Batas Para Sa Mahirap…Umintindi header image 2

RUBBER CHECK

February 7th, 2010 · 71 Comments · Bouncing Check, CRIMINAL

“WE DON’T ACCEPT CHECKS.”  Ilang beses ko na narinig ‘to. Mahirap na kasi, kahit ako ang negosyante, hindi rin ako papayag, pwera na lang kung matagal ko na siyang kliyente.

Kung tutuusin ay maraming pakinabang ang paggamit ng tseke.

Una, mabilis ang transaksyon. Hindi kasi karaniwang nagdadala ng libo-libo o milyon-milyong pera ang mga tao sa bulsa dahil nasa banko lang ang kanilang mga kayamanan, unless kagayan mo ang mga Ampatuan na may sariling Bank Vault sa bahay.

Kaya sa mga panahong kailangan masarado ang deal na agad-agad, tseke ang soluyon.

Pangalawa, kaligtasan. Halimbawa bibili ka ng sasakyan at magbibigay ka ng downpayment na P500,000, kaya mo bang mag-withdraw ng ganong halaga sa bangko at dalhin sa lugar ng usapan nang hindi namamatay sa nerbyos?

Kaya kung magbabayad ka ng malaking halaga, mas mainam na i-tseke mo na lang.  Dahil kung mawala o mapasakamay man ng ibang tao ang tseke, hindi pa rin nila ito mapapakinabangan kung naka cross check o payable lang sa account ng payee.

Kaso, dahil sa pag-abuso at mga panloloko gamit ang tseke, naging allergic na ang iba. Ito ang dahilan kaya pinatupad ang batas laban sa pagsira ng integridad ng tseke sa kalakalan.

Hindi lang isa, kung dalawa ang maaring haraping kaso ng isang nagpatalbog ng tseke: (1) Ang paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o ang Anti-Bouncing Check Law at; (2) Estafa under Article 315, paragraph 2(d), ng Revised Penal Code.

ELEMENTS NG BP 22

Nais ko munang linawin na pinaparusahan ang taong lumabag sa BP 22 hindi dahil sa may utang sila, kundi dahil sinisira nila ang kahalagahan ng tseke sa lipunan at kalakalan. Tulad sa naunang sinabi ko, “walang nakukulong sa utang.”

Kaya may tatlong elemento ang BP 22 na dapat patunayan para makalaboso ang nag-isyu ng talbog na tseke:

(1) Syempre una ang paggawa at pag-isyu ng tseke para ipambayad (the making, drawing, and issuance of any check to apply for account or for value).

Kung walang tseke, walang kaso. Laging pinapalagay (presumed) na ang tseke ay inisyu na may konsiderasyon tulad ng pambayad sa utang, pinambili, etc. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na nag-isyu ka ng tseke para i-accommodate lang ang kaibigan mo at wala kang natanggap ni isang kusing.

(2) Alam ng akusado na noong araw na inisyu niya ang tseke ay wala itong pondo kapag napresenta sa bangko para kubrahin.

(3) At ang pag-dishonor ng bangko sa tseke dahil kulang sa pondo o di kaya ay pinahinto ng nag-isyu  nito (stop order payment) na walang dahilan. In short, tumalbog ang tseke.

Lack of Notice bilang depensa sa BP 22

Hindi sapat na basta na lang tumalbog ang tseke. Kailangan mapatunayan nang walang kaduda-duda na alam ng nag-isyu ng tseke na wala itong pondo noong inisyu niya.

E pa’no niya malalaman na tumalbog ang tseke niya?

Dapat padalhan mo siya ng love letter.

Nakalagay kasi sa BP 22 na dapat ipaalam sa nag-isyu ng tseke, sa pamamagitan ng sulat, na talbog ang tseke niya at dapat bayaran niya itong ng limang (5) araw. Kung hindi pa rin siya nagbayad sa loob ng limang (5) araw, pwede mo na siyang sampahan ng kaso sa paglabag ng BP 22.

Kaya kung wala kang maipakitang katunayan na may written notice ka sa nag-isyu ng tseke, talo ang kaso mo. Hindi sapat ang verbal notice lang ayon sa Korte Suprema. Hindi lang yun, dapat ay matanggap nang aktuwal ng nag-isyu ng tseke ang sulat.

Kaya huwag muna sayangin ang laway mo, kahit bumula pa ang bibig mo sa kakamura sa taong nagpatalbog ng tseke, hindi ‘yan papansinin ng hukom bilang katunayan na may notice kang binigay.

Mahirap gisingin ang taong nagtutulog-tulugan,” kaya mahirap din padalhan ng sulat ang taong ayaw makatanggap. Ito ang reyalidad ngayon, dahil sa desisyon ng Korte Suprema, ang mga hustler, swindler at estafador, ay nakakaiwas sa kasong ito dahil magaling silang magtago.

Kahit alam naman talaga natin na alam nang nag-isyu ng tseke na walang pondo ito, hindi pa rin sila ma-convict dahil walang written notice, dinadaan nila sa technicalities at loophole na ito.

NAPUTULAN NG PANGIL

Ang paglabag sa BP 22 ay may parusang kulong na hindi bababa sa 30 araw at hindi lalampas ng 1 taon; o multa na hindi bababa sa halaga ng tseke at hindi lalampas ng doble sa halaga ng tseke o halagang P200,000. Pwede ring parusang ng sabay na kulong at multa ang akusado depende sa utos ng hukom.

Ngunit sa isang kaso na may titulong “Eduardo Vaca vs. Court of Appeals” ay tinanggal ang parusang kulong na binigay ng mababang hukuman sa akusado.

Matapos nito ay nagpalabas ng  Administrative Circular No. 12-2000 (as clarified by A.C. 13-2001) ang Korte Suprema kung saan pinapaalalahanan ang mga hukom na kung maaari ay hatulan lamang ng multa ang mga akusado sa kasong BP 22 depende sa sitwasyon.

Mangyari, kung first time offender lang ang akusado ay multa lang dapat ang ibigay na parusa, pero kung estafador talaga, maaring ipataw ang parusang kulong.

Kaya ang dating bangis ng BP 22 ay medyo nabawasan dahil multa na lang ang maaring abutin ng nagpatalbog ng tseke at ang naunang intensiyon ng batas ay parang kumupas, ito ay opinyon ko lang (at ng maraming tao na rin hehe)

ELEMENTS OF ESTAFA

Bukod sa paglabag sa BP 22 ang taong nagpatalbog ng tseke ay maari ring maharap sa kasong Estafa  under Article 315, paragraph 2 ng Revised Penal Code.

Kung ang layunin ng BP 22 ay upang protektahan ng estado ang integredad ng tseke bilang gamit sa pangangalakal. Ang layunin naman ng kasong estafa ay upang ikulong ang mga manloloko.

Kaya ‘di tulad ng kasong BP 22 na ang pag-isyu ng tseke ay sapat na para kasuhan. Sa kasong estafa ay dapat may elemento ng panloloko o deceit.

Dahil diyan ay pwedeng ma-convict ang isang akusado sa BP 22 at hindi sa Estafa.

Halimbawa, may utang ka at pinambayad mo ay mga tseke. Kapag pumasok ang mga naunang tseke ngunit yung nahuling tseke ay tumalbog, BP 22 lang ang kaso mo dahil walang elemento ng deceit. Walang panloloko dahil may intensiyon ka talagang magbayad at patunay diyan ang mga unang pumasok na tseke.

Ngunit kong may bumili sa iyo ng alahas, at ginamit na pambayad ay mga tseke, tapos unang hulog mo sa tseke ay talbog kaagad, pwedeng pumasok yan sa kasong estafa bukod sa paglabag sa BP 22. Sa halimbawang ito ay talagang walang intensiyon na magbayad ang lokong ‘yun sa simula pa lamang. ‘Di tulad sa naunang halimbawa na pumalya lang sa pagbabayad.

Kaya yan, masalimuot talaga ang mga tseke. Kaya mag-ingat lagi.

Kung mayroon pang pagkakatiwalaang tseke ito ang manager o cashier’s check na sinasabing “good as cash”. Ito kasi ay inisyu mismo ng bangko at may nakalaang pondo na para dito, ngunit siguraduhing i-verify muna sa branch na nag-isyu.

Pero kahit ano ang sabihin mo, eto lang ang masasabi ko,

Cash is always the King”.

——————————–

In God we trust, all other pay cash” – Anonymous

SOURCES: Batas Pambansa Bilang 22; Article 315 par. 2, RPC; Chua vs People, G.R. Nos. 150926 and 30, March 6, 2006; Bax vs People, G.R. No. 149858, September 5, 2007; Josef vs People, G.R. No. 146424, November 18, 2005; SC AC No. 12-2000 , 13-2001.

Tags: ··········

71 Comments so far ↓

  • granger1220

    The original terms of payment to settle the 520k in full on a specified date that is why a PDC was accepted by the supplier. The fact that they have not deposited it yet on the due date of the check means that you are still given a chance to repay but they have all the right to deposit said check since you are in default.

    What you asked is if it is possible and the answer is YES. Unless, they agree to another terms which unfortunately they did not as you have said so.

    Good intentions does not always free us from complying with obligations already contracted for obligations arising from contracts have the force of law between contracting parties and must be complied with in good faith.

Leave a Comment