QUITS NA!

by Tito Boy on May 6, 2012

Marami ka bang utang?

Kaliwa’t kanan ba ang sumisingil sayong mga credit card companies na halos murahin ka araw-araw dahil sa wala kang pambayad?

Gusto mo bang mawala na lahat ng utang mo at mawala na rin ang mga makukulit na kolektor na pinepeste ka sa text, tawag sa telepono na daig pa ang bumbay?

Na discuss na ‘to dati sa post na Bankrupt, ngunit dahil sa nagbago ang batas, nais ko rin i-update ang aking post tungkol sa voluntary insolvency.

Dahil sa daling kumuha ng credit card ngayon, lahat na lang meron. Ang mahirap dun, tingin ng mga pinoy sa credit card e christmas bonus. Kaskas dito, kaskas doon. Hindi iniisip kung may pambayad o wala, basta may bagong cellphone. Bahala na si Batman.

Pagdating ng singilan, yun kanya-kanyang tago. Yung iba, pilit na binabayaran at halos wala nang sinusweldo kada kinsenas. Kapag may emergency, yun uutang ulit.  Hanggang sa isang araw, wala na siyang ginagawa sa buhay kundi magbayad ng utang.

Kung isa ka sa nabanggit, gusto mo bang magbagong buhay? Gusto mo bang magsimula ulit na walang utang?

Pwes, pwede kang mag-file ng petisyon sa korte upang ideklara kang insolvent.

http://66.147.244.58/~financz2/wp-content/uploads/2011/03/2009-03-23-bankrupt.gif

 

[Ipagpatuloy…]

{ 16 comments }

TULOY ANG TAMBAY!

April 28, 2012

Bagansiya. Kung merong silbi ang mga barangay tanod, eto na yun. Eto ang kanilang “expertise.”  Kung baga sa academe, ang mga barangay tanod natin ang  mga “Bagansiya Emeritus.” Para sa mga hindi pa nababagansiya, eto yung bigla ka at mga barkada mong pagdadamputin sa daan kapag pakalat-kalat kayo ng madaling araw ng mga mighty tanods equipped [...]

8 comments Read the full article →

IN GOOD FAITH

February 15, 2012

Na-nulllify na ang kasal ni Kris kay James Yap. Base sa bibig ni Kris (oo lahat naman nanggagaling doon), hindi daw nila alam na hindi katolikong pari ang nagkasal kaya walang daw authority ang solemnizing officer. Ayon sa Art. 3 ng Family Code (FC), isa sa formal requisites ng kasal ay “(1) authority of the [...]

21 comments Read the full article →

OLD SCHOOLED

January 24, 2012

Eto ang wrap-up ng unang linggo ng impeachment trial. Dito sa panyero.net, titignan natin ang mga lumabas na issue at tatalakayan natin ukol sa pagkakaintindi ng ordinaryong tao labas sa teknikalidad ng masalimuot na proseso: 1) Old-school defense. Literally and figuratively. Ang mga abugadong katulad ni Former SC Justice Serafin Cuevas ay ang tinatawag nating [...]

9 comments Read the full article →

PRIMER ON THE IMPEACHMENT TRIAL OF CJ CORONA

January 16, 2012

Bago magsimula ang kina-aabangang impeachment trial ni CJ Corona na tatalo sa mga soap operas at drama-rama sa hapon, alamin muna ang mga panuntunan ng impeachment court. Dito ay hindi tayo magmumukhang tanga habang nanonood at maari ka pang maging commentator slash, resource person slash, expert sa iyong tahanan, opisina at pinakamalapit na tindahan. Para [...]

15 comments Read the full article →