Matapos ang labing limang (15) taong pagsasama, nagpagkasunduan nang mag-asawang Manolito at Tita na magkanya-kanya ng landas.
Si Tita ay umupa sa ikalawang palapag ng bahay nina Edgardo, samantalang naiwan naman sa kustodiya ni Manolito ang kanilang dalawang anak.
Noong hating gabi ng ika-4 ng Setyembre taong 1995, habang nanunuod ng telebisyon ang pamilya ni Edgardo, ay may narinig silang kalabog sa itaas ng kanilang bahay kung saan umuupa si Tita.
Nang matapos ang komosyon na tumagal ng ilang minuto, pumunta si Edgardo sa taas ng kanilang bahay upang tignan kung ano ang nangyari.
Doon tumambad kay Edgardo ang duguang katawan ni Tita na nakasuot ng duster at naliligo sa sariling dugo. Nakita rin ni Edgardo sa aktong pinagsasaksak ni Manolito si Jesus habang nakapatong sa ibabaw ng tiyan nito. Si Jesus ang kalaguyo ni Tita.
Nang tinanong ni Edgardo ano kanyang ginagawa, sumagot si Manolito nang,
“’Wag kang makialam! Duh!”
Kaya natameme si Edgardo at lumabas na lang ng bahay para tumawag ng pulis.
(Na sa tingin ko ay magandang ideya kesa istorbohin niya ang isang taong nanlilisik ang mata habang pumapatay.)
Nang dumating ang mga pulis ay wala na si Manolito (na hindi na naisipan magpaiwan para mag kape) at nadatnan na lang ang walang buhay na katawan ni Jesus na puno ng saksak na nakasuot ng t-shirt at pantalon. Si Tita naman ay sinugod sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.
Noong una ay inisip ni Manolito na tumakas, ngunit dahil sa pakiusap ng kanyang mga kamag-anak ay sumuko rin ito sa awtoridad.
BACKGROUND OF THE CASE
Ayon sa salaysay ni Manolito, nang humiwalay si Tita sa kanilang tahanan ay pinipilit niya itong bumalik sa kanyang piling, ngunit ayaw naman ni Tita.
Sa katotohanan, wika ni Manolito, si Tita daw ay sadyang malantud at kinukuwento at pinagmamayabang pa nito ang kanyang mga romantic involvements sa ibang lalaki.
Isang beses ay nahuli pa nito si Tita at Jesus na naglalampungan sa may tulay sa kanilang bayan. Pinagsabihan at kinompronta ni Manolito si Jesus at Tita at pinaalala niya na siya pa rin ang kanyang asawa ngunit pinagkibit balikat lang ito ng dalawa at pinagtangkaan pa si Manolito na papatayin kapag namagitan ulit.
Noong ika-4 ng Septyembre taong 1995, nakatanggap ng sulat si Manolito mula sa paaralan ng kanyang anak na si Julius. Ayon sa sulat, bumagsak si Julius ng dalawang subject at pinapatawag ang kanyang mga magulang.
Dahil sa hindi makakapunta si Manolito, naisipan nitong pumunta sa bahay na inuupahan ni Tita upang kausapin at pakiusapang pumunta sa paaralan ni Julius. At noong gabi ng ika-5 ng Septyembre ng gabi ay pumunta nga si Manolito sa bahay ni Tita at nangyari ang hindi dapat nangyari.
(Kung nauso lang ang text noong panahon na yun, di sanay buhay pa ang love birds na sina Jesus at Tita, kaya kasalanan ng Globe, Smart at Sun ‘to, sa totoo lang.)
THE INCIDENT
Ayon sa testimony ni Manolito, noong nakarating siya sa bahay ni Tita ay nakarinig siya ng “sounds of romance” na nanggagaling sa loob. Binuksan niya ang pinto sa pamamagitan ng kanyang dalang hunting knife at pumasok siya sa loob ng bahay.
Doon ay nakita niyang nakababa ang pantalon si Jesus at nakapatong kay Tita.
Daliang nagsuot ng pantalon si Jesus at sinipa sa mukha si Manolito.
“Ouch, my face!” sabi ni Manolito.
Gumanti si Manolito at daliang sinaksak si Jesus at bumagsak ang huli sa sahig. Sinamantala ni Manolito ang pagkakataon at inundayan pa ng saksak si Jesus habang nakahiga sa sahig.
Habang nagpapambuno ang dalawa ay umalis si Tita at nang bumalik ay may dala-dalang bote ng Tanduay at pinalo sa ulo si Manolito, at nakuha pa ng bruha na mag-cheer kay Jesus.
“Kill him Jake, kill him!” sabi ng ginang.
Kaya nagalit si Manolito at sinaksak rin si Tita sa may dibdib ng ilang beses at bumagsak ito sa tabi ng kanyang walang buhay na kalaguyo at sabay paalam,
“I love you Jake, ‘til death so us part, uh oh.” (Ayos ba? Pwede na ba akong gumawa ng nobela? =>)
At doon sila naabutan ni Edgardo na tumawag ng saklolo sa pulis.
EXCEPTIONAL CIRCUMSTANCES
Pagdating sa paglilitis inamin ni Manolito na pinatay niya ang dalawa (obvious ba?) ngunit ginamit niya ang Article 247 ng Revised Penal Code o ang “Death or physical injuries inflicted under exceptional circumstances.”
Ayon sa nasabing batas, kahit sinong tao na nahuli ang kanyang kabiyak sa aktong nakikipagtalik sa ibang tao at napatay o nasaktan niya ang kahit sino sa dalawa(serious physical injury), immediately thereafter ay paparusahan lamang ng destierro.
Kung hindi naman malala ang tama ng sino sa dalawa (other physical injuries) ay abswelto o exempt from punishment ang nakahuling asawa.
ELEMENTS
Ang taong nakapatay o nakasakit ang magpapatunay na pasok sa Art. 247 ng RPC ang kanyang kaso dahil kung hindi ay kalaboso siya.
May tatlong elemento ang nasabing batas:
1) Nahuli ng asawa ang kanyang kabiyak sa akto na nakikipagtalik sa iba.
Dapat legal na mag-asawa hindi common law wife o live-in partner lang. At dapat sa aktong nakikipagtalik hindi nagme-“make-out” lang, mahirap na baka kasi dumanak ang dugo sa Luneta at walang mananagot.
2) Pinatay o sinaktan ng nakahuling asawa matapos ang pagtatalik o immediately thereafter. Dapat pagkatapos mismo ng pakikipagtalik at hindi kinabukasan.
3) At hindi kinunsinte o binugaw ng asawa ang kanyang kabiyak na makipag-jerjer sa iba.
Mahigpit ang batas. Dapat lahat ng elemento sa taas ay kumpleto. Maari kasi itong abusuhin ng mga selosong asawa.
CONVICTED
Napatunayan ng mababang hukuman na GUILTY si Manolito sa Homicide dahil sa pagpatay kay Jesus at Parricide sa pagpatay kay Tita. Hinatulan ng RTC si Manolito na makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at hinatulan naman siya ng Reclusion Perpetua sa pagpatay sa kanyang asawa.
Umapela si Manolito sa Korte Suprema kaya eto ngayon ay binablog ko ang kasong ito.
Sabi ng Solicitor General dapat daw ay makulong si Manolito dahil naka-pantalon naman si Jesus noong nakita ang kanyang bangkay. Dahil diyan, hindi nahuli ni Manolito si Tita at Jesus na nagtatalik.
Ayon naman sa panig ni Manolito, makikita sa litrato ng SOCO na hindi nakabutones at bukas ang zipper ng pantalon ni Jesus at makikita ring hindi ito nakasuot ng salong-ari (underwear).
Ito daw ang magpapatunay na nagtatalik si Jesus at Tita noong nahuli sila ni Manolito (o ‘di kaya ay talagang mainit lang kaya naisipan ni Jesus na huwag mag-brief o ‘di kaya basa pa ang lahat ng kanyang brief at nasa sampayan pa, mamili ka na lang.)
SA KORTE SUPREMA
Pinanigan ng Korte Suprema si Manolito.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, talagang minalas lang at nadatnan ni Manolito si Tita at Jesus na naglalampungan. Dahil sa galit at selos, nagdilim ang paningin ni Manolito at sinaksak si Jesus na sinipa naman siya sa mukha.
Pinatay naman ni Manolito si Tita hindi dahil sa pagtatanggol sa kanyang sarili kung ‘di dahil sa galit na pumanig pa ito kay Jesus imbes sa kanyang asawa.
Dahil pasok sa Art. 247 ng RPC ang kaso ni Manolito ay binaliktad ng Korte Suprema ang hatol ng RTC at sa halip ay pinatawan lang ng Destierro ng dalawang taon at anim na buwan.
Ibig sabihin hindi siya pwedeng pumunta sa Bayan ng Iligan kung saan nangyari ang insidente o sa loob ng 100 kilometro ng nasabing lungsod. Yun lang ang parusa niya at laya na siya.
MISCONCEPTION
Gusto ko lang linawin ang paksang ito.
Kung susuriin mabuti ay krimen pa rin ang pagpatay ng asawa in “exceptional circumstances.” Ilang beses ko kasing naririnig sa TV o radyo na exempted o wala daw pananagutan ang asawang nakapatay.
Hindi totoo yun.
Una, nakalagay sa Crime Against Person ng RPC ang artikulong ito kasama ng krimeng parricide, murder at homicide.
Kung ninais ng batas na hindi gawing krimen ito, dapat ay nilagay siya sa Art. 11 o Art. 12 ng RPC o sa Justifying o Exempting Circumstances kahilera ng probisyon sa self-defense, defense of relatives, defense of strangers, etc.
Pangalawa, may parusang nakalaan dito. Samantalang sa justifying at exempting circumstances wala.
Yun nga lang, destierro lang ang parusa. Destierro ibig sabihin ay banishment. Hindi pwedeng pumunta sa isang lugar ag akusado sa loob ng mahabang panahon.
Pinaliwanag ng Korte Suprema na ang parusang ito ay nilaan para sa proteksiyon ng akusado upang hindi siya gantihan ng kamag-anak ng napatay niya. Medyo primitobo ang batas kaya ganyan ang dahilan.
Unawain natin na kopong-kopong pa ang batas na ito. At alam mo naman dati, kapag tinorotot ang lalaki ay napakalaking sala sa lipunan, kaya hinahayaan na lang na mapatay niya ang kanyang asawa at kalaguyo.
Inaantok na ako. Sa susunod na post na ang limang kaso patungkol dito na aking itatalakay in a form of a question and answer =)
To be continued…
————–
“No adultery is bloodless.” - Natalia Ginzburg
Sources: People vs. Manolito Mendoza, G.R. Nos. 130634-35. March 12, 2001; People vs. Sergio Amamampang, G.R. No. 108491. July 2, 1998; People vs. Marciano Gonzales, G.R. No. 46310, October 31, 1939, People vs. Tereso Dumon, G.R. No. L-47315, April 25, 1941; People vs. Francisco Abarca, G.R. No. 74433, September 14, 1987; People vs. Aurelio Cabalhin, G.R. No. L-100204 March 28, 1994.


{ 35 comments… read them below or add one }
Mahusay Tito boy ang post na ito, kung merun sa inyo nakapanuod ng Torotot ni Maui Taylor at Baron Geisler eh ma uunawaan ng husto ang essence ng Batas na ito.
Sana mabasa ito ng mga baliw na babae na ipinagmamalaki pa ang kanilang mga kabit or yung mga asawa ng mga OFW at seaman na may kalaguyo at mismong sa sariling bakod pa nila nag chuchurva..Kasi pag nahuli sila ng mga biglaang dumating na asawa sa abroad eh siguradong lintik lang walang ganti sa kanila!! hehehe.. Destierro !!
kung ganun pala di ako pedeng manapak kung mahuli kong my ibang lalaki ang girlfriend ko?
Lugeh! Sana my batas na naglelegalize para mambunyat ng mga sulutero.. hehehe! ^_^
Hmmm, dapat pala hinahawi nalang ang underwear ahihihi.
Pero seriously, Tito Boy, if the law defines sexual intercourse as the act of penetrating the vagina with a penis, eh di hindi pala applicable ang Article 247 kung nahuli si misis in bed with a gurl or si mister with his boylet. Syempre lalabas lang that they’re just making out, right?
maybe, the supreme court was looking at the act, considering the circumstances tulad ng unzip ang pants ni jess at they were in bed when manolito caught them.
Mahirap nang mangyari ngayon to dahil sa technology hehe. Pero posible pa rin.
Naalala ko tuloy yung pelikulang The Unfaithful kung saan pinagtoast nung Mr yung pigurin (na niregalo nya sa Misis nya na niregalo naman ng misis nya sa syota nya… ang gulo!) at ulo ng syota ng asawa nya. Kaya yun, KO! Nagdilim lang din ang paningin nya pero di huli sa akto kaya eskapo ang solution hehe.
tito boy,,idol na idol ko po kayo,,kasi po may amain din ako na abugado at naging hukom,,kaso wala syang blog na ganito haha,,tito boy,,hinihingi ko po ang permiso nyo na kung maari ay pahintulutan nyo kong kopyahin ko ang mga artikulo ninyo at ipaskil ko sa aking blog,,maraming salamat po.
Bing, gawin mo ang gusto mo. Gusto ko happy ka!
-Manong Johnny
e may kaso ba dito tito boy pag more than 1 year na hindi nagsasama ang magasawa? di ba pag more than a certain period of time na iniwan na ng 1 person ang partner niya, puwede na silang ituring na annulled? or kailangan mag pa annul muna sila?
Art 55 of the Family Code provides that abandonment without just cause for a period of more than one year is a ground for legal separation.
It is not a ground for annulment.
okay, fine!
Haha. Granger kasi walang lambing, galit tuloy si Iami.
he he he, dapat pala may smiley
uu nga. mukang galit c iami.. my exclamation point.. hahaha!
dapat lang talaga na panigan si manolito , ang landi kasi ni tita at ang kapal ng mukha ni Jess. nagawa lang naman ni manolito sa tinding galit kaya naging exceptional circumstance.
kawawa naman si Manolito.. nagkamali lang sya ng taong pinakasalan.. dapat pala mala-minority report din yung life minsan..
pede na ulit mag asawa c manolito he he he
Err…kung yung pants ni Jess e nakataas pa pero unzipped at nag jerjer sila ni Tita, diba delikado yun sa lalaki? (zip zip zip…)
Just wondering aloud…nuninooo….
pag sinabi bang jerjer, yun na yun? di na kasi ako updated sa mga ganoong salita.
oo nga anu ba yun?
nakigamit lang ako ng term kay TB. ;P
Jerjer bisaya term for sex.
di malaswa sa tenga if jerjer parang jejemon hehehe
eh yung churva? ganun din yun di ba?
jerjer – educational word sex….. cguro naman wala namang minor dito…. halimbawa pagdating mo doon sa lugar tapos na silang magjerjer magkaakap na lang pero nakahiga pa rin…. kawawang manolito walang ebedensya…
buti na lang laking tulong ni zipper. Magpasalamat sya kay Mr. Zipp. Musta po lahat……
Place: Opis ( Lunch break )
Qatar Time: 12:20pm
..bakit napupnta sa Qatar ang isang abogado?
…di ba pang Pinas lang ang trabahong ito?
magkaakap pede pa rin yan, di hubuan mo pagkapatay mo sa lalake
aba, may rason na ako
para pumatay
lolz
ah,banishment.hindi ko rin siguro na gugustuhin pa na bumalik sa lugar na magpapa-alala lang ng madilim na yugto ng buhay ko kung sakali.
katulad ng dati,nakakatuwa ang pagkakasalaysay ng istorya at halimbawa ng application ng nasabing batas.
tagal kong napa absent.buti na lang di ako masyadong napag iwanan.
magandang araw sa lahat!
Bagong salta lang po ako sa blog na ito at mukhang magiging suki nyo na ako, ehehe. ito ang first article n nabasa ko dito. ang aking masasabi tungkol sa kaso ni Manolito, hindi na sana naging ganyan ang sitwasyon nya kung hindi lang siya naging usyusero sa hiniwalayan niyang asawa. kung hindi siguro siya, tumingin pa sa kwarto. unang-una nakarinig na siya ng “sounds of romance”, hint na yun na may milagrong ginagawa ang dati nyang asawa, sana hindi na lang tinuloy pumasok ng bahay at pinagpaliban na lang ang pagpunta doon.
asawa nya pa rin yun sa mata ng batas
naikwento na to sa min ng teacher namin sa law (di ko na maalala yung subject pero parang general lang kasi engineering kami nun). may isang kaso na pinatay nya yung asawa at kalaguyo nya after a few days after mahuli nyang nagjejerjeran sila. ayun pinanigan pa rin ng korte yung person kasi daw continuous yung pangyayari. meaning di nagkaroon ng time yun lalaki na magisip-isip kung tama yung gagawin nya o hindi.
Present ulit Tito Boy, galing lang ng bakasyon.
Basta lagi ko lang tatandaan na dapat nakabukas ang zipper o kaya ‘di nakabutones ang pantalon ni PARE para destierro lang.
Dapat meron din sa magjowa na batas na ganito hehe.
E kung isang OFW na 10 taon na hindi umuuwi at noong unang 5 taon lang may komunikasyon sa kaniyang kabiyak, ay may grounds for separation ba ito?
Kung sa akin din nangyari iyon, ‘di na ako babalik sa sinumpang lugar na iyon. Dapat pala may compilation dito ng batas tungkol sa Jerjer hehe.
magaling. ayos na ayos sa pagbabalik. tagal ko ring absent.
hi! i just saw this while googleing. very informative and madaling intindihin. nice job po! keep it up!
ang ganda po!
marami po ako natutunan atty.!!!
God bless po!
{ 1 trackback }