Batas Para Sa Mahirap...Umintindi » CIVIL LAWS

DAMMIT!
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/act-of-god-angat-dam-bagyong-ondoy-falcon/"></g:plusone>

"Mooo..Meee..." sigaw ng mga hayop

Dalawang oras akong natengga sa trapik noong kasagsagan ng bagyong Falcon.  Tuwing nagkakaroon ng ganoong klaseng pagbuhos ng ulan, naiisip ko ang bagyong Ondoy kung saan binaha kami hanggang tuhod.

Sa ganitong mga pagkakataon, malaking dahilan ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam kaya’t nagkakandaleche-leche ang daloy ng tubig sa ilog papunta sa pinto ng mga bahay nyo. Ngunit hindi na ito bago.

Noong ika-26 ng Oktubre taong 1978, binayo ng bagyong Kading ang Metro Manila. At dahil umapaw na ang Angat River, nagpakawala na ang Napocor ng tubig sa Angat Dam sa may Norzagaray, Bulacan. Nabulaga ang mga residente malapit sa dam at nabura sa mapa ang kanilang lugar at nalunod ang kanilang mga alagang hayop. “Mooo! Moooo! Meeeee! Meeeee!,” ang sigaw ng mga hayop.

At dahil sa perwisyong dinulot ng pagpapakawala ng tubig sa dam, nagsampa ng kaso laban sa Napocor na may hydroelectric plant at nagpapatakbo ng Angat Dam ang mga residente ng Norzagaray, sa pangunguna ni Gaudencio Rayo (tatawagin nating “Ryu,” kuha sa paborito kong character sa Street Fighter, oh yeah!).

NAPOCOR vs COURT OF APPEALS, GAUDENCIO C. RAYO et al. G.R. Nos. 103442-45 May 21, 1993

Binasura ng Court of First Instance (ngayon ang tawag dito ay RTC na—ganyan ka-luma ang kasong ito) ang reklamo nina Ryu kaya’t umapila sila sa Court of Appeals.

Sa CA, nanalo sina Ryu at pinagbayad ng danyos ang Napocor ng malaking halaga.

Ayon sa CA, negligent o pabaya daw ang Napocor sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam dahil October 21 pa lang ay nabalita na ang tungkol sa paparating na malakas na bagyong Kading sa mga pahayagan tulad ng “Super Howler to hit R.P” (Bulletin Today), “Kading’s Big Blow expected this afternoon.” (Hindi inilagay kung saang dyaryo ito galing pero malamang sa “Tiktik”)

Alam naman daw ng Napocor na ang Angat Dam ay makakapag-imbak lamang ng hanggang 217 metro ng tubig. Ngunit dalawang (2) araw bago humagupit ang bagyong Kading, nasa maximum level pa din ang dam at maliit lamang ang tubig na pinakawalan.

Kaya noong hatinggabi ng Oktubre 26, hindi na nakayanan ng dam at biglaang pinakawalan ang napakadaming tubig habang himbing na natutulog sina Ryu et al. kasama ang kanilang mga alagang hayop. Dito nakumbinsi ang CA na nagpabaya ang mga taga-Napocor.

Korte Suprema

Sa Korte Suprema ay umapila ang Napocor upang baligtarin ang desisyon ng CA. Ayon sa Napocor, namahagi sila ng written notice sa mga naninirahan malapit sa dam bago magbagyo kaya’t hindi totoo na nagpabaya sila, at ito daw ay “Act of God,” isang bagay na hindi nila kayang pigilan.

Ayon sa Korte Suprema, hindi daw sapat ang babalang binigay ng Napocor sa mga tao na may nakasulat na:

“TO ALL CONCERN (sic):

Please be informed that at present our reservoir (dam) is full and that we have been releasing water intermittently for the past several days.

With the coming of typhoon “Rita” (Kading) we expect to release greater (sic) volume of water, if it pass (sic) over our place.

In view of this kindly advise people residing along Angat River to keep alert and stay in safe places.”

Ang sulat daw ay masyadong mahina—hindi sinabi doon ang magnitude ng tubig papakawalan ng dam kaya hindi nakapaghanda ang mga residente. Siguro kung nilagay nila sa sulat ay: “UMALIS NA KAYO, MAGPAPAKAWALA KAMI NG GA-TSUNAMING TUBIG—NAKAMAMATAY!!!,” maaring nanalo pa sila sa kaso.

At dahil sa kapabayaang ginawa ng Napocor, hindi na masasabing act of God ang insidente at ito’y na-humanized.

Moral of the story para sa mga dam operators: Gawing nakakatakot ang mga babala.

SIDE STORY

Ang kaso palang ito ay nadesisyonan noong 1993—matapos ang labinlimang (15) taon. At noong 2007, naghain ng disbarment case si Ryu laban sa kanyang abogado dahil ayaw daw nitong ibigay ang tsekeng inisyu ng Napocor sa kanya na nagkakahalaga ng P1,060,800.00.

Matapos ang pakiusapan, idiniposito rin ng abugado ni Ryu ang kalahati ng panalo sa halagang P557,961.21.

Sabi ng abugado ni Ryu, entitled daw siya sa 60% ng panalo dahil ito ang usapan nila at matagal nyang pinaghirapan ang kaso sa loob ng 15 taon mula RTC hanggang Korte Suprema.

Ngunit pinarusahan pa rin siya ng SC at sinuspinde ng 6 na buwan bilang abugado. Dapat lang daw ang 35% ang reasonable at patas niyang parte bilang abugado at dapat niyang isoli ang halagang P290,109.21.

Your email:

“A little neglect may breed great mischief.” – Benjamin Franklin

SHOW ME THE BODY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/funeral-right-over-the-corpse-karapatan-sa-bangkay/"></g:plusone>

Rest in pieces

Nabalitaan ko noong nakaraang araw na pinag-aagawan ang labi ng isang nabitay nating kababayan sa Tsina sa pagitan ng mga magulang at asawa nito. Naisip ko…hmm, magandang topic ito.

Sino nga ba ang may karapatan sa labi ng ating mga minamahal lalo na’t hindi magkasundo ang kanyang mga kamag-anak o di kaya’y, marami siyang gintong ngipin ahihihi.

Simple lang ang solusyon ng batas diyan. Kung sino ang nagpakain at nag-aruga ay siya rin ang may karapatan sa mga labi. Simple diba? Sabi ko sa’yo e…ang kulit mo.

Ano ang ibig sabihin nun?

Ayon sa Article 305 ng Civil Code, ang may karapatan na magburol sa isang tao ay ayon sa pagkakasunod ng pagbibigay ng suporta.

Ang mga taong dapat magbigay ng suporta ay ang mga sumusunod:

1)   asawa

2)   anak

3)   magulang

4)   mga kapatid

Ibig sabihin, mas may karapatan ang asawa sa labi ng kanyang kabiyak, pangalawa ang anak, tapos mga magulang at mga kapatid ang huli. Kung wala sa mga sumusunod, pwede na ang kabit ahihihi ^_^

Kung maraming magkakapatid or magpipinsan, ang pinakamatanda ang mas may karapatan. Kung sa mga magulang naman, ang tatay ang preferred.

TOMAS EUGENIO, SR.  vs. HON. ALEJANDRO M. VELEZ,

Ang kaso ni Vitaliana Vargas (tawagin nating Vi, for short) ay isang halimbawa sa paksa natin ngayon, mga magulang at mga taga-subaybay. Si Vi ay 25 taong gulang, dalaga ngunit nakikisama kay Tomas Eugenio, Sr. (Tom, for short).

Si Tom ay ang Supreme President and Founder Intergalactic Universe (dinagdag ko lang yung “Intergalactic Universe” para cool) ng sektang Philippine Benevolent Christian Missionary, Inc. (PBCM).

Mahiwaga talaga itong si Tom, dahil hindi pa siya pinapanganak ay nagsasalita na siya at natapos niya ang elementarya sa loob lamang ng 2 taon, ayon sa kanyang Facebook profile. Lufeeeet!

Balik sa istorya…ang mga kapatid ni Vi ay nagpetisyon sa korte upang kunin ang kapatid nilang nasa poder ni Tom. Ayon sa mga brodah at sistah ni Vi, sapilitang kinuha ang kanilang kapatid ni Tom sa kanilang sekta kaya’t gusto nila itong bawiin.

Ngunit nang pumunta na ang sheriff ng Korte upang kunin si Vi, napag-alamang namayapa na pala ito. Sa katunayan, nakakuha na si Tom ng permit para ilibing ito sa “palace quadrangle” ng PBCM kung saan si Tom ang ultimate ruler.

Pinayagan ng RTC ng Misamis Oriental ang petisyon ng brodah at sistah ni Vi at iginawad sa kanila ang labi nito. Umapila si Tom at sinabing mag-asawa naman sila ni Vi kaya’t siya daw dapat ang mas may karapatan sa mga labi.

Umabot sa Korte Suprema ang kaso at kinatigan nito ang RTC. Ayon sa SC, hindi kasal sila Vi at Tom, at lumalabas na kabit pala itong si Vi dahil kasal na si Tom sa ibang babae.

Yan, tapos na ang kwento.

Kaya kung may alitan pagdating sa labi, alam niyo na kung sino ang mas may karapatan. O diva, may natutunan ka na naman. Burger! Burger!

Your email:

“It is foolish and wrong to mourn the men who died. Rather we should thank God that such men lived.” - George S. Patton

WILL OF FORTUNE
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/notarial-will-holographic-will-paano-gumawa-ng-will/"></g:plusone>

"At sa minamahal kong pusa..."

Dito sa mundo, dalawang bagay ang hindi mo maiiwasan: 1) buwis at 2) ang kamatayan. Kung gusto mong makaiwas sa buwis, tumira ka sa Brunei. Pero ang kamatayan, hindi mo pwedeng takasan.

Alam natin na lahat tayo ay pupunta sa kabilang buhay pero konti lang ang nakakaisip na gumawa ng huling habilin o last will and testament (“will” for short). Marahil ay na-associate natin lagi ang will sa mga mayayaman. Ano nga naman ang ipapamana mo kung wala ka namang kayamanan?

Malay mo, bukas makalawa ay manalo ka sa lotto, ayon nga sa kanta ni Alanis Morrisette: “An old man turned 98, he won the lottery…and died the next day.”

O di kaya, wala kang pilit na tagapagmana o compulsory heir dahil tumanda kang dalaga o binata at ang mga magulang mo ay sumakabilang buhay na rin o matanda na para pakinabangan ang iyong konting naipon. Papayag ka lang ba na mapupunta ang iyong mga pinaghirapan ay mapunta na lang sa mga kamag-anak mo na hindi mo naman naasahan noong nabubuhay ka pa?

Kaya kung naisip mong gumawa ng will, ang unang tanong na papasok sa isip mo ay:

“Paano?”

Pwede ba na kunan mo ng lang ng video ang sarili mo gamit ang cellphone tapos i-post  sa youtube? O di kaya gawin mo na lang note sa Facebook tapos ay i-tag mo na lang ang mga kamag-anak mo. At kung hindi ka pa kuntento ay i-tweet mo na rin sila.

Siguro kung ngayon ginawa ang batas, pwede ‘yan. E kaso kalahating siglo (1950) na mula nung ginawa ang batas sa pagmamana. Hindi pa uso ang video noon at lalo namang wala pang internet.

Dalawa lang ang paraan para maging epektibo ang will: 1) notarial will at 2) holographic will.

Kung hindi ka sumunod sa dalawang paraan na ito, masasayang lang ang huling habilin mo. Hindi ito kikilalanin ng batas at mamamatay kang intestate o walang will.

Notarial will

Ang notarial will ay pormal na kasulatan na ginawa at sinumpaan sa harap ng notary public. Ang notary public ay isang lisensyadong abogado at hindi yung mga nakatambay lang sa Recto o sa ilalim ng puno ng acacia katabi ang typewriter.

Istrikto ang porma ng notarial will. Dapat sundin ang bawat letra ng batas at bilang ng testigo o witnesses. Ano-ano ba dapat nilalaman nito? Tignan natin:

1)   Subscribed.

Dapat ito ay subscribed ng gumawa ng will o tinatawag ng testator. Subscribed, ibig sabihin ay pirmado sa harap ng notary public.

2)   Signed in the last page and every page in the left hand margin.

Dapat ay pirmado rin ng testator ang dulo ng will at ang bawat pahina sa may kaliwang margin. Dapat din ay nakasulat ang numero ng bawat pahina o may page number sa ibabaw na bahagi.

Ginagawa ito para makasiguradong walang isisingit na papel. Iwas dadag-bawas.

3)   At least three (3) witnesses

Ang notarial will ay kailangan ng tatlong (3) testigo at dapat ay subscribed din nila at pirmado nila ang huling bahagi at bawat kaliwang margin ng pahina nito.

4)   Attestation clause

Ang notarial will ay kailangan may attestation clause. Ang attestation clause ay isang pangungusap kung saan pinapatunayan ng mga testigo na pinirmahan ng testator ang will at ang bawat pahina nito sa harap nila, at silang lahat din ay pumirma bilang testigo.

Eto ang sample ng attestation clause:

“We, the undersigned attesting witnesses, do hereby affirm that the forgoing is the last Will and Testament of _________and we certify that the testator executed this document while of sound mind and memory. That the testator signed this document in our presence, at the bottom of the last page and on the left hand margin of each and every page, and we, in turn, at the testator’s behest have witnessed and signed the same in every page thereof, on the left margin, in the presence of the testator and of the notary public, this _____ day of __________, 20__ at____________.”

Putol, Pipi’t Bingi at Bulag

Maraming pilisopong Pinoy kaya sinagot na rin ng batas ang mga ganitong taong:

1) E paano kung putol ang kamay ng testator dahil nasabugan ng pla-pla noong bagong taon?

Kung hindi makapirma ang testator, maaring ipasulat ang pangalan niya sa will gamit ang ibang tao sa harap niya (in his presence), sa kayang dikta (by his express direction) at attested, subscribed ng mga testigo.

Dapat ay pumirma rin ang taong nagsulat ng pangalan ng testator sa bawat pahina ng will.

2) E paano kung pipi’t bingi ang testator?

E kung marunong siya magbasa walang problema, hindi naman siya bulag eh, pipi’t bingi lang.

Kung hindi marunong magbasa, mag-uutos ang testator ng dalawang (2) tao upang ipabasa o sabihin sa kanya ang laman ng will sa pamamagitan ng sign language o kung ano pang paraan na kanyang maiintindihan tulad ng charade o break dancing.

3) E paano kung bulag?

Kung bulag naman ang testator, dalawang (2) beses dapat basahin sa kanya ang laman ng will. Una, babasahin sa kanya ito ng subscribing witness at pangalawa, babasahin sa kanya ito ng notary public, bago ito pirmahan ni Willie Garte at Stevie Wonder.

Holographic Will

Kung masyadong kumplikado sa iyo ang Notarial Will, meron pang isang simpleng paraan sa paggawa nito, eto ang “holographic will.” Hindi ito yung IMAX 3D sa SM Mall of Asia.

Holographic, ibig sabihin sa nakasulat ang buong will sa sulat kamay ng testator. Kung wala kang kamay o parang kahig ng manok ang sulat mo, mag notarial will ka na lang. Baka sumakit pa ang ulo ng magbabasa, utang na loob.

Entirely written, dated and signed by the testator.

Dapat ang buong will ay nasa sulat kamay mismo ng testator, pirmado at may petsa. Bawal gumamit ng typewriter, printed copies, o magpasulat sa iba.

Hindi na rin kailangan ng testigo, para walang kumalat na tsismis, dahil may tenga ang dingding at may pakpak ang balita. Kung may bura o corrections, dapat ang bawat bura ay pipirmahan rin ng testator.

Madali nga ang paggawa ng holographic will ngunit mas mahirap naman itong patunayan o probate sa court. Dapat may isang taong magpapatunay at kilala ang sulat mo.

Kung contested o may kukwestiyon, dapat may tatlong (3) testigo na magsasabi na sulat yun ng testator. Kung walang nakakaalam ng sulat ng testator, gagamit ang korte ng expert witness upang ihambing ang sulat sa will mga sample ng sulat ng testator.

Conclusion

Uulitin ko, dapat sundin ang bawat letra ng batas. Kung hindi ayon sa tamang porma ang will mo, nagsasayang ka lang ng oras at hindi masusunod ang iyong huling habilin.

Mas sigurado ang Notarial Will basta’t tama ang pagkagawa. Mas madali at personal naman ang Holographic Will ngunit baka maaring mahirap namang patunayan kinalaunan.

Your email:

A lawyer read the will of a rich man to the deceased’s family:

“To my loving wife Rose, who stood by me in rough times, as well as good, I leave the house and $2 million.”

The lawyer continued, “To my daughter Jessica, who looked after me in sickness and kept the business going, I leave the yacht, the business and $1 million.”

The lawyer concluded, “And, to my cousin Dan, who hated me, argued with me, and thought that I would never mention him in

my will – well you are wrong: Hi Dan!”

- www.basicjokes.com

ANG HERIDERO
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/wills-succession-legitime-compulsory-heirs-intestate-succession/"></g:plusone>

"Lolo, ako po si Bitoy yung paborito ninyong apo. 'Wag ho kayong makinig sa kanila!"

Kahit gaano pa karami ang kayamanan mo, kapag kinuha ka na ni Lord, iiwan mo pa rin lahat yan sa lupa.

Eto ang simpleng prinsipyo kung bakit may batas tungkol sa pagmamana. Kapag namatay ang isang tao, natural malilipat ang pagmamay-ari nito sa kanyang mga kamag-anak.

Ngunit may mga pagkakataon na may paboritong anak si itay. Marahil tamad ka nung bata, kaya mas nais ipamana nang tatay ang lupain niya sa responsable niyong bunsong kapatid, dahil alam niyang wala kang silbi sa buhay.

O ‘di kaya’y nung nabubuhay pa yung lolo ninyo, walang nag-aalaga. Hangga’t isang araw ay dininig ng Diyos ang kanyang panalangin at nanalo sa 6/55 Mega Lotto. Kahit kumaripas kayo ng sipsip kay lolo ay huli na ang lahat dahil pinamana na lang niya ang lahat ng kayamanan kay Inday.

Posible ba yun? Pwede ba talagang ipamana ng isang tao ang kanyang ari-arian sa anumang paraan na gusto niya?

COMPULSORY HEIRS

Una, kapag namatay ang isang tao (decedent) hindi niya maaring ipamahagi ang lahat ng kanyang ari-arian sa kung anong paraan na gusto niya hangga’t meron siyang “pilit na tagapagmana” o “compulsory heirs”. Sila ang:

1)      Lehitimong anak (legitimate children), at mga apo (descendant);

2)      Ang magulang, kung walang lehitimong anak o apo;

3)      Legal na asawa;

4)      Anak sa labas (illegitimate children)

Ang mga compulsory heirs ay tiyak na may porsyento sa kayamanan ng namatay. Hindi maaring ipamana sa ibang tao ang lahat ng ari-arian nang hindi binibigyan ng hati ang mga compulsory heirs.

Kung talagang sagad sa buto ang kasamaan ng mga compulsory heirs, isa lang ang paraan para hindi sila magmana at ito ay ang proseso ng “disinheritance.” (tatalakayin ko ito sa ibang topic)

Ang porsyento ng ari-arian ng mga compulsory heirs ay tinatawag na legitime at hinahati sila sa mga sumusunod:

1)   Una sa lahat, ang utang ng namatay ang unang babayaran. Kapag nabayaran na ang mga utang, kukunin ang kalahati ng ari-arian ng asawa bilang parte niya sa conjugal property o absolute community. (Bukod pa ito sa share niya bilang compulsory heir)

2)   Ang matitirang ari-arian ay ang paghahatian ng mga compulsory heirs at mga pinamanahan

3)   Ang lehitimong anak ay automatic na makakatanggap ng kalahati (1/2) ng ari-arian sa ayaw at sa gusto mo. Syempre anak niya yun. Kahit anong sitwasyon laging kalahati ng ari-arian ay napupunta sa lehitimong anak.

Hangga’t meron at buhay ang lehitimong anak, hindi magmamana ang magulang at apo. Kung walang nang lehitimong anak, saka lang magmamana ang lehitimong apo. Kung wala naman lehitimong apo, saka lang magmamana ang magulang ng namatay. Process of elimination, ika nga.

4)      Ang natitirang kalahati ay paghahatian pa ng asawa at ng anak sa labas (kung meron).

5)      Ang latak o matitira matapos paghati-hatian ng lehitimong anak, asawa at anak sa labas, ay ang tinatawag na “free disposable portion”. Eto lang ang katiting na porsyentong maaring ipamahagi sa pamamagitan ng Huling Habilin o “Last Will and Testament.”

Kaya sa totoo lang, limitado ang kakayahan ng isang tao na ipamahagi ang kanyang ari-arian kapag namayapa na siya. Hindi totoo ang mga napapanood sa teleserye na ipinamamana ang buong ari-arian sa isa sa mga anak lamang o ‘di kaya’ mas malaki ang posyento ng bunso sa panganay. Kalokohan yun.

LEGITIME

Eto ang iba’t-ibang sitwasyon at kung paano hinahati ang pamana ayon sa batas;

1)   Kung isa lang ang lehitimong anak, makukuha niya ang ½, at ang ¼ naman ng ari-arian ay mapupunta sa asawa. Ang natitirang ¼ ay ang free portion. (Art. 892 CC)

2)   Kung masipag ang magpapamana at maraming lehitimong anak, ang hati ng asawa ay katumbas sa hati ng isang lehitimong anak. Ang natitira ay ang free portion. (Art. 892 par. 2)

Example. Kung apat ang lehitimong anak, paghahatian ng apat ang kalahati. Kaya tag 1/8 sila. Ang hati ng nanay ay 1/8 rin. Ang matitira ay ang free portion.

3)   Kung magpapamana ay maraming anak sa labas at wala ni isa dito ay lehitimo (seaman siguro): ang asawa ay makakakuha ng 1/3 at ang mga anak sa labas ay 1/3 rin. Ang matitira ay ang free portion. (Art. 894 CC)

4)   Kung parehong may lehitimong anak at anak sa labas, ang hati ng anak sa labas ay laging kalahati ng makukuha ng lehitimong anak (yap, discriminatory ang batas laban sa anak sa labas). (Art. 895 CC)

5)   Kung ang natira lang ay ang asawa, magulang at anak sa labas: ang asawa ay makakakuha ng 1/8, anak sa labas ay ¼ at ang 1/2 ay sa magulang. Ang natitira ay free portion. (Art. 899 CC)

6)   Kung asawa lang ang natira. Kalahati ay mapupunta agad dito at ang kalahati ay free portion. (Art. 900 CC)

7)   Kung puro anak sa labas lang ang natira, kalahati ay mapupuntang lahat sa kanila at ang kalahati ay free portion. (Art. 901 CC)

8)   Kung walang compulsory heir ang isang tao lahat ng ari-arian niya ay free portion. Ito lang ang instance na maaring ipamahagi ng tao ang buong ari-arian niya sa gusto niyang paraan.

INTESTATE SUCCESSION

Kung may Last Will Testament o Huling Habilin ang namatay, dun mapupunta ang free portion. Ngunit papaano kung wala? Diyan papasok ang intestate succession, kung saan ang batas ang magtatakda kung saan mapupunta ang free portion.

1)      Ang free portion ay paghahatian ng mga anak at asawa. As always, ang share ng lehitimong anak at asawa ay pantay. Samantalang ang share ang anak sa labas ay laging kalahati ng makukuha ng lehitimong anak.

2)      Ang apo at magulang ay magmamana lang kung walang lehitimong anak.

3)      Kung asawa at mga kapatid lang natira, ½ mapupunta sa asawa at ½ sa mga kapatid.

4)      Kung mga kapatid lang ang natira, sila ang magmamana ng buong ari-arian. Ang share ng full brother o sister ay laging doble sa share ng half-brother o sister.

5)      Kung patay na ang kapatid, maghahati ang mga pamangkin.

6)      Kung walang anak, magulang, asawa, kapatid o pamangkin, sa estado lahat mapupunta ang boung ari-arian. Kaya kesa kurakutin ng mga taga-gobyerno, kung mayaman ka, ipamana mo  na lang sa isang Charity Group na gusto mo.

MOLALES vs. PHILLIPS (Gr. No. 129505 & 133359, January 31, 2000)

Ganito ang kaso ni Dr. Arturo De Santos. Si Doc ay walang compulsory heirs at namatay na binata. Bago siya pumanaw, pinamana niya ang kanyang buong ari-arian sa Arturo De Santos Foundation, Inc.

Kaso nang pumanaw si Doc, biglang sumulpot itong si Octavio S. Molales at inaangkin niyang siya ang sole heir o tanging tagapagmana  ni Doc. Si Octavio ay anak ng kapatid na babae ni Doc na si Alicia De Santos. In short, pamangkin ni Doc si Octavio.

Nais ni Octavio na mapunta sa kanya ang buong ari-arian ni Doc bilang sole heir.

Ang tanong, dapat bang mapunta kay Octavio ang buong ari-arian ni Doc bilang tanging tagapagmana o dapat mapunta sa Foundation na tinatag ni Doc dahil ito ang kanyang huling habilin?

Ang gulo no?

Kasing gulo ng batas ang mga magugulong “kumag”-anak pagdating sa manahan.

Your email:

“A son can bear with equanimity the loss of his father, but the loss of his inheritance may drive him to despair”

- Niccolo Machiavelli

TITULO LOCO
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/how-to-transfer-land-title-lipat-ng-titulo/"></g:plusone>

Wahh, bayad ulit? Kakabayad ko lang sa BIR ah?!

Sigurado ka na sa lupang bibilhin. Malinis ang titulo ayon sa Register of Deeds, tama ang description ayon sa land surveyor at ang nagbebenta ay ang may-ari o awtorisado ng may-ari ng lupa

Ano ang sunod mong gagawin?

Syempre hahawakan (possess) mo na ang lupang nabili. Lahat ng andun, sa ‘yo na rin. Kung may bahay, tanim at pati asong nakatali (kung hindi babalikan) angkinin mo na rin.

Sa batas kasi, ang lupa kasi ang binabayaran diyan o tinatawag na  principal, samantalang ang mga istrakturang nakatayo dito ay palamuti o accessories lamang. Accessory always follows the principal.

Teka, bago ka pala bumili, natanong mo ba kung pwede kang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas?

Kasi ayon sa ating Saligang Batas (Article XII, Section 7), hindi pwede mag may-ari ng lupa sa Pilipinas ang mga tulad ni E.T at Kokey o tinatawag nating “aliens”. Pero alam mo naman tayong mga pinoy, madiskarte. Kaya meron mga paraan paano mag may-ari ng lupa ang mga dayuhan:

1) Mag-asawa ng Pilipino at ipangalan ang lupa sa asawang Pinoy. Hindi automatic na magiging Filipino Citizen ang alien na nagpakasal sa isang Pinoy, dapat pa rin siyang dumaan sa proseso ng naturalization. Kaya kapag naghiwalay o namatay ang asawang pinoy, hindi malilipat ang lupa sa pangalan ng dayuhan.

2) Bumili ng condo. Ayon sa RA 4706 o Condominium Act, ang mga dayuhan ay pwedeng mag may-ari ng condominium unit. Ngunit dapat hindi hihigit sa 40% ng mga unit ay pagmamay-ari ng mga dayuhan sa isang condominium project.

3) Magtayo ng korporasyon at bumili ng lupa sa pamamagitan nito. Ang korporasyon ay pwedeng mag may-ari ng lupa, pero dapat hindi rin hihigit sa 40% ng shares ang pagmamay-ari ng mga dayuhan.

Proseso sa pagpapalit ng titulo

Kung wala kang problema sa citizenship, umpisahan na ang pagpapalit ng titulo. Mahirap na, baka kasi ibenta ulit ang lupa sa iba at unahan kang magparehistro.

Ang proseso sa pagpapalit ng lupa ay equals gastos. Oo, walang sawang buwis ang babayaran mo. Minsan nga parang doble-doble na. Wala tayong magagawa, ganyan talaga buhay:

1. City Treasurer’s Office

Punta sa munisipyo at magbayad ng  Transfer Tax sa Assessors’ Office na nagkakahalaga ng 0.5% hanggang 0.75% ng halaga ng lupa o ayon sa zonal value nito, whichever is higher.

2. Bureau of Internal Revenue

Pumunta sa BIR at magbayad ng Capital Gains Tax (CGT) at Documentary Stamps Tax (DST).

Ang capital gains tax ay nagkakahalaga ng 6% ng halaga ng lupa ayong sa deed of sale o zonal value ng lupa, whichever is higher (yung iba kasi binababaan ang presyo sa deed of sale para hindi magbayad ng malaki).

Ang DST naman ay nagkakahalaga ng 1.5% ng presyo ng lupa ayon sa kontrata o zonal value, whichever is higher o P15 sa bawat P1,000 ng presyo ng lupa.

Ang buwis na pinapataw ng BIR ay mapupunta kay PNoy sa (National Government) samantalang ang Transfer Tax ay napupunta kay mayor sa munisipyo (Local Government).

3. Register of Deeds

Matapos ma hold-up sa Munisipyo at BIR ay pumunta kana sa Register of Deeds (RD) at magbayad ulit ng Registration Fees na nagkakahalaga ng 0.25% na halaga ng lupa o zonal value, whichever is higher.

Isama ang mga sumusunod na dokumento sa RD para ipakansela ang lumang titulo at magpa-issue ng bagong titulo sa pangalan mo:

a)    Ang notaryadong “Deed of Absolute Sale” o “Contract of Sale” ng lupa. Eto ang kasulatan na nagsasabing binibigay na sa iyo ang pagmamay-ari ng lupa matapos magkabayaran.

Ang “Contract to Sell” (CTS) ay iba sa “Contract of Sale” (COS). Ang CTS ay para sa mga installment basis. Kaya nga “to sell,” ibebenta lang kapag fully paid na. Ang COS naman, fully paid na agad.

b)   Ang titulo ng lupa na hawak ng nag benta. Hingin ang orihinal na kopya ng titulo sa seller at huwag pumayag na photocopy lang.

c)    Certificate galing sa BIR na ang CGT at DST ay bayad na.

d)   Ang pinakabagong Tax Declaration  ng lupa na galing sa may-ari.

e)    Resibo ng Transfer Tax na binayaran sa munisipyo at Registration Fees na binayaran sa RD.

Matapos masumite ang mga nasabing dokumento, sa wakas, makukuha mo na rin sa RD ang bagong titulo na nasa pangalan mo. Bumalik ka rin sa City Assessor’s Office para kumuha ng kopya ng iyongTax Declaration.

Kung sino ang magbabayad ng mga nasa itaas ay depende sa usapan ng partido. Kadalasan ang CGT at komisyon sa broker ay sagot ng seller o nagbenta at ang DST, Transfer Tax, Registration Fee ay sagot naman ng buyer o bumili.

May mga taong umaasikaso nito kung ayaw mo ng abala dahil gusto mo lang mag Facebook, pero may bayad syempre. Kung gusto mo makatipid, maganda kung ikaw na rin ang umayos at experience na rin.

Your email:

“I think coercive taxation is theft, and government has a moral duty to keep it to a minimum.” - William Weld

BUYERS BEWARE
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/torrens-title-land-registration-authority-tips-on-buying-real-estate/"></g:plusone>

Patay tayo d'yan!

Ang lupa ay isang magandang paraan para mag-invest. Kadalasan kasi, tumataas lang ang presyo nito. Hindi ito nawawala tulad ng alahas o bumabagsak tulad ng mga stocks at bonds.

Ang mga malalaking bangko at kumpanya bumabagsak. Ngunit kahit lumindol, bumagyo o magkasunog, andyan pa rin ang lupa.

Kaso minsan, hindi natin maiiwasan ang mga problema sa pagbili ng lupa. Walang titulo o ‘di kaya’y ang nagbebenta ay hindi ang tunay na may-ari. Minsan pa nga malalaman mo na lang, marami pala kayong pinagbentahan at ang masama, pareho na kayong bayad.

Bago ibigay ang pinaghirapang pera, mas maiging mag-imbestiga muna tungkol sa lupang natitipuhan. Eto ang mga bagay na dapat mong malaman:

TORRENS TITLE

Brief Background. Ang sistema pag-papatitulo ng lupa dito sa Pilipinas ay ang “Torrens System.” Si Robert Torrens ng South Australia ang nagpa-uso nito.

Simple lang ang proseso, lahat ng pribadong lupa ang kinakailangan iparehistro sa isang ahensiya (Land Registration Authority) sa pamamagitan ng judicial proceedings o paghahain ng petisyon sa Korte.

Kapag nag-iissue ng titulo ang korte ang tawag dito ay Original Certificate of Title (OCT). Kapag nilipat sa ibang pangalan ang titulo, ang OCT ay kakanselahin ng LRA at ang mag-i-issue ng bagong titulo at ang tawag naman dito at Transfer Certificate of Title o TCT.

Torrens title is absolute, conclusive, indefeasible and imprescriptible. Ang Torrens Title lang ang kinikilala ng ating batas bilang conclusive evidence of ownership. Kung sino ang nakapangalan sa titulo, siya ang panalo at kinikilalang may-ari.

Hindi natatalo o indefeasible ang Torrens Title, ibig sabihin, hindi ito maaring talunin ng ano pa mang dokumento, kasulatan o kahit sampung piraso pa ng Deed of Absolute Sale at Tax Declaration. Kung may hawak kang Torrens Title, maari ka nang makatulog ng mahimbing.

Kaya kung may nagbebenta sa iyo ng lupa na gamit ang Spanish Title na pinamana pa daw ni Haring Felipe ng Espanya, mag-ingat ka at malamang flip din ang may hawak nito.

Ang Torrens Title din ay hindi tinatablan ng prescription. Kahit tumira pa ng isang daang taon ang mga iskwater sa lupa mo, basta’t may titulo ka, ikaw pa rin ang may-ari.

Dahil sa Torrens System naging matatag (stable) at simple ang pag-rerehistro at pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas.

(Kaso ang sistema rin ito ang ginamit ng mga may-alam para iparehistro ang lupa ng mga mangmang at walang pinag-aralan. Teka ibang topic na ito.)

Tax declaration. Ang tax declaration ay patunay lamang na binabayaran ng nakatira dito ang amilyar taon-taon at hindi ito titulo ng lupa. Kapag tax declaration lang ang hawak ng nagbebenta ng lupa, ibig sabihin lang ay hindi pa ito rehistrado sa LRA at wala pang Torrens Title.

DAPAT GAWIN BAGO BUMILI

Alamin kung tunay at malinis ang Torrens Title.

May titulo nga, japeks naman, olats ka. Para makasigurado, humingi ng photocopy ng titulo sa nagbebenta.  Pagkatapos ay pumunta sa Register of Deeds sa munisipyo kung nasaan ang lupa at doon kumuha ng “Certified True Copy” ng titulo.

Kapag nakakuha ng Certified True Copy ng lupa, tignan agad ang likod ng titulo kung may annotation o encumbrance. Dito mo malalaman kung may nakabinbin na kaso (lis pendens) o nakasanla (mortgage) ang lupa.

Ang annotation sa likod ng titulo ay paalala o babala sa mga bibili ng lupa. Kung binili mo pa rin kahit may annotation sa likod ng titulo, ikaw ang sasalo ng sakit ng ulo. Buyers beware, ika nga.

Minsan ang paglalarawan o technical description ng lupa ay mahaba at sinusulat din ito sa likod ng titulo. Ok lang ‘yun at ‘wag mag-hysterical. OA ka….

Alamin din kung binabayaran ang amilyar ng lupa taon-taon. Humingi ng latest tax declaration sa may-ari ng lupa at i-verify sa munisipyo. Baka kasi marami nang utang na buwis ang lupa at maaring isubasta ito ng Local Government.

“Every registered owner and every subsequent purchaser for value in good faith holds the title to the property free from all encumbrances except those noted in the certificate.

Hence, a purchaser is not required to explore further what the Torrens title on its face indicates in quest for any hidden defect or inchoate right that may subsequently defeat his right thereto.” (Spouses Isabelo vs. CA, G.R. No. 144576.  May 28, 2004)

Kaya kung nakabili ka ng lupang na may malinis na titulo at kinalaunan ay may sumulpot na ungas at nag-sasabing siya daw ay nakabili nito o ‘di kaya ay nakasanla sa kanya ang lupa, ngunit hindi naman nakalagay sa likod ng titulo, hindi mo na problema ‘yun. Protektado ka ng batas dahil ikaw ay matatawag na purchaser for value in good faith.

Alamin kung tama ang lupang binibili at may karapatan o awtoridad ang taong nagbebenta.

Tunay at malinis nga ang titulo kaso iba pala ang lupang binibili, olats pa rin. Kaya para masiguradong ang lupang inaalok sa iyo ay siya rin ang lupang nakalarawan sa titulo, kumuha ng private land surveyor o ng geodetic engineer at ipa-survey ang lupa. Malay mo, yung kabilang bahay pala ang binibili mo na pagmamay-ari ng isang General, yari ka.

Ngayon kung sigurado ka na tama ang lupang binibili mo, imbestigahan naman ang taong nagbebenta. Kung siya ang mismong may-ari ng lupa, humingi ng “proof of identity” tulad ng Passport, LTO Driver’s License, SSS ID at kung ano pang ID na galing sa mga ahensiya ng gobyerno.

Kung binibenta ang lupa sa pamamagitan ng ibang tao (through a representative), humingi ng notaryadong Special Power of Attorney. Dapat nakalagay sa SPA na ang representative o agent ay binibigyan ng kapangyarihan ng may-ari o principal na ibenta ang lupa. Humingi rin ng IDs ng agent at principal.

Hindi rin masama kung pumunta sa mismong lupa at magtanong-tanong sa Barangay Officials at sa mga kapitbahay tungkol dito para malaman kung talagang binebenta ang lupa.

Ang mga hakbang na ito ay makakatulong para makaiwas sa sakit ng ulo. Better to be safe than sorry.

Sa mga susunod na post, isusulat ko ang mga bagay na dapat bayaran para malipat ang titulo ng lupa sa iyong pangalan.

Your email:

“Everyone wants a piece of land. It’s the only sure investment. It can never depreciate like a car or a washing machine. Land will double its value in ten years. In less than that. Land is going up every day.”

-SAM SHEPARD, Curse of the Starving Class

UPDATED: MAKE MY DAY
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/nuisance-prostitution-city-of-manila-vs-laguio-jr/"></g:plusone>

"Hindi ko naman siya pinapahuli, sabi ko posasan lang"

Panggulo o nuisance.

Marami niyan dito sa atin. Mga taong walang konsiderasyon sa iba.

Kung magpatugtog ng radyo ay labas ang tutuli ng kapitbahay. Nag-aalaga ng baboy, baka at manok sa likod ng bakuran na akala niya’y nasa bukid siya nakatira, hindi alintana ang perwisyong idinudulot sa ibang tao.

Kung ikaw ang isa sa mga taong kinukunsume ng mga makukulit na ito, ano ang gagawin mo?

Nakalagay sa Artikulo 694 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas ang probisyon sa nuisance na nilalarawan bilang isang kilos (act), establisyemento, negosyo, kondisyon ng ari-arian o anumang bagay na:

(1)    Injures or endangers the health or safety of the others, tulad ng maitim na usok na bumubuga sa pabrika o pagawaan sa karatig bahay, bukas na manhole, o pader o gusaling isang anay na lang ang pipirma at maari na itong gumuho.

(2)    Annoys or offense the senses, tulad ng basurahan, alagaan ng hayop, maiingay na pabrika o karaoke bar na malapit sa bahay mo at gabi-gabi ay may bumibirit ng “My Way” at “Green Green Grass of Home”.

(3)    Shock, defiance or indifference to norms of decency or morality tulad ng pagtatayo ng bahay aliwan malapit sa paaralan, simbahan o kumunidad.

(4)    Observance to free passage of any public highway or street or any body of water tulad ng pagtatayo ng bahay o gusali sa gitna ng daan o bagbebenta sa gilid ng bangketa na dapat ay pinakikinabangan ng lahat at ng hindi iilan.

(5)    Hindrance to or impairment of the use of property, ito naman ay patungkol sa mga pribadong lupa o ari-arian na tinayuan ng taong bukod sa may-ari at walang pahintulot.

KINDS OF NUISANCE

May dalawang uri ng nuisance base sa dami ng taong apektado at uri nito:

(1)    Public (or common) nuisance na nakakaapekto sa buong kumunidad at Private Nuisance na nakakaapekto lang sa iilang tao lamang.

(2)    Meron din tinatawag na Nuisance Per Se o mga bagay na kahit saan mo ilagay ay panggulo parin tulad ng mga bahay aliwan o gusaling guguho na. At ang Nuisance Per Accidens na hindi naman masama ngunit naging panggulo dahil nasa maling lugar tulad ng factory na bumubuga ng masamang amoy na nasa residential place imbes na nasa isang industrial zone .

ABATEMENT BY THE GOVERNMENT

May mga iba-ibang paraan o remedies para tanggalin ang mga nuisance ayon sa uri ng taong magtatanggal (gobyerno o pribadong indibidwal). Ito ang:

(1)    Pagsampa ng kasong kriminal ayon sa Revised Penal Code, anumang Special Laws (e.g. Clean Air Act, etc.) o Ordinansa ng Pamahalaang Lungsod.

(2)    Pagsampa ng kasong sibil na ihahain ng Mayor ng Lungsod.

(3)    Abatement o pagtanggal ng nuisance agad-agad na hindi na dadaan sa korte (without judicial proceedings).

Ang extrajudicial abatement o agarang pagtanggal ng mga panggulo ay maari lamang gawin sa mga Nuisance Per Se dahil bawal naman talaga sila kahit saan mo dalhin. Magandang halimbawa nito ay ang ginagawa dati ni Bayani sa mga illegal vendors sa bangketa o pag-alis mga gusaling lumalagpas sa sidewalk na hindi na kumukuha ng permiso sa korte.

Ang District Health Officer ng Lungsod ang nagdedesisyon ko isasarado kaagad ang isang gusali o tatanggalin agad ang isang nuisance.

ABATEMENT BY A PRIVATE PERSON

Pwede rin mag-asunto ang pribadong indibidwal laban sa nuisance kung siya ay mismong naapektuhan. Hindi na kailangang dumaan sa Mayor ng Lungsod.

Maari ring magsagawa ng extrajudicial abatement ang pribadong indibidwal ngunit dapat gawin muna ang mga sumusunod:

(1)    Magpadala ng sulat na hinihiling sa may-ari ng property na tanggalin ang nuisance.

(2)    Kapag tinanggihan ang hiling, pumunta sa District Health Officer ng Lungsod at humingi ng permiso. Tapos makakuha ng permiso, magsama ng mga pulis at tanod para tanggalin ang nuisance at siguraduhing magpameryenda pagkatapos.

(3)    Ah oo nga pala, nakalagay din sa Kodigo Sibil na ang halaga ng bagay na sisirain o tatanggalin ay hindi dapat hihigit ng P3,000. Maaring tumataginting noong dekada-50 ang halagang P3,000 kung kailan ipinasa ang Kodigo Sibil. Pero sa panahong ito, baka kulang pa ang P3,000 sa pangmeryenda sa mga tanod, (wala pa sa pulis).

CITY OF MANILA vs. JUDGE LAGUIO, JR.

Alam natin na ang prostitusyon ay isang nuisance per se, kahit saan mo ilagay nuisance pa rin. Ginugulo ng mga ito ang disenteng pamumuhay ng lipunan at moralidad ng mga komunidad.

Kaya bakit hindi nalang tanggalin sila ng tuluyan?

‘Yan mismo ang ginawa ni Mayor Alfredo Lim ng Maynila  noong ika-30 ng Marso taong 1993 noong panahon bise pa lang niya si Lito Atineza.

Eto ay ang pagpapatupad ng Ordinance No. 7783 kung saan pinapasara ni Mayor Lim ang lahat ng  mga Sauna Parlors Massage Parlors, Karaoke Bar, Beerhouses, Night Clubs, Day Clubs, Super Clubs, Discotheques, Cabarets, Dance Halls, Motels at Inns sa Ermita, Manila laging tinatambayan nina Granger, Duking,  Mhonski, Bon at Batangmangyan  .

Binigyan ni Mayor Lim ng tatlong (3) buwan ang mga nasabing gusali na magsara o kaya ay maging flower shop o tindahan ng mga stuff toys na Winnie the Pooh at Barney na lang kung ayaw nilang magsara.  Ayon sa Lungsod ng Maynila, ang mga lugar na ito ay pugad ng kalaswaan.

Syempre kinontra ito ng mga iskolars ng panyero.net at ng  Malate Tourist Development Corporation (MTDC) na nagpapatakbo ng Victoria Court (Yun ba yung may babaeng nakaturo sa labi? Hindi ko kasi alam yung mga ganyan eh).

Naghain ng kaso ang MTDC sa Regional Trial Court ng Maynila upang ipawalang bisa ang Ordinace No. 7783. Ayon sa MTDC hindi naman daw lahat ng motel ay masama at bentahan ng laman. Labag daw sa Saligang Batas ang pagpapasara sa kanila ng hindi dumadaan sa tamang proseso o due process.

Nagdesisyon ang RTC sa ilalim ni Judge Laguio, Jr. at ipinawalang bisa ang Ordinansa kaya umabot sa Korte Suprema ang kaso.

Sa tingin ninyo tama ba si Judge Laguio? Mali ba ang Lungsod ng Maynila  na ipagbawal ang mga club, bars at motel sa Maynila? Ano sa tingin mo ang dapat mangyari?

Requisites for the valid exercise of Police Power are not met

Ang police power ay ang likas na kapangyarihan (inherent power) ng isang estado. Hindi ito kapangyarihan ng mga pulis at mga epektibo nating SWAT. Eto ang kapangyarihan na ginagamit upang takdaan (restrict) ang karapatan ng ilan para sa ikabubuti ng nakararami (promote public welfare).

Para maging valid ang police power dapat: (1) ang kapakanan ng karamihan ang pinangangalagaan at hindi ng iilan lamang at (2) ang paraan (means) na ginamit ay talagang kinakailangan (reasonably necessary) para mapatupad ang layunin (accomplish the purpose) nito na hindi naman gaanong mapang-api (unduly oppressive) sa karapatan ng iba.

Sa kasong ito, masasabing nakamit ang unang rekisitos ng police power. Para sa kapakanan ng lahat ang pagpapatanggal ng mga club at motel sa Ermita dahil ito ay pinaggagalingan ng prostitusyon at bentahan ng lollipop este laman na maituturing na sakit ng lipunan (social ills).

Ngunit, hindi nakamit ng ordinansa ang pangalawang rekisitos dahil ang paraang ginamit (means employed) ay hindi resonable at mapang-api (unreasonable and oppressive).

Ang pagpapasara daw ng mga clubs at motels ay hindi solusyon per se para protektahan at itaguyod ang moralidad ng lipunan (social and moral welfare). Hindi ito maghihinto sa prostitusyon, pakiki-apid, at pagkalat ng sakit sa lungsod ng Maynila.

Ang mga imoral na pakikipagtalik (sexual immortality) ay maari ring mangyari sa mga inosenteng lugar tulad ng iskwelahan, simbahan o sa ibabaw ng desktop computer habang nag-uupdate ng blog.

“There are no ‘pure’ places where there are impure men.”

Ang mga paboritong tambayan ni Batangmangyan at Bonistation tulad ng sauna, clubs, motel etc. ay lihitimong negosyo at hindi per se labag sa moralidad ng lipunan.

Maari naman daw magkaroon ng inspeksyon gabi-gabi sa mga establisimentong ito para mahuli ang mga lumalabag at hindi ang agarang pagpapasara ang solusyon.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang mga patron daw ng mga motel tulad ni Asol at Duking na mga binata (?) ay walang nilalabag na batas.

Adults have a right to choose to forge such relationships with others in the confines of their own private lives and still retain their dignity as free persons.

Unlawful taking

Ang pagpapautos sa pagsasara ng mga motel, clubs, sauna, etc. ay isang maituturing na pagkuha na labag sa batas o “unlawful taking“. Isipin mo, ang mga negosyante ay nag-invest ng pera dito at basta-basta na lang kukunin ng estado ng walang dahilan.

Isama mo na ang mga investment na  makakapal na make-up, stockings at leopard designed underwear ng mga prosti (na binili pa sa SM) na masasayang at mapupunta sa wala.

Kaya yun tuloy ang ligaya sa Ermita!

Your email:

“The liberty of the individual must be thus far limited; he must not make himself a nuisance to other people.”

- John Stuart Mill

WHAT’S UP DOC?
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/medical-malpractice-professional-services-vs-natividad-agana/"></g:plusone>

"Doc, kulang ata yung..." "Can't you see nurse that I'm Busy"

Ika-4 ng Abril taong 1984, si Natividad ay sinugod sa Medical City Hospital dahil sa hirap sa pagdumi at pagdurugo ng kanyang pwet.

Matapos ng ilang sunod-sunod na medical examinations, napag-alaman na si Natividad pala ay may “cancer of the sigmoid” (ang sigmoid ay parte ng ating malaking bituka – Manay Cristy). Matapos humingi ng paalam sa kanyang mga kapamilya ay nagsagawa ng operasyon ang kanyang doktor na si Dr. Miguel Ampil.

Si Dr. Juan Fuentes ang nagsagawa ng hysterectomy kay Natividad at tinapos ni Dr. Ampil ang operasyon at sinarado ang hiwa.

Matapos ang operasyon ay pina-uwi na si Natividad matapos magbayad ng halagang Php60,000.00 sa Medical City noong ika-24 ng Abril 1984.

Ilang araw ang lumipas ay nagreklamo ng matinding pananakit si Natividad sa kanyang likuran at nang isangguni kay Dr. Ampil at Dr. Fuentes, sabi sa kanya na natural lang daw ang mga ito.

Ika-9 ng Mayo 1984, napilitang pumunta sa Estados Unidos si Natividad kasama ang kanyang asawa upang magpatingin. Apat na buwan ang lumipas ay dineklarang wala nang cancer si Natividad at sila ay umuwi na dito sa Pilipinas.

Pagbalik dito sa bansa ay patuloy pa rin ang pananakit na kanyang nararamdaman hanggang sa may nakita ang kanyang anak na isang piraso ng gasa (gauze) sa ari ni Natividad.

Tinawagan nila si Dr. Ampil at agad naman itong pumunta sa bahay ni Natividad upang bunutin ang gasa sa kanyang ari na may sukat na 1.5 pulgada. Tapos ay sabi ni Dr. Ampil kay Natividad na mawawala na ang kanyang pananakit.

Ngunit lalo pang lumala ang pananakit na nararamdaman ni Natividad kaya sinugod ito sa Polymedic General Hospital. At doon ay nakita ulit ang isa pang gasa sa may ari ni Natividad at sumailalim pa ulit siya sa isa pang operasyon upang tanggalin ang foreign object sa kanyang katawan.

Kaya noong ika-12 ng Nobyember taong 1984 ay napilitang magsampa ng asunto si Natividad at ang kanyang asawa laban kay Dr. Ampil, Dr. Fuentes at Professional Services Inc. (PSI) ang may-ari ng Medical City dahil sa pagpapabaya (negligence) at medical malpractice sa Regional Trial Court ng Lungsod ng Quezon.

SA REGIONAL COURT

Sa paglilitis ay prinisenta ng abugado ni Natividad ang record ng nurse noong araw na inoperahan si Natividad at nakalagay dito ang mga sumusunod:

“sponge count lacking 2”

“announced to surgeon searched (sic) done but to no avail  continue for closure.”

Dito ay napag-alaman ng hukuman na ang dalawang gasa na nakita sa ari ni Natividad ay galing sa operasyon na pinangasiwaan ni Dr. Ampil, dahilan upang husgahan ang kaso pabor kay Natividad at laban sa dalawang doktor at PSI noong ika-17 ng Mayo, taong 1993 at pagbayarin ng halagang:

a)    US$19,900 reimbursement sa pagpunta nila sa US;

b)    P4,800 travel taxes;

c)    P45, 802.50 bayad sa Polymedic Hospital;

d)   P2,000,000.00 moral damages, dahil sa pasakit na inabot ni Natividad;

e)    P300,000.00 exemplary damages, bilang babala sa ibang doctor;

f)     P250,000.00 attorney’s fees at;

g)    Cost of suit o anumang ginastos ni Natividad sa paglilitis.

Nakamit man ang hustisya ay hindi na ito nasilayan ni Natividad na namayapa bago pa hinusgahan ang kaso noong ika-16 ng Pebrero taong 1986.

Pagdating sa Court of Appeals ay na-affirm  ang desisyon ng Regional Trial Court ngunit inabswelto si Dr. Fuentes.

Kaya napilitang ang pamilya ni Natividad, Dr. Ampil at PSI na iakyat ang kaso sa Korte Suprema.

KORTE SUPREMA

Ayon sa pamilya ni Natividad, dapat daw managot si Dr. Fuentes ayon sa doktrinang “res ipsa loquitur” o “the thing speaks for itself.” Si Dr. Fuentes ay isa sa nag-opera kaya dapat sabit din siya kasama ni Dr. Ampil at ng PSI.

Ayon naman kay Dr. Ampil, hindi siya ang may kasalanan kundi si Dr. Fuentes na nagsagawa ng hysterectomy kay Natividad. Kasalanan rin daw ng nurse na nasa-operasyon dahil hindi ito binilang ng mabuti ang mga gasa. Pati ang mga doktor sa Estados Unidos ay sinisi rin ni Dr. Ampil na maaring naglagay ng gasa sa katawan ni Natividad.

Ayon naman sa PSI hindi daw nila empleyado ang mga doktor ng ospital dahil maituturing sila na independent contractor, kaya hindi rin dapat daw sila pagbayarin sa nangyari. And ospital lamang daw ang nagbibigay ng mga pasilidad tulad ng kama, kwarto, at ano pang medical equipments ngunit hindi nila pinapakialaman ang mga doktor kung paano nila gagamutin ang mga pasyente.

Pananagutan ni Dr. Ampil

Ayon sa Korte Suprema, malinaw pa sa sikat ng araw ang pananagutan ni Dr. Ampil.

Una, ang gasa ay ginagamit sa pagkontrol ng dugo habang inooperahan.

Pangalawa, matapos ng operasyon ay sinulat ng nurse sa kanyang report na may 2 gasang nawawala at sinabi niya ito sa doktor ngunit sinarado pa rin ang sugat.

Pangatlo, nakita sa bahagi ng katawan ni Natividad ang dalawang gasa kung saan siya inoperahan ni Dr. Ampil.

At kung nakaiwan ang doktor ng gasa sa katawan ng isang tao, syempre isa na itong kapabayaan, di hamak. Kung may mga pagkakataon naman na kailangan talagang isara ng doktor ang sugat upang maiwasan ang anumang kumplikasyon, ay obligasyon ng doktor na ipaalam ito sa pasyente.

Sa kasong ito, hindi ipinaalam ni Dr. Ampil kay Natividad na may naiwang gasa sa loob ng katawan ng huli, at ang masama ay sinabi pa ni Dr. Ampil na natural lang ang sakit na nararamdaman ni Natividad.

Kaya sabit si Dr. Ampil at dapat panagutan ang pagkakamali.

Pananagutan ni Dr. Fuentes

Pinanigan din ng Korte Suprema ang husga ng Court of Appeals na iabswelto si Dr. Fuentes.

Si Dr. Fuentes lang nagsagawa ng hysterectomy kay Natividad at matapos ng kanyang trabaho ay umalis na ito sa operating room at ipinasa ang responsibilidad sa lead surgeon na si Dr. Ampil na nagsara ng hiwa kahit may nawawala pang gasa.

Ayon sa doktrinang “captain of the ship,” ang kapitan ng barko ang may kontrol sa lahat ng nangyayari sa loob nito at responsable rin sa lahat ng kapalpakan. Sa kasong ito si Dr. Ampil bilang lead surgeon ay tinuturing na kapitan ng barko at kontrolado niya ang lahat na nagaganap sa operating room.

Tinawag ni Dr. Ampil si Dr. Fuentes upang magsagawa ng  hysterectomy. Si Dr. Ampil ang nag-eksamen sa gawa ni Dr. Fuentes ang nagbigay ng permiso sa huli na umalis na sa operating room, at si Dr. Ampil din ang nag-utos ng pagsarado ng hiwa.

Kaya ang lahat ng sisi ay napunta kay Dr. Ampil at naabswelto si Dr. Fuentes.

Pananagutan ng Ospital

Hindi na kailangan pang pagtalunan ang pananagutan ni Dr. Ampil sa kasong ito. Pero ang pinaka-importanteng issue na sinagot ng Korte Suprema ay ang pananagutan ng ospital.

Ang doktor kasi nauubusan ng pera ngunit ang ospital ay malalim ang balon. Ibig sabihin, kahit bangkarote na ang doktor, mahahabol pa rin ng mga pasyente ang ospital.

Ramos vs. Court of Appeals

Bago kasi ang kasong ito ang prevailing doctrine ay ang kasong Ramos vs. Court of Appeals.

Sa kasong ito ay pinawalang sala ang ospital sa pananagutan ng isang doktor dahil wala silang employer-employee relationship. Ang ospital ay walang kontrol sa mga doktor kaya wala rin itong pananagutan.

Kaya sa una ay malakas ang paniniwala ng ospital na maabswelto rin sila gamit ang kaso ng Ramos vs. Court of Appeals.

Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Brief History

Pero bago yan ay tignan muna natin ang maikling kasaysayan ng relasyon ng ospital at mga doktor.

Bago ang kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang mga ospital ay para lamang sa mga mahihirap at mga walang pambayad. Ang mga mayayamang tao kasi ay ginagamot ng mga doktor sa kanilang mga bahay.

Kaya ang mga doktor ay hindi tinuturing na empleyado ng mga ospital dahil bilang isang dalubhasa ay sila lang ang nakakaalam kung ano ang kanyang ginagawa. Ginagamot niya ang mga pasyente ayon sa kanyang kaalaman at diskarte  na hindi pinapakialaman ng ospital.

Ngunit unti-unti ang mga ospital ay dumitansya sa kanilang pagkakawang-gawa at nagiging isang malaking negosyo. Lumalaki  ang ginagampanan o role ng mga ospital sa pagsuplay at pag-regulate ng pangangalagang medikal sa kanilang mga pasyente.

Hindi na lang limitado ang mga makabagong ospital sa pagbibigay ng mga kuwarto at medical facilities. Ngayon ay kumukuha na sila ng mga regular na physicians, interns, nurses, bilang empleyado. Sinisingil na rin nila ang mga pasyente sa mga serbisyong nito at dinidemanda pa ‘pag hindi makabayad.

In short, habang lumalaki ang kita ng mga ospital at lumalawak ang kanilang partisipasyon sa paggagamot ay lumalaki rin ang kanilang mga responsibilidad at pananagutan kasama ng mga doktor pagdating sa kaso ng medical malpractice.

Kaya sa kaso ni Natividad ay nagbaba ang Korte Suprema ng bagong doktrina at sinabi na may employer-employee relationship ang mga ospital at doktor “for purposes of apportioning responsibility in medical negligence cases”.

Sa makatuwid, hindi talaga empleyado ng ospital ang mga doktor. Kapag tinanggal ng ospital ang mga doktor, hindi ito pwedeng maghabla sa NLRC ng kasong illegal dismissal dahil tinuturing sila bilang independent contractor.

Ngunit, subalit, datapwat pagdating sa mga kasong medical negligence maaring  masabing empleyado ng ospital ang mga doktor.

Element of Control

Kung susuriin, puwera sa pagpapasahod, talaga namang may kontrol ang mga ospital sa mga doktor nito, eto ang mga basehang binigay ng Korte Suprema:

1)   Kontrol sa pagpili ng mga doktor. Hindi naman basta-basta lang makakapasok ang isang doktor o consultant sa isang ospital na hindi dumadaan sa mga review committee at management ng ospital.

Pinagsusumite ng mga ospital ang mga doktor na nag-aapply ng  educational qualifications, proof of completion of residency, references, fellowship etc.

2)   Kontrol sa ginagawa ng mga doktor. Nire-require ng mga ospital ang mga doktor na magsagawa ng rounds sa mga pasyente, pumunta sa mga clinico-pathological conferences kung saan pinag-uusapan nila ang mga kaso ng kanilang mga ginagamot.

3)   Kontrol sa pagtanggal ng mga doktor. Ini-evaluate ng mga committee ng ospital ang performance ng mga doktor, at base sa feedback ng mga interns, nurses, residents at mga pasyente maaring tanggalin ang doktor sa ospital.

Agency by Estoppel

Bukod sa elemento ng kontrol, sinabi rin ng Korte Suprema na hindi maaring sabihin ng ospital na hindi nila pananagutan ang mga kapalpakan ng mga doktor nito matapos nilang gamitin ang kanilang mga pangalan upang umakit ng mga pasyente.

Sa kasong ito, nakabalandra sa lobby ng ospital ang pangalan ni Dr. Ampil at iba pa nitong doktor upang ipaalam sa publiko na tiwala sila sa kanilang mga kakayahan.

Kung kumita sila sa pangalan at kakayahan ng mga doktor nito, e bakit sila biglang tatalikod kapag nagkakabulelyasuhan?

Corporate Responsibility

Bilang nagpapatakbo ng ospital, hindi rin ginampanan ng maayos ng PSI ang obligasyon nitong pangalagaan ang kanilang mga pasyente. Kahit nakalagay na sa report ng nurse na may dalawang gasang nawawala, ay wala rin itong ginawang imbestigasyon sa pangyayari.

Nag-file ng Motion for Reconsideration ang PSI ngunit binasura lang ito ng Korte Suprema.

Damage Control

Dahil sa kasong ito ay nagulantang ang buong industriya ng mga ospital at napilitan silang sumawsaw sa issue dahil naisip nila na malaki ang kanilang magiging problema. Natatakot silang gagamitin ang kasong ito sa iba pang mga kasong nakabinbin na kukurot sa kanilang mga naglalakihang kita.

Kaya ang Manila Medical Services, Inc. (MMSI), Asian Hospital, Inc. (AHI), at Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) ay nag-file ng Second Motion For Reconsideration.

Ayon sa kanila, dapat daw baguhin ang desisyon at ibalik ang doktrina ng Ramos vs. Court of Appeals dahil ito ay mag “jeopardize” sa kanilang “ financial viability” at tataas daw kuno ang halaga ng pagpapagamot.

Nanindigan ang Korte Suprema at pinanagot pa rin ang PSI kasama si Dr. Ampil sa nangyari kay Natividad sa halangang P15 Million lang naman at may interest na 12% per annum.

Ngunit ito ang catch, sabi ng Korte Suprema, ang kaso daw ni Natividad ay hindi daw maaring gamitin na precedent sa iba pang kaso. Unique daw ang kaso ni Natividad at hindi daw dapat pananagutin agad ang mga ospital sa mga kaso ng medical malpractice.

Hmm…parang bigla nagbago ulit ang ihip ng hangin at naging sacrificial lamb ang PSI.

Nakamit nga ni Natividad ang hustisya, pero paano kaya sa mga susunod na mga kaso ng medical practice?

Maganda na sana eh.

Nuff said.

Your email:

“Doctors are the same as lawyers; the only difference is that lawyers merely rob you, whereas doctors rob you and kill you too.” – Anton Chekhov

Sources: Professional Services Inc., vs. Natividad & Enrique Agana, GR. Nos. 126297, 126467, 127590.  January 21, 2007; February 11, 2008 (First Motion for Reconsideration); February 2, 2010 (Second Motion for Reconsideration)

WHO LET THE DOGS OUT?
<g:plusone size="standard" count="1" href="http://panyero.net/nakagat-ng-aso-article-2183-civil-code/"></g:plusone>

Si Theness ay isang 3 taong gulang na bata. Noong ika-29 ng Hulyo taong 1975, nakikipaglaro siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Habang sila ay naglalaro, nakagat si Theness ni Andoy, ang aso ng namayapang lolo ng kalaro niya.

Dali-daling sinugod sa ospital si Theness kung saan ay ginamot ang kanyang mga tinamong sugat sa noo at tinurukan siya ng anti-rabies. Ngunit sa kasamaang palad ang hindi kinaya ng musmos na katawan ni Theness at binawian siya ng buhay makaraan ang ilang araw dahil sa broncho-pneumonia.

Dinemanda ng mga magulang ni Theness ang mga magulang ng kanyang kalaro na sina Purita at Agustin Vestil na nangangalaga sa nasabing bahay. Matapos ang paglilitis ay ibinasura ng hukuman ang asunto laban sa mag-asawang Vestil.

Ngunit pagdating sa Court of Appeals, ay binaliktad ang hatol at inutusan ang mga Vestil na magbayad ng danyos na nagkakahalagang P42,000.00, na malaki na rin noong mga panahon na iyon. Kaya napilitan ang mga Vestil na tumakbo sa Korte Suprema.

Ayon sa mga Vestil, hindi dapat sila managot sa pagkamatay ni Theness dahil hindi naman sila ang may-ari ng aso at ang mismong bahay kung saan nakagat ang bata. Si Andoy daw ay pag-aari ng namayapang tatay ni Purita na si Vicente Miranda.

Lumalabas na ang mag-asawang Vestil ay care taker sa nasabing bahay na tumatanggap din ng boarders doon. Sabi rin nila, wala naman daw nakakita kung talagang kinagat ni Andoy si Theness at mabait naman daw ang naturang aso.

Kinuwestiyon din ng mag-asawang Vestil ang dahilan ng pagkamatay ni Theness na hindi naman rabies base sa death certificate.

Sa tingin mo, dapat ba na managot ang mag-asawang Vestil samantalang hindi naman sa kanila ang naturang aso?  Tama ba ang argumento nila na hindi naman rabies ang naging dahilan ng pagkamatay ng bata kaya’t wala rin silang pananagutan?

Marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng hayop, ngunit ang tanong: Alam ba natin ang ating pananagutan bilang amo nila?

Paano kung may mga hayop na hindi naman sa atin ngunit laging tumatambay sa loob ng ating bakuran. May pananagutan ba tayo kung ito’y mamerwisyo sa iba?

Sawa ka na ba sa mga naka-wangwang at nagka-counter flow sa daan?

Ako rin, sawa na.

Okay, balik sa kwento.

Ayon sa Art. 2183 ng Kodigo Sibil:

Sino man ang may pagmamay-ari, nangangalaga, may hawak (possessor), o gumagamit (make use of the same) ng anumang uri ng hayop ay siyang may pananagutan (responsible) sa anumang uri ng perwisyo at danyos na magagawa nito, kahit pa ito’y nakatakas o nawala. Ang responsibilidad ng may-ari o may hawak sa nasabing hayop ay titigil lamang kung ang danyos na nilikha ay dulot ng force majure o dahil kasalanan ng taong naperwisyo (fault of person who suffered damage).

Ayon sa Korte Suprema, dapat lang managot ang mag-asawang Vestil sa pagkamatay ni Theness. Sabihin na nating hindi sila tumutuloy sa bahay kung saan nangyari ang insidente, ngunit sila pa rin ang nangangalaga dito na kung saan naglalagi rin si Andoy. Kaya kahit hindi sila ang maituturing na may-ari kay Andoy, responsibilidad pa rin nila ito.

Hindi rin pinanigan ng Korte Suprema ang kanilang dahilan na mabait naman itong si Andoy at maaring si Theness ang naging dahilan kung bakit kinagat siya, dahil hindi naman sinabi ng batas na kung maamo o isang maituturing na halimaw ang alagang hayop para maging responsable ang kanilang mga amo.

Kahit na ang dahilan ng pagkamatay ng bata ay broncho-pneumonia, hindi pa rin maitatanggi na ang pagkakagat ni Andoy ang puno’t dulo nito, na matatawag na “proximate cause.”

Hindi rin pinanigan ng Korte Suprema ang palusot ng mag-asawang Vestil na hindi naman dapat asahan na lagi nilang titingnan ang bawat kilos at gawa ni Andoy.

Ayon sa Korte Suprema, ang pananagutan sa Art. 2183 ng Kodigo Sibil ay hindi nag-uugat sa pagkukulang (negligence) sa pagbabantay ng hayop (lack of vigilance), kundi dahil sa prinsipyo na sa ating lipunan, kung sino man ang nagmamay-ari ng hayop para sa kanyang sariling kapakanan, gamit o kasiyahan (utility, pleasure or service) ay siya rin ang dapat managot sa anumang perwisyong idudulot nito.

Kaya sa bandang huli ay pinanagot din ang mag-asawang Vestil sa pagkamatay ng kawawang bata.

Ang payo ko, mag-alaga nalang kayo ng kuhol!

O ano, galit ka pa rin sa wangwang? (ang labo noh?)

Your email:

“Pets are humanizing. They remind us we have an obligation and responsibility to preserve and nurture and care for all life.”

– James Cromwell

Source: Purita Vestil, et al. vs. Intermediate Appellate Court, et al., G.R. No. 74431, November 6, 1989.