BANKRUPT

by Tito Boy on February 8, 2010

(This post was made before the old insolvency law was repealed by RA 10142 or the Financial Rehabilitation and Insolvency Act [FRIA] of 2010)

 

MADALI NA LANG UMUTANG NGAYON. Sa higpit ng kompetisyon ng mga bangko, credit card companies, at mga financial institutions, halos ipamigay na mga ang mga credit card sa mall.

O ‘di kaya, magugulat ka na lang dahil approved ka na sa loan kahit hindi ka naman nag-apply at may naghihintay nang tseke sa ‘yo.

Kaya hindi mo maiiwasan ang iba sa kababayan nating matukso at kumagat sa mga ito kahit hindi badya ang malaking interes na pinapatong.

Marami tuloy ang nagtatanong sa akin kung ano ang dapat nilang gawin dahil baon na sila sa utang. Eto ang mga naisip ko:

1. Mangholdap ng bangko at ipambayad din sa bangko ang nakuha;

2. Pumunta sa Afghanistan at mag-apply na sekyu ni Bin Laden;

3. Mamamakla at pagbayarin ang syotang bading; o

4. Magfile ng Petition for Voluntary Insolvency.

Hindi alam ng karamihan na merong remedyo sa batas para sa taong baon sa utang at gustong patahimikin ang mga naniningil sa kanya.

Kung sa US ay madalas nating madinig ang mga amerikanong naghahain ng bankruptcy, dito sa ‘Pinas meron tayong voluntary insolvency.

REQUISITES

1. Isa kang insolvent. Hindi ko sinabing mag-rugby ka, ibig kong sabihin ay wala kang pera pambayad sa utang mo. Daig ka pa nga ng rugby boy dahil sila may pambili ng rugby.

2. Maghain ng petisyon sa Regional Trial Court (RTC) kung saan ka nakatira ng 6 na buwan. Kaya huwag ka muna magtago, stay ka muna kung saan mo gusto mag file.

3. Ilagay sa petisyon ang iyong: tirahan, gaano ka na katagal nakatira doon,  na hindi ka na makabayad sa utang mo, at handa kang ipamigay ang mga natitira mong ari-arian sa mga naniningil sa iyo.

Maghanda ka rin ng isang kahon ng coupon bond dahil ilalagay mo rin sa petisyon ang mahabang listahan ng pinagkaka-utangan mo at ang imbentaryo ng mga ari-arian mo kung meron pa.

‘Wag ka mag-alala at hindi mo na kailangang isama sa imbentaryo ang mga bacon mong brief, dahil hindi sila interesado dun.

PROSESO

1. Mag-file ka sa RTC.

2. Magpapalabas ng Order ang RTC na dinedeklara kang insolvent, yehey!

3. Papadalhan ng sulat ang mga pinagkaka-utangan mo at ilalathala sa Tiktik, Abante at Bulgar ang petisyon mo katabi ng litrato ni Katya Santos at Maui Taylor, para mapaalam sa buong mundo at sa iba pang naniningil sa ‘yo na nagfile ka ng insolvency.

4. Magkakaroon ng hearing para magkita-kita kayo ng mga best friends mong kolektor na miss na miss ka na at matagal ka nang hinahanap.

5. Ibebenta ang mga natitira mong ari-ari at parang buwitreng paghahati-hatian ng mga naniningil sa ‘yo.

Kung kulang pa rin ang mga ari-arian mo at sabay-sabay na lumingon at tumingin sa iyo ang creditors mo na nakakunot ang noo, ay sumimangot ka na lang na parang si GMA at bigkasin ang katagang “I-am-sorry”, dahil TY na yun.

6. Discharged ka na. Pwede ka nang huminga ng malalim dahil quits na ang lahat ng utang mo!

BABALA

Dapat tapat ka sa pagdedeklara ng mga ari-ariang natira sa ‘yo. Dahil kung may tinatago ka pa lang Mansyon sa Maguindanao ay baka i-dismiss ang petisyon mo for insolvency at maari ka pang kasuhan ng kasong Fraudulent Insolvency ng Art. 314 ng Revised Penal Code.

EPEKTO NG INSOLVENCY

Good News: Wala ka nang utang at makakapiling mo pa ng matagal ang brief mong bacon!

Bad News: Sira ang credit standing mo at baka hindi ka na makautang ulit.

More Bad News: Tuloy ang criminal case mo for estafa o bp 22.

Kaya mag-isip-isip ka na: Bading o insolvency?

——————

Capitalism without bankruptcy is like Christianity without hell.”

-  Frank Borman

{ 44 comments… read them below or add one }

bonistation February 8, 2010 at 4:48 pm

ahaha tawa ko ng tawa, drain kanaba atty?! lols dami mong kalokohan sa entry na ‘to nyaa!! pati ang cocon ban dinamay hihi. may ganyan palang batas tignan mo nga naman bat hindi alam yan ng marami. pero pano kung halos wala ka ng ari arian? pede ka padin magfile ng insolvency? wala ka ng appliances, walang sariling bahay at lupa at pati ang inuupahan mong maliit na bahay ay nakabaon knadin sa renta.. pede pa ba yun?

sige na nga mamili nalang dito…
bading o insolvency!?

lols!

Reply

Onesoundrum February 8, 2010 at 5:02 pm

Wow ang cool ni atty dito ah..hehe…
Ganun!yehey!pwde na ako umapply sa credit card..hehe..salamat sa payo atty..

Reply

lucy February 8, 2010 at 5:49 pm

korek po kayo dyan..totoo naman mahilig ang mga Pinoy sa easy money. wala kasing matinong trabaho, o kaya naman mas malaki pa ang gastos nila kesa kinikita. kapag may credit card ka feeling mo may kakayahan kang bilin o bayaran ang anumang gusto mo. pero sa totoo lang kapag di ka marunong gumamit nun, lalu kang lulubog sa utang at interes.
hay sana kasi di na nauso ang pera..para di na tayo matutong gumastos….hehe!

Reply

Manay Cristy February 8, 2010 at 7:07 pm

So Tito Boy, ano pipiliin mo? Bading or insolvency? (wink wink)

Reply

jongskie721 February 8, 2010 at 9:01 pm

tama ka tito boy :) eto may konti akong alam dahil mukhang nasali ito sa oblicon ko o sa law on partnership? hahaha di ko na maalala

Reply

batangmangyan February 9, 2010 at 7:58 am

taragis at isa pang taragis. ayos ‘to panyero. haha. cool. syempre do’n tayo sa walang documento at sa pinakamadaling paraan…”mamakla at pagbayarin ang syotang bading”..taragis. walang kahirap-hirap yun, abswelto ka na sa utang mo.

ayos ka talaga panyero.

Reply

AsOL February 9, 2010 at 8:30 am

sa sobrang hirap ngayon wala
na tayong ibang choice kundi
kumapit sa bading! Nyahahaha!

Sir Atty. ha! namamakla ka siguru
pag walang wala ka rin noh?
hehehe! joke lang po..

Cool! ^_^

Reply

Rob aka Tito Boy February 9, 2010 at 10:02 am

@Bonn, this is a post to break the ice. Puro malalalim kasi yung mga nakaraang post hehe.
Kung walang ari-arian edi mas favorable sa nagfile.

Kahit taong grasa pwede magfile, pihado isang tingin pa lang ng judge, approve agad ng court and petition niya!

@onesoundrum, sabay-sabayin muna lahat ng credit card para isang petition na lang!

@lucy, i like your style, straight to the point tagos to the bones, hope you can drop-by every now and then.

@manay cristy, magkano pamasahe sa afghanistan?

@jongskie, oblicon probably kasi may mga provisions doon referring to insolvency

@batangmangyan, at least sa bading papalitan ang bacon brief mo ng SO-EN hehe

@AsOL, ikaw pinapasa mo pa sa akin. Sabi nga ni Tado sa t-shirt niya: “‘Di bale nang magnakaw ‘wag lang mamakla”

Reply

ferdie February 9, 2010 at 3:58 pm

Buti na lang ‘di kasama yung bacon na brief, may matitira pa kahit paano hehe.

Dapat talaga alamin muna ang kakayahan mo na magbayad bago ka gumamit ng credit card, yung iba kasi yabang muna ang iniisip. Pero may isa akong nabasa na kinaganda naman ng paggamit nga ng credit card na kinumpirma mo rin naman, ito ang pag-establish ng magandang credit history para kung maybalaka kang umutang ng malaki-laking pera na pampuhunan ay ‘di ka mahihirapan na ma-approve ito.
Post-dated check pala ang kalakaran sa loan ng mga Auto at bahay, e paano kung wala?

Reply

hicort February 10, 2010 at 11:31 am

Ha ha ha. Madali nga umutang at good news yun.

Bad news; pwede kang mawalan ng ariarian at matira lang sa yo ang bacon brief mo.

Reply

Rob aka Tito Boy February 10, 2010 at 11:43 am

@ferdz, required ka mag-open ng checking account sa autoloan at housing loan.

congrats iskolar hicort! Paburger ka naman!

Reply

Farmvill February 10, 2010 at 3:36 pm

sir…isa po kong creadit cardholder noon pero hanggang ngayon kinukulit pa ko..my nakiride kc skin na friend ko ng gmit nung una nababayaran nya tpos bglang umalis wala na kong balita sa kanya
tpos ndi ko na kyang byaran ung nahiram nya last 2006 pa un sir hanggang ngaun kinukulit pa ko. ngayon nga my dumating na sulat skin ang sinasabi ng law office
“For your serious consideration, our said client has already prepared and is ready to file the civil complaint against you and your spouse, if any, for collection of sum of money under the rule on “small Claims Cases” which rule entails only one (1) hearing and any court’s decisions shall become immediately final and non-appeallable, before the appropriate Trial Courts of makati city.. dapat po ba kong matakot kc pati mga magulang ko natatakot na.. pls.. advice po sir..salamat..ang utang ko po eh 32000 po..

Reply

hicort February 10, 2010 at 9:26 pm

Oi skolar na ba ako dito? Thanks tito boy. Ano maipapayo mo kay Farmvill. Mabigat yata ang problema nya?

Reply

xtremus February 11, 2010 at 3:13 am

hala… nahuli ako sa comment dito…hehehh busy kasi sa work…(kunyari).. ngaun ko lang nalaman iyong ganitong batas… pati brief kasama…heheh problema nga kung maunahan kang kasuhan nang estafa o BP22 bago ka mag file nang insolvency… yari ka….

Reply

Rob aka Tito Boy February 11, 2010 at 7:41 am

@Farmvill, Totoo ang sinasabi niya under ng small claims yan at mabilisan ang proseso kapag ang utang ay mababa sa 100K.

Sa mga susunod na post ay elaborate ko.

Una hindi mo puedeng gawing depensa na hindi ikaw ang nakinabang kasi sayo yung card at hindi ka naman pinilit o niloko para gamitin ng iba. Siguro niloko ka ng nangutang sayo pero sa bayaran na.

Anyway, ganito gawin mo, makiusap ka sa bangko para bigyan ka ng discount sa interest. Tapos magrequest ka rin na gawin staggered ang mode of payment para hindi mabigat.

32K pa lang utang mo at hindi malala tulad ng ibang kakilala ko. Kaya baka pwedeng i-take-out yan ng ibang credit card, try mo rin yun.

Wag mo baliwalain ang summons ng court kung na file na ang kaso, kasi baka bulagain ka na lang ng sheriff isang araw at kukunin mga gamit mo sa bahay. Malaking eskandalo yun at nakakahiya sa kapitbahay.

Kaya habang wala pang kasong sinasampa ay ayusin mo na at tawagan mo ang bangko.

Goodluck sayo, balitaan mo kami!

Reply

Rob aka Tito Boy February 11, 2010 at 7:44 am

@hicort, naglipana talaga ang problema sa credit card ngayon, isa lang si farmvill sa maraming taong nagtanong sa akin ng ganyan rin.

@xtremus, ok lang yan basta daan ka lang at maki-kuro-kuro pag may time ka. Kailangan kumayod para hindi ma-insolvent!

Reply

Farmvill February 11, 2010 at 8:33 am

ano po ang saabihin ko sa bangko? wala nman po akong gamit na pwedeng kuhain sa akin kc nakatira ko sa nanay ko..peo bat ang tito ko hinayaan nya lng daw peo nagun wala ng dumadating sa kanyang mga sulat? anu po bang 1st step na gawin ko..

Reply

Rob aka Tito Boy February 11, 2010 at 8:56 am

@Farmvill, nasa bangko yan kung magpupursigi silang isampa ang kaso. Swerte ang tita mo kung ganon, kaso habang tumatagal ay lalake ng lalake ang utang niya sa interest. Hanggang isang araw bigla ka na lang kakasuhan nila.

For peace of mind, dapat ayusin habang maaga. Balang araw ay bibili ka rin ng gamit, magkakabahay, at uutang pa sa bangko.

1st step, tawag ka sa bangko at tanungin kong magkano na utang mo at saka ka humingi ng discount at makipagbargain. start it from there.

Reply

Farmvill February 11, 2010 at 1:40 pm

tito boy tumawag na po ako kanina explain ko po mamay sa inyo ung sinabi… salamt po… comment po kayo sa sinabi nila tito boy….salamat po

Reply

Farmvill February 11, 2010 at 3:20 pm

tito boy tumawag po ko sa bangko pero pinagpapasapasahan nila ko tawag daw ako sa number na to tapos pag tawag ko bigyan nila uli ako number cguro anim na number ung binigay sakin…tpos tumawag nlng ako sa law office na nag padala ng demand letter. binigyan nila ko ng option kung kya ko daw bayaran ng 50% sabi ko ndi ko kaya tapos isa pang option mag babayad ako ng 1000 per month hanggang 6 months un tpos ikakaltas sa utang ko peo pag tapos ng 6 months ang magiging byad ko na eh!!! ung magiging bagong computation nila like for example…. yung utang ko mgiging fix na 3200 php.. kapag every month naghuhulug nako ng 1000 hanggang six month na palugit lang yun.so ang makakaltas sa 32000 php. eh 6000 php..ibabawas un sa 32000 bale magiging 26000 nlang pag tpos nun saka i divide sa 12 months ang magiging byad ko per moth na eh 2000 per month na pag tpos ng six months.. ok lng ba un sir…

Reply

Farmvill February 11, 2010 at 3:21 pm

tama ba ung ginawa ko sir???

Reply

Tito Boy February 11, 2010 at 10:05 pm

@farmvill, mukhang resonable na yun, kapag nag pirmahan na kayo hindi na tatakbo ang interest.

1-2k per month, not bad. bunuin mo na kung kaya mo at sa susunod malamang magtatanda ka na niyan kasi mapait ang iyong naging karanasan hehe…

ang importante na tapos mo at hindi ka na kakaba-kaba na parang may multo lagi sa tabi mo.

Reply

Farmvill February 11, 2010 at 11:31 pm

thanks po tito boy

Reply

rein March 3, 2010 at 5:16 pm

napatawa ko dun a..

yoko sa bading.. sa tibo na lang.. hahaha!!

Reply

Rob aka Tito Boy March 4, 2010 at 9:53 am

@rein, uy napaghahalata haha

Reply

ms hopeful April 7, 2010 at 6:02 pm

gud pm tito boy,

na approved na po ba ang Financial Rehabilitation and Insolvency Act? ano ba ang nabago?
saan kaya maka download nito?
pro creditor ba to?

congrats sa EB nyo :)
sana sa mga susunod pa na eb makakasali na ako.

Reply

Rob aka Tito Boy April 8, 2010 at 8:59 am

Meron tayong Insolvency Law (Act No. 1956 [1909] as amended by Act 3544 [1929], Act 3616 [1929] and Act 3692 [1932]), mga nilulumot na sa kalumaan.

Ang medyo bago ay ang Rules on Corporate Rehabilitation, kaso pang korporasyon ‘to. Sana makasama ka sa susunod!

Reply

concernedsisagain June 2, 2010 at 9:46 pm

Hello Tito boy, masugid nyo po akong tagahanga! malapit na po sa Noranian status :) Gusto ko po sanang tulungan ang kapatid kong magbayad ng gastusin sa isang mental rehab clinic. Nanggagalaiti na po sila na maningil – e wala po akong spat na halaga para makasunod sa terms of payment na gusto nila… pwede ko po bang i claim na indigent ang kapatid ko? D naman po ako regular na nagtratrabaho – paraket raket lang, isang simpleng maybahay kung tutuusin.

Pwede ko po bang isama to sa legal na pamamaraan para hindi naman ako takutin ng demanda ng me ari ng clinic?

Salamat po ng marami. :)

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 10:42 am

concernedsisagain,

Salamat at tingin mo sa akin ay si Nora Aunor, it’s an honor.

Anyway, walang indigent sa mga private clinic/hospital. Pag wala kang pambayad, manigas ka. Sorry pero ganun talaga sila.

Refer kita sa diskarte forum site.

Reply

concernedsisagain June 2, 2010 at 9:51 pm

Dagdag ko lang po na talgang walang wala po ang kapatid ko, since 2002 pa po walang trabaho, bahay at nakikitira lang kung kani kanino – hanggang nagkaron po ng dipresnsya sa pag iisip. Nagpalaboy laboy na rin po sya sa kalsada….
Napilitan lang po akong tulungan sya – kahit nasa Malayo po akong lugar sa probinsya nagpatulong po akong ipasok sya sa isang pribadong clinic.

Nung 2007 – mid 2009 e medyo me pera pa po ako para magbayad duon sa clinic nya, pero nagkalaon wala na rin po akong kita.

Alam naman po ng clinic owner ang sitwasyon namin, at sabi ko po wala akong trabaho at naisanla ko na lahat ng masasanla ko – wala naman po akong properties or assets na kahit ano.

Salamat po ulit.

Reply

Rob aka Tito Boy June 3, 2010 at 10:45 am

Wala na rin palang mahihita ang clinic sayo, kaya wala rin silang magagawa. Wala namang kulong yan, civil case lang.

Refer mo sa mga government rehab kapatid mo tulad sa pgh or mandaluyong.

Pero balita ko, hindi maganda treatment nila dun. Alagaan mo na lang sa bahay kapatid mo, kawawa naman. May karapatan din siyang mabuhay ng marangal at hindi sa kalye.

Good luck.

Reply

granger1220 June 3, 2010 at 6:54 am

kaw talaga hahabulin kasi mentally incapacitated yung kapatid mo, unless may spouse ang kapatid mo or may parents pa kayo,

yaan mo lang maningil la naman kulong yan, sabihin mo na eto lang kaya mo bayaran paunti-unti, pero di nila pede i-detain ang patient kahit di pa fully paid

Reply

Trudis D'Dog June 3, 2010 at 12:45 pm

Kaya nga binubungangaan ko ang mga tumatawag sa Mommy ko at pumipilit sa kanya na kumuha ng dagdag na credit card at kung ano ano pang loans.

Dyan magaling ang credit card companies, ang mang akit at mag take advantage ng pangangailangan natin sa pera.

Di naman nila pinapaliwanag ng mabuti ang terms and conditions of credit card use, at tila binobola pa ata tayo na minimum payment lang ang kelangan bayaran. Kung hindi pa binasa ng Mommy ko ang fine print noong una syang nag ka credit card, hindi nya na realize na pag minimum lang, ma cha charge ng interest pati yung mga transactions kahit hindi pa due. Grrr.

Anyways, back dun sa effects ng insolvency, paano yan Tito Boy if after 6 months matapos ako ma declare na insolvent, eh nanalo ako sa Lotto. Pwedi ba ulit ako habulin ng mga creditors ko?

Maraming salamat!

Reply

Rob aka Tito Boy June 5, 2010 at 4:45 pm

Wala na, hindi ka na mahahabol. Once declared kang insolvent, ty na lahat utang kahit magkapera ka pa later on. Pwera na lang sa subsequent utang contracted after the declaration of insolvency.

Reply

ms hopeful July 6, 2010 at 12:55 pm

may nag file ba na individual ng insolvency? is it practicable?

Reply

Trudis D'Dog June 5, 2010 at 5:46 pm

huwaaw! ang sarap siguro manalo sa lotto pagkatapos ma declare insolvent. magngingitngit siguro sa inis ang mga creditors hihihi

Reply

Coolbossa July 5, 2010 at 5:54 pm

Tito Boy,

Estafa pertains to the people who issued checks only, not to those who are in obligations to the credit card companies coz’ this is a different scenario. Right Tito Boy?

Reply

granger July 6, 2010 at 9:35 am

No. Estafa is not limited to those who issued check that were subsequently dishonored upon presentment. The essential element of estafa is deceit or fraud and does not only exist in the issuance of bounced checks for there can be deceit without the presence of bounced check.

Reply

Iami June 17, 2011 at 6:00 pm

Ows? Di nga? Kelangan kaya ng bounced check yan. Paki klaro tito boy

Reply

granger June 17, 2011 at 10:24 pm

Ha ha :)

Reply

mikey-mike February 17, 2011 at 4:29 am

wow ayos to ah. tgal ko n naririnig yan sa us. ndi ko lng alam kung paano yan nagagamit. maraming salamat tito boy dami ko nalalaman dito. isa na to sa homepage ko. frustrated akong maging lawyer eh. hehe. more power po sa inyo

Reply

Glenn D. Manguiat June 16, 2011 at 2:50 pm

Atty.

Good day po,
May dumating pong copy of Order from the court na nagfiled ng Voluntary Insolvency yung pinagkakautangan ng husband ko way back 2006.Nag filed po cya ng petition for VOLUNTARY INSOLVENCY may copy pong dumating sa lumang tirahan namin. At ang meeting po ng creditors nya ay sa June 23 ang asawa ko po ba o ako ay obigadong pumunta sa heaing na yun? Dati po kc nag iinstallment kami sa kanya thru bank deposit sa account nya nahinto po yun ng nawalan ng trabaho ang asawa ko.Tulungan nyo po ako atty.kung ano tama kong gawin. Maraming maraming salamat po at hihintayin ko po ang inyong advice. God Bless po.

Reply

Tito Boy June 16, 2011 at 8:16 pm

Kung ikaw ang may utang o debtor ng petitioner hindi ka kailangan pumunta. Kung ikaw ay pinagkakautangan o creditor, pumunta ka at mag file ng Notice of Claim.

Reply

jeng1 June 22, 2011 at 9:58 pm

Tito Boy,

Very informative yung blogs ninyo. Sa kaso ko po may mga utang po ako sa mga credit card sa Dubai at personal loans. May branch din po yung isang banko dito. May family house po ako at mga properties. May chance ba sila na mag file ng sums of money sa akin? makukuha ba nila yung family home namin?

Reply

Leave a Comment

{ 2 trackbacks }

Previous post:

Next post: