ADDENDUM: PASKO=PERA

by Rob aka Tito Boy on December 22, 2009

NAIS KO PONG IHABOL na ang Holiday Pay at overtime pay ay hindi ina-apply sa mga sumusunod na manggagawa:

1. Taong gobyerno – Ibang batas ang sumasaklaw sa kanila at hindi ang Labor Code na para sa pribadong manggagawa.

2. Managerial employees – Silang ang gumagawa ng mga bagay at desisyon para sa management kaya inaasahan din na sila ay magtrabaho ng lagpas sa 8 oras at kahit holiday. At saka syempre inaasahang malaki rin ang kanilang sahod at mga ibang bonuses na mag-compensate dito.

3. Namamasukan sa bahay -  Sige subukan mong bigyan ng overtime ang katulong mo kundi ka mamulubi.

4. Manggagawang binabayaran base sa resulta ng kanilang gawa (workers paid by results) – Dahil hindi oras ang basehan ng bayad sa kanila kundi sa resulta.

5. Field personnel – Empleyadong hindi pang-agrikultura na laging ginagawa ang trabaho sa labas ng opisina at hindi malaman ang aktuwal na oras ng kanilang trabaho. Hindi mo kasi alam kung nagtatrabaho siya o nanonood lang ng sine, kaya mahirap bigyan ng overtime or Holiday pay.

NGAYON, ang tanong kung hindi ka kabilang dito at may pakiramdam ka na hindi ka nababayaran ng tama sa overtime at holiday pay, ano ang gagawin mo?

1. Puntahan muna ang human resource department o accounting department ng pinapasukan at tanungin paano kinukwenta ang bayad sayo. Baka naman talagang mali lang sila at hindi naman sinasadyang dayain ka.

Refer to this page:  Gov’t issues pay rules for holidays

2. Kung ayaw ka pa rin pakinggan, pwede ka dumeretso sa NLRC sa Banawe o sa malapit na DOLE Regional Office para magreklamo. Fill-up ka lang ng form doon. Walang bayad ‘yun. Tignan mo ang post ko sa “IM NOT FIRED, COZ YOU’RE SUED!”.

3. Hanggang sulat lang ng blog ang pede kong gawin sa ngayon at nasa inyong  mga kamay pa rin para ipaglaban ang inyong mga karapatan.

Maraming Salamat at Maperang Pasko!

——————–

“You are a human being.  You have rights inherent in that reality.  You have dignity and worth that exists prior to law.”

- Lyn Beth Neylon

{ 7 comments… read them below or add one }

naglalambingnacute December 22, 2009 at 4:18 am

hmmmm galing po! salamat uli dito sa entry nyo na ito.. syempre hindi po ako kasali sa mga nabanggit dyan na exempted … haizz ang hirap naman mag reklamo kasi mahirap magka trabaho ..

anyways salamat po atleast nagiging aware kami sa tamang batas :)

Reply

louie December 7, 2010 at 9:49 am

hi ganda mo ska ganda din ng mga estorya na tag mo..kep 8 up…im her to support go go go lng s lyf

Reply

xtremus24 December 22, 2009 at 4:50 am

Maraming salamat tito boy… dami ko na namang natutunan…. minsa topic mo naman tungko sa mga OFW…. God Bless….at Merry Christmas…..

Reply

Tito Boy December 22, 2009 at 5:06 am

Ok xtremus24 sa mga susunod na post. Salamat sa pagbisita.

@lambinggirl, naiintindihan kita, may araw din yang mga yan hehe..

Reply

Babs December 23, 2009 at 2:55 am

wow.! ang laking tulong nito sa mga manggagawang pinoy.. isang napaka AMAZING na christmas gift.! maligayang pasko po.!

Reply

Jag December 23, 2009 at 4:08 pm

Nice one on this! I learnt something…

Happy holidays!

Reply

joan cabras August 21, 2012 at 8:43 am

Hi po.. just want to say thank you for posting this topic on your blog. Marami po talaga ako natututunan dito sa site niyo po. Very amazing po talaga! kasi very informative..

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: