Ilang beses ko na sinabi na ang annulment ay iba sa “nullity.” Sa nullity of marriage ang kasal ay void ab initio o walang bisa sa simula pa lang. Ang annulment naman ay patungkol sa voidable marriage o kasal na valid ngunit napawalang bisa kinalaunan.
Ano-ano ba ang mga dahilan para ma-annul ang isang valid na kasal? Tignan maigi baka may pag-asa ka pa.
LACK OF PARENTAL CONSENT
Kapag isa sa mga partidong kinasal ay may edad na 18 below, automatic na walang bisa ang kasal.
Ergo, ang legal na edad para magpakasal ay 18 years old. Pero marahil, naisip nung mga taong bumuo ng Family Code na ang taong nasa edad na 18 hanggang 21 ay likas na malilibog, este, mapupusok.
Kaya kahit 18 anyos na (at hindi lalagpas ng 21) ang edad ng isang tao ay kailangan pa rin ng pahintulot ng magulang o parental consent bago bigyan ng marriage license. Ang marriage license ay isang imporanteng requirement para magpakasal.
Kung hindi makukuha ng parental consent, nakasaad sa batas na ipagpapaliban lang ang pagbibigay ng marriage license ng tatlong (3) buwan. Marahil ay nagbabaka-sakali na sa loob ng panahong ito ay magbago pa ang isip ng ikakasal. Matapos ang 3 buwan, maari pa rin magpakasal ang partido kahit walang parental consent.
Kung naisyuhan ng marriage license bago ang ikatlong buwan, valid pa rin ang kasal. Maaring malintikan lang ang taong taga-Civil Registrar na nag-issue ng marriage license .
Pero kahit valid ang kasal, pwede pa rin itong ipa-annul ng taong hindi kumuha ng parental consent bago siya lumagpas ng edad na 21. Kapag lumagpas siya ng edad na 21, at magkasama pa rin sila ng asawa niya, ibig sabihin nun ay “true love,” aw!
Ang magulang na hindi nagbigay ng kanilang consent ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal sa loob ng limang (5) taon matapos umabot ng edad na 21 ang kanilang anak.
UNSOUND MIND
Kung isa sa mga partido ay may tama at nalaman lamang ito pagkatapos ng kasal (malas), valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa ito pwera na lang kung nagsama pa rin sila matapos matauhan (after coming to reason).
Ang partidong matino o tagapangalaga ng partidong may tama ay maaring ipawalang-bisa ang kasal habang ang isa sa kinasal ay nabubuhay. Ang taong may tama rin ay maari ring magpawalang-bisa ng kasal kapag siya’y natauhan (during a lucid interval or after regaining sanity).
CONSENT OBTAINED BY FRAUD
Kung ang matamis na “oo” ng isa sa partido ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko, valid ang kasal pero maaring mapawalang-bisa. Eto ang mga dahilang:
- Dati pala siyang miyembro ng Batang City Jail pero hindi niya nabanggit sa’yo. (Non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude)
- Hindi sinabi ng babae na siya pala ay buntis sa ibang lalake bago kayo ikasal, dahil nang lumabas ang bata ay singkit samantalang mas malaki pa ang mata mo sa Philippine tarsier.
- May tulo pala si Honey at nalaman mo lang ito kinabukasan pagkatapos ng honeymoon, dahil nahirapan ka nang umihi (Concealment of sexually transmissible disease, regardless of its nature, existing at the time of the marriage)
- Isa palang durugista, sunog-baga, bading o tibo ang asawa mo, samantalang ang press release niya nung mag-syota pa lang kayo ay isa siyang virgin na seminarista. (Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the time of the marriage)
Wala nang ibang klaseng panloloko ang maaring magpawalang-bisa sa kasal bukod sa mga nabanggit. Ang partidong naloko ay may limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal mula sa araw na ito’y kanyang natuklasan.
At kung talagang mahal na mahal ng naloko ang kanyang asawa at ito’y kanyang pinatawad, hindi na niya mapapawalang-bisa ang kasal nila sa mga darating na panahon.
CONSENT OBTAINED BY FORCE, INTIMIDATION OR UNDUE INFLUENCE
Ito ang classic case ng “shotgun wedding.” Nang hindi makuha sa santong dasalan ay dinaan sa santong paspasan.
May limang (5) taon para mapawalang-bisa ang kasal simula nang mawala ang pamumwersa, pananakot o pang-iimpluwensiya.
PHYSICALLY INCAPABLE OF CONSUMMATING THE MARRIAGE
Kung isa sa partido ay hindi kayang makipagtalik dahil hindi tinitigasan.
Alam ko interesado kayo dito, pero bibitinin ko muna para sa mga susunod na post ahihi. May limang taon para pagbigyan ng babae si Manoy para tigasan. Kapag lumagpas ng limang taon ay nakisama pa rin si babae, hindi na ito pwedeng kwestyonin.
INFLICTED BY SERIOUS AND INCURABLE STD
Kung ang isa sa mag-asawa ay nagkaroon ng STD na malala at hindi kayang gamutin tulad ng HIV AIDS.
Eto walang fraud, talagang nagkaroon lang ng STD si mister o misis. Kaso ang malabo, nakalagay sa batas na may limang (5) taon ang partido simula nang kinasal para mapawalang bisa ito.
E paano kung nagka AIDS lang si mister noong ikaanim na taon? Labo diba?
O ano pasok ka ba dito? Bilisan mo baka tapos na ang limang taon mo.
———
“A happy man marries the girl he loves; a happier man loves the girl he marries.”
- Anonymous



{ 45 comments… read them below or add one }
AKO UNA!!!
ganda illustration ni duking. tito boy may natutunan nanaman ako! salamat po
Second lang pero OK na rin.
single ako since birth.. ngayon in a relationship na
pero una pa lang alam ko na.. hindi mangyayari ang ganitong kaguluhan sa kin hihihihii..
*Sir, share ko ulet sa fb ko ha. nakikibasa po mga classmate ko noon.
Leemi happy for you!
Kaya pala puro love quote FB status mo hehe…
Aside from great illustration,the legal interpretation very good too.
Alam mo Tito Boy (makiki Tito na din), natutuwa na akong magbasa dito. Ang dami kong nalalamang shit. Ngayon, alam ko na ang mga panlolokong gagawin ko para mawalang bisa ang valid na kasal. Bwahahahah! Biro lang po.
salbahe ka nga nyahahaha! Marami pang sh*t ang ituturo ko, stay put.
@ salbehe mag-ingat ka sa gagawin mo dahil ang nanloko ay wlang kawala kpag ang isa sa mga partido ng kasal ay naniwala talaga na kayo ay legal na ikinasal kya ang mangyayari sayo ay kulong kna kasal kpa,hahah…
Pwede ako ibilang sa Unsound Mind… kaso lang lampas na ng 5 years… Sayang!
Gusto ko yung quote sa baba, “a happier man loves the girl he marries”
San ka ba dun?
loves the girl he marries o marries the girl he loves?
parang marries the girl he loves… in Filipino, sinasakal yung minamahal! Ouch!
lifetime of either party pag unsound mind, not 5 years
agree ako sayo dito… lifetime!!! Shocks! (realizing) .. unless you do something about it.
Get out or get lost ang drama.
ayos talaga si bossing. biruin mo ang dali mo makakabisado ung mga idea na yan dahil sa 5years.hehehe tnx for the knowledge sir.
Hahaha.pasok ako dito..1yr pa lang ako kasal..hehe.pwd pa pla..
ano naman ground mo? insanity?
Pansin ko may mga picture na mga muka ng tao dito aa.. ako kengkoy pa din ung face ko. ahahah!
punta ka po sa gravatar.com at dun magupload ng pic para lumabas din ang pic mo
pero i agree, kissable ang lips ng gravatar mo…hehehe
ok lang yan asol, kissable lips ka naman sa picture mo
Tito boy, ask ko lang po na mejo off topic, Valid ba yung mga waiver na pinapapirma ng mga organizers sa participants? Pag ba may gross negligence on the part of the organizer, could they still be held liable despite of the participant’s signed waiver?
Tawa ako ng tawa dun sa mas malaki pa ang mata kesa sa tarsier. wala nga yatang kawala dun!
nako. magsi-six years na kaming kasal…ibig sabihin wala nang kawala…ang asawa ko. hahahaha!
meron pa rin depende sa ground if annulment or if the marriage is void ab initio the action does not prescribe
prang si fernando poe and erap yung nasa drawing. kailangan pa pala ng parental consent hahaha. thanks sa info tito boy.
..yung isa si erap, yung isa si fernando poe
..hhhmmmmmm??? sino kaya yung apat?
…maya ko na babasahin, nasa class ako, waheeeehh!!!
si carmina at rustom at loi at susan
ay uu nga si rustom nga ung naka black ^_^
lalake pa xa ^_^
so walang lusot na ipawalang bisa ang kasal kung ang may tama ay ang mga bayaw at mga byenan?
hahaha!
taragis..ang dami namang batas na tatandaan..mas madali ang buhay pag wala na lang kasal.. haha taragis ulit!
tito b pede kanabang magkasal? hihi
pede boni basta ba nakabahag ka sa ceremony
ok ang site na eto. pagpalain sana ng panginoon ang bumobuo nito. marami tayong malalaman.
maari ba etong ipamahagi sa radyo sa pamamagitan ng inyong pangalan para naman sa mga wlang oras at wlang internet tulad ng nasa malayong lugar or sa bundok? kawawa naman sila….
@Jack Jakosalem & Budjong
Welcome! Pwede ito ipamahagi gamit ang text (kaso masakit sa daliri)
Tito boy bakit dumadali intindihin ang mga batas pag dito ko binabasa. Binasa ko po yung family code of the Phil, dito ko lang pala maintindihan ang lahat. More tito boy. Ang galing galing nyo po mag-explain.
kasi tagalog version dito
hello po,
tanung ko lng kasi ngayun ko lng nadiscover na may std ako, 2 na anak namin ni mister at 2005 pa kami kinasal, puwede ko pa ba ifile na leagal grounds yun sa a nnulment? yung hinawaan niya ako ng std?
It depends.
hi po,
ang galing galing nyo po tlaga..
napakadaling intindihin…simula ng mabored ako sa trabaho ko, itong site mo lagi ko pinupuntahan, naaaliw tlaga ko sa pagbasa, at the same time marami pa kong natututunan..
maraming salamat po! God bless!
take 2 po..hehehe..mali yung user name eh..eto tama..:) naexcite sa pag type..:)
hi po,
ang galing galing nyo po tlaga..
napakadaling intindihin…simula ng mabored ako sa trabaho ko, itong site mo lagi ko pinupuntahan, naaaliw tlaga ko sa pagbasa, at the same time marami pa kong natututunan..
maraming salamat po! God bless!
hi po!!!question q lang po panu po ung frend q ung bf po nya nagka-asawa na pero matagal na po hiwalay and walang communication mga 5 years na po!..pwede na po ba mapawalang bisa ang kasal nya?!!!..and san po kya sya belong na case as state above?!!!…tnx po and godbless;)
sir ask ko lang nung kumuha kami ng marriage license ng ex ko kami lang pumunta sa munisipyo we are both 19 that time tapos after a week na release na yun then after a month kinasal kami ask ko lang valid ba ang kasal namin?
ask ko lang po pano kung nadiscover ng husband na 16 lang pla ang wife fake ang birth certificate na ipinakita ano pong maaring ikaso s babae? dba automatic na void ang kasal nila?
Invalid po ba ang kasal kapag pagkatapos ng kasal hindi kayo nagsama? Ilang taon po ba ang kakailanganin para duon?
Hi!
I need your advice. Sapat ba na dahilan ang pagpapahiya at paninira ng partner ko para mapawalang bisa ang aming kasal namin? Kakakasal lang namin last year and after the wedding hindi po kami nagsama until now. If ever ano pong pwede na e file ko para mapawalang bisa ang kasal namin? Pasok po ba eto sa psychological incapacity?
Looking forward to your advice.
Thanks.
Margie