MANDAMIENTO DE ARRESTO

by Rob aka Tito Boy on January 10, 2010

NAKATAYO KA SA MAY QUIAPO habang naghihintay ng sasakyan papuntang Fairview ng biglang may lumapit sa ‘yong naka-unipormeng pulis at iniimbitahan ka na sumama sa presinto. Pero ang imbitasyon ay parang sapilitan.

Whether you like it or not, kailangan mong sumama”, sabi ng Pulis.

Para sa iyo, wala ka namang ginawang masama. Inisip mong mabuti ano ang kasalanan mo, pero wala kang matandaan (naisip mo lang ay yung nag 1-2-3 ka sa dyip noong nakarang araw dahil wala kang pamasahe, pero bukod dun wala na). Noong tinanong mo kung may warrant of arrest siya laban sa ‘yo ay wala siyang mapakita.

Ano gagawin mo? Sasama ka ba?

KAILAN MO BA MASASABI NA IKAW AY INAARESTO?

Ang pag-aresto ay ang pagkuha sa isang tao ng mga otoridad at ilagay sa kustodiya nila para panagutin sa mga krimeng kanyang maaring nagawa. Take note ninyo ng salitang “maari nagawa”, ibig sabihin, hindi pa napapatunayan ng husgado na may nagawa ka nga. Pero ikaw ay nilalagay sa kustodiya (under custody) ng batas dahil baka tumakbo ka raw at takasan ang iyong pananagutan.

Kung gusto mo pansamatalang lumaya habang nililitis ang kaso mo, ay pwede kang mag-apply ng bail o piyansa. Dahil kung tutuusin ay inosente ka pa rin hanggat ‘di pa napapatunayan na ikaw ay may sala (innocent until proven guilty).

At bawat isa sa atin, mayaman o mahirap, ay hindi pwedeng arestuhin ng basta-basta ng walang warrant of arrest. ‘Yan ay gina-garantiyahan mismo ng Saligang Batas (Constitution). At eto rin ang unang-unang hahanapin mo kapag pinipilit kang damputin ng mga otoridad ng walang dahilan. Kung hindi nadala ang mismong warrant of arrest ay dapat ipakita sa ‘yo matapos kang arestuhin as soon as practicable.

TANGING HUKOM

Ang warrant of arrest ay dapat nakasulat at pirmado ng hukom…at hukom lang. Hindi nagpapalabas ng warrant of arrest ang pulis, piskal, abogado, baranggay chairman, boy scout, cub scout at sino pang Ponsyo Pilato diyan. Kapag may pinakita sa iyong warrant of arrest at pirmado ng isang “major” o “kernel” kuno, ay sirain mo sa harap nila at ibato mo pabalik. Pero kung may dala silang baril, e ngumiti ka na lang at tumawag ng abugado :)    

PROSESO

Bukod sa hukom lang ang nagpapalabas ng warrant of arrest, ay hindi ito basta-basta ini-issue. Mandamiento ng ating Saligang Batas na dapat may probabale cause na personal mismong inalam ng hukom, matapos niyang usisain ang nagrereklamo o testigo na nanumpa ayon sa batas (determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses).

At bago umabot sa lamesa ng hukom ang kaso mo ay dadaan muna yan sa Public Prosecutor’s Office o kilala sa tawag na fiscal. Tama, dapat kahit papaano ay nakatanggap ka muna ng subpoena sa fiscal bago isampa sa hukuman at magpalabas ng warrant of arrest ang hukom.

Kaya kung wala kang naa-alalang kaso sa fiscal at may warrant of arrest ka daw, mag-taka ka na, baka hulidap yan at peperahan ka lang.

PROBABLE CAUSE

Eto ang pinaka-importanteng dahilan para mag-issue ng warrant of arrest ang hukom. Kung walang probable cause ay walang warant of arrest at maaring ma-dismiss na ng lubusan ang kaso mo.

Masasabing may probable cause, kung batay sa pangyayari, maniniwala ang isang resonable at maingat na tao na maaring nagawa mo nga ang krimen (lead a reasonably discreet and prudent man to believe that the crime was commited by the person to be arrested).

Ibig sabihin lang nun, common sense. Oo, sintido kumon lang, hindi mo na kailangang maging hukom. Kung pagtatagpi-tagpiin ang mga nangyari, maniniwala ka na maaring nagawa nga niya ang krimen.

Tulad ng kaso ng mga Ampatuan, bilang isang taong resonable at matino, base sa mga lumalabas na pangyayari, maniniwala ka na talagang pinagpapapatay niya ang mga taong yaon. Yan ang probable cause.

Pero hindi ibig sabihin na kung may probable cause ay guilty ka na agad. Syempre, magkakaroon pa ng paglilitis at mas lalalim ang kwento at maaring lumabas ang mga katotohanan. Nasa preliminary stage pa lang kasi ng pag-determine ng probable cause kaya marami pang pwede mangyari sa paglilitis at hindi malayong ma-acquit ang akusado kinalaunan.

WARRANTLESS ARREST

Meron ding mga kasong hindi na kailangan ng warrant of arrest. At sa mga kasong ito, ang pribadong taong tulad mo ay pwedeng makisaw-saw at makihuli na rin. Tinatawag natin yang citizen’s arrest.

(1)    Kung ang taong aarestuhin ay naka-gawa o may ginagawa nang krimen sa harap mo (has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense).

Syempre, kung may ginagawa nang kabulastugan sa harap mo yung tao, pupunta ka pa ba sa fiscal para magsampa ng kaso?

Nais ko pong linawin na kung nagpa-plano pa lang ang isang tao gumawa ng krimen ay hindi siya paparusahan ng batas (conspiracy to commit crime is not punishable). Pwera na lang kung pinag-iisipan nila ay ang mga krimeng treason, rebellion, insurrection, coup d’etat (kudeta), sedition o arson.

Kasi nasa utak niya pa lang yun at hindi pa ginagawa ang elemento ng krimen. Kaya kahit mukhang holdaper ang katabi mo sa dyip ay hindi mo pa siya pwedeng arestuhin, hanggat hindi siya nagdedeklara ng holdap o bumubunut ng patalim o baril at itinutok sa iyo o ibang pasahero. Malay mo talagang ganun lang ang mukha niya kasi ayaw maligo at hindi naman pala holdaper.

(2)    Kung may nangyaring krimen at base sa pangyayari ay may probable cause ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.

Ang pinagkaiba dito sa nauna ay hindi mo personal na nakita ang krimen o hindi nangyari sa harap mo. Pero base sa pangyayari ay naniniwala ka na ang taong aarestuhin mo ay ang gumawa ng krimen.

Halimbawa, may nakita kang bruskong lalake na tumatakbo papalapit sa ‘yo at may hawak na pambabaeng hand bag (kulay pink) at may babaeng sumisigaw ng “Snatcher! Snatcher!”

Ano iisipin mo?

(a) Yung lalake ay nag-jojoging lang at mahilig siya sa kulay pink na handbag? o

(b) Isa siyang snatcher at dapat mong arestuhin bilang mabuting mamamayan?

Sabi ko sa inyo, common sense lang ang probable cause.

(3)     Ang taong aarestuhin ay nakatakas na preso.

Sentensiyado na yan. Wala nang warrant of arrest na kailangan. Napatunayan na ng korte na gumawa siya ng krimen.

BREAK INTO BUILDING OR ENCLOSURE

Ang taong mag-aaresto ay may karapatang pumasok sa gusali kung naniniwala siya na ang aarestuhin ay nasa loob at ayaw siyang papasukin matapos magpakilala at magpakita ng warrant of arrest.

KARAPATAN NG NAARESTO

Karapatan naman ng naaresto na bisitahin at maka-usap ang kanyang abugado sa anumang oras, araw o gabi.

CONCLUSION

Inuulit ko, walang karapatan ang sinoman ang umaresto sa inyo ng walang warrant of arrest, pwera na lang sa mga exceptional cases na nabanggit ko.

Ipaglaban ang karapatan, huwag aanga-anga.

——————————————–

“There are two kinds of truth. There are real truths, and there are made up truths. [On his arrest for drug use]”
- Marion Barry quotes

Sources: Revised Rules on Criminal Procedure Rule 113; People vs. Tan, G.R. No. 182310, December 9, 2009; Judge Abelita III vs. Doria et al, G.R. No. 170672, August 14, 2009; Valeroso vs. Court of Appeals et al, G.R. No. 164815, September 3, 2009

{ 31 comments… read them below or add one }

xtremus24 January 10, 2010 at 11:00 am

Base ako…. sa wakas…. ang galing tito boy… yan ang gusto ko malaman… may mga gago kasing pulis… hindi naman lahat (excuse my word) na akala nila hawak na nila ang mamayan at makapangyarihan na sila kasi may chapa at baril sila…. Dapat talaga huwag maging anga anga pag batas ipaglaban ang karapatan…
Salamat sa magandang impormasyon… Mabuhay ka…

Time: 1:57pm
Place: Office ( kunti ang work kaya nag bukas nang net….heheh)

Reply

Rob aka Tito Boy January 11, 2010 at 11:26 am

Meron din namang matitino, natatabunan lang sila ng makukulit na pulis hehe. Yung iba bluff lang, kaya pag alam nila na may alam ka, aatras din yan at hindi itutuloy ang pag-arest haha.

Reply

Roger January 10, 2010 at 2:18 pm

hmmmm. :)

pero iba kasi minsan yung nangyayari diba. kahit walang warrant of arrest, inaaresto pa rin. (though hindi naman kasama sa exception)
mga abusadong pulis. tsk!
though minsan o kadalasan, tagasunod lang naman yung mga pulis eh. ginagamit lang sila ng ibang tao.

ako, gusto kong maexperience makulong. kahit isang araw lang. haha :D

Reply

Rob aka Tito Boy January 11, 2010 at 11:27 am

nako, be careful what you wish for ka roger haha

Reply

hey January 20, 2012 at 7:15 am

its not easy makulong kahit isang araw lang na alam mong wala kang kasalana, ang sakit kasi d ko alam ang batas, biktima ako ng mga abusadong pulis dahil alam nila wala akong alam sa batas, tinuloy nila pag arresto sakin kahit walang warrant of arrest at sila na mismo gumawa ng story. kaya wag ka mag wish makulong kahit isang araw lang, panget dun..

Reply

bonistation January 11, 2010 at 3:28 am

the whole truth and nothing but the truth!

ayun naman pala eh. hindi basta basta,at syempre ung popular na mirandan rights? ^^ magandang example sa mga nangyari yung dating kay ted failon, lahat na yata ng klase ng pag aresto dun napanood natin haha!

tanong lang po. yung bail or pyansa po ba saan napupunta? nababawi ba un pag napatunayang walang kasalanan? at kung mapatunayang meron, makukuha padin ba yun?

Reply

Rob aka Tito Boy January 11, 2010 at 11:30 am

bon, reserved sa next post yan haha..
yung kay ted failon talagang garapalan. sabi kasi ng pulis, fresh pa yung incident. pilit nilang pinapasok sa exception na “the crime has just been committed” pero ilang araw na yung incident. kaya yun na sibak sila haha.

Reply

onesounddrum January 11, 2010 at 12:20 pm

another mabuting kaalaman maigi ng tagalog para higit maintindihan..ang cool ni atty noh??..nasubukan ko na ring nakulong dahil sa curfew dito sa aming baryo..kala nila teenager pa lang ko kasi mukha akong bata kahit pilit ko sinabi na adult na ako..atyun binitbit kmi ng mga pulis..hahaha…katakot din humimas ng rehas..viva atty!!

Reply

Rob aka Tito Boy January 12, 2010 at 6:43 am

Thanks onesounddrum. ang masasabi ko lang: ang haba ng name mo. Salamat!

Reply

christine March 6, 2010 at 3:51 pm

pwede ba ikulong ang tao na wala namang na file na kaso o wala pang na file na kaso???

Reply

christine March 6, 2010 at 3:52 pm

pwede ba ikulong ang tao na wala namang na file na kaso o wala pang na file na kaso laban sa kanya???

Reply

Rob aka Tito Boy March 7, 2010 at 4:24 pm

@christine, kapag in flagrante delicto or caught in the act pede hulihin kahit wala pang file na kaso, kasi nga kakapangyari pa lang ng krimen. Pero kung hindi caught in the act at dati pa ang krimen na nangyari, kailangan ng warrant of arrest.

Reply

granger1220 March 6, 2010 at 4:03 pm

Yes. See warrantless arrest up there. This is expressly stated in the bill of rights of the constitution.

Reply

conftradia March 30, 2010 at 8:17 pm

gandang gabi po! sobrang interesting talaga ng site na ito… nagiging wanted rin po ba ang tao kahit hindi nakapatay? kasunod po ba ng warrant of arrest ang pagiging wanted?

Reply

Rob aka Tito Boy March 31, 2010 at 7:46 am

@conftradia, kapag wanted na, ibig sabihin may warrant of arrest na yun. Lahat ng criminal case except those covered by Summary Rules (violation of traffic laws, city ordinance, penalty imposed will not exceed 6 months or fine less than P1000) ay maaring ma-issue-han ng warrant of arrest.

Reply

conftradia March 30, 2010 at 8:24 pm

pano po kung ang subpoena na inissue ng fiscal ay bumalik sa fiscal at hindi natanggap ng defendant didiretso po ba yon sa warrant of arrest?
tnx po!

Reply

Rob aka Tito Boy March 31, 2010 at 7:47 am

@conftradia, Yes tutuloy ang kaso sa korte at maaring magkawarrant of arrest ang akusado.

Reply

conftradia March 31, 2010 at 8:14 am

gud morning Ti to Boy! thank you po. dahil sa site nyo akala ng mga friends ko matalino ako hahaha di nila alam dahil sa inyo kaya marami akong nasasabi. sobrang cool nyo talaga!

Reply

Tito Boy March 31, 2010 at 8:19 am

@conftradia, singilin mo ng consultation fee, hati tayo hehe..

Reply

conftradia March 31, 2010 at 9:06 am

hahaha hindi po ako authorize dba? baka ako makauhan ng pangongotong. san po kayo nakabase? mahal ba ang singil nyo? pano kung gusto kunin service nyo dito kami bats?

Reply

juan April 17, 2010 at 8:24 pm

Sir medyo malabo ata ito:

“At bawat isa sa atin, mayaman o mahirap, ay hindi pwedeng arestuhin ng basta-basta ng walang warrant of arrest. At eto rin ang unang-unang hahanapin mo kapag pinipilit kang damputin ng mga otoridad ng walang dahilan.”

Dito tumatanggi kang sumama dahil walang warrant.

“Kung hindi nadala ang mismong warrant of arrest ay dapat ipakita sa ‘yo matapos kang arestuhin as soon as practicable.”

Pero bakit bakit dito bakit ka sasama kung wala ngang warrant?

Contradicting ata sir?

Reply

Rob aka Tito Boy April 18, 2010 at 7:37 am

Yan ay kung pinilit kang isama, dahil confident ang pulis na may warrant ka at hindi lang niya dala. You can demand sa presinto na ipakita ang warrant immediately upon arrival.

Reply

juan April 22, 2010 at 12:52 pm

Salamat sir. Sa madaling sabi mas mainam na wag sumama kung walang warrant of arrest. At kung sinasabi na nakalimutan lamang at nasa presinto eh di balikan nya at bumalik kapag dala na ang warrant. Mas malaki ang karapatan na tumanggi at huwag sumama hanggang walang warrant. Tama po ba sir?

Reply

Tito Boy April 22, 2010 at 1:21 pm

Tumpak!

Kasi may mga taong alam ng lahat na wanted or may warrant of arrest. Kaya kahit walang dalang papel ang pulis at sigurado siyang wanted yun, huhulihin niya yun. Eto ang tinutukoy ko.

Reply

JBA June 10, 2011 at 11:54 pm

hello po sir.,
ask ko lang kasi kaninang umaga nagulat na lang kami na nandito na sa loob ng apartment namin ang mga pulis. hinahanap ang tita ko at may warrant of arrest daw sila.. pero sa kwarto na namin sila kumatok., humingi sila ng permiso sa may ari ng apartment na pasukin nila ang bahay.. Nagulat kami kasi tulog pa kami nun mga 7:30 ng umaga.. Pero di po nila pinabasa samin yung warrant of arrest.. Tama lang po ba yun.. Salamat po.

Reply

jenelle August 16, 2011 at 5:56 pm

tinalkay nmin kanina yan tungkol sa warrent arrest paano ko massagot ang btakdang aralin ko,tanong kung ang pulis ay nakita ng isang krimen may karapatang ba siyang hulhin kahit wla siyang warrent arrest bkit

Reply

jenelle August 16, 2011 at 6:02 pm

hello :D :P :) :(

Reply

Richard December 21, 2011 at 11:28 pm

ask ko lang po kung ang isang tao is napagkamalang holdaper, riding in tandem, at nahulihan ng deadly weapon..and sinasabing may nagreklamo for robbery hold-up na hindi nagpakita ung nagreklamo tumawag lang sa police, na-inquest na rin po..need po ba nang “warrant of arrest” and kung papyansahan naman po magkano pyansa..

Reply

Amber December 27, 2011 at 8:40 pm

Totoo po yun , may mga gagong pulis. Kahit alam nila ang totoo dahil sa kagustuhan magkapera ng mabilisan kung anu anong kaso ang ikakaso sayo.

Reply

carren baisbas February 14, 2012 at 4:15 am

good morning po tito boy. gusto ko po itanong ung tungkol sa kinaso ng mga pulis sa papa ko. violation 5 act 9165, kc po nung jaunary 9 fiesta po ng quiapo ngpunta po kmeng pamilya sa quipo. nung pauwi na po kame nakatatanggap po kame ng txt galing sa mga kamag anak at kapit bahay nmen na pinasok po yung bahay namen, pagkadating po nmen ng bhay wasak ang pinto namen at nawawala ang mga ibang gamit. ng file po kame ng kaso sa napolcom dahil po sa pagpasok sa bahay nmen, after a couple of weeks my bumaba pong subpoena sa papa ko. at kinasuhan po siya ng mga mga pulis at sinasabing nag buy bust operation daw po sila at nakatakas lang ang papa ko ,meron po silang nhuli na tao at pinalabas na ksama un ng papa ko sec 11 nmn po kinaso nila dun. at hindi po nmen talga kilala un. at npakadami po nmeng testigo sa pagwasak ng pinto nmen at pagpasok ng mga pulis sa bahay nmen ng walang tao. nung nag counter affidavit po kme pinakita nmen ang mga litrato ng pagwasak ng bhay nmen at madami po kemeng testigo, pero lumalabas po na denials lang lahat. ano po ba ang dapat nmen gawin?parang lumalabas pa po na kame pa ang my kasalanan , at ayaw po nameng mbalewala ang ginawa samen ng mga pulis. ang sabi po kc ng fiscal isasubmit na daw po niya un. ano po ba ang ibig sabhin nun? warrant of arrest na po ba ang kasunod nun?nag aalala po ako sa mga posibilidad na mangyari sa papa ko. tapos nanghihingi pa po ang fiscal ng 350,00 at siya na bhal, eh wla nmn po kme ganong pera. natatakot at sobra po akong nag aalala sa pwedeng mangyari, sana po mtulungan niyo ako.. salamat po.

Reply

val February 15, 2012 at 7:27 pm

very informative thanks

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: