korte Suprema bilang unconstitutional. Kaso magiging katatawanan si CGMA nun, kasi siya ang nag imbento ng WLO. Ang Department Circular No. 18 ay ipinalabas under her watch. She got a dose of her own medicine.

Parang si Erap noong kinuwestiyon niya ang Plunder Law pero isa pala siya sa nag-endorse ng batas noong senador pa. Wow mali!

Pero tama si Erap, “weather weather lang yan.”

Your email:

Karma moves in two directions. If we act virtuously, the seed we plant will result in happiness. If we act non-virtuously, suffering results.

- Sakyong Mipham

Take Our Poll

SHE SHOT THE SHERIFF
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/direct-assault-sara-duterte-hits-sheriff-person-in-authority/"></g:plusone>

Like father, like daughter. Kung gaano ka-astig ang dating mayor (ngayon ang bise-alkade), ganun din pala ang kanyang anak. Mukhang mas magaling pa yata siyang sumuntok sa akin. Parang si Pacquiao habang ginugulpe si Dela Hoya.

Ano nga ba ang kasong kakaharapin ni Sara “ang munting mayora” sa pag-buntal kay sheriff? Yan ay kung  maisipin ng Sheriff na maghain ng reklamo dahil ayaw na niyang bumalik at manirahan sa Davao.

In general, ano ba ang pananagutan ng isang taong nanakit ng mga pulis, sheriff o sino pang nagpapatupad ng batas?

DIRECT ASSAULT

Ayon sa Art. 148 ng Revised Penal Code (RPC) ang sino man manakit, manakot, mangurot, singahan o maglaban sa isang “person in authority” o kaya sa mga alalay nito na kung tawagin ay “agents of person in authority” habang ginagampanan ang kanilang opisyal na tungkulin ay paparusahan ng pagkakulong (prision correccional-minimum period) at multa na tumataginting na P500.

Kung ang akusado ay gumamit ng sandata (what a word, naiisip ko tuloy yung itak ni Andres Banifacio) o ‘di kaya’y isa rin siyang opisyal o empleyado ng gobyerno, mas matindi ang parusa (prision correccional-medium to maximum period) at mas mataas ang multa (P1,000 wow, baka mamulubi ang akusado niyan).

Eto ang buong sabi ng batas, para sa mga walang tiwala sa English-Filipino translation prowess ko:

“Art. 148. Direct assaults. — Any person or persons who, without a public uprising, shall employ force or intimidation for the attainment of any of the purpose enumerated in defining the crimes of rebellion and sedition, or shall attack, employ force, or seriously intimidate or resist any person in authority or any of his agents, while engaged in the performance of official duties, or on occasion of such performance, shall suffer the penalty of prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding P1,000 pesos, when the assault is committed with a weapon or when the offender is a public officer or employee, or when the offender lays hands upon a person in authority. If none of these circumstances be present, the penalty of prision correccional in its minimum period and a fine not exceeding P500 pesos shall be imposed.:

Person in Authority

Sino ba itong “person in authority?” Ayon sa Art. 152 ng RPC, sila ay ang mga taong direktang binigyan ng “jurisdiction” tulad ng mga hukom, opisyal ng “governmental corporation,” “board” o “commission” tulad ng mga politiko simula Presidente hanggang Barangay Chairman.

Yap, si Kap kasama, kala mo ha.

Agents of Person in Authority

Ang mga alagad ng “person in authority” naman ay ang mga halal (elected) o tinalaga (appointed) ng batas bilang tagapangalaga ng katahimikan (maintenance of public order) at tagapagtanggol ng buhay at ari-arian (protection and security of life and property – Pasok si Superman dito!)

Sila ay ang mga pulis, barangay tanod, sheriff, etc. na nagpapatupad ng mga utos ng “person in authority.”

Huwag ka, pati tambay sa kalye ay pwedeng maging “agents of person in authority” kung sasaklolo sila (who comes to the aid) sa “person in authority”

Pero kung ang sasaklolohan ng mga tambay ay isa lang “agent of a person in authority” at sinaktan ang mga tambay, ang tawag sa krimen ay “Indirect Assault” ayon sa Art. 149 ng RPC.

Aktuwali, nagkaleche-leche ‘tong batas na ‘to noong inamendahan. Dati, Indirect Assault ang tawag kapag sinaktan ang tumulong sa “authorities or their agents.” Kaso noong binago ang batas ginawang “agent” na rin ang tumulong sa “person in authority,” kaya naging Direct Assault na tuloy kasi nga “agent” na rin siya kahit naki-epal lang. Gulo ‘di ba?

Amendment of Batas Pambansa Blg. 873

Dahil sa BP 873, ginawang “person in authority” na rin ang mga guro, professor, supervisors ng mga pampubliko at mga recognized na pribadong paaralan. Pero kung inaya ng propesor ang kanyang estudyante sa motel para daw gumawa ng “project” – ibang klaseng “Direct Assault” ang maaring mangyari.

Kasama na rin sa listahan ng “person in authority” ang mga abugado (ahem!) in the actual performance of their professional duties.

Ibig sabihin, kung inaway mo ang kapitbahay mong abugado habang nagpapahinga siya sa bahay, dahil ayaw mo lang sa pangit niyang mukha (obviously not me) – hindi papasok sa Direct Assault yun. Dapat “in the actual performance of their duties,”  tulad ng pagpasok sa Bar – ng korte, (ayan, nililinaw ko lang) para mag-attend ng hearing (yun naman pala).

Tama na nga, baka saan pa mapunta ang usapan. Tapusin ko na rin ‘to kasi may naghahanap daw sa aking mga lalake sa labas, miyembro daw sila ng “DDS.” Kakatawa naman ang pangalan – “DDS”, parang dance troupe. Ano kaya pakay nila sa akin?

Your email:

” The man who strikes first admits that his ideas have given out.“  – Chinese Proverb

DOUBLE WHAMMY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/double-jeopardy-visconde-massacre-de-lima-nbi-hubert-webb/"></g:plusone>

Nagpalabas ng press conference ang NBI at si De Lima. Nasa Pilipinas daw si Hubert Webb noong gabi noong pinagpapapatay ang mag-anak ng Vizconde. Ngunit, sabay bawi naman ang kalihim na hindi na maaring kasuhan pa si Webb dahil sa prinsipyo ng double jeopardy.

Ano ba itong double jeopardy?

Ayon sa mismo sa pinakamataas na batas dito sa bansa – ang mga kamag-anak, kaibigan at kabarilan (shooting buddy) ni Noynoy – ay mali, ang 1987 Constitution pala:

“Article III. Section 21. No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense. If an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under either shall constitute a bar to another prosecution for the same act.”

Ibig sabihin, walang taong maaring litisin ng dalawang beses sa parehong offense  o krimen. Halimbawa, si “A” ay kinasuhan sa pagpatay kay “B”, kung sakaling ma-convict o ‘di kaya’y ma-acquit si “A” hindi na pwedeng kasuhan ulit si “A” sa pagpatay kay “B”.

Ang double jeopardy ay para sa kapakanan ng akusado. Isipin mo, kung walang ganitong klaseng patakaran, maari kang kasuhan ng paulit-ulit sa parehong krimen hanggang sa makulong ka. Hindi ka na makapag FB o twitter, hindi na rin maka-text dahil bawal sa loob ng korte. Wala ka nang gagawin sa buong buhay kundi pumunta sa bista at magbayad ng abugado.

Elements of Double Jeopardy

Ayon sa Section 7, Rule 117 ng Rules of Court, para pumasok sa double jeopardy  ang isang kaso kailangan:

1. The complaint or information was sufficient in form and substance to sustain a conviction.

Dapat sampahan ka muna ng kaso ng prosecutor (kilala sa tawag na fiscal) sa korte. Kung hanggang prosecutor pa lang at na-dismiss agad ang kaso sa stage pa lang ng preliminary investagion, maari pa itong ihain ulit kung may bagong imbedensiyang madiskubre. Walang double jeopardy.

2. By a court of competent jurisdiction.

Dapat ang kaso ay isinampa sa tamang korte. Kapag sinabing competent jurisdiction ibig sabihin sa tamang korte nakakasakop kung saan nangyari ang krimen. Kung nangyari ang krimen sa Quezon City dapat sa korte ng Q.C. ito isampa at hindi sa Pasig, Caloocan, Maguindanao o kung saan pang lungsod.

Kung ang krimen ay pinaparusahan ng hindi hihigit ng anim (6) na taong pagkakakulong, sa Metropolitan Trial Court (Municipal Trial Court sa probinsya) dapat isampa ang kaso at hindi sa Regional Trial Court (Section 32, BP 129).

3. The accused had been arraigned and had pleaded.

Dapat ay “nabasahan ng sakdal” ang akusado. Ang tawag dito ay arraignment kung saan babasahin sa harap ng akusado kung ano ang kinakaso sa kanya sa lenggwaheng alam niya at mag-plead siya ng “guilty” o “not guilty”.

Kung hindi pa na-arraign ang akusado at na-dismiss ang kaso, hindi pa papasok ang double jeopardy

Tulad ng kaso ni Lacson sa umano’y pagpatay kay Dacer. Kung bumaliktad si Ray Aquino at sabihin niyang si Lacson ang promotor, maaring kasuhan ulit si Lacson dahil hindi pa naman umabot sa arraignment ang kaso kasi nagtago agad si Lacson sa Cebu (ooops).

4. The accused was convicted or acquitted or the case was dismissed without his express consent

Matapos sampahan ng kaso sa tamang korte at mag-arraign ang akusado, na convict o na-acquit siya o ‘di kaya ay na-dismiss ang kaso na wala niyang pahintulot, pasok na ang double jeopardy! Maari na siyang matulog ng mahimbing kung na-acquit siya o na-dismiss ang kaso.

Kahit sabihin pa nating siya talaga ang gumawa ng krimen, wala ka nang magagawa. Hanggang presscon ka na lang at kumuha na lang ng simpatya sa publiko at doon ipresenta ang kaso mo. Ganyan ang ginagawa ngayon ng kalihim ng DOJ.

Ang nakakatawa pa, ang NBI na sumablay sa kanilang unang imbestigasyon ang siya pang nag-iimbestiga ulit. Kung guilty man o hindi sila Webb, Diyos na bahala dun.

Pero sa batas ng tao, ang kaso ay may katapusan. Ano pa naging silbi ng prinsipyo ng double jeopardy?

(Sources: Tiu vs. Court of Appeals, G.R. No. 162370, April 21, 2009, Ivler vs. Hon. Modesto-San Pedro, G.R. No. 172716, November 17, 2010.)

Your email:

“Margaret Skolowski: Ever hear of Double Jeopardy? Fifth Amendment to the constitution?

Elizabeth ‘Libby’ Parsons: No.

Margaret Skolowski: It says no person can be convicted of the same crime twice, the state  says you already killed your husband right? So, when you get out of  here, you track him down, and you can kill him. You can walk up to him  in Times Square put a gun to his head and pull the fucking trigger and  there’s nothing they can do about it! Kinda makes you feel all warm and  tingly inside don’t it?”

- From the movie, “Double Jeopardy“, 1999.

BIYAHENG LANGIT
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/reckless-imprudence-resulting-to-homicide-reckless-driving/"></g:plusone>

Oppsss...I did it again!

Tama na, panahon na para baguhin ang batas.

Hindi ako nagrerebolusyon—ito ay tungkol sa sunod-sunod na patayang nagaganap sa mga kalye ng Metro Manila, lalong-lalo na sa Commonwealth Avenue dahil sa mga walang ingat, padalus-dalos at barubal na drayber ng mga pampublikong sasakyan, mapa-taxi, dyip o bus.

Ito ang mga drayber na nagbayad lang sa LTO para makakuha ng lisensya at walang pormal na pagsasanay at pag-aaral sa batas trapiko. Hindi ko naman sa nilalahat, ngunit napapansin ko na ang karamihan sa mga drayber ng pampublikong sasakyan ay mga bastos at walang pinag-aralan. Bumabalagbag sa kalye at humihinto kung saan-saan at walang pakialam sa ibang motorista, at kung sisitahin mo ay sila pa ang galit. Umaastang hari ng daan.

Kahit anong ingat mo sa pagmamaneho, hindi ka pa rin ligtas sa mga ungas na mga drayber na ‘to. Hindi lang ari-arian, kung ‘di buhay ang nakasalalay tuwing humahawak sila ng manibela.  Ang masama nito, masyadong magaan ang batas laban sa mga barubal na drayber.

RECKLESS IMPRUDENCE VS MURDER

Ang taong nakapatay dahil nakasagasa ay nahaharap lamang sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at hindi murder ayon sa Article 365 ng Revised Penal Code.

Ang pinagkaiba ng murder sa reckless imprudence ay ang “intent.” Ayon sa Korte Suprema [People vs Garcia, GR No. 153591, February 23, 2004], ang pinaparusahan sa reckless imprudence ay hindi ang pagpatay kundi ang kawalan ng pag-iingat (the dangerous recklessness, lack of care or foresight).

Ano ngayon ang implikasyon nito?

Ang parusa sa reckless imprudence ay prision correccional lamang at di hamak na mas mababa sa reclusion perpetua na parusa sa salang murder.

Ang prision correccional (in its meduim period gamit ang Indeterminate Sentence Law) ay may parusang kulong sa pagitan ng dalawang (2) taon hanggang (6) anim na taon lamang. Samantalang ang reclusion perpetua ay ang pagkakulong ng hindi lalampas ng tatlumpung (30) taon (Art. 27 RPC).

Ang laki ng diperensiya diba? From 30 years down to 2 – 6 years, samantalang pareho lang naman silang nakapatay ng tao. At dahil sa mababa ang parusa ng reckless imprudence, pwedeng makapag-pyansa ang tarantadong drayber dahil bailable na ito. Kung reclusion perpetua sana, non-bailable ito (assuming the evidence of guilt is strong) at hindi makakalaya ang ungas habang nililitis ang kaso.

Ito ngayon ang ginagawa ng mga operator ng taxi, bus at iba pang public transport company. Kahit araruhin pa ng mga drug addict nilang drayber ang sinuman sa kalye, isang pyansa lang ang katapat at laya na ang gago para managasa ulit ng kahit sinong makita nila sa daan ala-“Grand Theft Auto.”

Kaya siguro walang takot ang mga drayber na ito dahil mahina lang ang parusa at hindi sila makukulong nang matagal. Ang masama nun, babayaran pa ang kanilang mga biktima ng operator – viola! areglado.

Panahon na para taasan ang parusa sa reckless imprudence resulting to homicide at gawing non-bailable offense. Dapat ring taasan ang parusang multa sa mga operator upang siguraduhin nilang hindi sila makakakuha ng mga addict. Panahon na rin para higpitan ng LTO ang pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho lalo na sa mga professional drivers.

Hirap kasi dito sa Pilipinas, kasing mura lang ng manok ang buhay ng tao.

(Ang topic na ito ay tungkol sa criminal liability ng mga drayber sa isang aksidente. Ang responsibilidad ng mga operator ay nasa blog entry na “King of the Road.”)

Your email:

“A man must use common sense, and exercise due reflection in all his acts; it is his duty to be cautious, careful, and prudent, if not from instinct, then through fear of incurring punishment. He is responsible for such results as anyone might foresee and for acts which no one would have performed except through culpable abandon. Otherwise his own person, rights and property, all those of his fellow-beings, would ever be exposed to all manner of danger and injury.”

– U.S. v. Maleza, 14 Phil. 468, 470 [1909]

NAWILLIE SA TWITTER
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/libel-yuchengco-vs-pep-coalition-willie-revillame-twitter-libel/"></g:plusone>

"The KIng of Self-Destruction"

Mukhang nasa fighting mode si Willie Revillame. Lahat daw ng nag-tweet laban sa kanya ay kakasuhan niya ng libel. Pati si Kiko Pangilinan nakisawsaw sa twitter at hinamon si Willie na kasuhan din siya ng libel. Nakakatawa dahil bilang senador meron siyang parliamentary immunity laban sa libel, para niyang sinabing, “Sige, barilin mo ako!”, habang may suot na bullet proof vest.

Dahil dito, nabuo ulit ang issue tungkol sa pananagutan ng isang tao sa kasong libel gamit ang blog, twitter o social networking site tulad ng facebook.

BONIFACIO, ET AL vs. RTC OF MAKATI

May isang kaso na ang umabot sa Korte Suprema tungkol dito. Eto ay ang kaso libel ng mga Yuchengco laban sa mga opisyales at miyembro ng Parents Enabling Parents Coalition, Inc. (PEPCI).

Ang mga Yuchengco ang may-ari ng Pacific Plans, Inc. – isang pre-need company na bumagsak at nag-iwan sa daan-daang mga magulang at policy holders na walang pang-tuition sa kanilang mga anak.

Bumuo ang mga policy holders ng Pacific Plans ng grupo at tinawag na PEPCI. Itong PEPCI ay may website na www.pepcoalition.com  kung saan daw siniraan ang mga Yuchengco at naka-post ang mga sumusunod:

“Talagang naisahan na naman tayo ng mga Yuchengcos.  Nangyari na ang mga kinatatakutan kong pagbagsak ng negotiation because it was done prematurely since we had not file any criminal aspect of our case.  What is worse is that Yuchengcos benefited much from the nego. x x x .  That is the fact na talagang hindi dapat pagtiwalaan ang mga Yuchengcos.

LET’S MOVE TO THE BATTLEFIELD.  FILE THE CRIMINAL CASES IN COURT, BSP AND AMLC AND WHEREVER.  Pumunta tayong muli sa senado, congreso, RCBC Plaza, and other venues to air our grievances and call for boycott ng YGC. Let us start within ourselves.  Alisin natin ang mga investments and deposits natin sa lahat ng YGC and I mean lahat and again convince friends to do the same.  Yung mga nanonood lang noon ay dapat makisali na talaga ngayon specially those who joined only after knowing that there was a negotiation for amicable settlements.

FOR SURE MAY TACTICS PA SILANG NAKABASTA SA ATIN.  LET US BE READY FOR IT BECAUSE THEY HAD SUCCESSFULLY LULL US AND THE NEXT TIME THEY WILL TRY TO KILL US NA. x x x”

Naghain ang mga Yunchengco ng kasong libel sa mga opisyales at miyembro ng PEPCI pati sa administrator ng website sa Lungsod ng Makati.

DOJ Opinion

Matapos ang preliminary investigation, naghain ng kasong libel ang mga Fiscal (City Prosecutor) ng Lungsod ng Makati laban sa mga opisyales at miyembro ng PEPCI at na punta sa Regional Trial Court ng Makati City, Branch 149

Umapela ang mga taga-PEPCI sa DOJ kung saan nagpahayag ng opinyon ang DOJ Secretary (si Lolo Raul) na “inexistent” daw ang internet libel kaya wala daw sapat na dahilan upang kasuhan ng libel ang mga taga-PEPCI dahil sa paggamit ng internet.

Motion To Quash

Dahil sa opinyon ng DOJ Secretary, naghanin ng “Motion to Quash” ang mga taga-PEPCI upang tuluyang i-dismiss ang kasong libel sa RTC. Bukod dito, sinabi  rin nila sa Motion to Quash na walang jurisdiction ang Makati RTC sa kasong libel dahil hindi sinabi ng mga Yuchengco ang lugar saan nilimbag (printed) at unang nilathala (first published) ang website.

Sabi naman ng Yunchengo, sa Makati daw unang in-access ang website ng PEPCI kaya doon hinain ang kaso.

Pinanigan ng Makati RTC ang mga Yuchengco at itinuloy ang kasong libel laban sa mga taga-PEPCI, kaya dumulog ang huli sa Korte Suprema.

Amended Jurisdiction of Libel

Ayon sa Article 360 ng Revised Penal Code, sa dalawang (2) lugar lang pwede ihain ang kasong libel:

Kung saan nakatira ang 	nagreklamo (complainant) at the time of the 	commission of the offense; or

Kung saan nilimbag (printed) at unang nilathala (first 	published) ang artikulo.

(Sa malalim na talakayan ng kasong libel tignan mo ang previous post na ito: Blogging Rights)

Sa kaso ng mga Yunchengco, sinaad nila na una nilang binuksan o in-access ang website ng PEPCI sa Lungsod ng Makati ngunit HINDI NILA BINAGGIT kung saan printed at first published ang nasabing website.

Dito naglitanya ang Korte Suprema tungkol sa kasaysayan ng batas ng libel.

Dati kasi pwedeng ihain ang kasong libel kung saan naka-exhibit o pinakalat (circulated) ang libelous article tulad ng libro, diyaryo. Kaya dati, hindi importante kung saan una ito nilimbag o nilathala.

Kaso, naging paraan ito upang i-harass ang mga publishers at manunulat kasi kahit saan pwedeng ihain ang kasong libel laban sa kanila. Kung sa Manila sila based bilang publishers o journalists, sinasampahan sila ng kasong libel sa malalayong lugar kung saan wala nang Jollibee at 7-11 na tanda ng sibilisasyon, tulad ng munisipo ng Jabongga, Tungao o Kurimaw.

Kaya inamendahan ng RA 4363 ang Art. 360 ng RPC upang iwasan ang ganiton pangha-harass sa mga publishers at journalists, kaya ngayon ang libel ay dapat ihain lamang kung saan printed at first published ang artikulo. Eto ang mga lugar kung saan nag-o-opisina ang newspaper o librong unang naglimbag o naglathala ng artikulo.

Printed and First Published

Ngayon, kung susundin natin ang sinabi ng Yunchengco na dapat ihain ang kasong libel sa Makati dahil doon unang in-access ang website, parang nasira ang dahilan kung bakit inamendahan ang batas.

Kasi kahit saan na lang pwedeng magdemanda laban sa mga bloggers o kung sinomang gumamit ng internet sa lugar kung saan niya unang binuksan ang blog na may libelous article. So kung gusto mong idemanda si Bon o Batangmangyan ng libel, magdadala ka lang ng SmartBro sa Jabongga o Tungao at doon mo i-access ang website nila. Well, assuming may signal doon.

Loophole ng Libel sa Internet

Aminado ang Korte Suprema na mahirap malaman ang lugar kung saan printed at first published ang mga website na my libelous article.

Kaya ito ang loophole ng batas na libel sa internet. Kailangan ng nagrereklamo na patunayan kung saan unang na publish ang blog, tweet o comment sa facebook na may libelous remarks.

E paano kung nasa abroad ang nirereklamo at doon niya ginawa ang blog? Gamit ang Territoriality  Rule ng Criminal Law, hindi sakop ng Korte ng Pilipinas ang mga krimeng ginawa sa labas ng bansa, it follows na hindi sakop ng Korte dito ang mga blog na published abroad.

Conclusion

Kaya talo ang Yuchengco sa kasong libel dahil hindi nila napatunayan na unang na publish ang website ng PEPCI sa Makati City (at hindi dahil sa Opinion ng DOJ).

Ang tanong, may pag-asa paba sa kasong libel sa internet hangga’t hindi inaamendahan ang batas ng kongreso?

Sagot diyan ang isang malaking – OO.

Matalino man daw ang matsing, e naiisahan din. Kung titignan mabuti ang batas sa libel dalawa (2) ang venue nito. Kung hindi mo alam kung saan unang na publish ang blog, pwede naman maghain ng kasong libel kung saan nakatira ang nagrereklamo. Eto mismo ang hint na binigay ng Korte Suprema:

“These limitations imposed on libel actions filed by private persons are hardly onerous, especially as they still allow such persons to file the civil or criminal complaint in their respective places of residence, in which situation there is no need to embark on a quest to determine with precision where the libelous matter was printed and first published.”

Ibig sabihin, kapag nagsampa ka ng libel dahil sa isang blog, website o tweet, ihain lang ito sa lugar kung saan ka nakatira at huwag mo nang sabihin kung saan ito na publish. Ngayon kung ikaw naman ang kinasuhan ng libel dahil sa mga blog o tweet mo, pagdasal mo na hindi nabasa ng kalaban ang kasong binaggit ko.

Your email:

“Libel actions, when we look at them in perspective,  are an ornament of a civilized society. They have replaced, after all,  at least in most cases, a resort to weapons in defense of a reputation. “ – Henry Anatole Grunwald

INCRIMINATE YOUR (FAKE PLASTIC) FACE!
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/right-against-self-incrimination/"></g:plusone>

"Your Honor, hindi ko po masagot kasi po may diarrhea ako...I mean right against self-incrimination"

Ang right against self-incrimination ay nasa Bills of Rights (Article III) ng ating Saligang Batas:

“Section 17. No person shall be compelled to be a witness against himself.”

Kung babasahin mo wala naman ang salitang “self-incrimination” sa Saligang Batas, labo nga eh. Pero simple lang ang right against self-incrimination, hindi pwedeng pilitin ang isang tao tumestigo laban sa kanyang sarili.

In the first place, sino ba naman ang tangang ipagkakalulong ang kanyang sarili? Pwera na lang kung isa siyang baliw o gusto nang magpakamatay o meron siyang asawang mayordoma, gastador, banat ang mukha at kung umiyak ay kala mo’y isang maamong tupa…er…teka wala sa topic, naiinis lang kasi ako pagnakikita ko siya sa TV ahihi.

Criminal proceedings

Ang right against self-incrimination ay laging ginagamit ng akusado sa isang criminal proceeding.

Kung ayaw ng akusadong umamin o magsalita na maari siyang madiin, wala tayong magagawa. Nasa prosekusyon ang burden o bigat na patunayan ang guilt o sala ng isang akusado. Kung pipilitin mo ang akusadong umamin, e wala nang pinagkaiba sa torture yun diba?

Hindi maaring pilitin ang akusadong umupo sa witness stand at tanungin tungkol sa niliitis na krimen. Kung ayaw niyang magsalita, hindi ito maaring gamitin laban sa kanya.

Pero kung ang akusado ay piniling  umupo na sa witness stand, wala na siyang lusot, maari na siyang tanungin ng kabilang abugado sa cross-examination. Yan ay dahil na-waive  na ang karapatang ito. Pero maari pa rin gamitin ng akusado ang right against self-incrimination patungkol sa ibang kaso at hindi tungkol sa krimeng nililitis.

Ang karapatang ito ay iba pa pala sa right under custodial investigation na nasa likod ng Panyero shirt, kung saan maaring tumahimik ang isang suspek habang iniimbestigahan ng mga bundat na pulis. Pero pareho lang sila ng essence, sabihin na nating magpinsan sila.

Civil, administrative proceedings

Ang right against self-incrimination ay nai-apply din ng Korte Suprema sa civil at administrative proceedings. Kung ang isang testigo (hindi akusado o partido sa kaso) ay tinanong ng mga bagay na magdidiin sa kanya sa isang krimen na nakabinbin na sa ibang korte o maaring isampa laban sa kanya, maari niya itong hindi sagutin at mag-ala-Ligot.

Pero ang tanong na “incriminating” ay dapat specific tulad ng pagtatanong ng partikular na gawaing ilegal. Hindi lahat ng klase ng tanong ay maaring gamitan ng right against self-incrimination. Mga tanong na wala naman kinalaman sa isang krimen, maaaring ipilit na sagutin ng isang testigo tulad ng “saan ka nakatira?”, “saan ka noong araw na ito?”, “o naliligo ka ba araw-araw?”.

Kaya hindi maaring ipasawalang-bahala ng isang testigo ang subpoena ng isang korte o administrative body. Magagamit lang niya gamitin ang right against self-incrimination kung may specific na taong na sa tingin niya ay maaring madiin sa kanya sa isang krimen.

Mechanical acts not included

Ang right against self-incrimination ay patungkol sa pagsasalita o pagtestigo laban sa kanya o testimonial acts. Hindi kasama dito ang purely mechanical acts tulad ng pagkuha ng finger prints, pregnancy test, medical examination, pagkuha ng litrato, pagsukat ng  kanyang footprints, o DNA testing.

Kaya maaring pilitin ang isang tao, sa utos ng korte, na kunan ng sample sa pwet at hindi maaring gamitin ang right against self-incrimination. Wala ka nang magagawa kundi tumuwad.

Rights against self-incrimination can be waived

Pero hindi rin naman pinipigilan ang isang taong sumagot sa mga tanong na maaring magdiin sa kanya sa isang krimen. Kung hindi alam ng isang tao na may right against self-incrimination pala siya dahil hindi napayuhan ng kanyang abugado, wala na tayong magagawa dun. Kaya dapat timely ang paggamit ng right against self-incrimination.

Ngunit kung – yan ay kung sakali lang – na gusto ng isang taong  magtapat dahil inuusig siya ng kanyang konsensya at naisip niyang milyong-milyong pera ng taong bayan ang kanilang winaldas at milyong-milyong  Pilipino ang walang makain at libo-libong sundalong nasa Mindanao ang walang sapat na gamit dahil sa kanilang walang habas na pangungurakot then by all means.

Wishful thinking, asa kapa sa mukhang yun na puro plastic.

Your email:

“Acting is a form of confession.” - Tallulah Bankhead

HIGH AND DRY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/ra-9165-dangerous-drugs-2002/"></g:plusone>

Wala ka sa Ilocos Cong, yaki ka ngayon!

Uso ngayon ang topic tungkol sa droga, mapa-kongresistang matigas ang mukha at ayaw bitiwan ang pwesto kahit umamin nang durugista o kawawang (o tangang?) kababayan na pumapayag na maging drug mule sa ibang bansa ay dawit dito.

Patungkol sa kongresista, wala akong pakialam sa kanya kung mabulok siya sa kulungan. Pero sa mga kababayan nating nahaharap ngayon sa parusang bitay, tama ba na luwagan ng ibang bansa ang mahigpit nilang batas laban sa droga? Bakit kaya hindi natin tingnan ang ating batas patungkol dito para malaman naitin kung kasing higpit ba ito ng iba?

Dito papasok ang RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

IMPORTATION

Sa RA 9165, dalawang bagay ang pinagbabawal: ito ang mismong droga o “dangerous drugs” at ang mga materyales o sangkap sa paggawa ng droga o tinawatawag na “controlled precursors.”

Sino mang mahulihang mag-import o magdala ng droga sa loob ng Pilipinas, kahit anong timbang o uri ay habang buhay na makukulong at pagmumultahin ng P500,000 hanggang  P10 milyon.

Dati ay parusang kamatayan ang pinapataw, ngunit alam natin  na tinaggal na ito at ginawang life imprisonment (kaya hindi nababawasan ang mga drug lords at drug dealers sa atin).

Kasama rin dito ang pagbabawal sa pag-import ng opium poppy na inilalagay sa mga mamahaling cake at kahit sabihing gagamitin lang ito bilang display o aalagaan kasama ang iyong mga orchids sa bakuran (for floral, decorative and culinary purposes).

SALE, TRADING, DISTRIBUTION

Kung nakapasok na ang droga sa bansa at ibinenta dito, parusang habambuhay na pagkakulong din at multang P500,000 – P10 milyon regardless of quantity and purity. Kahit may halong tawas pa yan at kasing liit lang ng butil ng bigas, pareho lang ang parusa.

Pinakamataas na parusa rin ang tatanggapin ng:

1)   Namumuhunan o financier  ng pagbebenta ng droga  o controlled precursor

2) Drug pusher na nagbebenta ng droga o controlled precursor sa loob ng 100 metro ng paaralan

3)   Drug Pusher na gumagamit ng mga bata o taong may kulang sa pag-iisip bilang runners, couriers, messengers.

Parusang 12 hanggang 20 taon at multang P100,000-P500,000 naman ang aabutin ng nagbebenta ng mga controlled precursor at mga protector/coddler ng ganitong transaksyon.

MAINTENANCE OF DEN, DIVE OR RESORT

Hindi lamang mga nag-import at nagbenta ng droga ang makakatanggap ng pinakamataas na parusa sa RA9165. Ang mga taong nag-memaintain ng den, dive o resort para gamiting bentahan at hithitan ng droga, mula  sa mga mamahaling Bar sa Fort Bonifacio sa Taguig hanggang sa squatters area sa Tondo at shabu tiangge sa Pasig.

Ang mga empleyado ng Den, Dive o Resort na alam na pugad ng mga drug pushers at drug addicts ang gusali ay paparusahan ng 12 hanggang 20 taon na pagkakakulong at multang P100,000-P500,000.

MANUFACTURING

Kung mahirap mag-import ng droga, syempre gumawa na lang sa loob ng mga subdivisions ng Paranaque at Las Pinas. Ang paggawa ng droga ay makakatanggap din ng pinakamataas na parusang life imprisonment at multang P500,000-P10 milyon.

Kung may nakitang controlled precursors at essential chemicals sa loob ng gusali, ito ay prima facie proof o paunang katunayan na isa itong factory o pagawaan ng droga. Aggravated pa ang parusa kung ang pagawaan ng droga ay:

1)   Gumagamit ng menor de edad

2)   Nasa loob ng 100 metro mula sa residential, business premises, simbahan o paaralan.

3)   May mga dibdib ng babae sa loob ng gusali o booby traps (ahihi)

4)   Tinatago ang paggawaan ng droga sa isang lehitimo at legal na negosyo tulad ng mga kulasisi at massage parlors sa Quezon Avenue na may Mayor’s Permit  at kaukulang papeles.

5)   Kapag may lisensyadong chemical engineer, public official at foreigner pa sa loob (sosyal!)

APPARATUS AND OTHER PARAPHERNALIA

Bukod sa droga at controlled precursor pinagbabawal din ng RA 9165 ang pagdala, pabenta ang mga tooter, inhaler, bong, straw, puno ng kawayan o ano pang mga bagay  na ginagamit upang hithitin at tirahin ang droga na pinapadaan sa ilong, gilagid, ugat sa bisig o sa pwet (aw!)

May parusang kulong mula 6 na buwan hanggang 4 na taon at multang P10,000-P50,000 ang sinumang nahulihan ng mga apparatus o paraphernalia sa droga.

POSSESSION

At syempre hindi mawawala ang pagdadala o possession ng droga. Ayon sa RA 9165, ang pagdadala ng:

Opium, Ecstasy atbp.

a) 10 gramo o higit pa ng opium, morphine, heroin, cocaine, marijuana resin/resin oil, methylenedioxymethamphetamine o MDMA, ang paborito ng mga durugista sa Fort na ecstacy,  paramethoxyamphetamine (PMA), trimethoxyamphetamine (TMA), lysergic acid diethylamine (LSD), gamma hydroxybutyrate (GHB) o higit pa ay may parusang life imprisonment at multang P500,000-P10 milyon

b) 10-5 gramo = Life hanggang 20 years imprisonment plus P500,000-P400,000 fine

c) 5 – less gramo ng shabu = 12 hanggang 20 pagkakakulong at P400,000-P300,000 multa

Kasama dito ang mga bagong droga na kahalintulad (similarly designed) o hango sa mga ito (their derivatives) na walang therapeutic value (tulad ng mga binebentang at nagkalat na herbal medicine) na hindi man lang ginagamit na gamot kahit sa pigsa.

Shabu

Para sa pambansang droga, ang pagdadala ng:

a) 50 gramo ng shabu o higit pa = life imprisonment at multang P500,000-P10 milyon

b) 49-10 gramo = life imprisonment din ang parusa ngunit mas mababa ang multa na P400,000-P500,000 (aba discounted pa)

c) 10-5 gramo ng shabu = Life hanggang 20 years imprisonment plus P500,000-P400,000 fine

d) 5 – less gramo ng shabu = 12 hanggang 20 pagkakakulong at P400,000-P300,000 multa

Mary Jane

Para sa mga vegetarian, environmentalists at beach bums ang pagdadala ng:

a) 500 gramo ng marijuana o higit pa

b) 499-300 gramo ng marijuana = Life hanggang 20 years imprisonment plus P500,000-P400,000 fine

c) 300 or less gramo ng marijuana = 12 hanggang 20 pagkakakulong at P400,000-P300,000 multa (kayang-kayang bunuin!)

Huwag niyo na ring balakin at pangarapin ang mag-alaga ng marijuana o opium sa paso dahil ang pinakataas na parusa ang aabutin ninyo, kahit ba isang dahon lang yan dahil iniihian lagi ng alagang aso kaya ayaw lumago.

USE OF DRUGS

Ano pa ba ang silbi ng droga kung hindi gagamitin? Pwera na lang kung gagamitin mo siya bilang tawas at ipapahid sa kili-kili.

Ayon sa RA 9165 ang sino mang mahuli o maaresto at lumabas na positibo sa paggamit ng tawas este droga ay paparusahan ng:

1)   1st offense – 6 buwan na rehab

2)   2nd offense – 6 hanggang 12 taon na bilanggo at P50,000-P200,000 multa

Kung ang akusado ay nahulihan din na nagdadala ng droga ang parusa sa possession ang mag-a-apply.

PLANTING OF EVIDENCE

Ang mga pulis o otoridad na mapatunayang magtatanim ng droga sa mga mahuhuli nila para mangotong ay paparusahan din habang-buhay na pagkakakulong.

NO PLEA BARGAINING, NO PROBATION

Hindi maaring pumasok sa Plea Bargaining ang gobyerno ayon sa RA 9165 at dapat tuluyan ang mga drug lords at drug dealers. Pwera na lang kung ang Ombudsman ang hahawak ng kasong plunder laban sa mga general ng AFP (teka tapos na pala ang topic na ito).

Ngayon, alam na nating mahigpit din pala ang batas natin laban sa droga, ang tanong, handa ka rin bang ibaba natin ang parusa laban sa mga dayuhang nagpapasok ng pinagbabawal na gamot sa ating bayan na maaring sumira sa lipunan?

Your email:

“The basic thing nobody asks is why do people take drugs of any sort? Why do we have these accessories to normal living to live? I mean, is there something wrong with society that’s making us so pressurized, that we cannot live without guarding ourselves against it?” – John Lennon

PANDARAMBONG
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/anti-plunder-law-ra-7080-joseph-estrada/"></g:plusone>

Armed Forces of Pabaon

Dati-rati mahilig ako sa mga computer games. Palibhasa ay marami akong hawak na oras, buong magdamag ako nagbababad sa PC para maglaro. Isa sa hindi ko malimutang laro ay ang “Cutthroats: Terror in the High Seas,” isa itong RPG o role playing game kung saan isa kang pirata.

Eto yung piratang pumapalaot at nangha-hijack ng mga merchant ships at hindi yung mga nagbebenta ng porn na DVD sa Quiapo. Sa larong ito, pwede kang bumaba ka sa isang pantalan o port at meron kang option na “plunder.”

Pag pinundot mo ang plunder ay pupunta ka sa pinakamalapit na bayan upang limasin ang mga ari-arian ng mga kawawang sibilyan. Meron din option na plunder kapag nakakuha ka ng barko ng iba.

Kaya noong una kong napag-aralan ang RA 7080 o Anti-Plunder Law, ang larong Cutthroats ang pumasok sa utak ko. Ang panglilimas ng pera ng mga bwakaw na mga pirata o magnanakaw mula sa mga kawawang sibilyan .

Kakaiba ng krimen na plunder kumpara sa ordinaryong kasong ng kurapsiyon tulad ng bribery o pagbibigay ng lagay, at malversation of public funds o paggamit ng pondo ng taong bayan. Ang krimeng plunder ay ang mother of all corruption. Kumbaga sa mga maaarte at kulang sa pansin, ang plunder ay si Kris Aquino—wala nang tatalo pa sa kanya.

Ngunit ano ba talaga ang krimen na plunder?

HOW COMMITTED

Ayon sa RA 7080, ang plunder ay isang krimen kung saan ang isang taong nasa gobyerno, kasama ang kanyang pamilya, asawa, anak, kamag-anak, kabit at mga julalay ay makakimkim (“amasses, accumulates or acquires”) ng  hindi maipaliwanag na yaman o yamang nakuha sa mula sa kaban ng bayan (ill-gotten wealth) sa halagang hindi bababa sa P50 milyon, sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay, kumbinasyon or serye ng mga sumusunod:

1. paglustay, pagpalit o maling paggamit ng pondo ng mamamayan o pagnakaw sa kaban ng bayan.

(Through misappropriation, conversion, misuse, or malversation of public funds or raids on the public treasury)

2. pagtanggap ng kumisyon, regalo, porsiyento, kickback, tongpats, bukol, pabaon sa indibidwal o korporasyon kaugnay sa kontrata o proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa kanyang pwesto o posisyon.

(By receiving, directly or indirectly, any commission, gift, share, percentage, kickbacks or any/or entity in connection with any government contract or project or by reason of the office or position of the public officer concerned)

3. illegal o mapanlinlang na paglipat sa mga ari-arian ng gobyerno.

(By the illegal or fraudulent conveyance or disposition of assets belonging to the National government or any of its subdivisions, agencies or instrumentalities or government-owned or controlled corporations and their subsidiaries)

4.  pagkuha o pagtanggap ng mga parte o interes sa pribadong negosyo.

(By obtaining, receiving or accepting directly or indirectly any shares of stock, equity or any other form of interest or participation including the promise of future employment in any business enterprise or undertaking)

5.  pagtatayo ng monopolyo, o pagpapatupad ng mga batas para makinabang o mapaboran ang iilang tao o interes.

(By establishing agricultural, industrial or commercial monopolies or other combinations and/or implementation of decrees and orders intended to benefit particular persons or special interests)

6. paggamit ng posisyon, awtoridad, relasyon, koneksiyon o impluwensiya para pagyamanin ang sarili na ikasasama o ikalulugi naman ng sambayanan.

(By taking undue advantage of official position, authority, relationship, connection or influence to unjustly enrich himself or themselves at the expense and to the damage and prejudice of the Filipino people and the Republic of the Philippines)

Kita mo na, may mas hahayop pa ba sa krimeng plunder? Ito ang sistematikong pagnanakaw at pag-lilimas sa kaban ng bayan, at hindi lamang isang beses na ginawa ngunit serye o kombinasyon ng mga nabanggit sa taas, at dapat ang nakulumbat ay hindi bababa sa P50 milyon.

Isipin mo, sa sobrang talamak ng kurapsyon dito sa Pilipinas, hindi na sapat ang krimeng bribery o simpleng malversation—kundi  kinailangan pang gumawa ng batas na Anti-Plunder Law.

ULTIMATE EXAMPLE, ULTIMATE FAILURE

Bilang halimbawa kung paano magagawa ang krimeng ito, gamitin natin ang kaso ng isang taong nasintensyahan ng kasong plunder na walang iba kundi ang pinakamataas na opisyal ng bansa—ang dating Presidente na si Joseph Ejercito Estrada.

Ayon sa prosekusyon, si Erap, gamit ang kanyang posisyon, impluwensiya, kapangyarihan bilang Presidente, kasabwat sina Atong Ang, Jinggoy Estrada, Yolanda Ricaforte, Edwin Serapio, et al. ay nagsamsam ng mahigit na P4.097 bilyon sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. tumanggap siya ng kickback o suhol sa jueteng na nagkakahalaga ng P545 milyon.

2. pagtanggap o paglustay ng humigit-kumulang na halagang P130 milyon galing sa buwis ng tabako (tobacco excise tax) para sa probinsya ng Ilocos.

3. gamit ang kanyang posisyon bilang Presidente ay inutusan niya ang GSIS at SSS na bumili ng shares ng Belle Corporation sa kabuuang halagang P1.8 bilyon kung saan kumita siya ng kumisyon na halagang P189.7 milyon.

4. pagsamsam ng hindi maipaliwanag na yaman na mahigit sa P3.2 bilyon at idineposito sa kanyang diumano’y account na nakapangalan sa isang “Jose Velarde” sa Equitable PCI Bank (now Banco de Oro).

Matapos ang 6 na taong paglilitis, napatunayan ng prosekusyon si Erap na guilty sa krimeng plunder at hinatulang ng Sandigang Bayan ng parusang reclusion perpetua at hindi pa siya maaring tumakbo o maitalaga sa anumang posisyon sa gobyerno (People vs. Estrada, et al, Criminal Case No. 26558, Promulgated by Sandiganbayan on September 12, 2007)

Finally, a big fish!

Ngunit anong nangyari? Dali-daling siyang nabigyan ng pardon ni GMA at hindi lang ‘yon, as if adding insult to the injury, tumakbo siya at pumangalawa pa kay Noynoy noong nakaraang eleksyon sa pagkapangulo!

Kaya ano pa ang aasahan natin sa imbestigasyon sa mga heneral na diumano’y kumamkam ng pera ng taong bayan sa pamamagitan ng mga pabaon, paglipat ng pondo ng militar at pondo ng United Nations para sa kanilang pansarili, na para sana sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Mindanao na wala man lang matinong combat boots?

But wait—there’s more: isama mo pa ang P5 milyon monthly allowance at free round-trip ticket around the world kasama ang kanilang mga asawa, kapamilya at kabit!

Dagdagan mo pa ng Ombudman na imbes na protektahan ang taumbayan ay tumatayong abugado pa ng mga plunderer at walang bukambibig kundi “we have a weak evidence.”

Hay naku, makapaglaro ng nga lang ng PC games, at least dito pwedeng matalo ng bida ang mga bwakaw.

Your email:

“Corruption is worse than prostitution. The latter might endanger the morals of an individual, the former invariably endangers the morals of the entire country.” – Karl Kraus

HUMAN (IN)SECURITY ACT
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/ra-9372-human-security-act-2007-southern-hemisphere-anti-terrorism-council/"></g:plusone>

"Napanganga ang kunduktor ng bus nang pagbukas ng pinto ay nakita silang pumapara..."

Nakikinig ako ng radyo noong isang araw at narinig ko ang interview ng isang Professor na bihasa tungkol sa paksang terorismo. Sabi niya, masyado naging kampante ang mga tao kaya nangyari ulit ang pambobomba ng bus sa may Buendia.

Sabi rin ni Prof, huwag daw tayong mabuhay sa ilusyon na walang terorista sa Pilipinas. Totoo daw ang banta at hindi mawawala sa Pilinas sa listahan ng mga terorista dahil sa mga armadong grupo sa Mindanao. Dapat daw ay laging maging alerto ang sambayanan.

Ngunit may batas ba talaga laban sa terorismo? Isa ba itong ispesyal na krimen bukod sa Murder o pagpatay?

Sagot: Meron, at apat (4) na taon na itong batas. Eto ang RA 9327o ang “Human Security Act of 2007”.

HOW COMMITTED

Ano ba ang mga kilos o gawaing babagsak bilang Terorismo at hindi lamang ordinaryong krimen?

Ayon sa RA 9372 ang paggawa ng ilang bagay na labag sa Revised Penal Code na magdudulot ng malawakang takot at pangamba sa sambayanan para pwersahin ang kanilang  masamang kagustuhan sa gobyerno, (thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand) tulad ng:

a) Pamimirata sa laot at pagbebenta ng bold na dibidi sa Quiapo. [Article 122 (Piracy in General and Mutiny in the High Seas or in the Philippine Waters)]

b) Pagrerebelde sa gobyerno at pamumundok pagkatapos dumalo ng rally sa lansangan. [Article 134 (Rebellion or Insurrection)]

c) Pangungudeta at pag-take-over sa mga 5-star hotel sa Makati tulad ng ginagawa ng mga senador natin. [Article 134-a (Coup d' Etat), including acts committed by private persons]

d) Pagpatay ng kuko sa paa. [Article 248 (Murder)]

e) Pagkidnap ng mga reporter na alam naman nilang delikado ang mga Abu Sayaf ngunit tumuloy pa rin dahil matigas ang ulo [Article 267 (Kidnapping and Serious Illegal Detention)]

f) Krimen mapanira tulad ng pagkain ng kamote at pagpapalabas ng masamang hangin [Article 324 (Crimes Involving Destruction)],

o kaya’y paggawa ng mga bagay na:

1) Pagsusunog ng kilay [Presidential Decree No. 1613 (The Law on Arson)]

2) Pag-inum ng Tanduay, at Gin Pomelo ng sabay [Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990)]

3) Pagkain ng kamote na may kasamang itlog—Kaboom! [Republic Act No. 5207, (Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968)];

4) Pagsama sa Dominguez Brothers [Republic Act No. 6235 (Anti-Hijacking Law)]

5) Panghoholdap sa kahabaan ng Recto [Presidential Decree No. 532 (Anti-Piracy and Anti-Highway Robbery Law of 1974)]

6) Pagsuot ng usong-usong patulis na sapatos [Presidential Decree No. 1866, as amended (Decree Codifying the Laws on Illegal and Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunitions or Explosives)]

Ang mga krimeng nabanggit ay dapat ginawa upang manakot at maging praning ang mga tao  dahilan upang magsiksikan sila sa MRT imbes na sumakay sa Bus. Kung walang kasamang pananakot, ituturing lang itong isang ordinaryong krimen sa RPC o special law.

SALIENT FEATURES OF RA 9372

Ano naman ang pinagkaiba kung babagsak ito bilang Terorismo at hindi isang ordinaryong krimen?

Mas mataas na parusa

Ang Terorismo ay may parusang 40 na taong pagkakakulong.

(Consipary to Commit Terrorism) – Generally conspiracy o ang pagbabalak gumawa ng krimen ay hindi pinaparusahan. Ibig sabihin, kahit mag plano kayong pumatay ng tao at may blue print pa kayo, hangga’t hindi niyo isinasagawa ito, hindi kayo pwedeng kasuhan.

Pero kapag terorismo ang pinaplano ninyo maari kayong kasuhan sa paglabag ng RA 9372 at may parusa rin itong 40 taon na pagkakakulong. Kaya,  gawin man o hindi, kulong pa rin ang terorista ng 40 years.

Ang accessory sa terorismo o ang taong nakipag tulungan para masagawa ito ay may parusang 20 years imprisonment.

Ang accomplice naman o ang taong: a) kumita o nagkapera, b) nagtago sa krimen o mga materyales na ginamit; c) nagkanlong sa mga terorista, ay maaring makulong ng 10-12 years puwera na lang kung ito ay asawa, anak, tatay, lolo/lola, kapatid ng terorista at hindi siya nagkapera sa gawaang terorismo.

Kaya parang pinapaburan ng batas ang mga kamag-anak na kumu-kunsinte sa kanilang mga kamag-anak na terorista.

Surveillance

Pinapayagan din ng RA 9372 na gumamit ang ating kapulisan ang mga hi-tech at state-of-the-art na surveillance equipment tulad ng Facebook at Twitter upang maki-usyoso at pakinggan ang mga usapan, diskusyunan, landian at harutan ng mga tao o grupong hinihinalang terorista BASTAT meron silang written order mula sa Court of Appeals.

Bawal mag-surveillance ang mga pulis na malalaking tiyan at walang written order mula sa Court of Appeals. Anumang bagay o usapang nakuha na walang written order ay hindi maaring gamitin (inadmissible) sa korte at sabit pa ang mamang pulis dahil maari siyang matanggal sa serbisyo at makulong ng 10-12 years  at doon siya ila-liposuction.

Exceptions: Ang surveillance ng usapan sa pagitan ng pogi at cute na abugado (ahem) at kanyang kliyente,  doktor at kanyang pasyente o reporter at kanyang“source” ay hindi papayagan. E papano kung ang mga terorista ay isang abugado, doktor at reporter at magkakamag-anak pa sila?

Detention without warrant of arrest

Ang taong hinihinalang terorista matapos ang pagsasagawa ng surveillance ay maari hulihin at i-detain ng mga otoridad kahit wala pang warrant of arrest o kaso sa korte sa loob ng 3 araw, BASTAT ipepresenta ito sa harap ng hukom sa kanyang opisina, sa bahay, motel o kahit habang gumagamit ng banyo si Judge, kahit saan man siya makita.

Kung hindi ipinakita kay Judge ang naaresto o ‘di kaya ay hindi kakasuhan ng paglabag sa RA 9372 ang akusado sa loob ng 3 araw ay maaring managot ang pulis at makulong ng 10-12 years.

Period of Detention in the Event of an Actual or Imminent Terrorist Attack

Kung talagang may napipintong pag-atake ng mga terorista, maaring arestuhin at i-detain ng lagpas ng 3 araw ang terorista BASTAT may written approval ng taga Human Rights Commission, o Judge/Justices ng korte.

Ang karapatan ng akusado na nakasulat sa likod ng panyero.net shirt ay mag-aaply sa mga terorista, tulad ng karapatang manahimik, kumausap ng abugado at  uminom ng beer kasama si Hepe.

No Torture or Coercion in Investigation and Interrogation

Bawal daw ang  pisikal, mental, moral, psychological pressure sa mga terorista tulad ng pagpipilit sa kanilang manood ng “The Buzz” habang umiiyak si Kris Aquino.

Lahat ng testimonyang galing sa torture ay hindi admissible sa korte ngunit maaring i-upload ang torture video sa “You Tube” kaso maaring makulong ang pulis ng 12-20 years.

Restriction on Travel/House Arrest

Ang kasong Terorismo ay non-bailable EXCEPT if the evidence of guilt is not strong. Ibig sabihin kung mahina ang kaso sa kanila, maari silang mag-fianza.

Ngunit maaring i-order ng judge na pagbawalan ang akusado na lumabas ng ibang bayan. Kailangan muna kumuha ng pahintulot kay judge bago pumunta ng Patikul, Sulu o Tawi-tawi kundi ay babawiin ang bail.

Maari ring i-house arrest ang akusado at bawal siyang mag-text ng “nyt luv u xoxo” sa kanyang gf, tumawag sa telepono, mag-open ng facebook, gumamit ng morse code o anomang telekomunikasyon na walang pahintulot ni judge. Kaya kailangan malakas ka kay judge.

Examination of Bank Deposits, Accounts, Records

Syempre walang teroristang gagalaw kung walang pera. Bakit sa tingin mo, ano gagamitin nilang pasabog mga kili-kili at hininga nila?

Kaya hinahayaan ng RA 9372 na tignan, i-freeze at i-sequester ng mga otoridad ang bank deposits, accounts o records ng mga tao, grupo, organisasyong sangkot sa terorismo BASTAT may written order mula sa Court of Appeals.

Ngunit maaring i-withdraw ng akusado ang pera niya sa bangko kung may pahintulot sa korte at gagamitin lang niya ito para sa pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng gamot, pagkain, damit, pangpa-facial ni misis at syempre pambayad sa abugado (sino ba ang mga nag-draft ng RA 9372 , asa ka pa)

Kaya dapat tignan ni Judge ang grocery list ng terorista bago payagang mag-withdraw: isang bareta ng sabon – tsek!, isang kilong isda- tsek!, Mortar, lumang nokia at electrical tape- eks!

Extra-Territorial Application

Ang RA 9372 ay saklaw kahit ang akusado o terorista ay wala sa loob  ng Pilipinas basta: 1) Nagplano siya ng terorismo na gagawin sa teritoryo ng Pilipinas; 2) Gumawa ng terorismo sa mga barkong o eroplanong naka rehistro sa Pilipinas; 3) sa loob ng embahada ng Pilipinas; 4) kung kasama sa nasaktan ay mamayan ng Pilipinas at naging dahilan ito sa pagsasagawa ng terorismo 5) ang terorismo ay ginawa laban sa gobyerno ng Pilipinas.

Damages for Unproven Charge of Terrorism

Praning ang mga makakaliwang grupo at mga kritiko ng gobyerno sa RA 9372.

Isipin mo, maari kang tiktikan ng mga pulis, hulihin, ikulong ng 3 araw o higit pa ng walang arrest warrant, at tignan, ipatigil at kunin ang pera/deposito mo sa bangko kung mapaghinalaan ka palang terorista. Hinala pa lang yan.

Tapos mag-bail ka nga, bawal ka naman pumunta sa ibang lugar. O kung nasa bahay ka nga, bawal naman ang text at facebook! Sobrang mapang-api ang batas KUNG gagamitin sa maling paraan at aabusuhin ng mga otoridad.

Ngunit pinagtibay na ng Korte Suprema ang batas na ito sa kasong Southern Hemisphere Engagement Network, Inc., et al vs. Anti-Terrorism Council, et al. G.R. No. 1785532, October 5, 2010. (Pero kung babasahin ang desisyon, dahil ito sa procedural aspect rather than substantive).

Huwag kayong mangamba dahil nilagay sa RA 9372 na kung mapatunayan ng korte na hindi terorista ang akusado, siya ay babayaran ng gobyero ng halagang P500,000.00 sa bawat araw na siya’y nakulong!

E kung 1 buwan siyang na detain edi milyonaryo na siya! Sino ang nagsabing sa lotto lang pwede yumaman?

Conclusion

Makikita natin kung paano binigyan ng RA 9372 ang ating mga pulis at ibang law enforcement agency ng leeway at free hand para sugpuin ang mga terorista, kaso nalusutan pa rin. E ano ang aasahan mo,  kung ordinaryong mga kriminal, e.g. carnappers nga hindi kayang sugpuin.

Isa pa kayang sopistikado at international na grupo ni Bin Laden, na ngayon ay hindi pa rin matagpuan ng US kahit uber high-tech na sila.

Hay buhay, makapag-MRT na lang nga.

Your email:

“Terrorism is the tactic of demanding the impossible, and demanding it at gunpoint.” – Christopher Hitchens