Nalaman natin na posible palang chop-chopin ang ating mga asawa kung nahuli natin silang nakikipagtalik sa iba.
May parusa nga kaso destierro o banishment lang. Ngunit mahigpit na sinusuri ng korte ang ganitong klaseng depensa dahil maari itong abusuhin.
Tignan ang mga sumusunod na kaso at husgahan base sa inyong analysis at pagkadalubhasa sa panghuhula kung pasok sila sa Art. 247 ng Revised Penal Code or death under exceptional circumstances:
Pulis: Makatao, Makabayan, Makamundo
Si Sergio at si SPO1 Flores ay magkaibigan. Noong kaarawan ng asawa ni Sergio, naisipan ni SPO1 Flores na pumunta kasama ng isang preso o “trustee-prisoner” (may ganun pala?!) para alilain at tumulong magluto ng litson.
Ayon sa salaysay ni Sergio, noong gabing iyon ay masayang nag-iinuman ang tropa ng tuba kasama ang kanyang asawa si Sinforiana (“Sin,” for short).
Nang lumalim na ang gabi ay sinabihan ni SPO1 Flores si Sergio na dun na lang sa tindahan nito sa palengke matulog at sasamahan na lang siya nung katiwala niyang preso para hindi manakawan ang nasabing tindahan.
‘Yun pala, style lang iyon ng parak dahil balak niyang gawing pulutan si Sin. Kaso parang kinutuban si Sergio at nagpasyang bumalik sa bahay magkagaling ng tindahan.
Pagdating niya sa bahay ay may narinig siyang “kasikas.” Nagmadali siyang umakyat at nagulat nang makita niyang halos hubad na si SPO1 Flores sa ibabaw ni Sin. Nilabas ni Sergio ang kanyang karit (scythe) at hinawi niyang parang damo ang leeg ni SPO1 Flores na kanyang ikinamatay.
Pagdating sa korte, ang depensa ni Sergio ay pinagsamantalahan daw nitong pulis ang kanyang asawa at ito ay nasaksihan ng kanilang anak na si Genalyn.
Ang tanong: Lusot ba si Sergio sa kasong pagpatay kay SPO1 Flores gamit ang Art. 247 ng RPC?
Ahas sa Gubat
Magtatanghali nang umuwi itong si Marciano sa kanyang bahay at nakita ang kanyang asawang si Sixta na nakikipaglandian kay Isabelo na laging nanghihingi sa kanila ng kanin at ulam (the nerve!).
Pinagsabihan ni Marciano ang dalawa na huwag na uulitin at sila’y kanyang pinatawad.
Bumalik si Marciano sa gubat para balikan ang kanyang mga kalabaw at sabay silang mag-mud spa.
Pagbalik niya kinahapunan ay hindi niya natagpuan sa bahay si Sixta. Pumunta siya sa likuran at doon ay nakita niya ito sa may talahiban kasama si Isabelo na nagbubutones na ng pantalon (hindi na natuto!).
Siyempre, nabwisit na itong si Marciano at hinabol ng taga si Isabelo, pero hindi na niya ito naabutan dahil member pala ito ng track and field varsity.
Kaya pagbalik ni Marciano sa bahay ay si Sixta ang napagbuntunan ng galit at ginawa niya itong sisig.
Tanong: Sapat ba ang depensa ni Marciano gamit ang Art. 247 ng RPC?
Wow Mali!
Sadyang mapait ang pagsasama nitong si Tereso at Felisima. Nagkaroon na nga sila ng kasunduan na magkakanya-kanya na sila ng buhay at pwede na silang makisama sa ibang partner.
Dahil dito ay naisipan ni Felisima na mangibang-bayan (sa Negros) upang makapiling ang kanyang boylet na si Delfin. Habang nasa Negros ay nakitira siya sa kanyang kaibigan na bagong kasal na sila Manuel at Loreta.
Ewan ko naman dito kay Tereso kung bakit tinubuan siya ng selos nang may nag-tip sa kanya na itong si Felisima ay may bago nang “boo” at hinanting niya ito sa Negros.
Natunton ni Tereso ang bahay kung saan nakikitira si Felisima. Pinasok ito ni Tereso at may nakita siyang lalaki at babaeng magkayakap habang nakahiga sa loob ng isang kuwarto.
Dala ng poot at selos, ay ginawa niyang firing squad ang buong kwarto kung saan ay namatay ang dalawang magkayakap.
Kaso, nang tiningnan niya ang mga bangkay, laking gulat nito nang hindi pala si Felisima at ang kanyang boylet ang kanyang napatay kundi ang mag-asawang Manuel at Loreta. Ooops!
Tanong: Alam mo na ang tatanungin ko kaya sagutin mo na lang.
Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa kaka-take ng bar exams
Si Francisco ay tubong Leyte at pumunta sa Maynila upang mag-review at kumuha ng Bar Exams, habang iniwan niya ang kanyang asawang si Jenny sa kanilang tahanan.
Habang si Francisco ay nagsusunog ng kilay, itong si Jenny naman ay naglalaro ng apoy sa piling ni Khingsley.
Pagkatapos ng Bar Exams, umuwi itong si Francisco ng mas maaga kesa sa inaasahan upang sorpresahin sana si Jenny ngunit siya ang nasorpresa.
Pagbukas niya ng pinto ng kanilang kuwarto ay nahuli niya si Jenny at Khingsley na nagtututot. Kaso may sa-hito itong si Khingsley at nakatakas dahil sadya siyang madulas.
Dali-daling pumunta si Francisco sa bahay ng kanyang kaibigan para kumuha ng M-16 at binalikan ang kanyang bahay. Malamang, hindi na niya naabutan ang dalawang lovebirds.
Naisipan ni Francisco na pumunta sa mahjongan na palaging tinatambayan ni Khingsley at andun nga ang mokong na nakuha pang mag-mahjong.
Sa galit ni Francisco ay pinaulanan niya ng bala ang mahjongan, kung saan namatay si Mr Suave at nadamay pa ang 2 sugarol na naroon.
Tanong: May lusot ba si Francisco samantalang tapos na ang jerjer stage at nag-mamahjong na itong si Khingsley nang kanya itong tinira? Ano naman ang pananagutan niya sa 2 sugarol na nadamay?
Ang itlog ko!
Si Aurelio ay isang laborer samantalang ang kanyang asawa na si Marianita ay namamasukan bilang katulong. Si Marianita ay “stay-in” sa kanyang amo kaya’t hindi sila magkasama sa bahay. Ang hindi alam ni Aurelio ay lumipat na ng ibang amo ang kanyang asawa nang wala naming pasabi.
Hindi magkaugaga si Aurelio sa paghahanap sa kanyang asawa hanggang nakakuha siya ng tip na itong si Marianita ay mayroon palang kalaguyo.
Natunton ni Aurelio kung saan tumutuloy si Marianita kasama ng kanyang kabit na si Lito, at nung pinasok niya ang bahay ay nakita niyang magkapatong ang dalawa.
Siyempre, naghurumentado itong si Aurelio at siniguradong hindi na makakaperwisyo si Lito kaya tinira niya ito sa bayag ng kutsilyo (ouch!). Napatay ni Aurelio si Lito at ang kanyang asawa.
Ayon sa imbestigasyon ay nakapantalon pa si Lito ngunit wala itong pantaas.
Tanong: Lusot ba itong si Aurelio sa kasong pagpatay? Naging malasado ba ang itlog ni Lito?
Sagutin nang maigi ang mga tanong.
Ang mag-google ay mababaog. Good luck!
———
“Jealousy is a tiger that tears not only its prey but also its own raging heart” – Anonymous


{ 29 comments… read them below or add one }
wow, long quiz talaga, installment lang muna sagot ko, yung no. 1 lang – ang Pulis na makamundo.
lusot si Sergio, kasi pasok ang 3 elemnto ng Art. 247.
1. nahuli ni Sergio si SPO4 na nasa ibabaw ni Sin sa aktong pakikipagtalik
2. Pinatay ni Sergio si SPO4 immediately thereafter
3. hindi kinunsinte ni Sergio na makipagjerjer si Sin.
#1. kailangan ata ipa medico legal si pulis kung totoong nagtalik sila ni sin. (makita ba doon? – or si sin ang kailangan icheck?)
if napatunayan na nagtalik sila, then destierro si sergio.
e what if naman hindi nga sila nagtalik, but rape naman ang kaso? puwedeng puwede na patayin ni sergio si pulis kahit hindi natuloy ang pagtatalik?
#2. hindi puwede sa art 247. kailangan kasi immediately after niya nakita ang pangyayari niya pinatay si sixta. dapat nakapagisip isip na siya by the time na nabalikan ni marci si sixta.
teka lang ha. nakaka 3 stories na kayo tito boy na wife ang kumakaliwa ha. hmmmmmm
#3. si tereso ang next sa firing squad!
Prelim na ba to Sir Atty. ? hehehe!
Ay parang panaginip ko dati. Required daw na after five years, mag bar exams ulit ang mga abogado. Kumuha ako, tapos sablay!
Yikes. Kaya kamo na muna mga classmates. hihihi
#4. next on the firing squad si frankie. same as with my comment on marci, dpat immediately after niya pinatay ang lovebirds. doon naman sa mga nagmamajungan lang na napatay din ni frankie, murder ang kaso. haha nagmamagaling lang.
#5. haay, babae nanaman! naman naman!
hindi puwedeng gamitin ni aurelio ang art 247 kasi hindi naman pala niya nahuli sa akto ang asawa niya at si lito.
magpakabaliwbaliwan na lang siya baka makalusot using insanity as excuse
Pulis: Makatao, Makabayan, Makamundo
Yes Sergio can invoke Art. 247 of the RPC. The act of committing sexual intercourse should not be limited to the actual penetration or the intercourse itself. To limit the same to the actual insertion of the penis to the vagina is of no moment and shall render the provision nugatory. The intent is to countenance immorality and preserve sanctity of the marriage of which fidelity is indispensable.
In the instant case, SPO1 Flores is already performing the act of sex when he was found almost totally naked on top of the wife of Sergio. For Sergio to wait for the actual moment of penetration to justify the killing that it was committed in the act of sexual intercourse promotes absurdity.
Alternative answer: Since the alleged defense is that SPO1 is raping Sergio’s wife witnessed by their child, then there is no consent on the part of the wife in the sexual act, as such Art. 247 cannot be invoked by Sergio. Defense of a relative may be invoked by Sergio but the force use to repel such aggression was excessive resulting to the death of SPO1 Flores making Sergio criminally liable for homicide.
Ahas sa Gubat
No. Marciano is criminally liable for parricide. Art. 247 cannot be invoked for he did not catch them in the act of committing sexual intercourse.
Wow Mali!
No. Art 247 cannot be invoked for he killed a person not his legal spouse. Tereso is criminally liable for double homicide.
Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa kaka-take ng bar exams
Lusot yan. Kakabar lang eh.
No. Francisco cannot invoke Art 247 of the RPC. The law cannot be any clearer that to invoke the same the legal spouse should catch the other spouse in the act of committing sexual intercourse with another person and immediately thereafter.
In the case at bar, Francisco, upon witnessing the sexual act, instead of furiously assaulting the infidels right there and then as a man would normally do under the same set of circumstances, proceeded to the house of his friend to secure an armalite rifle. Any husband placed in that circumstance, without regard to his safety, will immediately attack the other man to reclaim his territory and preserve his manhood and reputation.
This we find absent in the present case, the fact that Francisco obtained an M16 Assault Rifle leads us to believe that exacting revenge with impunity is what Francisco has in mind. He chose the means which will ensure success of his plan to kill Khingsley and implore the means that will weaken the victim’s defense with consideration to his safety that the victim could not retaliate or inflict harm against Francisco in the process.
In view of the foregoing, Francisco cannot invoke Art 247 of the RPC and at the same time is criminally liable for multiple-murder considering that there are 2 more innocent persons that were killed in the process.
Ang itlog ko!
Yes. Art 247 may be invoked as a defense. The act of committing sexual intercourse should not be limited to the actual penetration or the intercourse itself. To limit the same to the actual insertion of the penis to the vagina is of no moment and shall render the provision nugatory. The intent is to countenance immorality and preserve sanctity of the marriage of which fidelity is indispensable.
Hula ko lang yan.
Sana may tumama pero kahit wala ok lang at least may bagong natutunan pampaimpress sa crush sa criminal law.
Hmmm, sa tingin ko for Article 247 to apply, kelangan may actual penetration, di pwedi yung foreplay lang dahil di rin naman basta basta ang karapatan na kumitil ng buhay dahil lang niyurakan ang iyong dangal. Mas mahalaga pa rin naman siguro ang buhay ng isang tao over marriage kasi yun ay bigay ng Diyos, while marriage is only a social construct ( napaka barbaric kasi ng Article 247).
Sa tingin ko din, magagamit ni Francisco ang Article 247 . Immaterial kung ilang oras pa ang lumipas bago nangyari ang pagpatay, ang importante nahuli nya sa akto ng sexual intercourse si Jenny at kalaguyo nito, at dapat walang gap in time, from discovery to actual killing.
katulad ng tamad na estudyante,hihintayin ko na lang yung sagot mo tito boy.
natatawa pa rin kasi ako sa paraan mo ng pagku kwento.totoong mga kwento ng krimen lahat pero pag ikaw na ang nag kwento,ini-ihit ako ng tawa.
very nice.
mabuhay ka,atty!
Ayoko sumagot…baka mabatukan ako pag namali ako hehe
okay lang yan manay, hindi naman tungkol sa ngipin e.
iami, hindi ako pwedeng magkamali kasi ako nagtype! harharhar!
pwede bang palitan ko sagot ko sa kay SErgio at SPO1 Flores. yung element no. 3 di pwede kasi parang finalicitate ni Sergio ang pag jerjer nila ni Spo1 at Sin, kasi pumayag sya na sa tindahan matulog.
sagot ko sa ahas sa gubat
pasok ang depensa ni Marciano , lahat ng elemento ng Art 247 meron -
1. Naabutan ni Marciano si Sixta at Isabela sa talahiban at nagbutones na ng pantalon si Isabelo, ano ang gagawin ng dalawa sa talahiban , di na ma deny na nag jerjer sila, dati na liang naglandian at pinagbawalan ni Marciano .
2. immmediately thereafter pa rin yun kasi naghabolan pa si Marciano at Isabelo, di pa naghupa ang tinding galit ni Marciano.
3. Di kinunsinte ni Marciano ang landian ni Isabelo at Sixta.
yan na nga ba ang sinasabi ko, mag aasawa na lang man din, mangangaliwa pa
Ang hirap sagutan! pero dapat malaman ko ang mga sagot jan. Napansin ko lang parang laging yung babae ang may kalaguyo?
answer ko sa wow mali -
di sakop ng Art. 247, di nya asawa ang nakita nya na magkayakap. criminally liable si Tereso.
susubukan kong sagutin ang mga kasong binigay mo tito boy kahit na puro kababaihan ang nangangaliwa. hehe!
pulis…
para sa akin, hindi maaring gamiting depensa ni Sergio ang art 247 sapagkat kung iaayon ko ang aking sagot sa salaysay niya sa korte na pinagsamantalahan si sin ng pulis, wala ang mga elemento ng art 247. aba, dapat may consent si sin sa jerjer!
Ahas sa gubat
Hindi rin pasok sa art 247 ang ginawang pagtodas ni marciano sa kanyang asawa. wala tayong magagawa dyan, malinaw ang batas dapat caught in the act. tagal kc ni marciano magmud spa kasama ang kalabaw nya, ayan.. d nya tuloy nahuli sa akto!
wow mali!
syempre d rin to pasok sa art 247. una, may usapan na si tereso at ang kanyang asawa na pwd na silang makipagpartner sa iba. kaya’t hindi siya nararapat amkinabang sa art 247. pangalawa, ibang mga tao ang tinodas nya. malabo ata mata ni tereso, dapat sa kanya magpasukat ng salamin or magcontact lense.
magbiro ka na sa lasing..
wala ring lusot c francisco sa pagpatay kay khingsley. kahit na nahuli nya sa akto ang mga dyaske, ang pagpatay ay dapat while in d act or immediately thereafter. kung saan saan na napadpad c francisco, nahimasmasan na iyan, kaya’t d na cya entitled sa benefit ng batas. Sa mga dinamay nyang paulanan ng bala, syempre criminally liable rin siya. aba multiple homicide na yan. hirap namang magbar o, sa ginawa nya d na siya magiging abogado. tsk!
ang itlog ko.
d rin pasok sa art 247 c aurelio kc nakapantalon pa c lito, malamang wala pang nangyayari. dapat sa akto ang paghuli. ung itlog ni lito, natapyas, malamang pinagpistahan na nila bantay at muning.
makatulog na nga at malamang mapanaginipan ko cna bantay at muning. =)
Yung pulis pasok sa art.247 at saka ang Itlog ko.
The rest lusot na sa art. 247.
Pulis: Makatao, Makabayan, Makamundo
oo lusot siya. ayon sa ating batas ito ay isang justifying circumstance which absovles criminal liability (defense of relative).
nakita ni sergio na pinagsasamantalahan ang kanyang asawa ni spo1 flores at ipinagtangol niya ito by using the necessary means to repel the criminal act being committed against his wife. there is no excessive force in the instant case since isang hawi lang ang ginawa ni sergio. this defys the assumption that he deliberately secured the death of spo1 flores. thus, sergio is not criminally liable because he was in defense of his wife.
Ahas sa Gubat:
same answer with sir granger.
Wow Mali!
tereso is criminally liable for the killing of manuel and loreta. the facts in this case does not in any way qualify for justifying (defense) or exempting circumstances(article 247 rpc).Hence, tereso is liable for two counts of homicide.
Ang itlog ko!
lusot si aurelio. pasok ang lahat ang mga elements na inilahad ng batas for exempting circumstances under article 247 of rpc: legally married, caught in coitus or immediately thereafter. si aurelio ay legal na kasal kay marianita. siya ay na sopresa sa kanyang di inaaasahang nakitang pakikipagtalik ni marianita kay lito. hence siya ay dapat patawan lang ng parusang distierro
Ang itlog ko!
lusot si aurelio. pasok ang lahat ang mga elements na inilahad ng batas for exempting circumstances under article 247 of rpc: legally married, caught in coitus or immediately thereafter. si aurelio ay legal na kasal kay marianita. siya ay na sopresa sa kanyang di inaaasahang nakitang pakikipagtalik ni marianita kay lito. hence siya ay dapat patawan lang ng parusang distierro.
Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa kaka-take ng bar exams
di ko sasagutin kasi nabasa ko na sagot ni tito boy dito. di ako mag chicheat. sabi nga nila honesty is the best policy he he uso pa ba yun?
Pulis: Makatao, Makabayan, Makamundo
Sa tingin ko ito lng ang mkakalusot gamit ang Art. 247 ng PRC kasi kumpleto ang mga elements nito;1. The offender is any legally married person;
2. The offender surprises his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person;
3. The offender kills or seriously injures any or both of them;
4. The offender kills or seriously injures during the act of sexual intercourse or immediately thereafter.
Malinaw kasi na Nakapatong si SPO1 na hubot hubad. sa ibang sitwasyon although nhuli nakapatong hindi nman nabanggit na hubot hubad tulad nung sa ang “itlog ko”.
thanks very nice pero nauna ko na basahin yung sagot.
{ 1 trackback }